“Ano ba talaga ang problema mong peste ka ha?”
Inis at malakas na sigaw ni Nicole nang sa wakas ay ibaba siya ni Alexander, ni hindi niya nga pansin na nasa loob na sila ng mala palasyong bahay ng CEO dahil sa inis niya rito.
Agad niya rin itong sinamaan ng tingin at buong tapang na sinalubong ang naka kunot nitong noo, alam niyang naiinis na rin si Alexander dahil sa pagiging maingay niya.
Bukod doon ay tinawag niya rin itong peste.
Totoo naman kasi iyon, wala yatang magawa itong boss niya kaya siya ngayon ang pinag didiskitahang kulitin.
Gusto niyang isigaw sa pag mumukha ni Alexander na hindi siya interesado sa pangungulit nito ngunit ewan niya ba kung bakit hindi niya magawa.
“Tell me what’s going on.”
Utos nito sa kanya habang kunot na kunot pa rin ang noo at matamang nakka titig sa kanya.
“What’s going on with what ba? Kanina ka pang tanong ng tanong!”
Inis din at malakas ang boses na sigaw niya rito.
Alam niya naman na ang kung bakit siya nagagalit pa rin ang itinatanong nito ngunit gusto niya pa rin iyong marinig na sabihin ni Alexander.
Maarte na kung maarte, hindi man siya kagandahan para mag inarte kagaya ng girlfriend ng hudas na si Amara ay alam niyang may karapatan pa rin naman siyang gawin iyon paminsan minsan, isa pa ay talagang nagagalit siya.
Muli niyang sinalubong ng masamang tingin ang seryosong binata saka ito katakot takot na inirapan.
“Why are you mad?”
Seryosong ulit nito, lalo lamang naman siyang napa busangot.
“Sinabi ko naman na diba? Naguguluhan ako sa mga akto mo.”
Kahit naiinis ay pilit na lamang nag seryoso si Nicole, hindi matatapos ang usapan kung puro sigawan at bangayan lamang.
Kita niya ang lalong pag kunot ng noo ni Alexander na kulang na lang ay mag dikit na ang dalawang kilay nito, muli siyang napa irap saka marahas na bumuntong-hininga.
“Nakaka inis kasi na malaman na may girlfriend ka pala, tapos ganito mo na lang ako kung landiin.
Nakaka baba sa sarili alam mo ba? Kahit minsan hindi ko nakita ang sarili ko na maging baliw sa isang tulad mo na wala namang kayang maipangako sa akin maliban sa lust, sa s*x. Alexander ayokong maging ganito lang tayo. Ayokong maging laruan mo.”
Pa bulong at tila wala sa sariling sabi ni Nicole, pilit rin siyang nag iwas ng tingin sa binata sa takot na makita ang reaksyon nito.
Kasabay ng unti unti ring nagiging malinaw sa kanya kung bakit nga ba siya nagagalit ng ganito, nag si-selos siya, at alam niyang hindi tama iyon, alam niyang wala siyang karapatan na maka ramdam ng ganito, wala siyang karapatang pag selosan si Amara na siyang tunay na ka relasyon ng kanyang boss.
“Hey, don’t say that… Hindi kita ginagawang laruan ko lang Nicole. And don’t you ever think na napaka baba mo because of what’s been happening between us. You are not.”
Seryosong sabi nito kasabay ng masuyong pag hawak sa mag kabila niyang pisngi, napilitan siyang mag angat ng tingin at salubungin ang seryoso at malalim na tingin ni Alexander.
“Kung… Kung hindi Alexander, ano ako? Ano tayo?”
Pa bulong niyang sabi ngunit sapat lamang upang hindi maka lampas sa pandinig ni Alexander, kita niya ang pag lambot ng tingin nito at ang sandaling pag iisip, ilang minuto rin silang nag titigan saka nito nakuhang sumagot.
“I- I don’t know Nicole, hindi ko pa kasi alam kung anong dapat kong isagot sa tanong mo, I don’t know what you want to hear…”
Sagot nito na siya lamang naging dahilan ng lalo niyang pagka lito, unti unti niya ring naramdaman ang dagliang kirot sa kanyang dibdib na hindi niya mawari kung anong klaseng sakit, kung saan nangagaling.
Gusto niyang mag mura, sumigaw ngunit hindi niya magawa. Siya lamang naman talaga ang nag expect kay Alexander, siya ang kusang loob na bumigay rito.
Naguguluhan pa man sa sariling nararamdaman para sa kanyang boss ay alam niyang mahalaga ito sa kanya, alam niyang gusto niya si Shawn Alexander Montefalco, nakaka inis lang dahil hindi ito pareho ng ng nararamdaman para sa kanya.
Nakaka inis na kusa siyang umasa…
Gustuhin mang mag wala ay pilit na lamang niyang kinalma ang sarili, nag pilit rin siya ng ngiti saka marahang tumango.
Kusa ring kumilos ang kanyang mga kamay para hawakan ang naka hawak pa rin sa mag kabila niyang pisnging mga kamay ni Alexander.
Mas nilakihan niya rin ang pilit niyang mga ngiti kahit pa ang totoo ay gusto niya nang mag ngangawa ng iyak, dahan dahan ang kilos na pinilit ni Nicole na tangalin ang mga kamay ng binatang naka hawak sa kanya.
Ramdam niya ang pag higpit niyon na tila ba ayaw siya nitong pakawalan ngunit wala rin itong nagawa ng buong lakas niyang hilahin ang kamay nito palayo sa kanya.
“Nicole wh-“
“Alam ko naman naman na maling maramdaman ko ito una pa lang eh, tinangap ko nang kasalanan ko kung masasaktan man ako sa huli at wala akong karapatang magalit sayo.
Ayokong sabihin mo ang gusto kong marinig dahil sa huli ay alam kong mag sisinungaling ka lang kung iyon ang ipipilit ko at ayoko nun.
Gusto kong sabihin mo ang totoo Alexander Montefalco. Sabihin mo ang gusto mong sabihin at hindi ang gusto kong sabihin mo.”
Malungot niyang sabi saka marahas na pinahid gamit ang likod ng palad ang ilang butil ng luhang sunod sunod na namasa sa maganda niyang mukha.
“Nicole please, don’t make this harder for me. I don’t know what to say. All I can say is, you are special, and I like you that way. Don’t walk away from me.”
Seryosong pakiusap nito, hindi naman malaman ni Nicole kung ano ang dapat niyang maramdaman dahil doon.
Toxic… Masyadong toxic ang relasyon nila ng kanyang boss, nasasaktan siya pero alam niya rin sa kanyang sarili na ayaw niyang kumawala.
“Don’t mind Amara, please just pretend that she doesn’t exist. That it’s just you and me.”
Dagdag pang sabi nito kasabay ng muli nanaman nitong pag lapit sa kanya para muling sakupin ng mga palad ang maliit niyang mukha.
Nalilito namang napa tanga na lamang dito si Nicole, mas lalo lamang siyang naguguluhan.
“Ano ba talaga ang gusto mong mangyari Alexander?”
Pa bulong niyang tanong habang hindi na napigilan ang sariling mapa pikit dahil sa masuyong pag haplos nito sa kanyang pisngi, pababa sa kanyang batok at hindi lumaon ay nalipat sa likod ng kanyang ulo ang isa pa nitong kamay.
Napilitan lamang siyang mag dilat nang tumigil ito sa pag kilos at ramdam niya mula sa pagkaka pikit ang mariin nitong pag titig.
Bumungad kay Nicole ang seryoso at malalim nitong tingin na tila ba pati ang kanyang kalooban ay kayang kayang basahin ng pares ng mata nito.
“Be my fling Nicole.”
Saglit siyang napa tanga sa sinabi nito.
Fling… Ka landian? Ka harutan? Ka s*x? O kung ano pa man ang pwedeng salitang aangkop sa salitang iyon ay hindi alam ni Nicole ang sagot.
“Be the CEO’s fling, Nicole Lorenzo.”
Seryosong sabi ni Alexander, saglit pang nag isip si Nicole kung nag bibiro lamang ba ang kanyang boss o talagang seryoso ito dahil sa ekspresyon ng mukha nito.
Sandali lamang naman ang ginugol ni Nicole sa pag iisip at agad din namang nasagot ang sarili niyang tanong ng isang malaking HINDI.
Sa itsura ngayon ng Alexander na ito ay sigurado siyang hindi ito nag bibiro.
Muli pang nagunot ang noo ni Nicole ngunit para sa kanyang sarili.
Fling…
Simpleng salita lamang ang sinabi ni Alexander ngunit napaka bigat ng ibig sabihin para sa kanya.
Unti unti nanamang namumuo ang inis sa sistema ni Nicole, pinanliitan niya ito ng mata saka inirapan.
“Ewan ko na talaga sayo boss. Ayos ka lang ba? Mukhang malala na ubo mo sa utak eh, pa gamot ka na ah? Malay mo lang may pag asa ka pang gumaling diba?”
Inis na sabi niya rito dahilan para ito naman ang mapa tanga sa kanya, hindi marahil ma isip na kaya ng isang hamak na EA lamang na kagaya niya ang mag salita ng ganon sa isang Shawn Alexander Montefalco, sa isang CEO.
Saglit namang natigilan si Nicole nang maisip kung anong ka pilosopohan ang sinabi niya sa kanyang boss, aba naman kahit ba totoong mukha nga talagang may ubo sa utak ang Alexander na ito eh boss niya pa rin naman ito.
Inis na napa kamot sa batok si Nicole saka muling tinapunan ng masamang tingin si Alexander.
“Eh sorry, nag sasabi lang ako ng totoo. Kung hindi ba naman kasi eh kung ano ano iyang mga pinag sasabi mong kalokohan.”
Napipikong sabi ni Nicole na siyang ikina simangot naman ni Alexander.
“Hindi kalokohan ang sinasabi ko Nicole and I am not even joking. Be my fling, I will give you my world.”
Seryoso pa rin ang mukhang sabi pa nito sa kanya, muli namang napa irap si Nicole sa binata.
“Ewan.Uwi na ako late na.”
Pag tatapos niya sa usapan saka ito tinalikuran.
“One more step away from me Nicole and I swear to God you won’t be able to walk for the next few days.”
Agad na natigilan sa pag lalakad si Nicole saka ito hinarap habang suot ang masamang tingin para rito.
“One more step mo mukha mo! Yayain mong maging fling iyong Amara mo huwag ako.”
Pinag halong inis at galit na sabi niya rito saka siya muling tumalikod para layasan na ang binata.
“Amara mo? Are you freaking jealous?”
Walang pag dadalawang isip na bintang nito sa kanya, muling na tigilan si Nicole, ramdam niya ang pag init ng kanyang mukha dahil sa pinag halong kahihiyan at inis.
“Hey…”
Masuyong tawag nito sa kanya, rinig niya ang mga hakbang nito palapit.
Hindi niya na kailangang tapunan pa ito ng tingin para lamang masabing ilang hakbang na lang ang layo ni Alexander mula sa kinatatayuan niya.
Mariing napa pikit si Nicole nang maramdaman ang magaan nitong kamay na humawak sa manipis niyang baywang.
‘Diyos miyo perdon! Ano bang ginagawa at gustong mangyari ng lalaking ito?’
Iyon lamang ang tangi at pabulong niyang nasabi sa sarili saka wala nang nagawa nang pilit siyang pihitin ni Alexander pa harap dito.
Bumungad kay Nicole ang malokong ngiti ni Alexander pati ang mapanuri nitong mga mata.
Sinamaan niya ito ng tingin saka inirapan.
“Anong nginingiti mo?”
Galit niyang tanong dito na siya namang ikinatawa nito ng marahan.
“You’re jealous…”
Sabi pa nito ng naka ngiti, labas pa ang pantay at mapuputing ngipin nito dahil sa malaking ngiting iyon.
Kung sa ibang pagkakataon marahil ay nag lupasay na siya sa kilig lalo at alam niyang para sa kanya at dahil sa kanya ang mga ngiting iyon ng kanyang boss na minsan sa isang buwan niya lamang kung makita.
Bihira kasing ngumiti ang masungit na CEO na ito, madalas kasi itong seryoso o kung hindi naman ay naka simangot.
Hindi napigilan ni Nicole ang pag kilos ng mga kamay at inis na nilamukos sa mukha si Alexander.
Sa kagustuhan niya marahil na ma wala ang nakaka inis nitong ngisi kaya niya ginawa iyon.
Hindi naman umipektto ang ginawa niya, sa halip ay bahagya lamang itong umatras habang hindi pa rin binibitawan ang pag kaka hawak sa kanyang baywang.
“You should have told me that you are just jealous of Amara kaya ka nagagalit ng ganito ngayon, oh Lorenzo… What should I do with that innocence of yours?”
Malokong sabi nito habang mas lalo lamang lumalaki ang ngiti, mataman rin itong naka titig sa kanya na ewan niya ba at hindi niya na magawang salubungin ang mga titig nito ngayon samantalang kanina eh halos hindi siya matinag sa masamang mga tingin nito.
“Ewan ko sayo, bakit naman ako mag si-selos sa Amara mo eh ubod naman ng gaspang ang ugali niyon? Maganda nga ng di hamak saakin pero ang sama naman ng ugali, masyadong sensitib. Nabuhusan lang ng kape ang damit ang arte-arte na eh pwede namang labhan iyon.
Alam mo bagay kayo, siya maganda pero pangit ang attitude ikaw naman gwapo nga pero ubod naman ng sungit at kumplekado.
Kaya mag sama kayo bwes- hmmp!”
Hindi na nagawang ituloy ni Nicole ang mahaba niyang litanya ng panlalait sa girlfriend ni Alexander nang walang sabi siya nitong siniil ng halik sa labi.
Kusang napa pikit si Nicole nang marahang mag lakbay ang mga kamay ni Alexander sa kanyang likuran pa akyat sa kanyang mahabang buhok.
Nakita na lamang ni Nicole ang sariling tumutugon sa malalim na halik na iyon habang kusang ginagaya ang kilos ng mga kamay ng binata.
Ilang minuto ring nag tagal ang halik na iyon at kung hindi pa sila kapusin pareho ng hininga ay alam niyang hindi pa iyon titigil.
Muling bumungad kay Nicole ang malaking ngiti ni Alexander matapos nitong pakawalan ang kanyang mga labi.
“I’ve been told by various women that I am handsome Nicole.”
Sabi nito ng may nag lalaro pa ring ngiti sa mga labi, muli siyang napa irap at mag sasalita sana para barahin ito ngunit maagap si Alexander, alam na marahil ng kanyang boss na mag dada-dada nanaman siya kaya agad nitong hinarang gamit ang kaliwang hinlalaki nito sa kanyang mga labi.
“But I don’t know why hearing it from you is way different. Mas gusto ko na galing sayo ang pa puring iyon Nicole. Nakaka kilig.”
Dagdag nito, kunot noong napa titig na lamang si Nicole sa kanyang boss habang gulong gulo ang ekspresyon dahil sa hindi pagka intindi sa sinabi nito.
“You are sweet, cute, innocent and charming baby… But I believe you still need to be punished.”