Chapter 3

1858 Words
“Late na ako!” Malakas na sigaw ni Nicole nang inaantok pang na silip ang orasan at nakitang halos ilang minuto nalang at mag a-alas syete na, dali dali siyang bumangon mula sa kinahihigaang banig saka dalidaling tiniklop ang ginamit na kumot at saka maayos na inilagay iyon sa cabinet na gawa sa kahoy kasama ang isang pirasong manipis na unan, nirolyo niya rin ang gutay gutay nang banig na sa pagkaka tanda niya ay may pitong taon niya na yatang ginagamit, saka maayos ding itinabi iyon sa ilalim ng sirang sofa na gawa sa kawayan. Matapos iligpit ang hinigaan ay saka siya kumuha ng pamalit na damit sa isang maliit na karton na na hingi niya pa sa kalapit na tindahan, kinuha niya rin ang tuwalya na maayos na naka hanger saka mabilis na nag tatakbo pa punta sa bahay ng kaniyang tiyang Norma para maligo. Katulad ng inaasahan ni Nicole, isang lumilipad na plangana nanaman ang sumalubong sakaniya pag pasok na pag pasok niya palang sa loob ng bahay. Mabuti nalang at katulad kahapon ay mabilis nanaman siyang naka iwas ngayon, sa halip na sa maganda niyang mukha tumama ang plangana ay nasalo niya iyon. Sa husay niyang sumalo ng mga lumilipad na gamit ay papasa na yata siya bilang isang manlalaro sa isang football team o kaya naman ay sa rugby. Sa araw araw ba naman na ginawa ng diyos ay palaging lumilipad na gamit nag pang bungad sa kaniya ng tiyahin ay hindi pa siya gagaling sa pag ilag at pag salo? Kung hindi kasi plangana na katulad nito ngayon ang ibabato sakaniya ng tiyahin ay tabo, kung iba naman ay timba minsan pa nga ay tasa o kaya naman basong mababasagin. Madalas na ipag kibit balikat nalang ni Nicole ang ginagawa ng kaniyang tiyang Norma, iniisip niya na lamang na ganon lang siguro talaga siya kung batiin ng good morning nito. Sa likod siya dumaan kung nasaan ang kusina, iyon din kasi ang mas malapit na daan pa punta sa bahay ng kaniyang tiyang mula sa tinutuluyan niyang bodega sa likod ng bahay nito. At oo bodega, sa isang tambakan ng lumang gamit siya naka tira, ano pa nga ba eh doon siya itinapon ng kaniyang tiyang Norma, request na din ng mga bruhang anak nito na palayasin siya sa bahay at doon itira dahil ayon sa kaniyang tatlong nakatatandang mga pinsan ay naalibadbaran daw kasi ang mga ito sa pag mumukha niya sa tuwing nakikita siya ng mga ito. Palibhasa kasi mas maganda siya ng di hamak sa mga pinsan kaya marahil na iinis lang kapag nakikita siya. Sabagay, mas mabuti na rin na naroon siya sa bodega dahil kahit papano ay nag kakaroon siya ng katahimikan kesa noong naroon pa siya sa loob ng magarang bungalow ng kaniyang tiyang kasama ang mga maldita niyang pinsan. Noong naroon pa kasi siya sa loob kahit yata hating gabi na at kasarapan ng tulog niya ay gigisingin pa siya ng isa sa kaniyang mga pinsan para lamang utusan siyang ipag kuha ito ng maiinom na tubig. Noong nalipat siya sa bodega ay nahirapan siya, wala kasing kuryente doon at masayado pang maraming daga ay lamok dahil na rin siguro sa sobrang dilim at sa kalat ng mga gamit.Pero ilang buwan lang ay nasanay na rin siya lalo pa at nalinis niya ng maayos ang lugar at medyo nawala na rin ang mga daga, nabawasan na rin ang mga lamok at hindi na rin mabaho katulad noong una. Sa bodega ay nagagawa niyang matulog ng tuloy tuloy at deretso ng walang nang gigising at nang iistorbo sakaniya para utusan siyang kumuha ng tubig o ng kahit na ano pa. “Good morning ho tiyang.” Malaki ang ngiti na bati ni Nicole sa tiyahin, nag kibit balikat nalang siya nang sa halip na batiin din siya pa balik nito ay isang masamang tingin lang ang ipinukkol nito sakaniya. “Ayan, mag hanap ka ng trabaho nang magka pakinabang ka naman dito. Ilang taon ka nang palamunin dito eh!” Malakas ang boses na sigaw sakaniya ng tiyahin, nag pilit nalang siya ng ngiti sa dito saka tumango. Hindi pa naman ganon katandaan ang kaniyang tiyang Norma, sa tantiya niya ay mukhang mahigit singkwenta palang naman ito, kaya lang ay ubod ng sungit, wala yatang araw na hindi siya nito sinigawan. Sabagay, katulad ng mga lumilipad na gamit na palaging pambungad nito sakaniya ay sanay na rin si Nicole sa pag sigaw sigaw nito at pag sabi ng masasakit na salita sakaniya, nariyan kasing minsan kahit wala naman siyang ginagawang masama ay tatadtarin siya nito ng mura. Pinipilit nalang ni Nicole na intindihin ang tiyahin, siguro ubod lang ito ng sungit dahil wala na itong asawa matagal na at kulang lang ito sa lambing. Alam ni Nicole na niloloko niya lang ang sarili sa pag iisip na iyon lang talaga ang dahilan ng kaniyang tiyahin, well iyon lang kasi ang dahilan na mas madaling tangapin dahil kahit noong bata pa man siya ay ganon na talaga kung maki tungo sakaniya nag tiyang Norma. Mabuti nga at hindi na siya nito kinagalitan noong nakaraang nag away sila ng dalawa niyang pinsan, sina Luceferia at Lizabelle. Hinayaan na kasi siya ng tiyahin at sa halip ay pinang tulakan lang siya na mag hanap ng trabaho para daw mag ka pakinabang na siya dahil tapos na rin lang naman ang pag aaral niya. Ilang araw din siyang nag paka pagod sa pag hahanap ng trabaho, summa c*m laude siya sa isang malaking unibersidad ngunit mailap ang trabaho sakaniya, ilang araw niyang sinusubukan at kung saan saan na rin siya nag hanap at nag apply, pati nga sa isang gasoline station ay nag apply siya bilang pump operator. Pero iba ngayong araw, tinawagan kasi siya ng kumpanyang nag paaral mismo sakaniya at sinabihan siyang mag punta roon ngayong araw para sa kaniyang job interview, feeling ni Nicole ay eto na ang oportunidad na hinihintay niya, halos mag tatalon siya sa tuwa nang makatangap ng tawag. Alas otso ang interview ni Nicole at heto siya ngayon sa isang coffee shop na malapit sa kumpaniyang sadya niya, hindi mapakaling nag hihintay ng order niyang kape habang pa tingin tingin sa oras, baka kasi ma late na siya eh maging bato pa ang isang malaking oportunidad, pwede namang huwag na siyang mag kape ngayon at dumiretso nalang sa kumpaya kaya lang bukod sa nagugutom na siya dahil hindi rin siya nakaka kain kagabi dahil naubusan siya ng pagkain at hindi rin siya naka pag almusal ngayong umaga dahil mukhang sinaniban nanaman ng masamang espirito ang kaniyang tiyang Norma ay ayaw niya ring mamaho ang kaniyang hininga habang nag i-interview siya dahil sa walang laman ang kaniyang sikmura. Mabuti na rin na kahit kape lang ay malamanan ang kumakalam niyang tiyan dahil sa gutom. Napa ngiti si Nicole nang sa wakas at tawagin na ang kaniyang pangalan sa counter ng coffee shop na iyon para sa kaniyang order, masaya pa siyang tumayo at ilang hakbang nalang ay malapit na siya nang isang malaking lalaki na naka suot ng business suit ang humarang sa daan niya. Nanlaki ang mga mata ni Nicole nang kunin ng lalaki ang kape na para sana sakaniya. “Miss akin na muna to, nag mamadali kasi ako eh.” Pa cool na sabi sakaniya ng lalaki saka bahagya siyang nilingon. Ang gwapo nito. Matangkad, matangos ang ilong, makinis ang balat, maayos ang pananamit at hmm pasimpleng suminghot si Nicole, mabango. Nanunuot sa muscles ng kaniyang ilong ang mabangong amoy ng lalaki. Ay ano ba yan, bakit na siya nang aamoy? Dapat ay galit na siya ngayon dahil sa pang aagaw nito sa kapeng ilang minuto niyang hinitay, at ano daw? Nag mamadali daw ito? “Huy mister, kape ko yan, kung nag mamadali ka ganun din ako, akin na yan! Mag hintay ka ng iyo.” Inis na sabi ni Nicole sa lalaki, pinag taasan lang naman siya nito ng kilay saka pinasadahan siya ng tingin mula ulo hangang paa. “Hindi ka mukhang busy, akin na tong kape, pareho naman tayo ng order eh.” Pa cool ulit na sabi nanaman nito sakaniya. “Ay hindi, tingnan mo nga ang naka sulat na pangalan sa lalagyan, Nicole. Sigurado ako na hindi Nicole ang pangalan mo, akin yan!” Inis na pag pupumilit ulit ni Nicole, muli lang nanaman siya nitong pinag taasan ng kilay habang seryosong naka tingin sakaniya. “You are keeping me late with this nonsense.” Halatang inis na rin na sabi sakaniya ng lalaking gwapo. Bahagya itong yumuko saka dumukot sa bulsa ng suot nitong kulay itim na slacks. “Here’s 3,000 pesos, get as many coffee as you like I don’t care, I have to go.” Sabing muli ng lalaki saka sapilitang inabot sakaniya ang pera, nag init lang namang lalo ang ulo ni Nicole dahil sa ginawa ng lalaki. “Aba’t bastos ka ah? Hoy, hindi porke mas gwapo a pa kay Piolo Pascual, mas matangkad at mas macho kay John Cena, at mas mabango ka pa kesa kay mama Mary wala kang karapatan na maging masama ang ugali!” Namumula ang pisngi sa inis na sabi ni Nicole saka padabog na ibinato pabalik sa lalaki ang tatlong libong inabot nito sakaniya. Mukhang naguluhan naman ito sa mga pinag sasabi niya dahil kunot na kunot ang noong tinitigan lang siya nito, saka bumaba ang tingin sa pera nitong nahulog na sa sahig ng coffee shop. “Ang sabi ko, ang pangit ng ugali mo! Hindi porke mayaman ka eh balewala nalang sayo ang oras ng ibang tao, kung nag mamadali ka, ganon rin ako. At kailangan ko munang mag kape dahil gutom na gutom na ako mula pa kagabi. May interview ako ng alas otso diyan sa kumpanyang yan oh kaya akin na yang kape ko at sayo na yang pera mo!” Inis na inis pa rin na sabi ni Nicole habang itinuturo ang dereksyon ng kumpanyang sadya niya. Ngunit sa halip na matauhan ang lalaki ay inismiran lang siya nito. “Don’t worry miss maingay, you won’t get hired!” Seryosong sabi ng lalaki saka siya tinalikura at nag mamadali nang lumabas sa coffee shop na iyon. “Aba talagang bastos na lalaki. Madapa ka sana bwisit ka!” Inis na sabi ni Nicole habang nag papapadyak pa, agad din siyang napa tigil nang ma agaw ang atensyon niya ng tatlong perang papel na nag kalat pa rin sa sahig na marmol ng coffee shoop. Bahagya siyang yumoko saka pinulot ang pera, sayang naman kasi, tatlong libo rin yun baka ibang tao pa ang maka pulot. Mabilis na tiniklop ni Nicole ang tatlong perang papel saka iyon isinilid sa bulsa. Hindi pa rin mawala ang inis niya sa bastos na lalaking iyon na nang agaw ng kape niya, at ano daw? Hindi daw siya ma ha-hire? Peste lang? Walang nagawa si Nicole kundi umalis nalang sa coffee shop na iyon na bigong maka kuha ng kapeng mag papawi sana sa gutom na nararamdaman niya, mas uunahin niya nalang ngayon ang naka takda niyang interview kesa ang intindihin ang gutom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD