Chapter 22

2394 Words
Sumapit na ang uwian at lahat ay hindi pa rin maalis alis ang inis ni Nicole. Naka baba na rin siya’t lahat mula sa opisina nito ay wala pa rin silang naging kibuan. Aba naman kasi, bakit siya ang unang makikipag usap dito eh hindi niya na nga ito ma intindihan at gulong gulo na rin siya sa mga inaakto nito. Isa pa, wala naman siyang dapat na sabihin sa Alexander na iyon, lagay eh siya pa ang dapat na mag sorry eh wala naman siyang ginagawang kasalanan dito. Naniniwala siyang may point din naman ang paliwanag niya rito kanina na hindi siya agad bumalik sa opisina dahil naroon pa nga ang girlfriend nito, at isa pa sa hindi niya maintindihan ay kung bakit ba masamang masama ang mukha nito kanina nang malaman nitong mag kasama sila ng kaibigan nitong si Domenic. “Hayyy ewan ko sayong bwisit ka!” Inis na bulong niya sa sarili saka marahas na napa buntong hininga, hindi niya na dapat ini-stress ang sarili niya sa pag iisip sa magulo niyang boss. Sapat nang malaman niyang may karelasyon ito na hindi niya nga alam kung gaano katagal na para isiping mali na mag isip siyang may pag asang mapansin siya ni Alexander ng hindi lamang bilang isang empleyado, ng hindi lamang isang parang gamit na nagkakaroon lamang ng halaga kapag kailangan siya. ‘Sa kama Nicole…’ Mapait na bulong sa kanya ng kanyang konsensya, mapaklang napa ngiti sa sarili si Nicole kasabay ng pag bukas ng automatic na pintoan pa labas ng building na iyon. “Hey, sumabay ka na saakin ihahatid na kita.” Kulang na lang ay mapa sigaw sa gulat si Nicole nang marinig ang malakas na boses na iyon kasabay ang pag tunog ng busina ng mamahalin nitong sasakyan. Agad siyang napa irap nang makita ang presko at nakaka inis na mukha ni Alexander, seryoso ang tingin na ipinupukol nito sa kanya na sa itsura pa lang ay alam niyang hindi ito papayag na hindi siya sumabay dito. Ngunit sa halip na pansinin pa ang pesteng CEO ay isang katakot takot na irap lamang naman ang ibinigay niya rito saka ito tinalikuran at mabilis na nag lakad pa layo na para namang mayroon siyang laban sa mga gulong ng sasakyan nito. Eh kayang kaya nga siyang sagasahan niyon ng walang kahirap hirap tumakbo man siya ng ubod ng bilis. Ngunit kahit ganoon ay hindi niya pa rin pinansin ang negatibong isiping iyon sa halip ay tuloy lamang siyang nag lakad at walang lingon likod kahit pa alam niyang sumusunod pa rin sa kanya ang CEO. Mabagal ang ginagawang pag papatakbo ng sasakyan nito na sapat lamang para mapantayan siya. Muli na lamang napa irap si Nicole dahil sa inis. Ano ba naman kasi ang gusto ng bwisit niyang boss at kinukulit siya ng ganito sa tapat pa mismo ng kumpanyang pinagta-trabahoan nila pareho. Siya lang ba ang kinakabahan na baka may ibang empleyedong maka kita sa kanila? Malamang nga siya lang ang nakaka ramdam ng labis na kaba ngayon, bakit nga ba naman kakabahan ang pesteng Alexander na ito eh anak ito ng may-ari ng kumpanya. Dahil sa isiping baka nga may maka kita sa kanila at maging dahilan pa ng malaking usapin ay agad na napa hinto sa pag lalakad si Nicole, ganun din naman ang pag mamaneho ni Alexander, pasimple niya pa itong sinamaan ng tingin saka muling inirapan, nanatili siyang tahimik kahit pa nga gustong gusto niya na itong sigawan dahil sa inis. “I said hop in I will take you home.” Seryoso ang boses na utos nito sa kanya, oo utos. Wala man lang kasing tunog ng pakiusap o kung ano pa man ang boses nito kaya nag mukhang utos lamang iyon. Hindi na nito hinintay ang isasagot niya at kusa na lang binuksan ang pinto ng passenger seat. Muli sanang tatalikod na si Nicole at balak nang tumakbo ng mabilis para takasan si Alexander nang may marinig na boses ng isang lalaking palapit sa gawi nila. “Magandang hapon po sir, may problema ho ba?” Agad ang pag ragasa ng kaba sa buong sistema ni Nicole nang makitang isa sa mga guards ng kumpanya ang lumapit, lalo tuloy lumala ang kagustuhan niyang tumakbo at takasan ang mga ito. “Walang problema, may ipinaguutos lamang ako sa aking EA, na hanap mo na ba miss Lorenzo? If you did just get in the car you are wasting my time.” Tila inis na sagot ni Alexander tapos ay siya naman ang binalingan. Napa tango naman agad si manong guard, gustong mag papadyak sa inis ni Nicole nang ang gwardiya na ang kumilos para mas lalo pang buksan ang pinto ng sasakyan ni Alexander para maka pasok siya, wala na ring nagawa si Nicole kundi ang mag pilit ng ngiti rito saka nag kunwaring nag pasalamat pa bago sumakay sa sasakyan. Nang maayos nang maka upo at maisara ang pinto ay mabilis nang pinaharurot ng takbo ni Alexander ang sasakyan, ka muntik pa siyang masubsob sa unahan niyon dahil sa kawalan ng makakapitan. “Pwede ho bang dahan dahan naman sa pag mamaneho sir? Tsaka bakit ho ba? Tapos na ang trabaho ano pong kailangan niyo?” Pigil ang inis at pormal pa rin na tanong niya kay Alexander na pasalamat naman siya dahil tila nakinig rin naman ito sa utos niyang mag dahan dahan sa pag mamaneho. “I said call me Alexander, Nicole damn it! And will you drop the formalities? I don’t need it right now!” Malakas at galit nitong sigaw, saglit namang natameme si Nicole dahil doon ngunit agad rin naman siyang naka bawi. Pinanliitan niya ito ng mata saka nag salita. “Sir, sir Alexander Montefalco. CEO ng kumpanyang pinagta-trabahan ko. Ano nga ho ba kasi ang kailangan niyo sa akin?” Hindi na napigilan ang inis na muli niyang tanong dito, nawalan na rin siya ng pakealam kung lalo lamang itong magalit dahil sa hindi niya pakikinig sa utos nitong tawagin ito sa pangalan. Maging ang masamang tingin na ipinupukol nito sa kanya ay hindi niya na rin pinansin, eh bakit ba? Sa na iinis siya dito. Sigurado naman siya na kahit isa lamang siyang EA nito ay may karapatan pa rin naman siyang mainis at magalit at higit sa lahat ay ilabas iyon. “Alexander!” Muling sigaw nito na pinag diinan pa ang pangalan na tila ba pilit na isinisiksik sa utak niya na iyon dapat ang itawag niya rito. Isang matalim na irap at malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Nicole saka ito hinarap, nasa kalsada na ngayon ang atensyon ni Alexander, naka kunot pa rin ag noo nito at alam niyang galit pa rin pero ewan niya ba kung bakit wala siyang pakelam. “Fine, Alexander kung Alexander. Ano ngang kailangan mo?” Inis at galit niyang ulit nanaman sa kanina niya pang tanong na hangang ngayon ay hindi pa rin nasasagot. “I need you to tell me what’s going on.” Seryosong sabi nito na siya namang naging dahilan ng pangungunot ng kanyang noo. “Sabihin ang ano ba?” “Tell me why you’re mad Nicole, why are you so pissed off?” Muling sabi nito , saglit na natigilan si Nicole saka pinakiramdaman ang sarili. Bakit nga ba siya nagagalit? Bakit nga ba siya inis na inis ngayon hindi lamang sa pesteng Alexander na ito kundi maging sa tingin niya ay halos lahat na lang ng bagay na makita niya? “Hindi ko alam.” Walang pag dadalawang isip na sagot niya rito, iyon naman kasi talaga ang totoo, eh ano kung mag mukha siyang tanga sa harap nito. Rinig ni Nicole ang ilang beses na pag buntong hininga ni Alexander bago nag salita. “If you are pissed and mad at me right now because of Amara then tell me. Shout at me. Hit me if you want I don’t care. But I don’t like you acting this way it’s making me crazy!” Seryoso ngunit bakas pa rin ang inis sa boses na sabi ni Alexander, hindi pa rin ito naka tingin sa kanya at nanatili lamang sa kalsada ang tingin. Saglit pa siyang nag isip kung dahil nga ba sa girlfriend nitong si Amara kaya siya nagkaka ganito ngayon, kung oo o hindi ang sagot ay hindi niya alam. Pakiramdam niya ay hindi siya naiinis at nagaglit ngayon dahil sa Amarang iyon, sa boss niya siya mismo nagagalit. “H-hindi, hindi ako nagagalit dahil sa girlfriend mong pangit ang ugali.” Tila wala sa sarili at halos pa bulong niyang sabi, agad namang nalipat sa kanya ang atensyon ni Alexander habang siya naman ngayon ang sa kalsada naka tingin. Agad na nangunot ang kanyang noo nang mapansin ang hindi pamilyar na daang dinadaan nila ngayon. “Then why are you like this now?” Tanong pa nito, marahas na napa buntong hininga si Nicole saka ito inis na binalingan ng tingin. “Hindi ko alam, okay? Hindi ako na iinis dahil sa Amara mo, naiinis at nagagalit ako sayo at please lang huwag ka nang mag tanong kung bakit dahil sa totoo lang ay hindi ko rin alam ang sagot! Naguguluhan ako sa maraming bagay Alexander, bago ang lahat ng ito sa akin, hindi ko pa naranasang maramdaman ang nararamdaman ko ngayon kahit isang beses lang buong buhay ko. Bago sa akin ang mga ginagawa natin, sa Palawan at sa opisna nang maka balik na tayo at naguguluhan ako sa mga ginagawa mo!” Halos kapusin siya sa pag hinga matapos ang walang preno niyang pag sasalita. “I don’t want to see you talking to Domenic again Nicole, to Domenic o kahit na sinong lalaking lalapit sa iyo. Cause if I see you talking to other guys I promise I will wring their neck in front of you.” Iyon lamang naman ang nakuha niyang sagot mula kay Alexander, hindi niya na nakuhang mag tanong dahil na lipat na ang atensyon niya nang humito ang sasakyan, agad na nag libot ang tingin ni Nicole at agad ding nahintakutan nang bumungad sa kanya mula sa binatana ng sasakyan ang isang tila mala palasyo sa laking bahay. “Nasaan tayo?” Kunot noo at puno ng pag tatakang tanong ni Nicole sa binata na nag pa una nang bumaba ng sasakyan saka umikot para pag buksan siya ng pinto. “My house.” Tipid na sagot nito at agad namang nasagot ang lahat ng tanong niya, ang kaso ay gusto niyang malaman kung bakit siya nito dinala rito. “Bahay mo to? Pero bakit mo ako dinala dito?” Kunot noong tanong niya na sa halip na sagutin ay nanatili lamang tahimik si Alexander habang inaalalayan siyang maka baba ng sasakyan nito. “Just follow me Nicole.” Utos nito na lalo lamang nag pakunot sa noo niya. “Ayoko nga, ni hindi ko nga alam kung bakit mo ako dinala rito eh.” Malakas ang boses na sabi niya rito. “Tsaka anong oras na, malapit nang mag gabi. Alam mo naman kung gaano ka lupit sa akin sina tiyang,. Baka kung mapahamak lang ako kung mag tatagal pa tayo rito.” Dagdag niya pang nag aalala. Agad din namang nangunot ang noo ni Alexander dahil doon. Eh bakit ba? Sa totoo naman eh, talagang ma lilintikan lang siya kapag inabot pa siya hangang mamaya dito at hindi agad maka uwi, eh alam na alam ng kanyang tiyang Norma ang oras ng uwi niya mula sa trabaho, anong oras na ngayon at ilang minuto nalang ay mag gagabi na. “Don’t worry about them Nicole. Just come with me!” Sabi nito, hindi na naka angal si Nicole nang walang sabi sabing hinila siya nito sa kamay patungo sa malaking kabahayan nito. “Teka nga Alex, bakit nga kasi tayo nandito?” Kunot na kunot niyang tanong dito, aba naman kasi. Kanina pa siyang nag tatanong at wala man lang isinasagot sa kanya itong pesteng Alexander na ito, wala siyang naiintindihan dahil sa halip na sagutin ang mga tanong niya ay sasagutinn lamang siya nito ng kung ano anong utos. “At anong don’t worry? Don’t worry sa tiyang Norma ko at sa mga anak niyang kayang kaya akong gawing punching bag kapag hindi ako naka uwi ngayon on time? Okay ka lang?” Napipikon niya pang sabi, lalo lamang siyang nainis nang sa halip na sumagot ay isang matalim na pa irap lamang ang nakuha niya mula rito. Aba naman, kung umirap ang isang ito ay daig pa ang babae, at mano ba namang sagutin na lang siya nito hindi iyong lalo lamang siyang iniinis. “Huwag mo nga akong ma irap irapan Alexander ha? Hindi porke boss kita eh pwede mo na akong dalhin sa kung saan mo gusto lalo pa at wala namang kinalaman sa trabaho.” Hindi na napigil ni Nicole ang pag taasan ito ng boses dahil sa sobrang inis. “Will you shut up and just come with me Nicole? I don’t wanna argue with you here. Malaki ang bahay ko at wala akong pakialam kung gusto mong mag wala pa sa loob. Let’s just go inside. Ako na ang bahala sa pangit na tiyang Norma mo at sa mga kampon niya okay?” Naka simangot na sabi nito, at kung sa ibang pagkakataon lamang niya narinig ang panglalait nito sa kanyang tiyang Norma, malamang sa hindi ay matawa pa siya. Kaya lang ay hindi, talagang na iinis siya ng sobra sa Alexander na ito ngayon. “Ewan ko sayo! Bwisit ka!” Sigaw niyang muli dito saka ito akmang tatalikuran sana, wala siyang mapapala kung pipilitin niya pang umayos ito ng sagot sa kanya at mas lalo lamang siyang maaabala kung mag hihintay pa siya doon. Kung ayaw siya nitong ihatid sa bahay na inuuwian niya eh di uuwi siyang mag isa. Walang sabi sabing nag lakad na sanang palayo si Nicole ngunit mabilis si Alexander, agad nitong na huli ang isa niyang braso saka marahas siyang hinila palapit dito. Hindi niya na rin nakuhang mag reklamo nang sa halip na mag salita ay isang malakas na sigaw ang kusang lumabas sa kanyang bibig dahil sa gulat nang walang sabi siya nitong binuhat na parang sako ng bigas. “You are so freaking loud and hard-headed Nicole. You deserved to be punished.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD