Chapter 7

2022 Words
ACALLY Malakas ang kabog ng dibdib ko habang kuyom ang kamao na dahan-dahan na naglalakad sa malawak na pasilyo ng mall na kinaroroonan ko. Sa ngayon ay hindi pa ako nakikita ng dalawang taksil dahil abala pa si Fhil sa malanding kasama niya na may pakurot-kurot pa sa tagiliran nito. Bagay nga sila, isang manloloko at isang haliparot. Inis at gigil na naglalakad ako dahil iniisip ko kung paano ito nagmakaawa sa akin habang sinabing mahal na mahal ako at inakit lamang umano siya ng malanding kasama nito. Kung titingnan ko ang dalawa ay mukha naman silang masaya malayo sa kung paano i-describe ni Fhil sa akin noon ang kasinungalingan sinasabi nito. Sabagay, ano pa ba ang aasahan ko sa manloloko na lalaking ex ko. Hindi ko siya pwedeng pagkatiwalaan dahil sigurado akong nagsisinungaling ito. Ang ikinainis ko lang ay ginulo niya ng husto ang buhay ko pero lintik siya nagpapasarap pala siya sa kandungan ng malanding babae niya habang ako na truma sa gulo na ginawa niya sa apartment namin ni Mc. Kumukulo ang dugo ko habang nag-iinit ang ulo ko sa kakaisip ng paraan para makaganti sa malanding ex ko. Nangako ako sa sarili ko na ipapakita ko kay Fhil kung sino ako na sinayang niya dahil ipagpalit ko siya sa pogi, yummy at mayaman na lalaking mas higit pa sa kan'ya. Pero sa pagkakataon na ito ay malabong mangyari 'yun dahil hindi ko pwedeng basta na lang hilahin si Kuya Andy at ipangalandakan sa harap ni Fhil dahil sigurado na pagtatawanan lamang ako nito. "Mag-isip ka Acally," kagat labi na sabi ko habang ang mga mata ay palihim na nakasunod sa dalawang tao na sweet na sweet na tumigil para bumili ng ice cream sa stall sa gitna. Kung tatalikod ako at tatakbo pa balik sa banyo ay pwede naman kahit posibleng makita ako ni Fhil dahil malapit lamang ang distansya ng mga ito sa akin. Kita ko pa nga kung paano nagbayad si Fhil at malambing na inabot sa babaeng haliparot ang ice cream na binili ng mga ito. Nanginginig at nanggigigil ako sa galit. Typical na ugali ni Fhil, pinaparamdam niya sa babaeng kasama na mahal na mahal niya ito gaya ng ginawa sa akin. Nagagalit at naiinis ako dahil na uto ako nito sa loob ng mahabang panahon. Kuyom ang kamao na bumaling ako ng tingin sa paligid at sakto naman na may lumabas na mga lalaking nakaitim pero mas natuon ang atensyon ko sa isang naka-blue na polo habang may hawak na cellphone ang kanang kamay nito. "His a good catch," wala sa sariling dumaloy sa isipan ko pero na taranta ako ng makitang papunta na sa direksyon ko sina Fhil at babaeng kasama nito kaya mabilis na tumalikod ako at sinalubong ang lalaking lumabas sa mamahaling restaurant na nasa dulo ng pasilyo kasama ang ilang kalalakihan na hindi ko alam kung ka ano-ano nito dahil medyo may distansya naman silang naglalakad kasunod nito. Lutang na basta ko na lamang ito sinalubong at agad na inabot ang batok nito at inilapit ang labi ko sa labi ng napatigalgal na lalaki sa harap ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko lalo na at parang nagyeyelo sa lamig ang labi nito ng dumidikit sa nanginginig na labi ko. Alam ko na malapit na sa amin sina Fhil dahil narinig ko na ang nakakairita na hagikhik ng babaeng kasama nito. Wala sa sarili na nakagat ko ang pang-ibabang labi nito saka marahang sinipsip ng konti para magmukhang nag-hahalikan nga kami. "Acally," rinig kong malakas na tawag sa akin ni Fhil pero hindi ko ito sinagot at nilingon. "Sir, pa halik lang po," kinakabahan na bulong ko ng bahagyang maghiwalay ang labi namin ng lalaking salubong ang kilay at malamig pa sa yelo ang mga matang nakatingin sa mukha ko. Naiiyak na nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil pakiramdam ko ay inilagay ko lang lalo sa kahihiyan ang sarili ko. Paano kung itulak niya ako at ipahiya sa mga taong nasa paligid namin? Nakikiusap ang mga matang tumitig ako sa mata ng lalaking halos yakap ko. Hindi ako nito binigo dahil naramdaman ko na pumulupot ang matigas na braso nito sa bewang ko at walang pasabi na hinapit ako pa lapit pa lalo sa kan'ya habang mabilis na sinapo ang batok ko at pinaranas sa akin ang halik na hinihingi ko. Torrid, yeah gano'n ang halik na naranasan ko habang ilang minutong hinalikan ako sa gitna ng hallway ng mall kung saan sigurado akong maraming mata ang nakakita sa amin maliban kay Fhil na alam kong nakita ang mga pangyayari dahil hinarangan ito ng ilang kalalakihan matapos tangkain nitong lumapit sa akin. Kagat labi na bahagyang napaatras ako ng pakawalan ng lalaking walang pakialam sa mundo na hinalikan nga ako pero hindi ko magawang kumawala sa mahigpit na pagkakayakap nito sa bewang ko. "Let's go home baby," malakas na sabi nito sa akin habang nasa bewang ko ang kamay nito. Kita ko kung paano nag-igting sa galit si Fhil habang nakasimangot at pumapadyak ang paa ng babaeng kanina lang masayang kaharutan nito ng sulyapan ko. Hindi nga ako nagkamali na oras na makita ako ni Fhil ay lalapitan ako nito at posibleng gumawa ng eksena kung nasaan ako. That stupid man, kahit kailan talaga baliw ang lalaking 'yon dahil kaya niyang gumawa ng iskandalo kahit pa kasama nito ang babaeng kalandian niya ng todo. Dahil abala ako sa iniisip ko ay ngayon lamang bumalik ang matinong bahagi ng isipan ko. Mahigpit na hawak pa rin pala ng lalaking kasama ko ang bewang ko habang naglalakad kami papunta sa kung saan nakasunod ng ilang distansya lamang na mga lalaking akala mo ay dadalo sa binyag at kasal dahil sa pormal na mga itsura nito. Typical na men in the black maliban sa lalaking kasama ko. "Ah sir, hanggang dito na lang po ako," kinakabahan na sabi ko. Kita ko kung paano nag-salubong ang mga kilay nito habang ramdam ko ang kakaibang awra ng pagkatao nito. Hindi siya mukhang ordinaryong lalaki lamang na basta ko pwedeng hilahin mula sa kanto. Itsura pa lamang nito ay nagsusumigaw na ang malakas na awra na nagsasabing isa siyang makapangyarihang tao. "Lady, alam mo ba ang ginawa mo?" tanong nito matapos na isandal ako sa isang itim na tinted na sasakyan. Napakurap at kinakabahan na tumango ako dahil malinaw na sa isipan ko ang lahat ng ginawa ko. Hindi ko maiwasan na salubongin ang matalim na mga mata nito na tila ba nagbabanta ng kung ano at sinasabing kailangan na katakutan ko ito. "Pasensya na po, nabigla lang ako sir," wala sa sariling dahilan ko. Sa sulok ng mga mata ko ay kita ko kung paano tumalikod sa amin ang mga lalaking nakaitim na coat na kasama nito na tila ba takot na tumingin sa direksyon namin. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng ilang hibla na lang ang layo ng mukha nito sa akin at halos magdikit na ang ilong at noo namin. "I'm not blind and stupid para hindi ko maintindihan ang palabas na ginawa mo. I'm not sure if your seducing me but one thing is clear to me," walang ka ngiti-ngiting halos ay pabulong nito. Nanayo ang balahibo ko ng ipatong nito ang kaliwang braso sa kaliwang side ng ulo ko kaya wala akong magawa kun'di steady lang ang posisyon ko sa takot na gumalaw at magalit ito. "No one simply dare to come closer to me nor touched me but you seems different since you kissed me," sabi nito dahilan para mapalunok ako. Kakaiba ang awara nito, nagsusumigaw ang kapangyarihan at malakas na personality nito. "Pasensya na po sir," kinakabahan na sagot ko. "It's Sabby, remember that dahil sisingilin kita sa serbisyong ginawa ko kanina sa palabas mo," sabi nito. Napatayo ang nanginginig na mga binti ko ng tuwid ng basta na lamang bumaba ang labi nito sa nakaawang na labi ko saka ako mabilis na sinunggaban ng halik na ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko. Wala siyang pakialam na napapalibutan kami ng mga lalaking kasama niya habang mariin akong nakasandal sa sasakyang hindi ko alam kung kanino at naiipit ng malaking katawan nito. Talo ko pa ang nilalagnat ng bumaba ang labi nito sa leeg ko at gigil na sinipsip ang balat ko ng paulit-ulit. Natauhan lamang kami pareho ng tumunog ang isang sasakyan matapos marahil buksan ito ng kung sino. Binitawan ako ng lalaking humalik sa akin pero hindi nakaligtas sa mga mata ko kung paano nag-landas ang basang dila nito sa pang-ibaba niyang labi saka bahagyang kinagat na tila ba nagpipigil ng kung ano. Nanlalaki ang mga mata na naitulak ko ito ng dumapo sa namamaga pa na labi ko ang hintuturo nito saka pinasadahan ito. Sinamantala ko na napalayo siya ng bahagya sa akin at agad na tumakbo ako palayo dito. Pinilit kong makalayo kahit pa kita ko na humarang sa daan ko ang ilang lalaking kasama ng taong nakahalikan ko pero kalaunan ay tumabi sa gilid ng dumaan ako. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na tumakbo dahil sa pawisan na nakalabas ako ng mall at malakas ang kaba na binalikan sa parking ang naghihintay na si Kuya Andy. "Ayos ka lang?" nagtataka na tanong ni Kuya. "O-opo," kanda utal na sagot ko saka mabilis na sumakay sa van without knowing na may mga matang nakasunod sa akin. Tahimik at malayo ang narating ng isipan ko ng marating namin ang flower shop hanggang sa makababa ako at pumasok sa loob. Daig ko pa ang nakalaya sa kulungan ng makapasok ako sa room namin ni Mc dahil pakiramdam ko ay ligtas na ako. May kakaiba sa lalaking 'yon pero hindi ko matukoy kung ano. Ngayon ko lang naisip ang consequences ng bagay na ginawa ko. Oo nga at nai-pamukha ko kay Fhil na pinagpalit ko na siya pero mukhang hindi maganda ang resulta ng ginawa ako. Paano kung may asawa o girlfriend ang lalaking hinalikan ko? Tama, paano nga ba? Sigurado na nasisira ko ang pamilya niya or magkakagulo sila kaya siguro na sabi niya na sisingilin kita ako. Napakurap ako habang paulit-ulit na dumadaloy sa isipan ko ang ginawa kong basta na lang pang-hahalik dito. Paano kung mga tsismoso ang kasama nito at isumbong ako sa girlfriend o asawa ni mister masungit? God, ayaw kong masugod ng kung sino dito at ma-iskandalo. "Ang tanga mo talaga Acally, hindi ka na naman nag-isip," inis na bulyaw ko sa sarili. Saglit pa ay kinalma ko ang sarili ko. Oo nga pala, hindi ako kilala ng lalaking iyon. Ni hindi niya alam kung taga saan ako at ano ang pagkakakilanlan ko. Sa na isip ay napanatag ako. Siguro naman ay 'yun na ang huli naming pagkikita dahil kahit kailan ay hindi na ako tatapak pang muli sa lugar na iyon kaya sigurado akong hindi na muling magkikita at magtatagpo ang mga landas naming dalawa. Napangiti ako, tama, imposible iyon kaya mabilis na tumayo ako at naghubad ng damit ko dahil pakiramdam ko ay pinagpawisan ako ng todo. Pagkarating ko kasi dito sa shop ay inabot ko agad kay Miss Macy ang cheque at mabilis na pumasok sa silid ko dahil nagpaalam akong masama ang pakiramdam ko. Alam ko na unprofessional iyon pero pasensya na dahil kailangan ko talaga ito ngayon. Dahil maayos na nagawa ko naman ang trabaho ko kaya pinayagan ako ng masayang si Miss Macy at sinabing may bunos umano ako. Para akong nakakita ng multo ng hindi sinasadya ay napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin sa harap ko. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa ngayon ay namumulang mga marka sa leeg ko na sigurado akong kagagawan ng lalaking naging kahalikan ko. That man, hindi lang isip ko ang ginulo nito dahil nag-iwan pa siya ng maraming ebidensya sa leeg ko. Gosh, paano na lang kung nakita ito ni Kuya Andy o kaya naman ng mga kasamahan ko kanina. Anong sasabihin ko at ano ang mukha ang ihaharap ko? Problemadong napa-buntong-hininga na lamang ako. Paano ko itatago ito gayong nakalantad ito sa leeg ko dahil araw-araw na nakataas ang buhok ko sa tuwing bababa ako at magsisimula na ang trabaho?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD