Chapter 10

2267 Words
Mag a-alas sinco ng umaga nang magising si Nicole, gusto pa sana niyang bumalik sa pag tulog dahil bukod sa late na siyang naka tulog kagabi sa kangangawa ay nanakit rin ang ilang parte ng katawan niya na mukhang napuruhan yata sa pananakit ng pamilya ni hudas. Impit na napa ungol si Nicole kasabay ng mariing pag pikit nang bahagyang kumirot ang kaliwa niyang braso nang bahagya siyang mag inat, sumabay pa ang pag hapdi ng sugat sa gilid ng kaniyang labi. Napa irap na lamang sa hangin si Nicole nang maalalang may lakad nga pala sila ngayon ng kaniyang boss para business keneme nito sa kung saang lugar. Bigla tuloy siyang na mroblema nanaman kung paano siyang mag papakita sa masungit niyang boss mamaya ng ganito ang itsura, nanakit ang katawan at may mga baon pang pasa sa mukha at gilid ng labi. Malakas na buntong hinga ang pinakawalan ni Nicole saka pilit na kinilos ang katawan para bumangon mula sa hinihigaang banig. Nanakit na nga ang katawan niya pero heto siya at halos kasing tigas ng sahig ang tinutulugan, well wala naman yata siyang magagawa tungkol doon dahil tiyak na mag huhuramintado lang ang kaniyang tiyang Norma at ang mga anak nito kapag nag uwi siya ng bagong kutson na ipapalit niya sa pamana pa ni kupong kupong na banig na ginagamit niya, eh saksakan ng sama ng ugali ang mga kamag anak niya eh, kandila nga lang na siyang pang pa liwanag sa madilim na bodegang iyon sa gabi eh bawal na bawal na eh, ayaw naman siyang kabitan ng kaunting liwanag kahit sa likod ng bahay man lang sana. “Lord sorry po ah? Hindi naman po sa nag ri-reklamo ako kaya lang baka naman po pwedeng bigyan niyo sina tiyang ng kahit kaunting kabaitan sa katawan para naman po kahit papano eh gumaan ng kaunti ang buhay ko, salamat po.” Maingat na bulong ni Nicole sa pang umagang dasal na iyon, ma buti nang bumulong nalang dahil baka mamaya marinig siya ng isa sa kapamilya ni hudas eh mapahamak nanaman siya, mabuti na nag maingat. Baka din kasi madagdagan pa ang mga pasa at sugat niya sa katawan, itong kaunti pa nga lang ay na mumroblema na siya kung paanong lulusutan sa masungit niyang boss na tiyak niyang hindi siya titigilan sa pag tatanong lalo pa at naroon pa ito nang awayin siya ng tatlo niyang pinsan sa tindahan kagabi. Matapos mag ayos ng sarili ay saka niya sunod na inayos ang pinag higaan, nangunot pa ang noo niya nang makita ang mamahaling cellphone na ibinigay nga pala sakaniya ng kaniyang boss kagabi, nawala na iyon sa isip niya. Napa ngiti si Nicole saka dinampot ang cellphone na natatabunan ng manipis niyang unan, saglit nya ring kinalikot iyon saka lalong napa ngiti nang makita sa gallery ang ilang pictures ng kaniyang boss. “Hmm akalain mo nga naman, ang gwapo mo rin pala talaga no? Kung sana lang palaggi kang ngingiti at hindi masyadong mag susungit papasa ka nang heartthrob eh.” Kausap ni Nicole sa litrato ng boss, agad namang nawala ang ngiti niya nang ma-realize kung ano ang pinag sasabi niya. Hindi niya naman pinag papantasyahan ang CEO hindi ba? Na gagwapuhan lamang siguro siya, oo tama. Gwapo lang talaga ang CEO, well palaging masungit at parang galit pero gwapo at tsaka mabait din naman kahit papano. “May girlfriend na kaya siya?” Wala sa sariling sabi ni Nicole, mayamaya pa ay marahas din siyang napailing saka inis na sinaway ang sarili sa pag iisip tungkol doon. Kay aga aga kasi sa halip na mga gawaing bahay ang atupagin niya heto siya ngayon at pinag papantasyahan ang litrato ng kaniyang boss. Naiiling na kumilos nalang si Nicole, nagawa niya pang itago sa pinaka ilalim ng damitan niyang karton ang mamahaling cellphone na iyon, mahirap na kasi at baka makita pa ng mga pinsan niyang masasama ang ugali. Alas onse ng tanghali nang matapos sa gawaing bahay si Nicole, nagawa niya na ring mag luto ng tanghalian na siyang kaainin ng mga tamad niyang pinsan na kakabangon lang mula sa mahimbing na pag tulog, mabuti na rin na maagang na tapos ang gawain niya, wala kasi ang kaniyang tiyang Norma nang pumasok siya sa bahay nito, marahil ay maagang nag punta iyon sa karenderya. Hindi na nga rin pala siya naka pag paalam na ilang araw siyang mawawala para sa business trip nila ng kaniyang boss mamaya, ipag bibilin niya nalamang iyon sa mga pinsan. Hapong hapo na pasalampak na naupo si Nicole sa magaspang na sahig ng bodegang kaniyang tinutuluyan, napa simangot pa siya nang hindi pa nga halos siya nakaka hinga eh narinig niya ang mahinang pa ring ng cellphone na itinago niya sa karton kanina, tinatamad pa siyang kumilos at halos pa gapang na nilapitan ang kaniyang damitan para kunin ang cellphone, bahagya pa siyang nataranta kasabay ng mabilis na pag t***k ng puso nang makitang naka rehistro sa malaking screen niyon ang pangalan ng kaniyang boss. Dali dali niya iyong sinagot at humahangos pang bumati ng hello dito, bahagya niya ring inilayo sa kaniyang tenga ang cellphone dahil sa lakas ng sigaw nito mula sa kabilang linya. “Why the hell aren’t you picking up the God damn phone Lorenzo?” Galit na sabi nito, sunod sunod naman na pag lunok ang ginawa ni Nicole bago niya nakuhang sumagot. “Eh-eh sir pa-pasensya na po, medyo busy lamang ho dahil sa mga gaw-“ “What the hell is more important than your job? I told you to get ready early!” Putol nito sa sasabihin niya, hindi niya man makita ang boss ay alam niyang nanlalaki nanaman ang butas ng ilong nito at umuusok ang tenga sa galit at inis. “O-opo sir, bibilisan ko nalang po ang pag aayos, sandali lang po ah?” Wala nang sabi sabing ibinaba ni Nicole ang celphone saka pinatay ang tawag. kahit nangangatog ang tuhod dahil sa pagod sa kanina pang pag kilos at pag ta trabaho ay nagawa pa rin naman ni Nicole na bilisan ang pag aayos. Halos tatlumpong minuto lamang ang ginugol niya sa pag ligo, ni hindi niya na nga nakuhang sagutinn ng maayos ang pag susungit nanaman ng pinsan niyang si Luciferia na inutusan siyang ipag kuha ito ng tubig na maiinom dahil nag mamadali na siyang tumakbo pabalik sa bodegang tinutuluyan niya, isang kulay puting t-shirt at maong na kupasing pantalon na lamang ang napiling isuot ni Nicole, bukod kasi sa wala na siyang oras para mag hanap pa ay tiyak niya naman na wala na siyang ibang matinong damit. Kasaluuyang nag susuklay ng mahabang buhok si Nicole nang marinig niyang muli ang pag ring ng mamahaling cellphone, nag mamadali ang kilos na agad niyang sinagot ang tawag at tama nga siya ang boss niya nga iyon, inis pa rin ang boses na sinabi lamang nito sakaniya na nasa may labasan na daw ito kung saan siya nito hinatid kagabi, nag mamadaling dinala na lamang ni Nicole ang suklay saka kinuha ang bag at mabilis na nag tatakbo pa labasan. Bumungad sakaniya ang naka simango at bihis na bihis na CEO Shawn Alexander Montefalco, naka sandal ito sa magara nitong kotse habang naka simangot at masama ang tingin sakaniya, saglit pa siyang nahiya sa damit na suot niya, sa itsura kasi ng kaniyang boss ngayon ay mukhang kahit katulong ay hindi siya papasa dito. “Hurry up ang get in the car, we’re late!” Inis na utos nito, tumalima naman agad si Nicole, saglit pa siyang napasimangoot nang mauna pang pumasok sa sasakyan ang kaniyang boss. “Sus, napaka ungentleman naman, ang ibang lalaking gwapo sila pa nag bubukas ng pinto ng sasakyan para sa babae.” Bubulong bulong na reklamo ni Nicole saka binuksan ang pinto ng sasakyan ng kaniyang boss, gusto niya namang pagalitan ang sarili dahil sa inaasta niya ngayon, eh bakit naman ba kasi niya naiisip na dapat pag buksan siya nito ng pinto? Ano ba siya nito? Hindi ba’t alalay lamang naman siya? Kahit nga siguro crush ng kaniyang boss ay hindi siya papasa. Hindi napigilan ni Nicole ang mapa irap sa isiping iyon, agad din naman siyang nag ayos ng mukha nang makitang naka tingin pala sakaniya ang CEO, kunot na kunot pa ang noo nito na matamang naka titig sa mukha niya. “Uhh sir, may problema ho ba?” Hindi na naka tiis na tanong ni Nicole sa kaniyang boss, agad naman itong nag iwas ng tingin sakaniya saka siya matalim na inirapan. “Why are you letting other people hurt you? Hindi ka na bata para hindi mo magawang ipag tangol ang sarili mo. You claim to be a summa c*m laude right? Then you should have known that by now.” Napa tanga na lamang si Nicole dahil sa sinabing iyon ng kaniyang boss, tama nga ang hinala niya nakita nga nito ang nangyari kagabi. Pilit inayos ni Nicole ang sarili saka pilit na ngumiti sa masungit niyang boss. “Ha? Ano ho bang sinasabi niyo? Ayo s lang ho ba kayo?” Sinamaan naman siya nito ng tingin na siyang nag pa tikom sa kaniyang bibig. “I can see all your bruises so don’t try to hide it anymore.” Pa cool na sabi pa nito saka pinaandar ang sasakyan, hindi naman malaman ni Nicole kung tatakpan niya ba ang mukha sa parte kung nasaan ang mga pasa o hahayaan nalang dahil total eh nakita naman na nito nag mga pasa niya, pinili na lamang niyang gawin ang huli saka tahimik nalang na tumanaw sa labas ng bintana ng sasakyan ng kaniyang boss. Ilang sandali pa ay halos ma sampal ni Nicole ang noo nang maalalang dapat nga pala siyang mag hanap ng maleta na siyang pag lalagyan niya ng mga gamit na pinamili nila kahapon, nakaka hiya naman na mag sabi pa sa boss niya dahil baka sabihin nito na masyado siyang nag papabaya sa mga obligasyon niya sa trabaho, nag dadalawang isip na pa simpleng lumingon si Nicole sa likod ng sasakyan nito kung saan naka lagay ang mga shopping bags na pinamimili nila kahapon at lalo lamang naman siyang na taranta nang makitang wala na ang mga iyon doon. “if you are looking for your clothes I already have it packed. I asked my maids to do it. Akala ko kasi bugbog sarado ka na kagabi kaya baka hindi mo na maasikaso ma late pa tayo lalo, mukhang tama naman ako.” Sabi bigla ng kaniyang boss na nagawa pa siyang tingnan mula ulo hangang paa. “Those people who hurt you last night.” Muli siyang napalingon dito, seryoso lamang ang mukha nito habang nabalik na sa kalsada nag atensyon. “Who are they?” “Po?” Takang tanong ni Nicole dito, narinig niya naman talaga ang sinabi ng kaniyang boss, ang hindi niya lamang maintindihan eh kung bakit kailangan pa nitong mag tanong ng tungkol doon. “Sabi ko sino yung tatlong babaeng nanakit sayo? I saw what happened at the store last night.” Mukhang napipikang sabi nito na sinamahan pa ng pag irap, saglit namang natahimik si Nicole. Wala naman kasi siyang balak na mag salita, bakit pa ba naman kasi nito tinatanong ang tungkol sa bagay na iyon? “P-po?” Sabi ni Monique nang samaan siya nito ng tingin, napalunok naman siya saka napilitang sumagot. “Mga p-pinsan kop o sila sir, doon po ako naka tira sa bahay nila.” Naiilang na kwento ni Nicole, saglit namang natahimik ang kaniyang boss saka tumango tango. “They always hurt you like that?” Muling tanong nito na nagawa pang ituro ang kaniyang mukha na puno ng pasa, tanging pag tango lamang naman ang sinagot niya dito. Nakita pa ni Nicole ang bahagyang pag iling ng kaniyang boss at tila mukhang inis na ang ekspresyon ng mukha na binilisan lalo ang pag papa takbo ng sasakyan, naguluhan naman si Nicole sa inaakto nito ngunit sa huli ay pinili nalang ang manahimik. Ilang minuto pa ang ginugol nila sa pag bibiyahe nang marating din nila nag isang tila open field, napa nganga pa si Nicole habang pa baba ng sasakyan at salubungin sila ng malakas na hangin at ingay na dala ng isang sa tantya niya ay private helicopter dahil sa malaking pangalan na H.Montefalco sa may bandang pinto niyon. Hindi pa siya nakaka sakay sa ganoon kaya hindi maiwasan ni Nicole ang makaramdam ng takot at excitement, sinalubong sila ng isang naka ngiting lalaki na mukhang kasing edad lamang ng CEO, may saglit lamang itong pinag usapan saka may inutusan na ilan pang tao para kunin ang mga bagaheng dadalhin nila sa kung saan para sa business trip kuno ng kaniyang boss. Mayamaya pa ay siya naman ang sunod na nilapitan ng lalaking kausap ng CEO kanina para alalayang sumakay sa helicopter na iyon, kinabitan pa siya ng kung ano anong ka ek-ekan katulad na parag head phones na may kasamang mic pati na rin seat belt. Tahimik lamang na nag hintay ni Nicole hangang sa manlaki ang mga mata niya nang makitang sumampa sa tila driver seat ang kaniyang boss. Aba balak pala nitong mag pakamatay bakit kailangang isama pa siya? Para ba may alalay din ito pag dating sa impyerno? Na hintakutang pilit inaalis ni Nicole ang suot na seat belt na hindi naman naka wala sa atensyon ng CEO, halos mapasigaw siya sa gulat nang marinig ang boses nito sa suot niyang headphones. “Don’t be scared, I am a licensed pilot Miss Lorenzo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD