Chapter 21

2372 Words
Pasado alas dos na ng hapon at halos tunaw na rin ang kakaunting pagkain na nakain ni Nicole ngunit naroon pa rin siya at naka tunganga sa canteen ng kumpanya. Hindi niya naman kasi malaman ung dapat na ba siyang bumalik sa opisina ni Alexander ang magg trabaho o mag hindtay pa ng ilang oras para masigurong umalis na ang ‘bisita’ nito. Kanina pa rin siyang nag hihintay ng tawag ni Mary na nauna nang umalis sa kanya pag tapos kumain ng tanghalian kanina. Sabi kasi nito ay tatawagan siya kapag nakita na nitong bumama ang babaeng masama ang ugali. Marahas na napa buntong hininga si Nicole, kung umuwi na lang kaya siya? Nabuburyo lamang kasi siya dito sa pag hihintay. Gustong sapuking ni Nicole ang sarili, bukod kasi sa pag hihintay na umalis na ang girlfriend ng kanyang boss dahil siyempre ay ayaw niya namang maabutang nag lalampungan ang mga ito kung iyon man nga ang ginagawa nila sa taas ay kanina pa rin siyang hindi mapakali sa pag iisip. Kanina pa siyang halos hindi maka hinga dahil sa kung anong mabigat naka dagan doon at hindi niya maipaliwanag kung ano. Basta’t pakiram dam niya lang ay gusto niyang sumigaw ng malakas para mawala iyon kahit papano. “Hay naku Nicole, kesa tumunganga ka dito at mag isip ng kung ano ano. Mag isip ka nalang ng kung ano ang pwede mong gawing kapaki-pakinabang.” Napipikon at mahina niyang kausap sa sarili saka agad na kumilos para lapitan ang tinderang nasa may pinaka counter ng canteen. “Hi ate, pwede po bang pahiram ng walis at pamunas na rin?” Magalang niyang tanong dito, at oo balak niyang mag linis. Pakiramdam niya kasi ay mababaliw lang siya sa pag iisip kung mananatili lamang siyang naka tunganga. Taka namang napa tingin sa kanya ang tinder na tila ba gustong mag tanong kung bakit dahi sa ekszpresyon ng mukha nito. Nag pilit nalang naman ng ngiti si Nicole saka itinuro ang dati naman nang malinis na sahig at mga lamesa ng canteen. “Wala po kasi akong magawa eh na bo-boring ako sa kanina pang pag hihintay.” Kusa niyang pag papaliwanag, napangiti naman ang ale saka umiiling pa siyang tinitigan bago itinuro ang lagayan ng mga gamit pag linis. Malaki ang ngiti na agad na nilapitan iyon ni Nicole, ilang sandali pa ay daig niya pa ang isang janitress sa sobrang sinop niyang mag linis. Inabot na rin yata siya ng halos isang oras sa pag lilinis sa kabuoan ng canteen ng kumpanya at pakiramdam niya kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil marahil iyon sa nabawas ang pag iisip niya tungkol sa bisitang magandang bababe ng kanyang boss. “Miss EA? Wow I didn’t know na janitress ka rin pala dito” Agad na napa angat ng ulo si Nicole mula sa masinop niyang pag kuskos sa isang lamesa dahil sa sweet na boses ng isang lalaing sa tantsya niya naman ay siya ang kinakausap. Agad na nangunot ang noo ni Nicole nang bumungad sa kanya ang naka ngiti at gwapong lalaki na pamilyar na pamilyar sa kanya. Ilang sandali pa siyang nag isip kung sino nga ba ang lalaking ito at kulang nalang ay mapa palakpak siya nang malala ito. “Sir Domenic?” Nanlalaki ang mga matang kumpirma niya, mas lumaki din namang lalo ang suot na ngitio ng lalaki kaya’t sa tingin niya ay tama nga ang hula niyang pangalan nito. “Yeah, kamusta ka miss EA? O hindi ka na ba EA ngayon?” Pabirong sabi nito na bahagyang lumipat pa sa hawak niyang walis at basahan ang tingin, nahihiya namang mabilis na tinago ni Nicole sa likod ang bahasan saka nag pilit ng ngiti habang pinapahid ang ilang butit ng pawis sa kanyang noo gamit ang likod ng kanyang palad. “Ay hindi po sir, EA pa rin po ako ni sir Alexander, may bisita lang po siya sa taas eh mukhang personal po kaya naisip kong dito nalang sa canteen mag hintay. Naboring po ako kaya heto nag lilinis.” Mahaba niyang paliwanag na tila ba nakagawa siya ng isang napaka laking kasalanan. “Kayo ho? Anong ginagawa niyo rito?” Usisa niya sa gwapong binata, nahihiya naman itong nag pilit ng ngiti sa kanya saka nag iwas ng tingin. “Napa daan lang, anyway Amara already left a while ago. Sabay na tayong pumunta sa opisina ng boss mo?” Sagot nito na hindi pa rin tumitingin sa kanya, saglit pa tuloy siyang na-consious, baka naman kasi napakka dungis ng itsura niya ngayon kaya hindi siya nito makuhang tingnan. “Okay sige po sabay na tayo dhil baka magalit na hoi yon dahil wala pa ako, ibalik ko lang ito.” Naka ngiti at masigla niyang sabi kay Domenic saka nag tatabo na para ibalik sa pinag kuhanan ang mga ginamit niyang pang linis. “Kamusta ka miss EA? I don’t know your name so pardon me if I kept calling you that.” Magalang na sabi nito nang sabay na silang nag lakad sa dereksyon kung nasaan ang elevator. “Nicole po ang pangalan ko, tsaa maayos lang naman po ako, eto mukhang uuwingb luhaan.” Malungkot na sabi ni Nicoled habang pilit na hinihaan ang boses para sa huling sinabi. Hindi naman naka ligtas sa pandinig ni Domenic iyon kaya agad itng nag taka at nag tanong ng kung ano ang ibig niyang sabihin. Mabilis na umiling si Nicole saka nag pilit na lamang ng ngiti rito. Kung ano ano pa ang na pag usapan nila ng mabait na si sir Domenic habang nag lalakad pa punta sa opisina ni Alexander, tumigil lamang sila nang malapit na sila sa into nito. Hinayaan niya nang si Domenic ang kumatok doon samantalang siya ay nanatiling tahimik na nag hihintay, nasa may bandang likuran siya ni Domenic. Bakit ba pakiramdam niya ay ayaw niyang makita ang malanding Alexander na iyon? Pakiramdam niya ay naiinis siya dito ngunit hindi niya naman alam ang dahilan. O alam niya naman talaga kung bakit ngunit ayaw niya lamang talagang aminin sa sarili. Malakas siyang napa bunga ng hangin na siya namang naging dahilan ng pag agaw niya ng atensyon ni Domenic, kunot na kunot pa ang noo nitong tumingin sa kanya. “What’s wrong?” Seryoso ang boses na tanong nito, nag taka pa siya saglit saka pilit na lang na ngumiti rito at sunod sunod na umiling. “Wala naman po, baka nandyan pa po yung girlfriend ni sir Alexander, galit po kasi saakin iyon.” Sagot niya rito na para bang iyon lamang talaga ang tanging dahilan. “Sana kinagat mo haha.” Nakuha pang pag bibiro ni Domenic na siya naman niyang ikinasimangot. “Ano namang akala mo saaking sir Domenic? Tigre?” Pilosopo niyang sagot na siya namang ikina lakas pa ng pag tawa nito. “Just call me Domenic Natalia, I am not one of your boss.” Malaki ang ngiting sabi pa nito, tila nahawaan siya ng goodvibes ni Domenic kaya hindi niya na rin napigilan ang sariling mapa ngiti. “No, nobody wil ever see you as a ttiger Nicole, you’re a cat. A sweet one.” Hindi inaasahan ni Nicole na sasabihin iyon ni Domenic, agad na namula ang mag kabila niyang pisngi dahil sa hiya, hindi na rin napigilan ni Nicole ang pag angat ng isa niyang kamay at walang pag dadalawang isip na hinampas ng mahina sa braso ang palabirong lalaki. Agad naman itong natawa dahil sa aksyon niya at sa hindi malamang dahilan ay nakita na lamang ni Nicole na sabay na silang nag tatawanan ni Domenic. Sabay pa silang utumahimik nangiglang bumukas ang pinto ng opisina ni Alexander, bumungad sa kanila ang seryoso ngunit naka simangot na mukha nito. Sa kanya lamang naman ito naka tingin kaya agad siyang nag iwas ng tingin saka nag madaling pumasok sa loob ng opisina nang bahagyya itong tumabi para bigyan sila ng daan ni Domenic. Agad siyang dumiretso sa pwestong kinaroroonan ng kanyang lamesa saka nag kunwaring abala sa pag aayos ng mga papeles na kanina niya pang tinatrabaho. Ni hindi niya na nga pinansin ang kung anong piinag uusapan nina Domenic at ng kanyang boss, nagawa niya lamang mag angat ng ulo nang tawagin siya ng sa tingin niya ay si Domenic dahil sa sweet at malalim na boses nito. “See you around Natalia.” Naka ngiting sabi nito na ginantihan niya naman ng isang matamis na ngiti bago ito tuluyang maa labas kasunod si and CEO na kulang nalang ay patayin siya dahil sa sama ng tinging ipinupuol nito sa kanya. Saglit pa siyang nag isip kung ano nga bang nagawa niyang kasalanan at ganun nalang nanaman ang galit sa kanya ng kanyang boss, ngunit sa halip na ma-stress pa sa pag iisip ay pinili niya na lamang ang mag kibit baliat at hayaan ito. Kung ang pagiging late niya sa pag balik sa opisina nag iinagagalit nito ay may maganda naman siyang dahilan kung bakit, kasama n Alexander ang Amarang iyon at malay niya ba kkung anong milagro ang ginagawa ng mga ito sa opisina ni Alexander kanina. Alangan naman tumunganga siya doon at tahimik na manuod? “Aray! Peste!” Inis niyang sabi sabay na pa bagsak na binatiwan ang gawak na stapler nang sa halip na ang papel ang matusok ay ang isa niya pang daliri ang nadali. Saglit niyang ininspeksyon iyon, hindi naman naiwan ang bala ng stapler sa daliri niya pero masakit pa rin. Bakit ba kasi nawawala siya sa sarili? Kunot noo siyang kumilos at nag madaling iniwan ang kanyang office table para mag tungo sa pantry para uminom sandali ng malamig na tubig. Kulang nalang ay mapa piit siya sa sarap sa pakiramdam ng tubig na iniinom para mapatalon lang din sa gulat nang may malamig na boses na biglang nag salita sa likod niya. “Where have you been Kanina pa kita tinatawagan?” Bakas ang inis sa boses nito, agad namang nangunot ang noo ni Nicole saa daling dinukot mula sa bulsa ng suot niyang mini skirt ang kanyang celphone. Tama nga ito, marami nga itong missed calls. “If only I knew that you were just out having fun with Domenic I should have just paged you.” Inis pa rin ang kunot na kunot ang noong sabi nito. “Hindi naman po kami kanina pang magka sama ni Domenic sir Alexander eh. Nagkita lang po kami sa canteen kanina dahil doon po ako nag hihintay hangang maka alis yung maldita niyong girlfriend tapos si Domenic na din po ang nag sabi sa akin nan aka alis na daw po yung girlfriend niyo kaya sabay na po kaming umakyat dito.” Mahaba at halos hindi na humingang paliwanag ni Nicole, lalo lamang namang nangunot ang kanina pang lukot na lukot na noo ni Alexander. Teka ano nga ulit ang sinabi niya? Malditang girlfriend? “S-sorry po sir, hindi o po sinasadyang tawaging maldita ang girlfriend niyo, pero iyon naman po kasi ang totoo eh.” Parang bata at naka nguso pang sabi ni Nicole saka yumuko habang pilit na iniiwasan ang tumingin sa tila nag babagang mga mata nito. Ano ba naman kasi ang gusto nitong sabihin niya? Na mabait at ubod ng ganda ang girlfriend nitong si Amara? Hindi naman eh, maganda lang iyon pero masama talaga ang ugali. Alam niyang wala siyang karapatang mang husga ng bagong taong kakilala pero sadyang mabigat ang loob niya sa babaeng iyon, pakiramdam niya kasi ay mukha lang itong anghel pero kayang kaya siyang gawing basahan ng Amarang iyon. “Bakit kasama mo si Domenic?” Inis at walang reaksyon na tanong nito, agad namang nangunot ang noo ni Nicole dahil sa pagka lito. “I-iyon na nga po, nagkita kami sa canteen tas sinabay niya na ako pa akyat dito tapos an-“ Agad siyang napa tigil sa pag sasalita saka nag angat ng tingin, pinanliitan niya rin ito ng mata nang siya naman ang makaramdam ng inis dito. “Bakit kop o ba kailangang ipaliwanag kung sino ang gusto kong samahan sir? Hindi ko naman po boss si Alexander isa pa sa tingin o naman po ay Malaya naman akkong makipag kaibigan dahil hindi naman po sakop sa batas ng trabaho ko na bawal akong makipag kaibigan sa ibang lalaki diba sir?” Baas ang inis sa boses na katwiran ni Nicole na siya namang dahilan ng lalo lamang pag kunot ng noon i Alexander, halos mag dikit na rin ang dalawang kilay nito dahil doon. “Alexander, Nicole. I said call me Alexan-“ “Ay hindi po sir, boss ho kita at empleyado niyo lang ho ako kaya dapat ko ho kayong tawaging sir.” Inis ngunit magalang pa rin na sabi niya, ano bang pakealam niya kung magalit pa lalo ang pesteng Alexander na ito? Tinin niya naman ay may point ang sinasabi niya rito ngayon. “What the hell Lorezo!” Halos mapa talon pa sa gulat si Nicole dahil sa malakas at galit na sigaw nito, bahagya rin siyang naka ramdam ng takot ngunit pilit niyang pinatigas ang sariling ekspresyon para huwag ipahalata at ipakita ang totoong nararamdaman niya sa harap ng CEO. “Ano po bang gusto niyo sir?” Walang gana niyang tanong dito na sinabayan niya pa ng malamim na buntong hininga, hindi naman nakuhang sumagot ng kanyang boss sa halip ay masamang masamang tingin lamang naman ang ipinukol sa kanya. Pinigilan ni Nicole ang umirap dito dahil baka lalo lamang mag huramintado ang tila may salti na si Alexander. “Kung wala na po kayong sasabihin, excuse me po. Marami pa po akong trabahong kailangang tapusin.” Ang kaninang inis niyang boses ay napalitan na ngayon ng mahinahoon, pormal at magalang na tono, hindi niya na rin hinintay pang mag salita ito at pilit nalang nakumilos sa maliit na espasyo sa pagitan ni Alexander at ng pinto para iwan na ito doon. Alam niyang wala siyang karapatan para nag maldita, mag taray at magalit kay Alexander, siya na rin ang nag sabii na empleyado lamang siya nito ngunit ewan niya ba kung bakit hindi niyya mapigilan ang matinding inis na tila kusa niyang nararamdaman para rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD