Mag ta-tatlumpong minuto na rin ang lumipas matapos lumapag ang sasakyang pang himpapawid na sinakyan nina Nicole ngunit heto pa rin siya at nangangatog pa rin ang mga tuhod, eto naman kasing boss niya ni hindi man lang siya na briefing muna na isa pala itong piloto bago siya inilipad, tuloy sa halip na ma-enjoy ang first time niyang pag sakay sa helicopter ay hindi niya nagawa dahil sa nerbyos, pakiramdam niya ay isang batang paslit ang boss niya kanina na nag mamaneho lang ng de-remote control na eroplano habang kinakalikot ang mga pindutan at kung ano ano pa sa helicopter na iyon kanina.
“Hey relax okay? We’re safe we are already in Palawan.”
Tila inis na untag sakaniya ng kaniyang boss saka siya inabutan ng isang bottled water, maging ang mga kamay ay nanginginig rin na pilit inabot ang tubig na iyon. Dahil nang hihina at nangangatog ang kalamnan, pakiramdam ni Nicole ay isang napaka tigas na bagay ang plastic na takip ng naka boteng tubig na iyon at kahit anong pilit niya ay hindi niya mabuksan, ilang beses niya pang sinubukan ngunit hindi niya magawa. Buntong hiningang ibinagsak na lamang ni Nicole sa lamesa ang bottled water na iyon habang mahigpit na hinahawakan ng isang kamay at ang isa naman ay siya niyang ginamit para mangalumbaba.
Mayamaya pa halos mapatalon siya sa gulat nang walang sabi sabing biglang hablutin ng kaniyang boss na nag ngangalang Alexander Montefalco ang hawak niyang tubig at ito na ang nag bukas niyon.
Napa tanga na lamang si Nicole dito at hindi na nag salita at hinayaan nalang ito na ito ang mag bukas ng tubig niya, bukod kasi sa baka ma bwisit sakaniya ang kaniyang boss eh talagang nanunuyo na rin ang kaniyang lalamunan dahil sa uhaw.
Nasa Palawan pala sila, bakit ba sa ganda ng lugar na kinaroroonan nila ngayon ay parang hindi niya ma appreciate? Marahil dala pa rin ng nerbyos dahil sa pag sakay niya sa helicopter kanina kaya hindi niya masyadong pinag tutuonan ng pansin ang lugar.
Kasalukuyan rin silang nasa isang tila mamahaling resort kung saan sa pag kaka tanda niya pinag landingan ng sinasakyan nilang helicopter na pag mamay ari ng kaniyang boss, saglit na inikot ni Nicole ang paningin sa kabuoan ng lugar, itsura palang niyon ay tila mamahalin na.
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Nicole nang hindi mapigilang mag isip kung gaano kaya kayaman ang kaniyang boss na si Shawn Alexander Montefalco at kayang kaya nitong gawin ang mga bagay na ni sa panaginip niya ay hindi niya kayang abutin.
“Woah that’s deep, here’s your water.”
Muling napa lingon si Nicole sa kaniyang boss nang mag salita ito saka inabot ang ngayon ay bukas nang tubig, hindi niya na rin napigilan ang huwag mapangiti saka kinuha ang bottled water na binuksan nito para sakaniya.
Akalain mo nga naman, mabait rin pala itong boss niya na ang buong akala niya dati ay ubod ng sungit at sama ng ugali, well marahil ay noong una silang mag kita doon sa coffee shop noon ay sadyang nasa bad mood lamang ito, sabagay naman at lahat naman yata ng tao ay ganoon, may pagkakataon na masama ang ugali lalo pa kung may pinag dadaanan, o di kaya naman ay pagod o kung ano ano pang dahilan, pero pwede rin namang hindi, sa kaso kasi niya eh kahit yata pa ulit ulit siyang iumpog sa pader ng kaniyang tiyang Norma eh hindi pa rin niya nakuhang magalit o di kaya naman ay mag sungit sa iba.
Ito namang boss niya ay halos araw araw yatang galit sa kaniya lalo pa noong bagong bago pa lamng siyang nag ta-trabaho rito bilang EA.
Hindi namalayan ni Nicole na titig na titig na pala siya sa kaniyang boss, tama nga ang nakita niya sa pictures sa gallery ng ibinigay nitong cellphone sakaniya kanina, gwapo nga ang kaniyang boss lalo sa malapitan.
Makinis ang kayumanging balat, pantay ang mapuputing ngipin na bagay na bagay sa makakapal at mapupula nitong mga labi, nakaka agaw pansin rin ang tila parisukat na hugis ng panga nito, matangos na ilong at mapupungay at medyo singkit na mga mata, idagdag pa ang mala Adonis nitong katawan na mukhang kayang kayang siyang buhatin at itapon sa malambot na kama nito.
Teka ano? Marahas na napa iling si Nicole sa ka bastosang na isip, bakit ba humantong sa pag babato sakaniya sa kama ng kaniyang boss ang isip niya? At bakit ba niya tinititigan ang CEO?
Crush niya ba ito? Well hindi naman imposible iyon, gwapo nga kasi ang CEO, gwapo, matso, matalino at bukod sa mga katangiang iyon ay mayaman rin ito. Baka nga ilang babae ang inuuwi nito sa bahay araw araw eh, agad na napa simangot si Nicole sa isiping iyon, eh ano naman kung iba’t iba at maraming babae nga ang inuuwi ng kaniyang boss, dapat ay hindi niya na pinag tutuonan pa ng pansin ang tungkol sa mga bagay na ganon.
Muling napailing si Nicole na tila ba pinipilit na iwaksi sa isipan ang mga kalaswaang naiisip, kung kalaswaan na nga bang maituturing ang naiisip niyang bubuhatin siya ng kaniyang boss na si Alexander habang walang suot na pang itaas at habang siya ay abala sa pag pisil ng malalaki at matitigas nitong muscles at saka mag lalakad ito pa lapit sa kama saka masuyo siyang ihihiga roon at hahalikan ng dahan daha---
“Hala, ano ka Nicole!”
Malakas ang boses na saway niya sa sarili, na sana pala ay hindi niya ginawa dahil napalingon lamang sakaniya ang kaniyang boss na sa hindi nya malamang dahilan ay pinag papantasyahan niya bigla.
“Ayos ka lang ba Lorenzo?”
Kunot noong tanong nito sakaniya, agad namang namula ang pisngi ni Nicole sabay ng naisip kung nag aalala ba sakaniya ang gwapo niyang boss at tinatanong siya nito kung ayos lamang ba siya.
Gustong sampalin ni Nicole ang sarili, baka sakali kasing pag ginawa niya iyon ay matahimik kahit papano ang ngayon ay nag wawala niya na yatang puso dahil sa sobrang kaba, ano ba ang nagyayari sakaniya? Ngayon niya lamang naramdaman ang ganito at bagong bago ito sakaniya. Pakiramdam niya ay hindi ito maganda.
“Hey, are you okay? Kanina ka pang tulala what’s wrong with you?”
Inis na tanong muli sakaniya ng kaniyang boss na mas lalo pang nilakasan ang boses, kasalukuyan silang nasa isang restaurant sa loob ng mamahaling resort na iyon at nag hihintay ng order nilang pagkain, magka tapat lang din halos ang pwesto ng kinauupuan nila ng kaniyang sir Alexander.
“Ah o-opo si-sir, medo na-na hihilo lang po, oo ayon nga po. Pasensaya na po kayo.”
Na uutal sa sagot ni Nicole sa naka kunot noo paring boss.
“It’s almost 5 pm, wala pa naman tayong gagawin until tomorrow morning dahil bukas pa ang dating ng mga ka business meeting natin dito, you can rest after we eat dinner.”
Kaswal lamang na sabi nito habang nagawa pang ituro ang counter ng restaurant.
Sunod sunod naman ang ginawa niyang pag tango dito saka nag mamadaling dinampot muli ang bottled water na kalalapag niya pa lamang sa lamesa at saka inisang lagok lamang ang natitirang laman niyon. Nailing na tinitigan na lamang naman siya ng kaniyang boss na siya naman niyang ikina ilang.
Hangang sa pagkain ay hindi mapalagay si Nicole, buong oras ng pagkain yata eh pinilit niya lamang na yumuko at tanging sa plato lamang na nasa harap niya itinuon ang tingin, kahit kinakausap siya ng kaniyang boss tungkol sa kung saan ay pinipilit niyang huwag itong tignan kahit pa alam niya namang ikina iinis na ng kaniyang boss ang inaasta niya ngayon, kahit din naman siya ay naguguluhan at hindi maintindihan kung ano nga bang nangyayari sakaniya ngayon, hindi niya kasi matingnan sa mata o kahit mukha man lang ang CEO, iyong tipong halos hindi siya maka hinga dahil sa lakas ng t***k ng kaniyang puso sa tuwing nag tatama ang mata nila ng kaniyang boss. Para bang baga ang mga tingin nito sakaniya na kailangan niyang mag ingat na huwag mapalapit para huwag siyang ma paso.
‘Hala, ano bang nangyayari sayo Nicole? Kung simpleng may crush ka lang naman sa Alexander na ito eh okay lang naman iyon eh, pero huminahon ka naman.’
Tahimik na kasitigo ni Nicole sa sarili, oo na at medyo madali lang namang ayusin ang simpleng crush, sino ba naman ang hindi hahanga sa boss niyang si Alexander Montefalco eh bukod sa gwapo at mayaman eh may pag ka gentleman din pala kahit na madalas eh ubod ito ng sungit.
Ang hindi lamang ma intindihan ni Nicole ay kung bakit ganito ang nararamdaman niya ngayon, sobrang biglaan at nag karoon na rin naman siya ng crush dati noong nag aaral palang siya sa college eh hindi naman ganito ang pakiramdam.
Malakas na napa buntong hininga si Nicole saka pilit na pina kalma ang sarili, inisang lagok niya rin ang tubig na nakalagay na malaking baso sa tabi ng plato niya.
“Hey ayos ka lang ba talaga? You don’t seem okay at naka tulala ka pa.”
Muntik mabitawan ni Nicole ang hawak niyang baso nang marinig ang biglang pag sasalita ng kaniyang boss, napilitan tuloy siyang tingnan ito na ngayon ay matamang naka tingin sakaniya habang halos mag dikit na ang makakapal na kilay sa pangungunot ng noo.
Mabilis na pag tango lamang naman ang isinagot ni Nicole sa kaniyang boss saka nag pilit ng ngiti na sa huli ay naging pag ngiwi lamang naman.
Ilang minuto pa ang ginugol nila sa pag ubos ng mga pagkaing in-order nito, nang matapos ay agad rin siya nitong inaya na pumasok na sa loob ng tila mamahaling hotel sa resort na iyon, nanlaki pa ang mga mata ni Nicole sa pagka bigla nang sabay sabay na nag si yukuan ang mga empeyadong naroon nang pumasok sila ng CEO, narinig niya pang tinawag na ‘boss’ ng mga ito ang lalaki saka sila inalalayan ng ilang empleyado patungo sa isang malawak na hallway na may may mga pader na gawa sa salamin.
“Boss, handa na po and presidential suite para sainyo, na ayos na rin po ang ilang silid para sa mga ka business meeting ninyo galing sa UK, kaya lamang ho eh punuan po tayo ngayon kaya kulang ho ng isa pang kwarto para sa kasama ninyo.”
Napa tanga si Nicole sa narinig na sinabi ng sa tingin niya ay isang empleyado din sa hotel na iyon, bigla pa siyang nag alala dahil sa wala siyang kwartong matutulugan.
Ni hindi niya na nga inintindi pa ang hinala niyang and pamilya pa ng kaniyang boss ang may ari ng lugar na ito eh, wala din naman kasing imposible pa doon mayaman ang boss niya at baka nga isa lang ito sa mga lugar at ariarian ng pamilya nito.
Mas higit kasing inaalala ni Nicole eh ang kwarto nga, baka mamaya sa kung saan saan siya pa tulugin nitong boss niya mahirap na.
“That’s alright, my EA and I can just share rooms.”
Tila walang pakialam na sabi ng kaniyang boss, mas lalo lamang lumaki ang mga mata ni Nicole dahil doon.
“Po? Teka parang hindi naman po yata maganda iyon sir, ano po kasi---ano po-“
Subok na pag tutol ni Nicole na siyang ikinairap naman ng kaniyang boss saka masama siya ulit nitong tiningnan.
“You are not my type okay? So there is no reason for you to think whatever you are thinking right now, you can stay in the open cottages sa resort for our one week stay here kung gusto mo.”
Tila inis na sabi nito, natahimik naman agad si Nicole saka pinili nalang na huwag mag reklamo, kapag ginawa kasi niya iyon eh baka mamaya sa cottage nga talaga siya sa labas patulugin nito, mahirap na ang lamig pa naman.
Mayamaya pa ay iniwan na rin sila ng lalaking kausap ng kaniyang boss kanina nang maihatid sila sa tapat ng pinto ng tila pang VIP na silid, sa tapat kasi ng kulay maroon na pinto na gawa sa mamahaling kahoy at makapal na salamin ay may naka dikit na isang papel na may naka sulat na ‘presidetial suite’ sa baba naman niyon ay ang pangalang ‘Alexander Montefalco na sinulat gamit ang kulay gold na tinta.
Tahimik lamang si Nicole hangang mabuksan ng CEO ang silid na iyon, muli nanaman siyang na mrublema nang makitang nag iisang kama lamang ang naroon, ni hindi niya na nga inintindi kung gaano kaganda ang silid na iyon na mayroon ding malaking pader na gawa sa salamin, tanaw mula roon ang magandang tanawin ng maliliit na bundok at ang tila kristal na tubig ng lawa.
“Go take a rest.”
Napa lingon si Nicole sa kaniyang boss na ngayon ay abala sa pag aayos ng mga maletang dala nila, hindi na naalala ni Nicole ang tungkol sa mga iyon mula nang makarating sila dito, at kung paanong naputa ang mga maletang iyon dito ay hindi niya alam.
“You said you don’t feel well right? So then take a rest.”
Muling sabi nito na bahagya pang naka kunot ang noo at saka tinuro ang malaking kama, naka ilang ulit pang napa lunok si Nicoel kasabay ng pag init ng mukha nang makitang mag hubad ng suot nitong long sleeved shirt ang kaniyang boss, bago pa man nito tuluyang mahubad ang suot na damit ay mabilis na siyang tumalon sa kama saka padapang nahiga doon kahit pa nga gustong gusto niyang muling bumangon para panuoring mag bihis ang CEO.