Chapter 5

2271 Words
ACALLY Nadatnan ko na nakabukas ang pintuan ng apartment na tinutuluyan namin ni Mc at hindi ko inaasahan na narito pa rin pala naghihintay sa akin ang manlolokong si Fhil. Ang akala ko kasi ay umalis na siya kanina matapos malaman na wala ako sa loob ng bahay. "Mabuti naman umuwi ka na," sabi ni Fhil ng makita niyang pumasok ako. Para siyang may-ari ng bahay na prenteng nakaupo sa sofa. Wala pa si Mc dahil dumaan siya sa tindahan para bumili ng isaw. Gusto ko sana siyang hintayin na lang pero hindi na ako nakatiis dahil kanina pa ako nagpipigil ng ihi sa bus. "Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ko kay Fhil. "Hinihintay kitang umuwi. Saan ka galing at bakit ngayon ka lang?" tanong ng lalaking naabutan ko. Ang kapal ng mukha niyang magtanong na para bang may karapatan pa siya sa akin gaya ng malimit na ginagawa niya noon. Inis na tinalikuran ko si Fhil at mabilis na pumasok sa banyo. Alam ko na nakasunod siya sa akin dahil nakita ko siya nang isara ang pintuan. Kinakabahan man ay lumabas ako sa banyo matapos umihi. Kailangan kong harapin si Fhil. Nandito na kami sa sitwasyon na ito kaya wala na akong takas sa kanya. Kung alam ko lang na nandito pa pala si Fhil ay nakinig sana ako sa sinabi ni Mc na dumaan muna sa barangay o kaya sa police station. Kung bakit ngayon pa ako inabutan ng pagpipigil kaya heto tuloy at pinagsisisihan ko ang desisyon na umuwi muna dito sa apartment at gumamit ng banyo bago pumunta doon at mag-report. Nadatnan kong balisang naghihintay si Fhil sa labas ng pintuan nang lumabas ako. Para siyang maamong tupa ngayon na akala mo ay walang kakayahan na gumawa ng kasalanan sa akin kung umakto sa harapan ko. B"I'm sorry, babe." Narinig kong sabi ni Fhil mula sa likuran ko. Nanigas ang katawan ko ng biglang pumulupot ang mga braso niya sa bewang ko at niyakap ako. "I'm sorry kung nakita mo ako sa gano'ng tagpo. Believe me, mahal na mahal kita at handa akong gawin ang lahat para mapatawad mo lang ako at pumayag na magpakasal tayo," garalgal na paliwanag ni Fhil habang yakap ako ng mahigpit. "Please, patawarin mo ako. Hindi mo matatanggap kung makikipaghiwalay ka sa akin. Mababaliw ako kapag iniwan mo ako." Kagat ang pang-ibabang labi na pinilit kong makawala sa kanya. Ginawa ko ang lahat para matanggal ang kanyang mga braso na nakapulupot sa bewang ko dahil nandidiri akong madikit sa makati niyang katawan. "Tama na, Fhil. Hindi ka pa ba tapos na saktan ako? Hindi pa ba sapat na niloko mo ako?" nanunumbat na tanong ko sa kanya. "Believe me, nadala lang ako sa tukso. Inakit lang ako ng babaeng iyon kaya nangyari yun," mabilis na katwiran ni Fhil. Salubong ang kilay na tiningnan ko siya ng masama. "Kung talagang mahal mo ako ay hindi mo gagawin yun, Fhil. Pinili mong lokohin ako dahil ginusto mo." Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ang muling paghakbang ni Fhil palapit sa akin pero umatras ako. Hindi ko hahayaan na mahawakan niya akong muli dahil sariwa pa sa isipan ko ang lahat. "Ano pa ba ang gusto mo, Acally?” matigas na tanong ni Fhil sa akin. “Ginagawa ko na ang lahat para maayos tayo… na bumalik tayo sa dati pero bakit ayaw mo akong patawarin?" Ramdam ko ang pagbabago sa emosyon ng lalaking kaharap ko pero nakikita ko na nagpipigil siyang hawakan ako. "Pinagbigyan kita at sinunod ko ang gusto mo. Hindi kita pinilit na ibigay sa akin ang virginity mo, kaya huwag mo akong sumbatan kung bakit hinanap ko sa iba ang bagay na dapat ay responsibilidad mo bilang girlfriend ko," galit at nanunumbat na sabi ni Fhil. Hindi ako nakapagpigil at nasampal ko siya. Kumukulo ang dugo ko sa lintek na katwiran niya, kaya lumabas ang itinatago kong sungay ngayon. "Huwag mo akong sumbatan at lalong sisihin kung bakit ka nagloko at nambabae. Kung iyon lang pala ang habol mo, sana ay matagal mo ng sinabi ng maputol ko na ang pesteng relasyon na meron tayo!" nakakuyom ang kamao at malakas na singhal ko sa kanya. Nakita ko kung paano nagulat si Fhil sa ginawa ko at maging sa nakikita niyang galit na namuo sa mga mata ko. "Umalis ka na!" galit na bulyaw ko. Bumalatay sa mukha ni Fhil ang kakaibang emosyon pero wala na akong pakialam. Ang tanging gusto ko ay umalis na siya at huwag ng bumalik kahit kailan. "Hindi ako aalis, Acally. Ayokong umalis ng hindi tayo nagkakaayos." Bigla ay lumambot ang kanina lang ay matigas na ekspresyon ni Fhil matapos niyang makita kung gaano ako ka-seryoso. "Hindi mo na ba ako mahal?" puno ng emosyon na tanong niya sa akin. Nakatitig ako sa kanyang mga mata habang umiiling. Hindi ko hahayaan na madala ako sa emosyon na nakikita ko kay Fhil dahil buo na ang pasya ko. Niloko na niya ako at mahirap ng ibalik sa dati ang tiwala ko. Alam ko na gawin man ni Fhil ang lahat ay hindi na magbabago iyon sa paningin ko. Ang sinungaling ay kapatid ng manloloko. Paulit-ulit niya akong sasaktan kung ngayon pa lang ay hahayaan ko siyang gawin iyon. "Makakaalis ka na," matigas na sabi ko kay Fhil sabay turo sa pintuan. Sa narinig ay biglang nagbago ang emosyon sa mga mata ni Fhil. Bigla niya akong sinunggaban kaya napasigaw ako. Hindi ko inaasahan ang pagsabunot niya sa buhok ko kaya napatingala ako sa kanya at hindi nakaiwas nang sunggaban niya ang mga labi ko at siniil ng halik. Halik na mapangahas, pilit at mapanakit. Wala akong nararamdaman na kahit anong pagmamahal kung paano niya ako halikan ngayon. His determine na pilitin ako, kaya hindi ko siya hahayaan na magtagumpay. May naabot akong matigas na bagay. Hinawakan ko ito ng mahigpit at ubod lakas na pinalo sa ulo ni Fhil. Natigilan si Fhil at lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin kaya sinamantala ko ito. Hinampas ko siya ulit hanggang sa tuluyang mabitawan ako. Sinamantala ko ang pagkakataon at kumuha ako ng bagay na magagamit ko para protektahan ang sa sarili. Binato ko sa kanya ang lahat ng nahawakan ko at walang pakialam kahit masaktan si Fhil. "Punyeta! Tigilan mo iyan!" malakas na sigaw ni Fhil, habang sinasalag ang bawat bagay na binabato ko sa kanya. "You witch!" Galit na minumura ako ni Fhil pero wala na akong pakialam. Pinagbabato ko siya ng mga bagay na naabot ng kamay ko kahit alam kong mababasag ang mga plato, baso, kasama na ang lahat ng bagay na narito sa kusina para hindi siya magtagumpay na lapitan ako at gawan ng masama. Kung sana ay baliktad kami ng posisyon ay mabilis akong makakatakbo palabas, pero dahil nakaharang siya sa may pintuan ay talo ako. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay manlaban habang nanalangin na dumating na ang kaibigan ko o kaya naman ay may tumulong na kapitbahay, kahit alam kong imposible dahil sanay na sila na may mga mag-asawa ang nag-aaway at nagbabatuhan tulad nito araw-araw. Napalunok ako dahil wala na akong makitang bagay na pwede kong ibato kay Fhil. Madilim ang kanyang mukha at matalim ang mga matang nakatingin sa akin kaya alam kong nanganganib ngayon ang buhay ko sa kanyang mga kamay. Kuyom ang kamao na lumapit siya sa akin habang hindi inaalis ang matalim na titig sa mga mata ko. "Inunawa kita dahil mahal na mahal kita pero sumosobra ka na," mariin na sabi ni Fhil. Kinabahan na tumingin ako sa kaniya at hindi ko na napigilan ang luhang kumawala sa mga mata ko. "Hindi mo ako mahal, Fhil, dahil kung totoong mahal mo nga ako ay hindi mo ako sasaktan ng paulit-ulit," nanghihina na sabi ko dahil na-korner na niya ako. Nakita ko kung paano nagbago at lumambot ang madilim na awra ni Fhil matapos niyang marinig ang sinabi ko. Nakakatakot ang biglaang pagbabago ng emosyon ni Fhil may something sa kaniya na hindi ko matukoy kung ano. Pra bang may ibang kahulugan ang nakikita kong pagkatao niya pero ako man ay naguguluhan. Nanlaki ang mga mata ko nang sakalin ako ni Fhil habang nanlilisik ang kanyang mga mata. "Demonyo ka! Kaya dapat kitang patayin!" Tila nababaliw na sigaw ni Fhil habang mahigpit na sakal ako sa leeg. Kanina lang ay nakita ko kung paano siya naawa sa kalagayan ko pero bakit bigla siyang nag-iba? Hirap akong makahinga habang mahigpit na hawak at sakal ni Fhil sa leeg ko. Tuluyang nanlalabo ang mga mata ko dala ng masaganang luhang pumapatak sa pisngi ko, pero wala akong nakitang katiting na awa mula sa kanya. Laking pasasalamat ko na lang ng natauhan siya at pa-atras na binitawan ako. "I'm sorry, hindi ko sinasadya," tila naguguluhan na sabi ni Fhil habang umiiling at sabunot ng dalawang mga kamay ang buhok. Wala akong nagawa kung 'di ang umiyak ng malakas habang nanghihina at pasalampak na bumagsak sa sahig. Kaunting minuto na lang sana kung hindi siya natauhan ay wala na ako dito sa mundo. "Anong nangyayari dito?" Malakas na tanong ni Mc. Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako. "Anong ginawa mo kay Acally, Fhil?" matigas at galit na tanong ng kaibigan ko. "Hindi ko alam," wala sa sariling sagot ng lalaking hindi malaman ang gagawin sa harap namin. Malungkot ang mga mata na nakatingin ako kay Fhil. Mukhang may problema siya sa pag-iisip kaya pabago-bago ang kanyang emosyon. "Umalis ka na dito, Fhil, bago ka pa abutan ng mga pulis!" Banta ni Mc, pero mukhang hindi naging maganda ang resulta nito sa pandinig ng lalaking kaharap namin. "Wala akong pakialam. Akin si Acally at walang ibang pwedeng kumuha at umangkin sa kaniya maliban sa akin," puno ng determinasyon na sagot niya kay Mc. "Kahit kailan ay hindi ako magiging sa iyo, Fhil. Baka nakakalimutan mo na niloko mo ako," nanghihina na sagot ko. "Marami akong naging babae, pero ikaw ang gusto ko. Kaya kong humanap ng mga babaeng bubukaka sa harapan ko sa isang tawag ko lang pero ikaw ang pinili ko,” nanlilisik ang mga matang sagot ni Fhil. Ngumisi pa siya at pinasadahan ng mga mata ang buong katawan ko. “Huwag kang mag-alala, kapag natikman na kita at nagsawa na ako sa iyo ay maging malaya ka na." Ilang segundo lang ang nakalipas ay nagmamakaawa siya sa akin at sinasabing mahal na mahal ako, tapos ngayon ay harapan niyang pinapamukha kung paano niya ako niloko at kung anong klase siyang tao. Mali ako na minahal at pinagkatiwalaan ko si Fhil. "Subukan mo, magkakamatayan muna tayo dito bago mo magawa ang gusto mo," matigas na sagot ko habang unti-unting tumayo. Hindi ito ang oras para umiyak sa harapan niya at maging mahina. "Akala mo ba ay baliw na baliw ako sa iyo?” naka-ngising tanong ni Fhil s akin. “Mali ka! Mahal kita at ikaw ang babaeng nakikita kong pwedeng maging asawa. Marami akong natikman pero iba ka. Halik pa lang ay nag-iinit na agad ako pero dahil ayaw mo pang makipag-s*x kaya sa iba ko ito ginagawa!" Parang baliw na sigaw ni Fhil. "Akala mo ba ay hindi kita kayang palitan?” muling tanong niya sa akin pero hindi ko sinagot. “Virgin ka lang kaya hinihintay ko na makasal tayo para makuha ko ang premyo ko, pero sa nangyari ay hindi na natin kailangang umabot doon," sabi nito saka parang si hudas na dinilaan ang pang-itaas na labi. Laking pagsisisi ko na nagtiwala ako sa animal na ito. Kung alam ko lang na ganito siya kawalang-hiya ay matagal ko na sana siyang binura sa buhay ko. "Doon ka na lang maglabas ng libog sa mga babae mo at huwag mo na ulit guguluhin ang buhay ng kaibigan ko!" Malakas na bulyaw ni Mc kay Fhil. Nginisihan niya kami at parang demonyong ngumiti sa akin. "Mangyayari 'yan, pero kukunin ko muna ang para sa akin." Akmang hahalikan ako ni Fhil pero hindi niya inaasahan ang pagtama ng tuhod ko sa gitna ng kanyang hita. Namilipit siya sa sakit habang sapo ang nasaktan na pagkalalakî. Mabilis na hinatak ko si Mc palabas pero hinawakan ni Fhil ang kanang paa ko kaya bumagsak ako pasalampak sa sahig. "Humingi ka ng tulong sa labas, Mc!" malakas na sigaw ko sa natataranta na kaibigan ko. Dinaganan agad ako ni Fhil kaya hindi ko na nakita ang kaibigan ko dahil napunta sa kanya ang atensyon ko. "Alam mo bang masarap at magaling sila sa kama, pero maraming pagkakataon na habang tinitira ko sila ay ikaw ang nasa isip ko," bulong ni Fhil sa punong tenga ko at pagkatapos ay walang pakundangan na sinunggaban niya ang leeg ko habang panay ang panlaban ko. Nanganganib ako kay Fhil pero sa pagkakataon na ito ay wala akong magawa. Bukod sa nakadagan ang malaki niyang katawan sa ibabaw ko ay hindi ako makakilos dahil mahigpit na hawak nito ang dalawang kamay ko. Naramdaman ko ang malakas na puwersang humampas sa katawan ng lalaking nasa ibabaw ko. Nakita kong nakatayo ang kaibigan ko, hawak ang mahabang tipak ng kahoy na pinanghampas pala niya sa ulo ni Fhil kaya ngayon ay lupaypay na nakadagan sa akin. Sa ganitong tagpo kami inabutan ng mga pulis. May tumawag pala sa kanila at sinabing may nangyayari gulo sa loob ng apartment namin ng kaibigan ko. Agad na niyakap ko si Mc habang malakas ang kabog ng dibdib ko at nanginginig ang buong katawan. Kaunti na lang sana ay napahamak na ako kung wala sa tabi ko ang kaibigan ko. Laking pasasalamat ko sa Panginoon dahil hindi niya hinayaan na magtagumpay si Fhil na gawan ako ng masama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD