Napaka malas niya, mali mang sabihin ang bagay na iyon dahil lalabas na masyado siyang ungrateful sa lahat ng blessings na natangap niya sa buong buhay niya pero iyon ang nararamdaman ni Nicole ngayon.
Alam niyang mali na sabihing malas siya dahil sa mabuting taong tumulong sakaniya para maka pag tapos ng pag aaral sa kolehiyo at sa kaniyang malupit na tiyahin pati na rin sa mga malditang mga anak nito kahit pa nga hindi sigurado ni Nicole kung dapat ba siyang mag pa salamat sa pag kupkop sakaniya ng mga ito o hindi. Isama na rin ang pag graduate niya sa kolehiyo bilang summa c*m laude, dapat siyang maging grateful sa lahat ng bagay na iyon pati na rin sa iba pang blessings na natatangap niya araw araw alam niyang wala siyang karapatan na sabihing malas siya.
Pero talagang pakiramdam ngayon ni Nicole eh napaka malas niyang tao.
Sa lahat ba naman kasi ng taong pwede niyang maging boss kung sakali mang matangap siyang mag trabao sa malaking kumpanyang ito ay ito pang bastos at walang modong lalaki na ito na bukod sa inagawan na siya ng almusal kanina eh ininsulto pa siya, at lalong sa lahat naman ng taong pwedeng mag interview sa kaniya ay ang parehong bastos at walang modong lalaki pa.
Kaya pala ang lakas ng loob nitong mang alipusta ng kapwa dahil bukod sa saksakan na nga ng gwapo eh mayaman pa pala.
Gwapo? No hindi niya sinabing gwapo ang lalaking kaharap niya ngayon na naka upo sa swivel chair, may hawak na ballpen, naka tuxedo habang naka hawak sa sa baba ang kaliwang kamay at mataman siyang tinitiigan.
Halos mabingi si Nicole sa tunog ng marahang pag click na galing sa ballpen na hawak at pinag lalaruan ng lalaki sa harap niya, naririnig na rin niya ang malakas na kabog ng dibdib niya.
Pwede naman siguro siyang mag request na ibang tao at ibang boss nalang ang mag interview sakaniya diba?
Bakit ba naman kasi ang lalaking ito pa ang mag i-interview sakaniya ngayon eh pwede namang ibang tao basta boss nalang.
Parang tangang tanong ni Nicole sa sarili, napa iling rin naman sya sa huli nang ma-realize na hindi pwede ang gusto niyang mangyari at lalong hindi siya pwedeng sa bastos na lalaking nasa harap niya ngayon mismo siya mag request niyon.
Nakaka inis ang itsura nito ngayon, naka smirk ito sakaniya na para bang sinasabing ‘I know who you are and you are in trouble now’.
At ang mas nakaka inis pa doon ay gusto niyang batuhin ng luma niyang sapatos ang lalaki sa mismong mukha nito nang mawala naman ang naka inis nitong ngiti pero syempre, hindi niya pwedeng gawin iyon kasi nga boss ang lalaki at hindi lang iyon ito pa ang mag i-interview sakaniya at kailangan niyang mag paka bait kung gusto niyang makuha ang trabahong ito.
Mas lalo lang siyang nainis nang makita ang baso ng kape na naka patong sa lamesa nito, sa itsura ng kape ay alam niyang wala pang bawas iyon at alam niya ring malamig na iyon, naroon pa naka sulat ang pangalang ‘Nicole’ ang pangalan niya, ibig sabihin iyon ang kape na inagaw nito sakaniya kanina.
Napaka sama talaga ng ugali, hindi rin naman pala iinumin nang agaw pa. Kung hidi nito inagaw ang kape na para dapat sakanya eh di sana nainom niya pa, hindi sana nasayang at mas lalong hindi sana siya gutom at naiinis sa lalaking ito ngayon.
“So you are Miss Natalia Nicolette Lorenzo? From the coffee shop this morning am I right?”
Halos manlamig ang buong katawan ni Nicole nang marinig na mag salita ang lalaking kaharap niya, aaminin niya natatakot siya, well sino ba naman ang hindi matatakot sa itsura ng lalaking ito eh kulang na lang yata ay isang pares ng sungay at buntot eh papasa nang demonyo?
“O-opo sir. Ako po iyong sa co-coffee shop kanina.”
Nauutal na pinilit ni Nicole ang sumagot, tinatanong kasi siya kaya malamang na sasagot siya.
“Hmm just so I though, so tell me hindi mo ba naalala ang sinabi ko sayo kanina?”
Muling sabi nito na mas lalo pang lumaki ang nakaka lokong ngiti sa mga labi, saglit naman na nag isip si Nicole kung ano nga ba ang sinabi nito kanina, ilang sandali rin ang ginugol ni Nicole sa pag iisip at kulang nalang ay lumaki ang kaniyang mga mata nang maalala ang tungkol sa sinabi nito.
‘Don’t worry, you won’t get hired!’
Parang echo na muling narinig ni Nicole ang mga salitang iyon na sinabi ng lalaki sakaniya kanina.
Kaya pala sinabi iyon ng lalaki dahil dito pala ito nag ta-trabaho. At hindi lang ito basta impleyado dito, boss pa pala ito.
Saglit na nag angat ng ulo si Nicole at napa tingin sa direksyon ng lamesa nito, mayroong isang parang trophy na naka patong doon at may naka sulat na pangalan, agad iyong binasa ni Monique.
‘Shawn Alexander Montefalco- CEO’
Gustong sumigaw ni Nicole sa inis at sabihin sa sarili na ‘ang malas mo, ang malas malas mo!’.
Wala na, pinahamak nanaman siya ng walang filter niyang bibig, aba malay niya ba naman kasi na ang lalaking bastos na ito ang mismon CEO ng kumpanyang pag a-aplayan niya, kung alam niya lang naman eh di sana siya pa mismo ang nag timpla ng kape nito kanina.
Muling napa iling si Nicole, hindi. Kahit CEO pa ito o kahit pa nga ito pa ang may ari ng kumpanya ay mali pa rin ito kaya tama lang na inaway niya ito kanina.
Pero teka, Montefalco? Kaano ano kaya ito ni sir Luis Montefalco? Mag ka pareho kasi ito ng apelido tsaka iyong matandang mabait na nag pa aral sakaniya.
Saglit na nag isip si Nicole ngunit napa talon rin lang sa gulat nang muling mag salita ang lalaki.
“Graduate ka pala sa isa sa malaking unibersidad na sakop ng aming kumpanya Miss Lorenzo? And oh, summa c*m laude of aeronautical engineering?”
Basa nito sa kaniyang resume, kunot na kunot ang noo nito na tumingin sakaniya.
“O-opo, graduate po ako sa unibersidad na sakop ng pangangalaga ng kumpaniya ninyo s-sir, at opo din po, s-s-summa c*m laude po ako sa kursong aeronautical engineering.”
Nauutal na sagot ni Nicole sa lalaki, gusto niyang sumimangot dahil habang nag tatagal siya sa harap nito ay mas lalo lamang niyang na papatunayan ang kagaspangan ng ugali nito.
Hindi man lang kasi siya ayain na ma upo muna bago siya tanungin ng tanungin katulad ng alam niyang nagaganap sa pormal na mga job interview.
Syempre ayaw niya rin namang mag kusang maupo dahil baka sabihin pa nito na masyadong makapal ang mukha niya, ang sama pa naman ng ugali ng lalaking ito.
Naku lang, kung hindi lang kailangan na kailangan ni Nicole ang trabahong pwedeng maibigay sakaniya ng ganito ka laki at ka asensong kumpanya ay hindi siya mag tiyatiyagang tumayo sa harap nito ngayon.
“I can see in your resume that you are under this multi-billion company’s study now pay later program, am I right Miss Lorenzo?”
Muling sabi nito matapos basahin ang kaniyang baong resume, at muli nanaman siyang tinitigan.
“Y-yes sir, tama p-po kayo.”
Sa hindi malamang dahilan ni Nicole ay nahihirapan siyang gumalang sa lalaking ito, sa ugali naman kasi nito ay mukhang hindi naman karapat dapat na galangin.
Pero siyempre nga dahil isang CEO ang kaharap niya o mas tamang sabihing bastos at hambog na CEO ang kaharap niya ngayon ay kailangan niyang gumalang dito labag man sa loob niya.
“Hmm I see, I see.”
Sabi nito habang may pa tango tango pang nalalaman.
‘Yabang, pilipitin ko kaya leeg neto?’
Na pipikang bulong ni Nicole sa sarili.
“To be honest with you miss Lorenzo, we are looking for employees who are more you know, magalang, mabait, hindi palingkera at asal kalye. Sa inasta mo kanina sa coffee shop ay malayong malayo ka sa hinahanap na empleyado ng kumpanyang ito. Bale wala ang mataas na parangal mula sa iskwelahan kung basura naman ang ugali mo.
Isa pa, nag tataka ako kung paano kang naka pasok sa program ng kumpaniya sa unibersidad na iyon. Hmm let me guess, inaway mo rin ba ang taong nag bibigay ng scholarship?”
Mahabang sabi nito na puro lang naman pang lalait, napipikon na tiningnan niya ito ng masama. Gusto ni Nicole na iparamdam dito ang galit at inis niya sa pang hahamak nito sakaniya.
Aminado naman si Nicole na mahirap siya, mas mahirap pa nga yata siya kumpara sa daga eh, matapang rin siya at walang preno ang bibig kung mag salita lalo pa at nasa tama ang ipinag lalaban niya.
Pero walang karapatan ang kahit na sino na laitin at tapak tapakan siya, sawang sawa na siya doon dahil iyon nalang palagi ang natatangap niya mula sa mga taong itinuturing niyang pamilya.
Humugot ng malalim na pag hinga si Nicole saka lakas loob na nag salita.
“With all due respect sir, kahit hindi naman po ka rispe-rispeto ang ugali ninyo. Hindi po ako nag punta dito para pakingan kayong laitin, insultuhin at tapak tapakan ang pagkatao ko. Nandito po ako para sa isang job interview dahil nag hahanap po ako ng matinong trabaho, trabaho na alam kong qualified ho ako, at mali ho kayo, ikaw po ang mali sa nangyari sa coffee shop kanina, kayo po ang may bastos at walang modong ugali. Alam ko pong mali na sabihin ito sainyo pero mukhang ako po yata ang dapat na mag tanong kung paano po kayong naloklok sa ganito kataas na posisyon sa kumpanyang ito gayong ganyan ho ka bastos ang ugali ninyo? May malaking taong backer ho ba kayo dito? Kasi kung oo hindi ako mag tataka na dahil lamang doon kaya naka apak kayo sa posisyon bilang CEO ng kumpanyang ito!”
Mahabang lintanya ni Nicole, galit siya at alam niya iyon. Tatangapin iya rin kung isang malaking YOU”RE NOT HIRED ang isigaw nito sa mukha niya at wala na siyang paki alam doon.
Pakiramdam ni Nicole ay nanginginig ang bawat kalamnan niya dahil sa sobrang galit at inis, muli niyang binalingan ang bastos at walang modong CEO na tiim bagang lang na naka titig sakaniya.
‘Oh di natahimik ka ngayon?’
Gustong isigaw ni Nicole ang mga salitang iyon sa mismong pag mumukha ng hambog na Alexander na ito ngunit bago pa man niya gawin iyon ay na agaw na ang atensyon nila pareho nang biglang bumukas ang pinto, hindi kilala ni Nicole ang isang matandang lalaki na pumasok pero pamilyar ang mukha nito, naka suot ito ng kulay grey na tuxedo at itsura palang ay makapangyarihan na.
Marahan itong pumapalakpak habang papalapit sakaniya, naguguluhan na sinulyapan ni Nicole ang mayabang at bastos na CEO na katulad niya ay mukhang hindi rin naiintindihan ang nangyayari.
“Bravo Miss Lorenzo, welcome to our company. You are hired!”
Malaki ang ngiti na sabi nito sakaniya.
“P-po?!”
“What?!”
Sabay na sabi nila ng bastos na CEO na bakas sa mukha ang pag tutol.
“You heard me Alexander, Miss Lorenzo will be working with us.”
Ang kaninang naka ngiting matanda ay naging seryoso, saglit na natakot si Nicole dahil nangangamoy away ang dalawa.
“Hell no, you can’t just hire that woman!”
Galit na sigaw ng bastos na CEO sa matanda, napa irap naman si Nicole at inis na inis nanaman itong tinitigan, for a minute gusto nanaman niyang kunin ang sapatos mula sa pagkaka suot sa paa at ibato iyon ng malakas lakas sa mukha ng lalaki.
Napaka bastos kasi talaga ng ugali, pati matanda ay sinisigawan sa halip na gumalang.
Napa buntong hininga nalang si Nicole at tahimik na nakinig sa usapan,ay hindi naman pala siya nakikinig dahil hindi naman nag uusap ang dalawang tao sa harap niya ngayon, nag titigigan lang sila, literal.
Kung nakaka matay nga lang ang masamang titig ay pareho at sabay nang bumulagta ang dalawang ito.
Sa halip na manood sa titigan contest ng walang modong CEO at ng matandang lalaki na siyang nag nag hire sakaniya ay inilibot nalang ni Nicole ang mata sa magarang opisina ng CEO na walang modo at nag ngangalang Alexander Montefalco.
Montefalco…
Napa titig si Nicole sa CEO saka muli nanamang nag isip kung kaano ano nga kaya nito si sir Luis Montefalco?
“Utos ng iyong papa na siya mismo nag mag i-interview kay Miss Lorenzo, bakit ka nakiki middle sa trabaho na dapat ang iyong ama mismo ang gagawa? Apparently napakingan at napanuod namin ang interview na ginagawa mo kay miss Lorenzo and your father asked me to tell you that miss Lorenzo is hired.”
Mahabang litanya ng matandang lalaki na nagpa agaw sa atensyon ni Nicole, hindi na rin sumagot ang mayabang na si Alexander at nag tiim bagang na lang, nalipat ang tingin nito sa kung saan at sinundan naman ni Nicole ang tinitignan nito, nakita niya ang isang camera na malapit sa pinto, nang marahil ay makuntento sa pag tingin sa camera ay siya naman ang sinamaan nito ng tingin.
“Miss Lorenzo, please follow me.’
Baling sa kanya ng lalaki, agad namang sumunod si Nicole, bago lumabas ay tiningnan muna niya ang CEO, gusto niyang dilaan ito pero pinigil niya ang sarili, sa halip ay nginitian niya nalang ito ng ubod ng tamis.
Umakma naman itong babatuhin siya ng isang picture frame kaya nag madali na siyang lumabas sa opisina nito at tahimik na sumunod sa matandang lalaki na inutusan daw ng papa ni CEO Sungit.
Muling napa isip si Nicole.
Papa? Baka anak ni sir Luis ang hambog na iyon?