Ilang araw na rin ang lumipas mula nang maka balik sila ni Alexander mula sa ‘business trip’ nila sa Palawan.
Katulad ng dati ay balik nanaman sa mga ordinaryong araw si Nicole, gigising ng maaga para pag silbihan ang mga dugong bughaw na kamaganak ni Satanas tapos ay mag kukumahog sa pag aayos upang huwag ma late sa pag pasok sa trabaho.
Wala din namang nag bago sa kanyang boss, masungit pa rin ito at tila palagi pa ring galit, balik na rin siya sa pag tawag dito ng ‘sir’ para sa formality.
Ang pangit nga naman talagang pakingan kung tatawagin niya lamang itong Alexander sa loob ng kumpanya nito, kahit naman kasi may ‘s*x’ na namamagitan sa kanila ay hindi pa rin nag babago ang katotohanang isa pa rin siyang hamak na Executive Assistant at si Alexander pa rin ang boss niya.
May ilang bagay lang ang nag bago, hindi na siya nito masyadong inuutosan lalo sa mga bagay na wala namang kinalaman sa trabaho, hindi na rin siya nito sinisigawan at hindi katulad ng dati na palaging naka kunot ang noo sa kanya pag pasok na pag pasok pa lang nito sa opisina.
Para kay Nicole ay maayos na iyon, kesa naman sa bumalik nga sa dati ang boss niya at umastang parang walang nangyayari sa kanila.
Kinausap na rin siya nito noong gabing bago sila bumalik sa maynila na kung pwede daw ay isekreto nila pareho ang kung ano man ang namamagitan sa kanila, pinaliwanag din naman dito ni Nicole na alam niya naman na ang tungol doon at hindi na siya nito kailangan pang sabihan.
Nariyan din ang paminsan minsan nitong pagiging clingy at flirty sa loob ng opisina lalo kapag silang dalawa lang at walang nakaka kita.
Hindi rin pumapayag si Alexander na lumabas pa siya para mag lunch dahil kasama na siya sa pinag babaonan nito.
“Aray ko naman!”
Inis na relamo ni Nicole at handa na sanang gumanti dahil sa matinding sakit na naramdaman sa noo, mabuti na lang at agad niyang napigilan ang sariling kamay na handa na sanang manapak nang makita si Alexander na naka tayo sa harap niya, naka taas ang kilay nito at naka halukipkip rin.
Agad na nag pilit ng ngiti si Nicole dito saka pa simple na lang na sumimangot sabay himas ng noong nasaktan dahil sa lakas ng pitik nito.
“Bakit po sir?”
Kunwaring sweet na tanong niya rito na ngayon ay hindi pa rin nag babago ng posisyon.
“It’s still work hours but here you are spacing out and not doing anything, what are you thinking?”
Medyo masungit na tanong nito, muli pa siyang nag pilit ng ngiti ng makaradam ng kaunting pagka pahiya, oo nga naman, oras ng trabaho at heto siya’t walang ginagawa kundi ang tumunganga.
“Sorry po, may naisip lang na importante kaya na tigil.”
Agad na hingi niya ng dispensa sabay nag peace sign pa.
Nakita niya rin ang mabilis at tipid na pag silip ng ngiti sa mga labi nito.
“Quit thinking about me Miss EA and get back to work, I can’t focus cause you keep thinking about me.”
Seryosong sabi nito na siya naman niyang ikina tanga. Ilang minuto rin ang ginugol niya sa pag iisip tungkol sa sinabi nito at agad ding napa simangot dito.
“Ay ang kapal naman ho yata ng mukha ninyo ngayon boss? Bawas bawasan niyo yan, hindi maganda yan.”
Pa birong sabi niya rito inaasahan niyang matatawa ito ngunit nanatili lamang seryoso ang mukha nito.
Ano ba? Pag siya ang mag joke hindi okay tapos pag si Alexander ay okay lang porke ito ang boss?
“Sorry po…”
Agad na napa yuko si Nicole saka pilit na itinikom ang bibig, baka mawalan pa siya ng trabaho dahil sa ka daldalan niya mahirap na.
“Kinabahan ako ano?”
Wala sa sariling napa angat ang tingin ni Nicole sa ngayon ay ubod nang lapit sa kanya na mukha ni Alexander, malaki ang mapang asar na ngiti nito na halatang tuwangtuwa sa pang aasar sa kanya, agad namang napa irap ang mga mata ni Nicole dito saka dagling nag iwas ng tingin.
“Eh hindi naman talaga kasi ikaw ang iniisip ko eh, feeling ka lang talaga.”
Halos pa bulong na lang na sabi niya kahit ang totoo ay si Alexander naman talaga ng kanina niya pang iniisip, pero syempre dahil ubod ng yabang ang boss niya ay hindi niya aaminin iyon, at dahil nga sobrang lapit ng mukha nito sa kanya ay hindi pa rin dito naka ligtas ang sinasabi niya.
“Hmm… Really? Then who are you thinking Nicole?”
Seryoso ngunit may pang aakit sa boses na sabi nito, hindi sinasadyang nabaling ang tingin niya sa mapupulang mga labi ni Alexander, saglit pa siyang napa lunok saka muling nag iwas ng tingin.
“Yung ano… Iniisip ko yung… Yung manliligaw ko, oo tama. Nag text kasi siya na… na susunduin niya ako pag labasan mamaya, nag yaya kasing maki pag date eh.”
Kulang na lang ay tampalin ni Nicole ang sarili niyang noo dahil sa pag sisinungaling niya, wala naman kasi siyang maisip na maisagot dito idagdag pang sobra siyang naiilang sa lapit ng mukha nito sa kanya, natutukso siya sa mga labi nito at alam niyang hindi maganda kung doon niya mismo sa opisina hihilahin ang kanyang CEO para makipag halikan.
Agad na rumagasa ang pag sisisi sa buong sistema ni Nicole dahil sa sinabi niyang kasinungalingang iyon, agad kasing lumayo sa kanya si Alexander saka umayos ng tayo sa harap ng kanyang office table, kita niya rin ang pag dilim ng mukha nito na para ba itong isang batang inagawan ng laruan, hindi mabawi kaya nagagalit.
Kagat labi siyang napa yuko saka nag kunwaring inayos ang mga nag kalat na papel sa kanyang lamesa, hindi malaman kung dapat ba siyang mag sorry dito at bawiin ang sinabi saka sabihing nag bibiro lamang siya o hayaan nalang iyon at pabayaang magalit si Alexander.
“Come with me.”
Halos mapa talon sa gulat si Nicole nang walang sabi sabi siyang hinawakan sa kamay ni Alexander, dali-dali pa siyang tumayo mula sa kinauupuang swivel chair nang mahina siya nitong hilahin, seryoso at tila galit pa rin ang ekspresyon ng muha nito kaya wala nang nagawa si Nicole kundi ang sumunod.
Sa pantry ng opisina siya dinala ni Alexander, mariin siyang napa pikit nang padabog siya nitong isinandal sa matigas na pader doon, lalo pang humigpit ang pag kakahawak nito sa kanyang braso kasabay ng mas mariin niya pang pag pikit nang dahan dahan nitong inilapit ang ulo sa kanyang tenga.
“I didn’t say that you are allowed to date somebody else Nicole. You are mine.”
Agad na napa mulat siya ng mata dahil sa pa bulong at seryosong seryosong pagkaka sabi nito sa mga katagang iyon. Naguguluhan siyang napa titig dito, marami siyang gustong sabihin, itanong na sa sobrang dami ay hindi niya makuhang mag salita.
“Just say yes Nicole.”
Sabi pa nito na lalo lamang nag pa kunot sa kanyang noo.
“I don’t know if I am supposed to say yes, pero hindi ko maipapangako Alexander.”
Kinakabahan man ay pilit niyang sagot dito, napa ngiti naman ito agad dahil doon.
“Well that’s good enough. Now I think I want to taste those sweet lips.”
Naka ngiting sabi nito, hindi na naka angal si Nicole nang walang sabi siya nitong siilin ng halik sa labi.
Ilang sandali lamang siyang natigilan at agad din namang naka bawi, walang pag dadalawang isip na agad siyang tumugon sa malalim na halik na iyon ni Alexander.
Tingnan mo nga naman, kanina pa siyang na tatakam sa halik nito, mabuti naman at ibinigay na rin nito sa wakas ang kanina niya pang hinihintay.
Hinihintay? Bakit ba masyado siyang uhaw na uhaw sa Alexander na ito?
Mayamaya pa ay si Alexander na rin mismo ang unang kumalas sa halik na iyon, kung hindi pa sila kapusin ng hininga pareho ay hindi pa titigil.
“Hm sweet!”
Malaki ang ngiting sabi nito, agad namang namula ang mag kabila niyang pisngi at tanging marahang pag hampas na lang sa braso ang nagawa niya, agad namang na huli iyon ni Alexander sabay mataman siyang tinitigan.
“Listen Nicole, I am expecting a visitor today kaya hindi muna tayo makaka pag sabay na kumain ng lunch. Is that okay?”
Seryoso ang mukhang tanong nito sa kanya, pinigilan ni Nicole ang mapa simangot sa halip ay nag pilit nalang siya ng ngiti dito saka tumango.
Gusto niyang mag tanong kung sino nga bang bisita nito ang darating kaya lang ay ayaw naman niyang masabihan ng pakealamera, kaya kahit patay na patay na siyang malaman ay hinayaan niya na lang.
“Okay lang bang sa canteen ka mag lunch? Or I can send you to a good restaurant if you want.”
Sabi pa nito na ikina nguso niya naman. Restaurant? Ano siya prinsesa?
“Hindi na nuh, ano ka ba? Okay lang nga kahit hindi na ako kumain eh haha.”
Nakuha niya pang pag bibiro, hindi naman natawa doon si Alexander sa halip ay sinamaan lang siya ng tingin.
“Hindi na nga kasi, okay lang po ako sir, tsaka baka kung ano pang isipin ng mga empleyado mo kapag ginawa mo yun.”
Sabi niya ritong pilit nang nag seryoso, napa tango naman ito dahil sa sinabi niya.
“Balik na tayo sa trabaho, masyado pang maaga para pag usapan ang tungkol sa lunch.”
Naka ngiting sabi niya saka pilit na itong tinulak at nag pa una nang bumalik sa kanyang table.
Pag sapit ng tanghaliaan ay maaga siyang pinayagang lumabas para kumain ni Alexander, hindi naman na siya nag reklamo dahil talagang nagugutom na rin siya.
Tulad ng inaasahan ay wala nanaman siyang nakikitang tao sa labas ng magarang opisina ni Alexander, ki-kembot kembot pa siya at parang batang pa talon-talon habang nag lalakad palapit sa elevartor nang biglang…
“What the hell you stupid freak? Can’t you watch where you’re going?”
Malakas na sigaw sa kanya ng isang magandang babaeng kalalabas lang ng elevator.
Dahil sa gulat at lakas ng sigaw nito ay halos atakihin sa puso si Nicole, mabuti nalang at agad siyang naka bawi at saka nag madaling pinunasan ang damit nitong bahagyang nabasa nang matapunan ng dala nitong kape.
“Get off me, you’re only making it worst!”
Inis na sabi nito saka malakas siyang itinulak, kamuntikan pa siyang matumba mabuti nalang at hindi naman natuloy, semplang sana siya sa marmol na sahig na iyon.
“P-pasensya na po kayo ma’am hindi ko po sinasadya, hindi ko po kasi kayo nakita agad.”
Hingi niya ng dispensa.
“Whatever, tatanga-tanga ka lang talaga. Sino ka ba?”
Inis pa rin na sabi nito, nag uumpisa na rin siyang maka ramdam ng inis sa babaeng ito, ano pa ba ang kailangan niyang gawing pag hingi ng paumanhin at tawad dito?
Kasabay ng nararamdaman niyang inis sa babae ay ang panghihinayang, sayang kasi dahil napaka ganda ng babaeng ito, matangkad, makinis, mala anghel ang itsura, maganda din at nangingintab ang mahaba nitong buhok at sa pananamit nito ay halatang mayaman, para sa kanya ay balewala ang lahat ng iyon dahil sa magaspang na ugali nito.
Sa paraan pa lang ng pag sigaw sigaw nito sa kanya ay alam niya nang bulok ang ugaling mayroon ito.
Marahas siyang napa buntong hininga saka nag salita.
“Ako po si Natalia Nicolette Lorenzo Executive assistant po ni sir-“
“What’s going on here?”
Sabay pang nalipat ang tingin nila sa boses ng lalaking nag salita.
“Babe, eto kasing EA mo tatanga-tanga eh!”
Parang batang agad na sumbong nito kay Alexander, naging malambing din ang boses nito at sinigurong hindi halata na kanina lamang kung sigaw sigawan siya nito ay ganoon na lamang.
At ano daw Babe? Sino ba ang babaeng ito?
Puno ng pag tatakang tanong niya sa sarili, agad namang nasagot iyon nang makita niya ang saglit na pag lapat ng mga labi ng babae at ng CEO.
“That’s alright hon I’m sure hindi niya naman sinadya, Miss Lorenzo it’s okay you can go now.”
Pormal na sabi sa kanya ni Alexander, hindi niya naman malaman kung dapat ba siyang mag pasalamat sa pag tatangol nito sa kanya mula sa girlfriend nitong masama ang ugali o huwag nalang siyang mag salita.
Pinili na lamang ni Nicole ang huli, nag pilit siya ng ngiti dito saka tumango, sakto naman ang pag bukas ng elevator kaya mabilis siyang pumasok doon.
“I missed you babe.”
“I miss you too…”
Rinig na rinig pa ni Nicole ang palitan ng ‘I miss you’ ng mga ito bago tuluyang nag sara nag pinto ng Elevator na iyon.
Sa canteen ay hindi mapalagay si Nicole, ni hindi niya nga makuhang galawin ang pagkaing naka hain sa tapat niya.
“Hoy Nicole, ano ba? Kanina ka pang naka tulala diyan may sakit ka ba?”
Untag sa kanya ni Mary, kasamahan at kaibigang nakilala niya ilang lingo palang nang mag simula siyang mag trabaho dito, isa din itong EA katulad niya.
Tipid siyang ngumiti dito saka tumango, oo nga naman.
Ano nga ba naman ang nangyayari sa kanya ngayon? Eh ano kung may girlfriend nga na maganda ang peste at malandi niyang boss?
“Uyy, nakita mo na ba si Amara Aragon?”
Mahina ang boses na usisa nito sa kanya, agad namang nangunot ang noo niya rito para ipakitang hindi pamilyar sa kanya ang pangalang iyon.
Napa irap naman ito sa kanya bago nag salita.
“Ilang buwan ka nang nag ta-trabaho kay sir alexander pero hindi mo pa rin alam ang pangalan ng girlfriend niya? Iyong babaeng nag punta sa office niya ngayon girlfriend iyon ng CEO, siya si Amara Aragon. Naku, nakaka ingit nga eh sana ako na lang si Amara Aragon ano? Ang gwapo kaya ni sir Alexander.”
Kinikilig na sabi nito, agad namang natigilan si Nicole.
“So girlfriend nga siya ni Alex- I mean ni s-sir Alexander?”
Gulat niyang tanong kasabay ng pag tango nito ay ang hindi maipaliwanag na lungkot na agad na kumain sa buong sistema ni Nicole.