ACALLY
Mabilis na lumipas ang tatlong buwan. Umalis na ako sa apartment at ngayon ay dito na nakatira sa hostel ng bagong kompanyang pinapasukan ko.
Laking pasasalamat ko na natanggap agad ako bilang flowers decorator at assistant ng isa sa malaking flower shop dito sa Makati.
Tinulungan rin kami ng pinsan ni Mc na makaalis sa dating apartment na aming tinutuluyan.
Hindi lingid sa akin na ilang ulit na bumalik doon si Fhil para hanapin ako, pero hindi niya ako nakita dahil nakaalis agad kami ni Mc.
Mabuti na lamang at kahit paano ay nagkasya kami noon sa maliit na boarding house na tinutuluyan ng pinsan ni Mc nang umalis kami sa apartment at doon pansamantalang nakituloy.
Malayo ang narating ng isipan ko nang lumapit sa akin ang manager namin dito sa flower shop.
"May problema tayo sa delivery, Ally. Please tawagan mo si Mrs. Lim at sabihin mo sa kanya na ipapahatid na lang natin ang mga kulang sa delivery,” mabilis na utos sa akin ng boss ko.
“Si Agnes ang kumuha ng order niya. Hindi maayos ang listahan na binigay sa akin ng babaeng 'yon bago umabsent," inis na sabi pa ng boss ko habang hinihilot ang sintido.
Kilala ko kasi si Mrs. Lim. Sa tatlong buwan na pagtatrabaho ko dito sa flower shop ay isa siya sa top client namin, pero napakamaselan ng taong iyon. Gusto niya na perfect ang arrangements ayon sa preference niya.
Kung bakit ngayon pa pumalpak si Agnes kung kailan may special event si Mrs. Lim na naka-schedule mamayang gabi.
"Hindi natin pwedeng pabayaan na mawala sa atin si Mrs. Lim," panay ang hilot sa sintido na sabi ni Ms. Macy, habang pabalik-balik na naglalakad sa harap ko.
"Ano po ang gagawin natin?" hindi nakatiis na tanong ko.
Alam ko na labis siyang nag-aalala dahil minsan na kaming nakaranas ng matinding resbak ni Mrs. Lim ng magalit ito dahil sa hindi nagustuhan ang delivery na natanggap nito.
"Any idea?" frustrated na tanong ni Ms. Macy.
I know we can't afford to lose her at this time. Sa sitwasyon at kalagayan ng flower shop gayon ay sigurado akong malaki ang magiging impact nito, oras na tuluyan siyang tumigil sa pag-order ng mga mamahaling bulaklak sa amin.
Mahina ang sales ngayon dahil affected kami ng pandemic. Mabuti na lamang at kahit kumakalat ngayon ang virus ay nanatiling nakatayo at bukas pa rin ang shop pero more on delivery na lang kami.
Ito ang dahilan kaya dito na rin ako nakatira kasama si Mc. Kasalukuyang nasa loob ang kaibigan ko at siyang nag-aarrange sa settings ng mga bulaklak na order sa amin online.
Kung bakit kasi hanggang ngayon ay hindi pa matapos-tapos ang isyu ng covid. Nawalan tuloy kami ng kalayaan at marami ang naapektuhan sa bagong policy dahil na rin sa hindi kami pwedeng basta na lang lumabas.
Kung hindi kami nakatira ngayon sa premises ng flowers shop ay baka pati kami ay tuluyan ng nawalan ng trabaho.
Malaking bagay talaga na online na ang booking ng mga orders at p*****t kaya hindi kami nahihirapan, pero dahil tamad at iresponsable ang isa sa mga kasamahan ko kaya nagka-lokoloko ang delivery kanina kay Mrs. Lim.
"Tatawagan ko po si Mrs. Lim. Baka maihabol pa natin ang mga order niyang wala pa sa list," suhestiyon ko sa problemadong manager na kausap ko.
"Yes please, do it, Ally," pakiusap nito.
Kahit malakas ang kabog ng dibdib ko ay tinawagan ko si Mrs. Lim. Naglakas loob lang ako dahil hindi rin ako sigurado sa magiging outcome ng tawag na gagawin ko.
"Yes, hello?" mabilis na sagot ng taong pakay ko sa kabilang linya.
"Hi, Mrs. Lim. My apologies for calling you at this hour. I'm Acally from Sweet Stems Flower Shop," mabilis na pakilala ko, pero hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mataray na sumabad ito.
"I don't need your f*****g lame excuses. Deliver my order as soon as possible, and we're settled!" Mataray na bulyaw nito sa mula sa kabilang linya.
Ramdam ko kung paano nanigas at napatayo ng tuwid si Miss Macy sa tabi ko matapos marinig ang sinabi ng kausap ko.
Nang tumango siya, katunayan na pwede akong umayon sa gusto ni Mrs. Lim ay sumagot ako.
"Yes, ma'am, we're going to settle and deliver everything, but my apologies that we're not able to do it on time," kinakabahan na sagot ko.
"What's your name again?" tanong ni Mrs. Lim mula sa kabilang linya.
"Acally, ma'am," agad na sagot ko.
"Fine, pagbibigyan kita this time since you guys never failed to do my request before but remember, this is the last time," seryosong sabi ng kausap ko.
Nakahinga ako ng maluwag. Laking pasasalamat ko na pumayag si Mrs. Lim dahil mahirap siyang kumbinsihin.
"Thank you so much, ma'am," puno ng pasasalamat na sagot ko.
"You have two hours to deliver it before my boss throws me out of his office," banta nito.
Kinakabahan ako, hindi lang pala flower shop ang nakasalalay sa delivery na ito kung 'di pati trabaho ng taong kausap ko.
"Yes, ma'am, thank you," magalang na sabi ko at mabilis na nagpaalam.
Pumasok agad kami sa loob ng packing and arrangements room kung saan ginagawa ng mga ka-trabaho namin ang design na ni-request ni Mrs. Lim.
"Kumusta ang arrangements?" tanong ni Miss Macy kay Mc.
"Tatlong set na lang po, ma'am, at pwede na po nating i-deliver," sagot ng kaibigan ko.
"Guys, please make sure na maayos ang arrangements n'yo. Ayaw kong mapahiya tayo sa may-ari ng account na ito," sabi ni ni Miss Macy na tumulong na rin sa amin.
Lahat kami ay abala. Maging ako ay ginagawa ko na rin ang isang set, habang sa dulo naman ay mabilis na nilalagay sa kahon ang mga bulaklak na finished product namin na siyang ihahatid sa office address ni Mrs. Lim.
"Done,” natutuwang sabi ko. Kasabay kong natapos si Mc, pati na rin si Angel na kasamahan din namin dito sa shop.
Patakbo naming isinakay sa loob ng van ang mga kaho. Bukas na ang makina at naghihintay na si Kuya Andy, ang driver na maghahatid nito sa address ni Mrs. Lim.
Basta na lang ako sumakay suot ang simpleng jeans at pink na uniform na t-shirt ka-partner ng doll shoes na suot ko.
Mas prefer ko kasi ang flat shoes dahil may mga pagkakataong gaya ngayon na talagang madalian ang bawat delivery namin.
Kung hindi sana pumalpak si Agnes sana'y wala ako sa sitwasyong ito ngayon.
Mabuti na lang at may suklay na sa loob ng van kaya nakapag-suklay naman ako.
Madalas ko itong iwan dito, kasama ng lip gloss dahil maraming pagkakataon na dito na ako sa loob ng van nagsusuklay at nag-aayos ng kaunti para mukha naman akong taong haharap sa mga kliyente namin.
"Kahit hindi ka na mag-ayos ay maganda ka pa rin, Ally," nakangiting sabi ni Kuya Andy habang nagmamaneho.
Napangiti tuloy ako. "Bolero ka talaga, kuya," natatawang sagot ko, pero nginisihan ako ni Kuya Andy.
“Hindi malabo ang mata ko, Ally, kaya totoo ang sinasabi ko.”
Natawa tuloy ako dahil ayaw niyang paawat. Wala akong nakikitang malisya sa sinabi ni Kuya Andy dahil nakikita ko naman kung paano niya kami nirerespeto.
Actually, medyo distant pa rin talaga ako sa kahit na sinong lalaki, lalo na sa mga mababait sa harap ko dahil na-trauma ako ng husto sa ginawa sa akin ni Fhil.
Mabuti na lamang at hindi ma-traffic sa daan kaya mabilis na narating namin ang matayog na building na nakalagay sa delivery address ni Mrs. Lim.
Bumaba agad ako sa sasakyan at pumunta sa lobby, habang isa-isa namang ibinababa ni Kuya Andy ang mga dala naming kahon.
"Good morning. Ako po si Acally from Sweet Stems Flower Shop. I have a delivery for Mrs. Gina Lim," mabilis na sabi ko sa receptionist na kaharap ko.
Tiningnan lang ako nito at inabot ang order slip na hawak ko at pagkatapos ay mabilis na dinampot ang telepono at nag-dial para marahil kumparmahin ang sinabi ko.
"Umakyat na kayo. Thirty-seven floor side B. Pagdating doon, inform mo na lang sa receptionist ng floor ang sadya mo," sabi ng babaeng kaharap ko. Hiningi niya ang ID ko at pinapirma ako.
Ngumiti ako sa receptionist at nagpasalamat. Kasama si Kuya Andy ay binuhat namin ang mga kahon at mabilis na pumasok sa elevator.
Hindi nagtagal ay narating namin ang palapag na sadya namin. May babaeng sumalubong sa amin at agad kaming sinamahan sa taong sadya ko.
"Ma'am, narito na po ang balance namin sa mga bulaklak na order mo," magalang na sabi ko kay Mrs. Lim.
Inutusan niyang buksan ng kasama ko ang mga kahon para tiningnan kung tama ang dala namin.
Nakita ko ang relief sa mukha ni Mrs. Lim matapos niyang makita ang mga bulaklak sa kanyang harapan.
Ngumiti siya sa akin at tinapik ako sa balikat. "You saved me from my possibly horrible day today."
Mukhang nakakatakot ang boss ni Mrs. Lim dahil hindi maitago ang kabang nararamdaman niya na baka masibak siya sa trabaho nang dahil lamang sa nagkaroon kami ng problema sa delivery ng mga bulaklak.
Malupit talaga kung minsan ang mga mayayaman. Basta sinabi nila ay kailangang masunod at kapag hindi nangyari ang gusto nila ay tatanggalin nila agad sa trabaho ang kawawang empleyado.
"Sa susunod ay ikaw na ang tatawagan ko kapag may order ako," nakangiti sabi sa akin ni Mrs. Lim.
Nawala ang masungit na impression ko sa kan'ya kanina. Siguro ay firm lang talaga siya sa schedule dahil may boss pala siyang kinatatakutan na baka tanggalan siya ng trabaho.
"Salamat, ma'am. Hanapin mo lang po ako anytime na tatawag ka sa shop," nakangiting sagot ko.
Nauunawaan ko na kung bakit maselan si Mrs. Lim. Mukhang mabait naman siya basta maayos ang usapan.
"Heto ang cheque. Full amount na iyan.”
Inabot ko ito at tiningnan ang nakasulat sa papel na hawak ko.
“Salamat ulit, Acally," may ngiti sa labi na sabi ni Mrs. Lim ng mag-paalam ako sa kanya.
Alam ko kasi na busy siya dahil may event daw na magaganap mamaya, kaya na-stressed siya kanina dahil nagkaroon ng aberya sa order niya sa amin.
Magaan ang loob na lumabas ako sa opisina ni Mrs. Lim at nakangiting lumapit sa naghihintay na si Kuya Andy.
"Successful, kuya," natutuwa at proud na sabi ko sa kanya, sabay taas ng puting envelope na hawak ko.
Napangiti rin si Kuya Andy ng makita niya kung ano ang hawak ko. "Ang galing mo talagang bata ka. Bilib na ako sa diskarte mo."
Ngumiti ako sa kanya at agad pumasok sa elevator. Sa uri ng trabaho namin ay oras talaga ang kalaban, lalo na kapag may biglang delivery katulad ng nangyari ngayon kaya nasanay na ako.
Natuto na akong kumilos ng mabilis, bagay na ikinatuwa ko dahil nagkaroon ako ng malaking improvement.
"Kuya, kailangan kong gumamit ng banyo. Naiihi ako po ako," walang alinlangan na sabi ko.
Kung titiisin ko kasi ito ay imposible na umabot pa ako sa flower shop dahil malayo ang lugar
"Sa dulo nitong daan ay may shopping mall. Pwede kang bumaba doon at gumamit ng banyo," sabi ni Kuya Andy habang palabas kami ng lobby ng building na pinuntahan namin.
Mabilis na sumakay ako ng van at hinatid agad ako ni Kuya Andy sa tapat ng shopping mall.
Sa laki ng shopping mall ay alam kong mahihirapan akong mahanap agad ang comfort room kaya nagtanong na ako sa gwardya. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa dahil hinihingal ako habang nagtatanong sa kanya .
Mabuti na lamang at sa dulo ng mamahaling restaurant ay may nakita akong comfort room kaya agad akong pumasok.
Ito ang problema ko. Basta kinabahan kasi ako ay bigla na lang akong nakaramdam ng kung ano-ano.
Nakakatawa man pero common na sa akin na tuwing natatakot o kinakabahan ako ay naiihi ako.
Nakahinga na ako ng maluwag dahil nakaihi na ako. Agad akong lumabas ng comfort room at naglalakad ng walang pakialam sa mundo, pero natigilan ako ng makita ko ang dalawang tao sa dulo.
Hindi ko inaasahan na sa dulo ng malawak na pasilyo ay makikita ko si Fhil, kasama ang babaeng haliparot na nahuli kong katalik niya sa loob ng bahay na dapat sana ay magiging tahanan ko, kung sakaling natuloy ang plano naming kasal noon.