bc

The CEO's Fling

book_age18+
3.8K
FOLLOW
12.5K
READ
others
sex
second chance
drama
twisted
sweet
bxg
first love
affair
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa kahirapan at pang aalipusta ng abusadong tiyahin na umampon kay Nicole nang mamatay sa aksidente ang mga magulang ay pinilit niyang maka pag tapos ng pag aaral sa kursong aeronautical engineering. Dahil na rin marahil sa kanyang sipag at tiyaga at dahil na rin sa angking talino ay isa siya sa mga mapalad na mag aaral na naka pasok sa study now pay later program ng isang malaking aircraft company.

Itinuring ni Nicole na isang malaking oportunidad ang mabigyan siya ng pagkakataon na maka pag tapos ng pag aaral kahit pa nga ma higpit na tinutulan iyon ng kanyang tiyang Norma na siyang tinutuluyan niya mula pa noong walong taong gulang pa lamang siya.

Ngunit dahil na rin siguro sa kagustuhan niyang maka alis sa puder ng mapang abusong tiyahin at sa mapanakit na mga anak nito ay hindi niya pinakingan ang pag tutol ng mga kamag-anak na mag aral siya, sa halip ay pinag buti niya hangang maka kuha siya ng magandang trabaho sa kumpanya na nag paaral mismo sa kanya matapos maka pag tapos sa kolehiyo at maka kuha ng pinaka mataas na parangal sa uniberidad bilang summa c*m laude sa kanilang batch.

Buong akala ni Nicole ay magiging maayos na ang lahat lalo pa at nag karoon na rin ng bunga ang ilang taon niyang pag titiis ngunit hindi naging madali. Na in love si Nicole sa kanyang masungit na boss na hindi niya maintindihan ang tunay na nararamdaman para sa kanya, nagkaroon sila ng hindi maayos na relasyon siya ay in love ang kanyang boss naman ay ginawa lamang siyang fling nito.

Noong una ay nagagawa niya pang pigilan ang pag ka hulog sa CEO ng kumpanyang pinapasukan ngunit nang lumaon ay naging napaka hirap para kay Nicole, paano ba naman niyang magagawang mag paka civil sa harap ng kanyang boss gayong bukod sa may nangyayari sa kanila sa loob at labas ng opisina ay mahal niya rin ang CEO. Ang kaniyang CEO.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“She strives to inspire other people to live a meaningful life one that is beyond self, ladies and gentlemen to give the response on behalf of the graduating batch-“ Parang maiihi sa excitement si Nicole habang nag hihintay na tawagin ang pangalan niya ng administrator ng unibersidad na pinapasukan niya na siya ring kasalukuyang nag bibigay ng speech ngayon para sa graduation ceremony. Eto na ang araw na pinaka hihintay ni Nicole, ang araw na mag tatapos na lahat ng pag hihirap niya at pag pupursige na tapusin ang pag aaral. “Our universities’ summa c*m laude, from the college of aeronautical engineering Natalia Nicolette Lorenzo.” Isang masigabong palakpakan ang na tangap ni Nicole mula sa mga propesor, sa kapwa niya mag aaral na mag tatapos ngayong gabi at pati na rin mula sa mga bisita na nanunuod ng graduation ceremony ng kanilang unibersidad. Proud na tumayo si Nicole mula sa kinauupuan at nag lakad paakyat sa entablado habang suot ang kulay itim na toga, naka ngiting sinalubong siya ng isa sa mga paborito niyang propesor at isa rin sa mga tumulong sakaniya para maabot ang kinaroroonan niya ngayon. “Napaka laki ng parangal mo miss Lorenzo ngunit napaka lungkot ng iyong mukha.” Naka ngiting bati sakaniya ni professor Dela Fuente, nag pilit din siya ng ngiti dito saka sa huling pagkakataon bago niya tangapin ang medalya at ang diploma na ilang taon niyang pinag sakitan at pinag hirapan ay muli niyang inilibot nag mga mata sa mga taong naroon, katulad kanina ay bakante pa rin ang mga upuan na inilaan niya sana para sa kaniyang pamilya. Mukha ngang seryoso ang mga iyon nang sabihin sakaniya na walang balak ang mga ito na mag aksaya ng oras at panahon para panoorin siyang tangapin ang pinaka mataas na parangal mula sa kanilang unibersidad. Malungkot na nag pilit na lamang ng ngiti si Nicole saka tinanguan ang butihing professor, rinig niya pa rin ang malakas na palakpakan mula sa mga tao at kapwa niya mag aaral ngunit tama si professor Dela Fuente, napaka laki ng parangal na nakuha niya ngunit hindi niya makuhang maging lubos na masaya, pakiramdam kasi ni Nicole ay kahit gano pa kalaki ang parangal na makuha niya ay wala pa rin naman siyang pamilya na handang sumuporta, ang pamilya na handang mag sabi ng ‘proud sila sakaniya’. “Congratulations iha.” Naka ngiting pag bati sakaniya ng adminisitrator ng kanilang university, gumanti rin si Nicole ng isang matamis na ngiti dito tapos ay tinangap ang naka lahad nitong palad kasabay ng pag abot nito sakaniya ng isang gintong medalya na maka pag sasabing sa dinami dami ng mga mag aaral na pumapasok sa unibersidad na iyon ay siya lamang ang natatanging naka kuha ng pinaka mataas na karangalan. Pinigil niya ang sarili na huwag ma iyak habang dahan dahang inaabot nag medalyang iyon, hindi katulad ng halos lahat ng mag tatapos ngayon na mayroong ka pamilya na kasama sa pag akyat sa entablado para silang mag sabit ng medalya at tumangap ng diploma ay siya lamang yata ang wala niyon, siya lang ang mayroon ang sarili niya, at siya lang din ang tatangap at mag sasabit ng medalyang ginto sa leeg niya. Lalo lang nanubig nag mga mata niya nang lumapit si professor Dela Fuente at ito na mismo ang kumuha ng medalya mula sa admin, hindi na napigilan ni Nicole ang maiyak nang naka ngiti siyang tingnan ng butihing propesor na para bang sinasabi nito na naroon lamang ito sa tabi niya, mabilis na inalis ni Nicole ang itim na sombrero na kasama ng toga at buong pasasalamat na yumuko para maisabit sakaniya ni professor Dela Fuente ang medalyang ginto na tanging naka laan para sakaniya. “S-salamat po ma’am.” Buong pusong pasasalamat ni Nicole sa butihing propesor nang muli nanaman siya nitong ngitian at kunin sakaniya ang itim na sumbrero para ibalik sa kaniyang ulo. “Congratulations anak, may speech ka pa kaya tumahan ka na.” Natatawang sabi nito sakaniya, isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Nicole sa propesor na buong puso din nitong ginantihan, ilang sandali pa ay naka ngiti na siya nitong marahang itinulak palapit sa kinaroroonan ng podium kung saan siya mag sasalita. Mabilis na nag lakad doon si Nicole habang kinakabahan pa. “G-good evening ladies and gentlemen, 2 weeks before the graduation ceremony one of my professors asked me to write an amazing speech for all of you, ilang gabi kong pinag isipan kung ano nga ba ang magandang speech na sasabihin ko pero wala akong naisip eh, to be honest standing here in front of you is like standing in the middle of dangerous dinosaurs, nakaka takot.” Sandaling tawanan ang narinig ni Nicole mula sa mga tao, nag pilit ulit siya ng ngiti saka marahas na humugot ng hininga bago muling nag salita. “Naisip ko lang na sa halip marahil mag salita ako ng tungkol sa kung ano ano sa harap ninyong lahat ngayong gabi, bakit kaya hindi ko nalang gamitin ang magandang pagkakataong ito para mag pasalamat? Pasalamatan ang mga butihing propesor na tumulong at nag hasa hindi lang ng aking isipan kundi maging ng mga kapwa ko mag aaral, salamat din sa mga magulang na narito ngayon sa pag susuporta sa inyong mga anak, which made me think na sabihing mama at papa, para sainyo po ang karangalang ito.” Sincere na sabi ni Nicole habang itinaas pa ng bahagya ang gintong medalya saka tumingala, bumungad sakaniya ang maraming bituin sa kalangitan nag pilit ng ngiti si Nicole saka marahang pinahid ang mga luhang nag babadya nanamang tumulo mula sakaniyang mga mata. “G-gusto ko rin pong mag pasalamat sa Montefalco Spinfluence Aircraft Corporation na siyang tumulong saakin na maabot ang pangarap kong makapag tapos, sa walang sawa nilang pag tulong sa mga kapwa ko skolar. Maraming maraming salamat po. Ako po si Natalia Nicolette Lorenzo, proud to say summa c*m laude and finally a graduate of aeronautical engineering, maramaing salamat po ulit at magandang gabi.” Pag tatapos ni Nicole sa kaniyang speech isa muling masigabong palakpakan ang natangap niya mula sa mga tao, mabilis siyang bumamaba sa stage at saka sinalubong din ang mga kaklase at mga kaibigan na papalapit sakaniya. “Congratualtions Nicole very proud kaming lahat sayo.” Naka ngiting bati sakaniya ng kaibigang si Leah, ginantihan niya rin naman ito ng ngiti saka siya na mismo ang nag kusang yumakap dito. “Proud din ako sayo Leah, maraming salamat sa mga tulong mo saakin ah?” Sincere na sabi niya sa kaibigan. “Anong tulong?” Kunwari ay maangmaangan na sabi pa nito, pa biro niya naman itong inirapan na ikinatawa lamang naman ng kaibigan. Well talaga naman na sobra siyang nag papasalamat kay Leah, ito kaya madalas ang nilalapitan niya para mangutang ng pamasahe, pagkain, pang bili ng project at kung ano ano pa sa tuwing kinakapos siya ng pera o di kaya naman ay sa tuwing na di-delay ang sahod niya sa pinapasukang fast food at sa pinag sa-sideline-nan niyang pag tu-tutor. “Wala yun, ako nga itong dapat na mag pasalamat sayo, aminado akong mahina ang kukote ko, kung hindi dahil sa mga pag tulong mo saakin na mapag buti ang pag aaral ko ewan ko nalang kung naka sama ako sa graduation natin ngayon” Natatawang sabi ni Lea, tama naman ito hindi naman sa sangayon siya na talagang mahina ang utak nitong kaibigan niya kaya lang ginagawa niya rin ang lahat para matulungan ito, nariyang isinisingit niya pa si Leah sa sobrang busy na schedule niya sa mga kung ano anong raket at trabahong pinapasukan niya para lang turuan din ang kaibigan at para maka pasa ito sa mga tests, quizzes at exams nila. “Siya nga pala, after the ceremony gusto sana kitang isama sa bahay, may pa-party kasi saakin sina dad at mga kapatid ko eh.” Saglit na ng isip si Nicole kung pupwede ba siyang mag punta, maaga pa naman at halos mag a-alas otso palang ng gabi, hindi naman siguro siya kakagalitang ng kaniyang tiyang Norma kung sasama siya sa ilang oras na selebrasyon, graduation niya rin naman eh. “Nicole iha, congratulations. Masayang masaya ako para sayo.” Naagaw ang atensyon ni Nicole nang biglang lumapit sakaniya ang nanay ni Leah, mahigpit din siya nitong niyakap, napa ngiti si Nicole dahil sa ginawa ng nanay ng kaibigan, lalo pa at naramdaman niya rin ang pag haplos sa balikat niya ng kaibigang si Lea. “Maraming salamat po ma’am.” Magalang na sabi niya sa babae nang bitiwan siya nito, napa simangot naman ang nanay ni Leah. “Ma’am ka diyan, ikaw talagang bata ka hindi ka na natuto pa ulit ulit na akong nag sasabi sayo na tita ang itawag mo saakin.” Kunwaring nag tatampo na sabi nito, napakamot naman sa ulo si Nicole saka nag pilit ng ngiti. “Pasensya na po t-tita, hindi po kasi ako nasasanay talaga eh.” “That’s okay, don’t worry about it, sinabihan ka na ba ni Leah tungkol sa party mamaya?” Naka ngiting tanong ulit nito sakaniya, nahihiya namang tumango si Nicole bilang sagot. “Sumabay ka na saamin pa punta doon ha? Nasaan nga pala ang pamilya mo?” Tanong ulit ng nanay ng kaibigan saka inilibot ang tingin sa paligid, muli nanamang napa kamot sa ulo si Nicole dahil hindi malaman ang isasagot, gusto niyang sabihin na ‘wala pong paki alam saakin ang pamilya ko kaya hindi po sila nag abala pang mag punta rito’ kaya lang siyempre hindi niya naman pwedeng sabihin iyon. “B-busy po kasi sila kaya hindi na po naka punta.” Nag pipilit ng ngiti na pag sisinungaling ni Nicole sa nanay ng kaibigan. Pinanlakihan naman siya ng mata ni Leah na mukhang alam yata na hindi siya nag sasabi ng totoo at pinag tatakpan niya lang nanaman ang mga taong itinuturing niyang pamilya. Nginitian niya nalang din si Leah para iparating dito na ayos lamang siya. “Oh siya sige, basta sumabay ka na saamin mamaya ha? Hindi ka pwedeng mawala doon.” Paalala ulit sakaniyang ng nanay ng kaibigan, naka ngiti siyang tumango rito. Hindi sigurado si Nicole kung tama ba na makipag party siya gayong pag ginawa niya iyon ay tiyak na malaking gulo nanaman ang bubungadd sakaniya pag uwi niya, pero bahala na. Sana lang ay maintindihan naman ng kaniyang tiyang Norma at ng mga ate niya kung dadalo siya sa graduation party sandali. Halos mapa nganga si Nicole sa ganda ng pag kaka ayos ng bahay nina Lea, mula sa labas ay puno ng iba’t ibang kulay ng ilaw at napapalamutian din ng mga paroparo, nag mukhang eksena sa fairy tale ang buong lugar dahil sa magagandang disenyo, kulay pink at purple din ang Motif. “Hoy, siguraado ka bang graduation party tong party mo? Mukhang debut eh.” Hindi napigilang bulong ni Nicole sa kaibigang si Leah pagka baba na pagka baba nito sa sasakyan. Tinawanan naman siya nito at sa halip na sagutin ay hinila lang siya nito sa likod ng bahay para doon dumaan. Dumiretso sila sa kwarto ni Lea kung saan nag hihintay ang dalawang nag gagandahang gowns na kulay pink at kulay purple, muli nanaman siyang napa tanga nang excited na iabot sakaniya ni Leah ang isang kulay purple na gown sabay sabing; “Hubarin mo na yang toga mo at isuot mo to.” “Ha? Bakit ko isusuot eh diba party mo to? Mukha naman akong engot kung makiki gaya pa ako sa suot mo.” Naguguluhan na tanong niya sa kaibigan na tinawanan lang nanaman siya. Mayaman ang pamilya ni Leah, magkaibigan sila simula pa noong elementary sila, sa isang public school din kasi pinag aral si Leah ng parents nito kahit pa sabihing maayos ang lagay nito sa buhay, doon sila nag ka kilala sa eskwelahan nang minsan itong awayin ng mga kaklase nila matapos maka kuha ni Leah ng score na zero sa exam noong grade 3 sila. “Sina mommy at ate ang may gusto na isali ka sa party siyempre gustong gusto ko rin, para na tayong mag kapatid din and we are very thankful to you sa lahat ng tulong mo sakin mula nang mga bata pa tayo, huwag ka na kayang mag reklamo at isuot mo nalang to para maka pag party na tayo?” Natatawang sabi sakaniya ni Leah saka tinulungan na rin siyang hubarin ang kaniyang suot na toga. “Hindi ba nanakit ang leeg mo sa bigat nitong mga medalyang naka sabit sayo?’’ Takang tanong ni Leah nang ito na mismo ang mag tangal ng mga medals niya at maingat iyong inilagay sa isang mukhang mamahaling bag. “Hindi haha!” Sandali siyang natawa sa pagsagot, excited na tinulungan siya ni Leah sa pag bibihis kahit pa labag pa rin sa loob niya ang pag sali niya sa party ng kaibigan nakaka hiya naman kasi pero dahil sa excitement ngayon ni Leah ay napangiti na rin si Nicole saka tumango, kahit alam niyang mag mumukha silang bata at hindi college graduate dahil sa mag gowns na suot nila ngayon at dahil sa disenyo at theme ng party ay hindi na rin napigilang makaramdam ng excitement si Nicole. “Cheer up Nicole, everyone knows that this party is for you and for Leah, enjoy iha.” Naka ngiting bati sakaniya ng daddy ni Leah nang salubungin sila nito sa ibaba ng mataas na hagdan, nahihiyang ngumiti si Nicole saka inilibot ang paningin sa paligid. Laglag nanaman ang panga niya nang ma kitang hindi nga nag bibiro si Leah, naka sulat sa stage gamit ang isang napaka gandang calligraphy ang mga katagang; “HAPPY GRADUATION LEAH AND NICOLE!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.0K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
95.0K
bc

The Sex Web

read
151.1K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.6K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.5K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
38.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook