Madilim na nang magising si Nicole, saglit niyang pinakiradaman ang sarili, wala pa rin namang nag babago sa pakiramdam niya masakit pa rin halos ang buo niyang katawan dahil sa nangyari kagabi, dumagdag pa ngayon ang ulo niyang bahagyang kumikirot, malakas siyang napa buntong hininga saka inilibot ang tingin sa kabuoan ng malaking silid na iyon.
Sandali pa siyang nanibago sa paligid ngunit naka pag adjust din naman kaagad nang maalalang nasa hotel nga pala siya sa Palawan kasama si CEO Alexander Montefalco.
Wala sa silid ang kaniyang boss kaya tiningnan niya na rin maging ang malaking sofa na naroon sa pag babaka sakaling naroon ito, napa irap siya sa pag ka dismaya nang wala siyang nakitang Alexander, bahagya ring naka bukas ang pinto ng banyo kaya sigurado siyang wala din doon ang kaniyang boss, agad ang pag ragasa ng kaba sa dibdib ni Nicole nang maisip na baka iniwan na siya doon ng CEO dahil sa sobrang pagka bad trip nito saniya.
Kaunting pag iisip nalang tungkol doon ay matataranta na sana siya, mabuti nalang at bumukas ang pinto ng silid at pumasok doon ang lalaking hinahanap niya.
Okay so hindi ito umalis at hindi siya nito iniwan doon, napa buga ng hangin si Nicole nang mapag tantong mali ang iniisip niya, isipin niya palang na ganon nga ang sitwasyon ay mababaliw na siya dahil syemre sa maraming dahilan, una ay kung paano siyang uuwi at pangalawa ay kung anong ibabayad niya sa mamahaling hotel na ito at pangatlo at higit sa lahat ay kung saan siya pupunta?
Napa irap sa sarili si Nicole dahil sa hindi pa rin pag tigil ng kaniyang utak sa pag iisip kahit pa nga narito na ang kasama niyang CEO sa harap niya at masama nanaman ang tingin sakaniya.
“You’re finally awake.”
Sabi nito sa kanya habang naka kunot nanaman ang noo.
Nahihiya namang tumango si Nicole para sabihing oo, kung maari niya lamang itong pilosopohin malamang sa malamang ay masagot niya ito ng ‘obvious ba?’
“P-pasensya na po naka tulog ako.”
Nahihiyang sabi niya rito saka bahagyang napa yuko, mabilis din siyang bumangon mula sa pagkaka higa sa kama at bumaba doon saka madaling inayos at pinagpag ang ginamit niyang unan at kumot.
“That’s fine, wala namang gagawin, and you said earlier habang nag di-dinner tayo kanina na masama ang pakiramdam mo, are you feeling better now?”
Kaswal lamang ang tanong nito na iyon sa kanya ngunit agad na namula ang mga pisngi niya.
Gulay… kinikilig ba siya?
Kung oo, pakiramdam ni Nicole ay hindi na tama ang nararamdaman niyang ito, ngayon lamang naman ito eh, nag simula niyang maramdaman ang ganito kanina habang kumakain sila ng dinner sa mamahaling restaurant na iyon.
“Nicole?”
“Po? O-opo maayos na po ang pakiramdam ko, s-salamat po sa pag tatanong.”
Mabilis niyang sagot dito nang tawagin nito ang pangalan niya.
Ang pangalan niya, agad na napa ngiti si Nicole saka naramdaman ang pag init ng sa tingin niya ay kanina pa niyang namumulang pisngi, kay sarap lamang kasing pakingan na tawagin ng isang Alexander Montefalco ang pangalan niya at hindi ang naka sanayan nitong itawag sa kanya, ang kanyang apelido, masyadong pormal iyon para sa kanya.
‘Kung palaging iyon ang itatawag mo sakin palagi akong ngingiti.’
Sabi niya sa sarili, agad naman siyang napa iling ng marahas para sawayin din agad ang kaniyang sarili.
Hindi niya na talaga maintindihan kung bakit siya nagkaka ganito ngayon, kung ano man ang dahilan ay alam niyang mali, maling mali na ito.
“That’s good to hear. It is still too early and you just woke, I am going out para mag swimming sandali, you can join me if you want.”
Kaswal pa rin na sabi nito, agad naman siyang napa tango dito na tila ba na-excite pa sa imbitasyon nito,
Agad niya ring kinastigo ang sarili nang mayamaya pa ay maisip na dapat nga pala ay iniiwasan niya ito para hindi na lumalim itong nararamdaman niyang pag hanga sa kaniyang boss.
Mag sasalita pa sana ulit si Nicole para tumangi na at sabihing mag papahinga nalang siya sa kwartong iyon ngunit naunahan na siya nito.
“Well then you need to change into your swimming clothes, all the things that you need are in the luggage. Mag palit ka nalang I will be waiting for you at the hotel lounge.”
Seryoso ang mukha na sabi nito sakaniya saka itinuro ang isang may kaliitang maleta sa may tabi ng malaking cabinet saka walang sabi sabing nag lakad na ito palabas ng pinto at iniwan siyang naka tangang naka tayo doon.
Ilang sandali pa ang lumipas bago niya nakuhang kumilos na at mag palit, nilapitan niya ang maletang itinuro ng kanyang boss at saka iyon binuksan, tumambad sa kanya ang maayos na pag kaka tiklop ng damit sa loob niyon, iyon ang mga damit na binili ni Alexander para sa kanya kahapon.
Agad na namula sa hiya ang mukha ni Nicole nang sa pag hahalungkat ay makita niya ang two piece, may mga kasama iyong maninipis na tela na parang roba na sa tantiya ni Nicole ay ginagamit na pansamantalang takip sa two piece kapag hindi pa naman maliligo, hindi niya matukoy kung ano nga ba ang tawag doon ngunit madalas niyang makita iyon sa TV na suot ng mga sexing artista sa pag su-swimming.
Napiling kunin ni Nicole ang isang kulay pulang two piece, napangiwi pa siya nang bahagya iyong sipatin na para bang isa iyong maka bagong kagamitan na ngayon niya lamang nakita.
Sa itsura pa lang ng damit pang ligo na iyon ay alam na ni Nicole na hindi niya kayang mag suot ng ganon.
Saglit pa siyang napa lunok nang maisip kung ano kaya ang magiging itsura niya kapag suot niya iyon, hindi naman kaya siya mag mukhang butong binalot a dalawang maliit na telang kulay pula nito?
“Bahala na.”
Balewalang sabi niya sa sarili saka agad na kumilos para mag bihis.
Pinili niyang patungan nalang muna ng manipis na bulaklaking dress ang suot niyang two piece, nakaka hiya naman kasi masyado kung mag lalakad na siya sa hallway ng hotel na iyon patungong lounge kung saan daw mag hihintay sakaniya si Alexander ng naka two-piece lang, at oo Alexander lang, hindi naman malalaman ng masunging niyang boss kung iyon ang itatawag niya dito at huwag nang gumamit ng sir.
Ilang minuto lamang na nag lakad si Nicole at narating niya rin naman ang kinaroroonan ng kaniyang boss, nakita niya agad itong naka upos sa isang mukhang mamahaling sofa, naka halukipkip at sa itsura ng mukha nitong seryosong seryoso ay halatang mayroon itong malalim na iniisip.
‘Tungkol saan kaya ang iniisip mo?’
Curios na tanong ni Nicole sa kaniyang sarili habang nag lalakad palapit dito, agad na nag bago ang mukha ng CEO ng makita siya nito.
Ang kaninang seryosong mukha ay agad napalitan ng pag kunot ng noo, napa isip din tuloy siya kung may mali ba sa itsura niya.
“What took you so long? And you can’t swim like that.”
Masungit na agad na bungad nito sakaniya, bahagya pa siyang nagulat at napa atras dahil doon.
”S-sorry po, di ko po kasi nakita agad itong lounge, tsaka may suot po akong pang ligo, nakaka hiya lang po kasing mag lakad na ganon ang suot.”
Pag dadahilan niya rito, napatango naman ito bilang sagot at nabawasan na rin ng bahagya ang pangugunot ng noo nito.
“Follow me.”
Utos nito sa kanya saka nag pa una nang mag lakad, tahimik namang na sumunod siya dito.
Sa isang napaka gandang lawa sila nag punta, mukhang ito iyong lawa na nakita niya mula sa bintana ng kwarto nila sa hotel kanina, may kalayuan ang lawang iyon sa pinaka hotel pero hindi naman masyado, at sa tingin niya ay sulit naman ang kaunting pag lalakad dahil sa ganda ng lugar.
Sandaling umikot ang mga mata ni Nicole sa paligid saka wala sa sarili siyang napa ngiti.
Sobrang ganda ng tanawin, kahit may kadiliman ay kita niya ang nangingintab na mala crystal na tubig ng lawa, halata ring malinis at malinaw ang tubig niyon, mayroong isang maliit na tulay na gawa sa tabla, maganda rin ang pagkaka pwesto ng mga poste ng ilaw sa may gilid ng lawa, mayroon ding ilang cottages na gawa sa kawayan, gawa naman sa anahaw ang mga bubong niyon.
Agad na natanaw ni Nicole ang ilang mga taong sa tingin niya ay silang may okupado sa ilang mga cottages, karamihan ay nasa paligid at masayang na iinuman sa tapat ng bon fire.
Tuloy lamang ang ginawang pag sunod ni Nicole kay Alexander na tila walang pakealam at diretso lamang na nag lalakad.
Tumigil sila sa tapat ng isang napaka gandang cottage, kakaiba iyon kumapara sa ilang naroon, kung titingnan ay papasa na iyong isang maliit na bahay.
Gawa sa semento ang kalahati niyon at pawid naman ang mga pader ang bubong lamang ang naging kapareho sa ibang cottage na gawa rin sa anahaw, ang maganda pa ay malapit lamang ang pwesto niyon sa lawa at pati na rin sa maliit na tulay.
“This is my cottage, feel free to do whatever you want.”
Seryoso pa rin ang mukha na sabi nito, napa tango nalang naman si Nicole dito kahit pa nga sa totoo lamang ay gusto niya nang mag tanong kung ano ba ang ibig sabihin nito sa ‘this is my cottage’ kung inupahan ba nito iyon o talagang pag aari nito.
Agad na nawala sa isip ni Nicole ang tanong na iyon nang buksan ni Alexander ang pinto ng cottage, namilog pa ang mga mata niya dahil sa dami ng masasarap na pagkaing naka hain sa lamesa, sa dami niyon ay mukhang isang buong pamiya na ang makakakain.
Iba’t ibang putahe ang naroon ngunit mas napako ang mga mata niya sa paborito niyang lechon kawali, gustong gusto niya iyon ngunit bihirang bihira siyang maka tikim.
Agad siyang naka ramdam ng gutom at kulang nalang ay mag laway pa siya dahil sa mga nakikita, kaya lang syempre ay marunong pa rin naman siyang mahiya.
Pinigilan ni Nicole ang sarili na kumuha ng kahit isang hati ng karne, pinilit niya ring umiwas ng tingin sa mga pagkain.
“Pwede kang kumain kung nagugutom ka.”
Agad na namula ang pisngi ni Nicole nang marinig ang seryoso nanamang boses ng kaniyang boss.
Mabilis din siyang umiling dito bilang pag tanggi kahit pa nga sa totoo lang ay takam na takam na siya, naiinis din siya sa kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay isa siyang patay gutom.
“Mauna na akong mag swimming.”
Sabi pa nito saka walang lingon likod siyang iniwan.
Sumunod naman agad si Nicole sa kanyang boss at tuluyan nang iniwan ang mga pagkain naroon sa lamesa sa loob ng cottage na iyon.
Napa ngiti si Nicole nang tuluyan siyang maka lapit sa tulay, hindi niya na rin pinag abalahan pang hanapin ang CEO na agad na nawala sa paningin niya kanina, masyadong maganda ang ugar na ito para piliin niya pang intindihin ang masungit niyang boss.
Napag diskithan na lamang muna ni Nicole na maupo sa may bandang dulo ng tulay, mas lalong lumaki ang ngiti niya nang maramdaman ang preskong tubig ng lawa na umabot hangang sa may tuhod niya nang lumubog ang kaniyang mga paa doon.
Nagawa niya ring sumandal sa maliit na kahoy na nag silbing hawakan ng tulay na iyon saka nag isip.
Kung siya lamang kaya mag isa, magagawa niyang ma puntahan ang mga ganitong kagandang lugar o habang buhay na talaga siyang makukulong sa puder ng malupit niyang pamilya?
Wala sa sariling napa hawak si Nicole sa kaniyang pisngi kung nasaan ang pasa na bigay ng ilang ulit na pag sampal sa kanya ng kaniyang tiyang Norma kagabi.
Sandali niya ring pinakiramdaman ang sarili, masakit pa rin ang katawan niya hindi niya alam kung hangang kailan niya iindahin ito at lalong hindi niya alam kung bakit niya pa nga ba iniinda ang sakit gayong sanay na sanay naman na siya sa ganoong sistema.
Well, mukhang isip niya lamang naman ang nasanay, hindi ang kaniyang katawan at higit ang kaniyang puso.
“Ma, pa? Kung hindi niyo kaya ako iniwan ganito pa rin kaya ang buhay ko ngayon?”
May kalakasan ang boses na tanong ni Nicole habang naka tingala sa kalangitan, saglit pa siyang natawa kasabay ng pag tulo ng ilang butil ng luha sakaniyang mga mata.
“Malamang hindi ma, pa di’ba? Sigurado akong hindi niyo ako hahayaang masaktan kung sana nandito pa kayo, kung sana hindi kayo kinuha ng maaga.”
Mapait na sambit ni Nicole saka yumuko at niyakap ang basang mga tuhod.
“I don’t know what your problem is, but I know a can of beer can help.”
Napa angat ng ulo si Nicole nang biglang may mag salita sa likod niya, agad niya itong tiningnan na sana pala ay hindi niya nalang ginawa dahil ngayon ay sobra nang nag wawala ang puso niya sa lakas ng kabog niyon.
Nasa harap niya ang CEO, seryoso ang mga mata nitong matamang naka tingin sa kaniya habang inilalahad sa kanya ang isang lata ng beer na bukas na, ngunit hindi doon naka tuon ang atensyon ni Nicole kundi sa hubad nitong katawan at nababalot lamang ng isang swimming trunks ang pang ibaba nito.
Sunod sunod na napa lunok siya ng laway saka pilit na nag iwas ng tingin.