Agad na sinalubong si Nicole ng isang lalaking guard na nag babantay sa entrance ng malaking building na dapat ay papasukan niya.
“Good morning po sir.”
Magalang niyang pag bati sa guard na sa tantiya ni Nicole ay nasa kwarenta mahigit palang ang edad.
Bumati siya ng good morning dito kahit pa alam niyang siya mismo ay hindi good ang morning dahil sa bastos na lalaking nang agaw na nga ng kape niya binastos pa siya at sinuhulan ng tatlong libo.
Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon, kapag nag kita sila ulit ay sisiguraduhin ni Nicole na titirisin niya talaga na parang garapata ang bastos na iyon, kahit pa nga aminado siya sa sarili niya na hindi mukhang garapata ang lalaking iyon. Sa gwapo at macho ng lalaking bastos na naka harap niya kanina ay papasa iyong modelo na crush na niya. Kaya lang sa sobrang gwapo kaya siguro saksakan iyon ng yabang.
Pinilit alisin ni Nicole ang bastos na lalaking iyon sa isipan at nag focus nalang sa guard na kasalukuyan niyang kaharap ngayon.
“Magandang umaga din ho ma’am, ano pong kailangan niyo sa loob?”
Magalang at naka ngiting tanong ng manong guard kay Nicole, in fairness naman at mukhang mabait si manong, hindi masungit na tulad ng mga guards sa university na pinapasukan niya dati.
Napa ngiti rin si Nicole sa guard, nakaka hawa kasi ang energy nito, iyong tipong kahit gutom na gutom na siya dahil walang kain at naagawan pa ng kape kanina ay tila pinasahan siya ng guard ng kaunting lakas dahil sa pagiging magalang at masayahin nito.
“Ahh sir, pina punta po kasi ako dito para sa isang job interview ng alas otso.”
Sagot ni Nicole sa guard sabay kuha ng cellphone sa bulsa ng bag na dala niya.
Sandali niya iyong kinalikot at inabot sa manong guard para ipakita ang text message na natangap niya mula sa kumpaniya noong nakaraang araw, sinasabi sa text message na iyon ang imbitasyon sa isang job interview.
Agad namang kinuha ng manong guard ang cellphone niya, napa ngiwi si Nicole nang matangal ang takip ng battery niyon.
“Naku sir pag pasensyahan niyo na po iyang cellphone ko ah? Panahon pa po kasi ng hapon ‘yan eh.”
Pag hinging paumanhin ni Nicole matapos pulutin ng guard mula sa sahig ang takip ng cellphone niya, well kung matatawag pa bang isang cellphone ang isang lumang NOKIA 3310 na panahon pa ni kupong kupong, siya nalang yata sa buong Pilipinas ang mayroong ganong cellphone at huwag ka, ilang buwan niya ring pinag ipunan para maka bili ng cellphone na kahit mumurahin at walang wala na sa uso ay malaking tulong pa rin sakaniya. Sira na nga iyon dahil sa tagal niya nang ginagamit, binalutan niya nalang ng scotch tape at goma para huwag mag kalasan ang mga ‘body parts’ niyon.
Napangiti si manong guard dahil sa sinabi niya saka binasa ang text message na ipinapa basa niya rito.
“Si sir Luis Montefalco pala ang nag pa punta saiyo eh, hayaan mo, kapag nag umpisa ka na sa pag ta-trabaho dito makaka bili ka rin ng bago.”
Masayang sabi ng guard kay Nicole, kahit papano ay nawala ang inis na kanina niya pang nararamdaman dahil sa kadaldalan ni manong guard.
At ano daw? Si sir Luis Montefalco daw ang nag pa punta sakaniya sa kumpanyang ito? Hindi alam ni Nicole iyon dahil number lang naman ang nag text sakaniya at isa pa wala namang naka sulat na pangalan doon, napa isip tuloy si Nicole kung paano naman kayang nalaman ni manong guard na si sir Luis Montefalco nga.
Kibit balikat na ipinag sa walang bahala nalang ni Nicole ang sinabi ni manong guard saka inabot ang nakaka hiya niyang cellphone na ibinalik nito sakaniya.
“Naku manong sana po mag dilang anghel kayo at maka kuha talaga ako ng trabaho dito.”
Sabi ni Nicole sa manong guard.
“Oo yan ma’am, bihira po na si sir Luis Montefalco mismo ang mag contact sa isang aplikanteng nag hahanap ng trabaho.”
Ang tinutukoy na sir Luis Montefalco ni manong guard kanina pa ay ang taong tumulong sakaniya na maka pasok sa unibersidad at maka graduate. Nakita niya na ng ilang beses ang matanda sa tuwing nag papa tawag ito ng meeting sa mga istudyanteng kasama sa study now pay later program nito, naka usap niya na rin ng ilang beses ang butihing si sir Montefalco, hindi nga lang sigurado ni Monique kung tanda pa ba siya nito sa dami ng taong nakaka salamuha ng butihing matanda.
Marahil din lahat ng naka pag tapos sa ilalim ng ipinatutupad nitong program ay inimbitahan para sa isang job interview, iyon nalang ang inisip ni Nicole para na rin hindi na maging kumplekado, baka mamaya sa pag iisip niya ay mawala siya sa sarili sa kalagitnaan ng interview at biglang wala siyang maisagot.
“Ah sige po manong guard, maraming salamat po sa inyo ah?”
Paalam ni Nicole sa mabait na guard sa entrance saka tutuloy na sana papasok sa malaking building na iyon, nakaka ilang hakbang na si Nicole nang maalalang hindi niya nga pala alam kung saang sulok ng building na iyon siya pupunta kaya naman mabilis siyang kumilos at nag lakad palapit ulit kay manong guard.
“Ah sir, saan nga po pala ako dapat na pumunta?”
Pakiramdam ni Nicole ay mukha siyang tanga, ang yabang yabang niyang pumasok agad sa loob ng building tapos biglang hindi niya naman pala alam ang pupuntahan niya.
Mabuti nalang at hindi naman siya pinag tawanan ni manong guard at itinuro nalang sakaniya kung paano siyang makakarating sa front desk ng kumpaniya.
Mabilis siyang nag pasalamat ulit dito saka agad na nag lakad sa itinurong direksyon ng guard, sa laki ng building na iyon ay imposibleng hindi siya maligaw, kung saan saang sulok na siya naka rating at kung ilang liko na ang ginawa niya ay hindi niya pa rin matagpuan ang front desk.
Diretso lang si Nicole sa pag lalakad, may nalampasan pa siyang isang malaking counter at maraming taong naka uniporme ang naroon muli siyang nag lakad pa atras nang ma-realize na iyon na ang dakilang front desk na hinahanap niya. Agad siyang lumapit doon at agad na naka ramdam ng hiya nang makita ang ayos ng mga uniporme ng mga taong naroon.
Mini skirt na kulay cream at blazer na kaparehong kulay, sa ilalim ng blazer ay kulay puting long sleeved, nag tataasan din ang mga suot na takong ng mga ito at hindi rin naka ligtas kay Nicole ang maayos na naka bun na buhok ng mga babae.
Hindi napigilan ni Nicole ang manliit dahil sa suot niyang formal attire. Isang lumang slacks na kulay itim na nabili niya pa sa ukay ukay sa halagang trenta pesos, tinernuhan niya iyon ng kupasing kulay puting blouse, at huwag ka ang damit na suot niya ngayon para sa interview niya sa isang malaking kumpaniya ay ang tanging matinong damit na mayroon siya.
Napa buntong hininga si Nicole, bakit ba hindi niya naisipang mang hiram ng maayos formal dress kay Leah ngayon tuloy at nag sisi siya.
Napa buga ng hangin si Nicole saka mariing napa pikit bago nag lakad papalapit sa front desk, agad siyang nginitian ng mga taong naroon na tila ba tinatanong siya kung anong kailangan niya.
Kinakabahan na nag pilit din ng ngiti ang dalaga saka inabot sa isang babae ang hawak niyang folder na nag lalaman ng kaniyang mahiwagang resume.
“Oh you are Miss Lorenzo? Sir Alexander is expecting you.”
Naka ngiting sabi sakaniya ng babae, muli siyang nag pilit ng ngiti dito saka tumango.
“Please follow me.”
Muling sabi ng babae at nauna nang nag lakad, agad namang sumunod si Nicole dito. Follow me daw eh.
Dinala si Nicole ng babae sa isang elevator, saglit silang tumayo roon at nag hintay na mag bukas ang pinto.
Pakiramdam ni Nicole ay maiihi siya sa sobrang kaba, feeling niya ay hindi job interview ang pupuntahan niya kundi isang pag lilitis kung saan siya hahatulan ng kamatayan.
Huwag na kaya siyang tumuloy? Umatras nalang kaya siya at mag trabaho nalang talaga sa karenderya ng masungit niyang tiyang Norma?
Pero narito na siya, hindi naman siguro mag tatagal ng ilang araw ang interview at makaka labas pa rin naman siya ng buhay mula rito.
Halos mapa talon sa gulat si Nicole nang marinig ang malakas na pag tunog ng elevator hudyat ng pag bubukas ng pinto niyon.
Wala na siyang nagawa nang akayin siya ng babaeng kasama niya na mula sa front desk kanina papasok.
“Mag aaply ka bilang isang aeronautical engineer?”
Basag ng babae sa katahimikan nang mag sara ang pinto ng elevator.
“O-opo.”
Kinakabahang sagot niya, napa ngiti naman ito, gustong sumimangot ni Nicole dahil nagagawa ng babae ang ngumiti habang siya ay ma tatae na yata sa kaba.
“Maganda ang credentials mo, graduate ka sa isang magandang unibersidad at summa c*m laude ka pa, you’ve got everything that this company is looking for kaya wala kang dapat na ikabahala. Cheer up Miss Lorenzo.”
Naka ngiti pa ring sabi ng babae, mabait pala. Sa itsura kasi nito ay mukhang masungit idagdag pa ang fierce na ayos ng make up nito.
Muling nag pilit ng ngiti si Nicole, bastos mang sabihin na hindi naging epektibo ang pag papagaan nito sa loob niya pero talagang hindi.
“Relax Miss Lorenzo, i-save mo nalang ang kaba mo para may energy ka pag naka harap mo na si sir Alexander.”
Muling pag sasasalita ng babae, lalo lang kinabahan si Nicole sa sinabi nito, pakiramdam niya tuloy ngayon ay isang nakaka takot na halimaw ang tinutukoy nitong sir Alexander na kailangang kailangan niya talagang harapin ayaw niya man o hindi, mag tatanong sana si Nicole dito kaya lang ay tumunog na ulit ang elevator kasabay ng pag bubukas ng pinto niyon.
Napanganga si Nicole nang bumungad sakaniya ang parang garden, saglit pa siyang napa isip kung opisina ba itong pinuntahan nila o napunta na sila sa ibang dimension.
Papasa na kasing paraiso ang lugar, may maliliit na puno at magagandang halaman mayroon ding iba’t ibang uri ng bulaklak.
Manghang mangha si Nicole sa nakikita at tahimik na sumunod sa babaeng nag hatid sakaniya, humito sila sa isang magarang pinto, muli siyang hinarap ng babae saka nginitian.
“Wait here.”
Sabi nito saka kumatok ng marahan at nag hintay sandali bago buksan ang pinto, dala ng babae ang folder na nag lalaman ng Resume niya kaya baka iaabot lang nito iyon sa boss bago siya papasukin.
Sandaling nag hintay si Nicole at mayamaya lang ay lumabas na rin ito.
“Nasa loob si sir Alexander, siya mismo ang mag i-interview sayo. Kumatok ka lang pag ready ka na. Good luck sayo, we are looking forward to work with you as the new member of aircraft designs department.”
Sincere na sabi nito sakaniya, sa sobrang kaba ay hindi na napigilan ni Nicole na hawakan sa kamay ang babae na ikinagulat naman nito.
“Hindi pa naman po ako mamatay pag ka tapos ng interview na to diba?”
Mabilis at mahina ang boses na sabi ni Nicole sa babae, saglit itong natigilan saka unti unting natawa, mahina lang naman ang boses nito pero halakhak ito kung halakhak.
“Ano ka ba, hindi nuh. Mag relax ka lang. This is just an interview. A typical job interview, nothing that a summa c*m laude can’t handle.”
Sa wakas ay sabi nga babae matapos nitong tumawa, alam ni Nicole na pinapa lakas lang nito ang loob niya pero talagang hindi umiepekto eh.
“I have to go back to the front desk, just knock when you are ready.”
Paalam nito sakaniya. Ayaw ni Nicole na paalisin ang babae pero hindi naman pwede iyon kaya napilitan siyang tumango rito.
“S-salamat.”
Sabi ni Nicole.
“You are welcome and good luck Miss Lorenzo.”
Naka ngiting sabi ng babae saka ito tumalikod para iwan na siya sa tapat ng pintong iyon.
Ang sabi nung babaeng mabait ay kumatok daw siya kapag ready na siya, hindi alam ni Nicole kung ready ba siya o ano, hindi pa rin mawala wala ang kaba niya.
Pero katulad nga ng sabi niya kanina, narito na rin siya, walang masama kung susubukan niya ilang taon siyang nag hirap sa pag aaral at nakayanan niya iyon imposibleng hindi niya magagawa ang isang job interview ngayon.
Marahas na napa buntong hininga si Nicole saka lakas loob na kumatok ng tatlong beses.
Mayamaya pa ay narinig ni Nicole ang boses mula sa loob.
“Come in.”
Muli ang pag ragasa ng kaba sa sistema ni Nicole nang marinig ang boses ng lalaki.
Dahandahan niyang pinihit ang doorknob at bumungad sakaniya ang mukha ng isang gwapong lalaki na pamilyar na pamiyar sakaniya dahil kanikanina lang ay inis na inis siya rito sa pag agaw ng kape niya.
‘Pag minamalas ka nga naman Nicole.’
Pa bulong na sabi ni Nicole sa sarili.
“Miss Lorenzo, I’ve been waiting for you.”