Buong akala ni Nicole ay ang opisina na ng masama ang ugaling CEO ang pinakamaganda at pinaka malaking opisin sa buong building na iyon, ngunit nang maka pasok siya sa opisina ng kung sino mang nag pa tawag sakaniya ay na-realize ni Nicole na mali siya, hindi ang opisina ng bastos na CEO ang pinaka maganda at pinaka malaki, kung ikukumpara ang opisina ng hambog na iyon sa opisinang pinasukan niya ngayon ay lalabas na langam lang iyon kumpara dito.
Namamanghang inilibot ni Nicole ang ulo sa kabuoan ng opisinang iyon, napaka linis niyong tignan dahil sa kulay puti ang theme niyon, kumpleto rin sa mga gamit, mayroon ding maliit na kusina, sala set TV at kung ano ano pa. Papasa na ngang bahay iyon eh, mas malaki pa sa bahay ng kaniyang malditang tiyang Norma.
Hindi agad nakita ni Nicole ang taong ipinunta nila doon, mayroon kasing kwarto sa may bandang gilid hula ni Nicole ay iyon marahil ang nag sisilbing tangapan ng taong umuukopa ng kwartong iyon sa malaking kompanyang kinaroroonan niya ngayon.
Saglit na huminto ang lalaking kasama niya sa may living room ng opisina kaya huminto na rin si Nicole, kailangan niyang gumaya sa ginagawa nito dahil bukod sa naguguluhan siya sa nangyayari at hindi niya alam kung nag lalaro lang ba sila o ano ay hindi niya rin alam kung anong ginagawa nila dito.
“Please take a seat Miss Lorenzo.”
Sabi sakaniya ng lalaking matanda na kasama niya, agad naman siyang naupo dahil kanina pa niya gustong alokin siya ng upuan para sa matinong interview, mabuti pa itong si sir matanda at mukhang mabait ng di hamak kumpara doon sa bastos na CEO na iyon.
Gustong mainis nanaman ni Nicole nang maalala ang bastos na lalaking iyon ngunit pinigil niya ang sarili, siguro naman sa pagkakataong ito eh maayos na ang job interview niya ngayong sa tingin niya ay nasa tamang kamay na siya.
Abala sa pag mumuni muni si Nicole nang mayamaya pa ay may marinig siyang mga yabag mula sa kaniyang likuran, agad siyang napa lingon doon at halos manlaki ang kaniyang mata nang mapag sino ang taong nasa likuran niya, agad siyang napa balikwas ng tayo para magalang na salubungin ang lalaki.
“Good morning po sir Luis Montefalco, kamustaa po kayo?”
Magalang na tanong ni Nicole sa butihing matanda nang maka tayo siya ng maayos at maka harap ito, malaki ang ngiti na ibinigay sakaniya ng matanda bago nag salita.
“I’m good iha, how are you? Maupo ka.”
Masayang sagot nito sakaniya, pinauna na niyang maupo ang matanda at ang kasama nitong lalaki na siyang kasama niya pa punta sa opisina nito bago siya kumilos para maupo din sa pang isahang sofa na kina uupuan niya kanina.
“Mabuti po sir. Salamat po sa pag tatanong.”
Magalang pa rin na sagot ni Nicole sa matanda, hindi pa rin siya maka paniwala na kaharap niya mismo ang may ari ng kumpanyang ito, at kaharap niya ngayon ang mabuting tao na siyang tumulong sakaniya na maka pag aral at maka graduate.
“Before we talk about your job descriptions iha, I would like to first congratulate you for being the universities summa c*m laude, and our programs first person who brought us this huge honours.”
Pormal at naka ngiti pa rin na sabi sakaniya ni sir Luis Montefalco, naka ramdam naman ng kaunting hiya si Monique nang makita itong bahagyang yumuko sakaniya kasabay ng lalaking katabi nito na kanina niya pa kasama ngunit hindi niya pa rin alam ang pangalan.
“S-salamat po sa tulong niyo sir, hindi ko pa maabot ang lahat ng ito kung hindi dahil sa tulong niyo.”
Sincere na pag papasalamat ni Nicole sa butihing matanda.
Totoo naman kasi, kung hindi siya isa sa mga mapalad na napiling bigyan ng pagkakataong maka sali sa study now pay later program nito, malamang sa hindi ay isa siyang simpleng tao na marangal na nag ta-trabaho bilang isang katulong, o di kaya naman ay nabulok na talaga siya sa karinderya ng kaniyang tiyang Norma. Ang ganda ganda niya pa naman, masasayang ang itsura niya kapag sa karinderyang iyon lang siya tatanda, habang buhay na maninilbihan sa kaniyang masungit na tiyahin at tatlong demonyitang pinsan.
“It’s our pleasure to help you iha, hindi naman na sayang ang pag tulong namin saiyo hindi ba? Ikaw pa ang nag dala ng isang malaking karangalan sa aming programa, sa aming kumpanya at lalong lalo na sa unibersidad na aming pinupondohan.”
Pormal ulit na sabi nanaman ni sir Luis Montefalco, hindi na sumagot si Nicole at pinili nalang na manahimik, nag pilit nalang siya ng ngiti sa mga matataas na taong kaharap niya ngayon.
Sa tingin kasi ni Nicole ay hindi sapat ang mga pasasalamat niya para iparating sa mga ito kung gaano siya ka grateful sa mga naitulong nito sakaniya.
“And I would like to personally thank you for accepting my invitation para sa isang job interview iha, at humihingi rin ako ng pasensya sa inasal ng anak kong si Alexander kanina.’’
Muling sabi nito, nanlaki ang mga mata ni Nicole dahil sa narinig na sinabi ng matanda.
Anak?
“Anak niyo ho iyong walang modo, bastos at mayabang na CEO Alexander na yun?”
Malakas ang boses na sabi niya, halatang nagulat naman ang dalawang matandang lalaki na nasa harap niya ngayon kaya agad ding natauhan si Nicole.
“P-pasensya na po, nabigla lang. Ganito ho talaga ang bibig ko minsan walang preno kung mag salita.”
Agad na pag hindi ni Nicole ng dispensa, napa tango naman ang dalawang kausap niya na tila ba naintindihan naman ang bigla niyang pag burst out.
“Yes we completely understand iha, my son is out of control and he needs an EA now that is why you are here. You will be working for him as his executive assistant, pansamantala la-“
Nangunot ang noo ni Nicole sa mga nariringig assistant nino? Ng hambog na iyon?
“Teka sir Luis Montefalco sandali lang po ah? A-akala ko po mag ta-trabao po ako bilang aeronautical engineer po? I mean iyon po kasi ang tinapos ko, hindi naman po sa nag ri-reklamo ako nag tatanong lang naman po…”
Magalang na tanong ni Nicole, alam niyang lalabas na masyado siyang maarte sa trabaho, hindi naman talaga eh. Sa totoo nga niyan kahit janitress pa ay tatangapin niya basta mag ka trabaho lang siya, malilintikan kasi siya ng kaniyang tiyang Norma at mga bruhang anak nito na madaling madali siyang pag hanapin ng mapag kakakitaan, kaya lang ay EA? Well ayos lang naman sakaniya iyon kaya nga lang malaking problema sakaniya kung sino ang magiging boss niya. Kung ibang tao siguro ay masayang masaya na siya sa pagiging EA kaya lang bakit doon pa sa hambog na CEO Alexander na yun?
Muling binalingan ni Nicole si sir Luis Montefalco na tahimik lang siyang pinag mamasdan, mayamaya pa ay hindi na rin naka tiis si Nicole at siya na rin ang unang bumasag ng katahimikan.
“Mawalang galang na po sir, pero feeling ko po talaga kailangan kong sabihin ito, pakiramdam ko po kasi ay habang buhay kong pag sisisihan kung hindi po ako mag sasalita ngayon.’’
Seryosong sabi ni Nicole na tila isang kasalan itong nangyayaring interview nila ni sir Luis Montefalco, medyo ginaya niya kasi iyong linya ng pare na ‘kung sino man ang tutol sa kalasalang ito ay mag salita na ngayon, kung hindi ay habang buhay ninyo iyong pag sisisihan’ saglit na napa isip si Nicole kung tama ba ang phrase na iyong ngunit bahala na, wala na siyang panahon para isipin iyon ngayon.
Na ngunot ang noo ni Nicole at bahagya pang napa ngiwi nang marinig ang mahinang pag tawa ng dalawang matanda, gusto niyang mag salita at sabihing hindi siya nag jo-joke at seryoso siya ngayon ngunit wala naman siyang lakas ng loob na mag salita kaya pinili niya nalang nag manahimik at hintayin nalang si sir Luis na maunang mag salita.
“I understand iha, go on you can tell us whatever you want to say.”
Sabi nito habang halatang pinipilit lamang ang sarili na huwag mapa ngiti o ma tawa ulit.
At dahil ang sabi ni sir Luis ay go on daw, hindi na nag dalawang isip si Nicole na mag salita.
“Iyon na nga po sir, promise po wala pong problema kung hindi po ako magiginng aeronautical engineer sa kumpanyang ito, ayos lang po na maging EA ako pero huwag lang po don sa anak niyong pinag lihi sa sama ng loob, eh saksakan po ng yabang iyon eh, bastos din po at masama ang ugali. Hindi po kami magkaka sundo. Ayoko pong maging EA ng anak niyo sir pasensya na po pero-“
“The salary will be higher than the aeronautical engineer can get.”
Agad na natameme si Nicole nang sumingit na sa usapan ang lalaking matanda na nag hatid sakaniya sa opisina ni sir Luis Montefalco.
At ano daw ulit? Mas mataas pa ang sahod ng pagiging EA ng hudas na CEO Alexander na iyon kesa kung magiging aeronautical engineer siya? Pero bakit?
Agad na nangunot ang noo ni Nicole para ipakitang naguguluhan siya sa mga nangyayari, narinig niya pa ang pag buntong hininga ni sir Luis Montefalco bago ulit nag salita.
“My son needs an EA like you iha, iyong matutulungan siya in every way. And you are the only one I can think of who is suitable for the job, I know that this position I am offering to you right now is way beyond what you have achieved that is why I am offering you double the salary of a typical and newly hired aeronautical engineers.”
Muling napa isip si Nicole, kung doble pala ang sweldo aba eh hindi na pala masama, ang kailangan niya nalang gawin ay pag tiisan ang bastos at masama ang ugali na CEO, yayaman rin naman siya ng mabilis eh.
“So, what is your decision iha?”
Untag sakaniya ni sir Luis, napa ngiti naman si Nicole saka siya na ang nag kusang maki pag kamay dito.
“I accept the job sir, pero pwede po banag maka hingi ng kaunting request?”
Naka ngiwing sabi ni Nicole kay sir Luis, malamang iniisip nito na masyadong makapal ang mukha niya para mang hingi ng request eh siya na nga itong bibigyan ng tarabaho na may dobleng sahod.
Pero bakit ba? Eh hindi naman EA ang inilagay niya sa position desired sa resume niya eh.
“Sure, what is it?”
Napa ngiti si Nicole nang pumayag na mag request siya si sir Luis.
“Pwede ko po bang pisikal na saktana ang anak niyo pag sobrang masama na po ang ugali niya?”
Seryosong tanong ni Nicole na sabay pang ikinatawa nito at ng kasama nitong matanda na hindi niya pa rin kilala.
Nag taka naman si Nicole kung may nakaka tawa ba sa sinabi niya gayong seryosong tanong naman ang tinanong niya sa mga ito.
Mabuti nang nag kaka linawan, sa sama ng ugali ng CEO na siyang magiging boss niya one of these days ay mukhang kailangan talaga nito ng pisikalan.
“Do as you please iha, you can start tomorrow, alas otso ng umaga ang pasok mo.”
Naka ngiting sabi ni sir Luis na inabutan siya ng isang ID. Agad niya namang kinuha iyon at nangunot ang noo niya nang makitang ID niya iyon sa kumpaniya, masyado naman yatang advance si sir Luis Montefalco at ang kasama nito, halata kasing masyado nang pinag handaan ang pag ta-tabaho niya sa kumpanya nito bilang EA ng Alexander na iyon.
May pa ID na kasi agad eh, ang ilang kumpanya sa pag kaka alam niya ay lingo pa muna ang hinihintay ng mga newly hired employees bago mag karoon ng ID.
Pero infairness naman, may ibidensya na siyang maipapakita sa kaniyang tiyang Norma na makaka pag sabing may matino na siyang trabaho ngayon at hindi na raket raket katulad ng pag tu-tutor at kung ano ano pa na kakaunti ang sahod.
Naka ngiting sinipat ni Nicole ang ID na inabot sakaniya ni sir Luis.
‘Natalia Nicolette Lorenzo- executive assistant- Montefalco Spinfluence Aircraft Corp’
Mahinang pag basa ni Nicole sa kaniyang pangalan at sa kaniyang posisyon at pati na rin sa pangalan ng kumpanyang iyon.
“So, see you tomorrow morning miss Lorenzo!”
Malaki nag ngiti na sabi sakaniya ni sir luis Montefalco.
“Yes sir, bukas po papasok na ako, maraming salamat po sainyo.”
Naka ngiti ring sabi ni Monique sa matanda saka agad na tinangap ang inilahad nitong palad para sa isang hand shake, tinanguan naman siya ng naka ngiti rin na matanda na siyang nag sundo sakaniya kanina mula sa opisina ni CEO yabang.
May pag hum pa siyang nalalaman habang hinihintay ang pag bubukas ng elevator kung saan siya itinuro ng matandang nag sundo sakaniya kanina na nalaman niyan kapatid pala ni sir Luis Montefalco, kaya pala may kaunting pag kakahawig ang dalawang iyon.
Nang maka baba ang elevator ay agad na nakita ni Nicole ang daan palabas sa kumpaniyang iyon, naroon pa rin si kuyang guard na bumati sakaniya kanina, malaki ang ngiting nilapitang niya ito.
“Good morning po ulit sir.”
Masiglang bati niya sa guard na nakilala naman agad siya, kinamusta pa nito ang naging pag a-apply niya at isang masayang ‘Araw araw na po tayong mag kikita sir’ ang sinagot niya rito.
Sana nga ay mag tuloy tuloy na ang mga magagandang bagay na pwedeng mangyari sakaniya, hindi pa man siya naging aeronautical engineer sa ngayon pero soon.
Muling napa ngiti si Nicole saka nag abang ng jeep pa uwi baon ang isang pangarap na balang araw ay tatawagin rin siyang engineer Nicole Lorenzo.