Habol ang hiningang nagising si Nicole mula sa masarap na pag tulog.
Bukod kasi sa nagulat siya ng sobra ay pakiramdam din ni Nicole ay nalulunod siya, paano ba naman kasi ay isang tabo ng tubig ang ibinuhos mismo sa mukha niya, hindi lang yata basta isang tabo ng tubig, nag yi-yelong tubig pa. Napa balikwas din siya ng bangon dahil bukod sa napaka lamig ng tubig na iyon ay dahil din sa sakit ng matitigas na bagay na tumama sa mukha niya, kaya pala, nag lalakihang ice cubes pala ang mga iyon.
“Tingnan mo nga naman, napaka sarap naman ng buhay mo mahal na prinsesa ano?”
Malakas ang boses na sabi sakaniya ng kaniyang pinsang si Luciferia. Base sa itsura nito ngayon ay alam niyang ito ang nag buhos sakaniya ng malamig na tubig dahil bukod sa ang malditang pinsan niya lang naman ang nasa harap niya ngayon, hawak din nito ang isang kulay asul na tabo.
“P-pasensiya na po ate Lucy, na late po ako ng gising, puyat po kasi ako dahil sa graduation party namin kagabi eh.”
Pag hingi ng pasensya ni Nicole sa pinsan saka dali daling tumayo para ayusin ang nabasang unan at kumot.
Lucy talaga ang pangalan ng pinsan niya na nasa harap niya ngayon, pinili lamang talaga niyang tawagin itong Luceferia dahil sa sama ng ugali nito ay papasa na itong kapatid na buo ni satanas.
Matanda ng apat na taon sakaniya ang pinsan, bunsong anak ito ng kaniyang tiyang Norma na siyang kumupkop sakaniya noong walong taong gulang pa lamang siya matapos mamatay sa aksidente ang kaniyang mga magulang, sabi sakaniya ng tiyang Norma niya noon ay wala na raw siyang ibang malapit na kamag anak na pwede niyang mapuntahan nang mamatay ang kaniyang mga magulang, ang tiyang Norma nalang daw ang natitira sa mga kamag anak niya bilang pinsan daaw ito ng kaniyang mama kaya ito na rin lang ang nag kupkop sakaniya.
“Graduation party ‘namin’? Ha! Ambisyosa ka talagang poorita ka, huwag mong sabihing porke naka suot ka lang ng mukhang mamahaling gown kagabi eh may karapatan ka nang mag tamadtamaran ngayon? Hoy, kahit naka graduate ka na sa mamahaling unibersidad na pinasukan mo ay alila ka pa rin namin dito. Huwag mong kakalimutan yun!”
Malakas pa rin ang boses na sabi sakaniya ng pinsan. Napa yuko nalang si Nicole bago nag salita.
“A-alam ko naman po iyon ate eh, pasensya na po talaga hindi na po mauulit.”
Hinging dispensa ni Nicole sa pinsan kahit pa nga hindi niya rin naman alam kung para saan at kailangan niyang humingi ng tawad dito.
“Anong nangyayari dito? Ang aga aga eh nag sisigawan na kayo?”
Mayamaya pa ay dumating din ang isa pa niyang pinsan na kapatid ni Luciferia, si Lizabelle.
Kung si Luciferia ang bunso si Lizabelle naman ang pangalawa at pang gitna, katulad din ni Luciferia ay saksakan din ito ng maldita, mabuti nga at wala pa ang panganay na kapatid ng mga ito ngayon, siguro ay hindi pa nakaka uwi.
Kung sasali kasi ang panganay na kapatid ng mga pinsan niya ay literal na magiging impyerno na ang buhay ni Nicole dahil mapapalibutan siya ng tatlong mga demonyita.
Napa buntong hininga nalang si Nicole at sa halip na pag tuonan pa ng pansin ang dalawang pinsan na hindi yata kumpleto ang mga araw kung hindi siya ang gagawing almusal ay binilisan niya nalang ang pag kilos at pag liligpit ng hinigaan, pa simple pa siyang tumingin sa lumang wall clock na naka sabit malapit sa basag na salamin at nakita niyang mag a-alas syete na pala ng umaga.
Muling napa buntong hininga si Nicole, kaya pala nang gagalaiti nanaman sa inis itong si Luciferia dahil talagang na late na siya, dapat kasi alas kwatro palang ng umaga eh gising na siya at dapat tapos na rin ang ilang gawaing bahay katulad ng pamamalantsa, pag lilinis ng mga banyo at lalong lalo na ang pag luluto ng almusal para sa mga demonyita niyang pinsan na ke tatanda na eh inaasa pa rin sakaniya lahat. Kung hindi ba naman kailangan pa nilang manakit at alipustahin siya dahil lang doon eh kung tutuosin kayang kaya naman na ng mga ito na gawin ang mga simpleng gawaing iyon.
Napa isip tuloy si Nicole kung wala kaya siya kakain pa kaya ang mga ito o hindi na dahil walang mag aasikaso?
“Aba, gising na ang prinsesa namin ah? Nakita ko iyong post sa social media nung kaibigan mong mayaman, saya mo kagabi ah?”
Bakas ang panunuya sa boses na sabi sakaniya ng naka tatandang pinsang si Lizabelle, napa yuko pa siya ng bahagya nang malakas na hinila nito nag ilang hibla ng kaniyang buhok.
“Feeling mo naman may ipinagbago ang pag susuot mo ng ganong gown at ang pag graduate mo eh ganon pa rin naman ang istado mo sa buhay, mahirap a pa rin at taga pag silbi ka pa rin naman naming lahat dito at higit sa lahat ulila ka pa rin.”
“Ate hindi naman po ibig sabihin na naka graduate na ako eh naka kalimutan ko na po iyon, iyong nangyari pong party kagabi na imbitahan lang po ako nina Leah, hindi ko naman po pinilit na mag suot din po ng gown na kagaya niya eh. Tsaka ate kikilos naman na p-“
“Ang sabihin mo ambisyosa ka lang talaga, sama ka ng sama sa mga mayayaman bakit? Para feeling mo katulad ka na rin nila?”
Putol ni Lizabelle sa sasabihin niya, akala niya ay sasaktan nanaman siya ng pinsan nang mag taas ito ng kamay kaya kusa na rin siyang umilag.
Ganon talaga ang tingin ng mga ito sa pag sama sama niya sa kaibigan niyang si Leah dati pa man, hindi naman totoo ang mga sinasabi ng pinsan niya eh, ewan nga ba ni Nicole kung bakit ganon mag isip ang pamilya niya. Napaka kitid ng utak ng mga ito.
“Ano pang tinatanga mo? Nagugutom na kami kumilos ka na.”
Bahagyang napatalon si Nicole sa gulat nang sumigaw nanaman Luciferia, sa lakas ng sigaw nito ay hindi niya na napigilang gamitin ang dalawang kamay para ipang takip sa tenga niya.
“Eto na nga po ate, kikilos na nga po ako. Hindi niyo naman ho kailangang sumigaw.”
Bilang natural na marahil sakaniya ang kadaldalan ay hindi niya na napigilan pa ang pag sagot sa pinsan, agad na gustong sampalin ni Nicole ang sariling bibig. Madalas talaga kasing ang pagiging walang filter niyon ang nag papahamak sakaniya sa mga pinsan at lalong lalo na kay tiyang Norma niya eh.
“Aba walang hiya ka sumasagot ka na ah!”
Galit na sabi sakaniya ni Luciferia na akmang ipo-pokpok sakaniya ang hawak na tabo na kanina lamang ay siyang ginamit nitong pang buhos ng nag yi-yelong tubig sa mukha niya.
Awtomatikong tumaas ang kamay ni Nicole para gamitin sana iyong pananga, maliit lang ang tabo na hawak ng pinsan pero sigurado siyang masakit iyon kapag tumama sa ulo niya, mariin pa siyang napa pikit at handa na sanang tangapin ang pag tama ng tabo sa matigas niyang ulo nang marinig ang boses ng taong pinaka huli niyang gugustuhing makita.
Ang nanay nina Luciferia, si tiyang Norma.
“Ano nanaman ba ang nangyayari dito? “
Umalingawngaw sa buong silid ang malakas na boses ng tiyahin, agad na napa lunok naman ng laway si Nicole, sakaniya lang naman kasi masama ang tingin ni tiyang Norma, at katulad pa rin ng palaging nangyayari kahit wala siyang ginagawang masama at kahit siya na itong nilalapitan ng pang gugulo ng mga anak ng kaniyang tiyahin ay siya pa rin nanaman ang may kasalanan sa huli.
“Eto kasing ampon mo ma, kung maka sagot saamin, ang yabang yabang naka graduate lang ng college akala mo kung sino na.”
Inis na sumbong ng pinsang si Lizabelle sa ina.
‘Psh parang bata, kaya hindi natututo eh!’
Bulong ni Nicole sa sarili, gustohin niya man na sabihin iyon ng malakas ay hindi pwede, malilintikan lang siya lalo kapag nag salita pa siya ng ganon, kaya lang ay talagang nakaka inis naman kasi. Nanahimik siya dito sa lunga niya at ang mga pinsan niya ang dumayo at ginulo siya dito tapos siya nanaman ang mapapagalitan ng maldita din nitong nanay na si tiyang Norma.
Sa halip na mag salita ay malakas na napa buntong hininga nalang si Nicole, ano pa nga bang bago? Araw araw namang laging ganito, nag kakaroon lang siya ng katahimikan kapag nasa trabaho sa factory sa cavite ang mga pinsan niya at hindi nakaka pag isip na umuwi rito.
“Lucy, Liza bumalik na kayo sa bahay, may pag uusapan kami ni Nicole.”
Seryoso at madilim ang mukha na utos ni tiyang Norma sa dalawang anak, nagawa pa muna siyang samaan ng tingin ng dalawang pinsan bago kumilos ang mga ito para iwan sila ng tiyahin.
Ilang sandali nang naka alis ang dalawa ngunit heto pa rin ang kaniyang tiyang na nakatayo sa harap niya at mariin siya nitong tinititigan.
Saglit na napa lunok pa si Nicole nang dahan dahan itong kumilos at nag lakad papalapit sakaniya.
“Nasaan ang diploma mo sa koleheyo Nicole?”
Seryosong seryoso ang boses na tanong sakaniya ni tiyang Norma, mariin rin siya nitong tinititigan na para bang isa siyang mag nanakaw na kailangang bantayan ang bawat kilos na gawin niya.
“I-iniwan ko ho muna kina Leah tiyang, ba-baka ho kasi mabasa lang dito o kaya ma-masira po.”
Nauutal na sagot niya sa tiyahin, totoo naman kasi iyon. Baka nga masira lang kung doon niya sa puder ng malulupit niyang pamilya itago. Sa sama ng ugali ng mga pinsan niya ay baka ang mga iyon pa mismo ang mag sira ng pinag hirapan niyang diploma.
“Una palang ay pinigilan na kitang pumasok sa koleheyo, alam kong magiging masyado kang mayabang lalo pa at alam mong hindi naka tuntong sa kolehiyo ni isa man sa mga anak ko.”
Nanatili ang matalim na titig sakaniya ng tiyahin, saglit namang nangunot ang noo ni Nicole dahil sa mga pinag sasabi nito ngayon.
Oo nga at noong maka pag tapos siya ng high school ay pinag tawanan siya ng kaniyang tiyang Norma nang sabihin niya rito na balak niyang gumawa ng paraan para maka pag aral ng kolehiyo, kahit na anong kurso ay balak niyang pasukan noon maka pag aral lamang at handa siyang kumayod para matustusan ang sarili niyang pangangailangan habang nag aaral.
Hindi nga alam ni Nicole kung ilang beses siyang nasaktan sa pag pupumilit niyang payagan siya ng tiyahin na mag aral, nawalan na siya ng pag asa noon na para bang sumisiksik na sa isipan ni Nicole na baka tama ang kaniyang tiyang, baka nga isang malaking ilusyon lamang ang mangarap ng malaki na higit pa sa kaya niya.
Kaya noong naka tangap siya ng sulat mula sa isang malaking kumpaniya at sinabing isa siya sa mga napili na makaka tangap ng scholarship at makaka pasok sa study now pay later program ng kumpaniya sa iskwelahan na pag aari mismo ng kumpaniyang iyon ay masayang masaya siya.
Makaka pag aral siya sa isang magandang unibersidad sa kursong gustong gusto niya, aeronautical engineering.
Kahit ano pang hirap ang dinanas niya noon ay tiniis niya matapos lamang ang pag aaral, sana lang ay kaya niyang ipa intindi sa pamilyang kumupkop sakaniya mula pa pag ka bata na kasali din naman ang mga ito sa ilang taon niyang pinag hirapan.
Na isa rin naman ang pamilya ng kaniyang tiyang sa mga tutulungan niya oras na maging maalwan ang buhay niya.
Malungkot na napa yuko nalang si Nicole at hindi na nagkaroon ng lakas ng loob na sumagot pa sa tiyahin para man lamang sana ipag tangol ang sarili.
“Ano ka nga ulit sa eswelahang iyon? Summa c*m laude? Akalain mo nga naman eh di mas may lakas ka na ng loob na mag yabang ngayon?”
Dagdag pang sabi ng tiyahin, isang marahang pag iling nalang naman ang naisagot ni Nicole.
“Eto ang tatandaan mong babae ka, malaki ang utang na loob mo saamin sa pag kupkop namin sayo. Kaya sa ayaw at gusto mo, tapos ka man ng kolehiyo o hindi, summa c*m laude a man o hindi, hinding hindi ka makaka alis dito, habang buhay mo kaming pag sisilbihan at habang buhay mong babayaran lahat ng tulong ko sayo. Nag kaka intindihan ba tayo?”
Galit na sabi ng tiyahin kay Nicole, nag pipigil ng luha na napa tango nalamang naman siya dito.
Saka lang siya naka hinga ng maluwag nang sa wakas ay tumalikod na ito sakaniya at nag tuloy na palabas ng pinto.