Hindi mapa lagay si Nicole habang naka upo sa passenger seat ng sasakyan ng kaniyang boss, hindi niya kasi malaman kung mag sasabi ba siya rito ng concern niya o ano.
Halos laman ng isang buong closet na kasi ang dami ng mga damit, sapatos at kung ano ano pa ang binili para sakaniya ng CEO. Hindi niya naman malaman kung bakit, oo na at na sabi na nitong kailangan nilang bumiyahe para sa isang business trip bukas kaya lang ay hindi maintindihan ni Nicole kung bakit ganito karaming damit ang kailangang bilhin para sakaniya, isa pang pinag aalala ni Nicole ay araw ng sabado ngayon, tiyak na naroon sa bahay ang tatlong maldita niyang mga pinsan, hindi niya pwedeng dalhin sa bahay ang mga bagong gamit na iyon dahil baka ma disgrasya lang.
Malakas na na napa buntong hininga si Nicole saka sumilip sa bintana ng sasayan, ihahatid daw kasi siya ng kaniyang boss para daw alam na nito bukas kung saan siya susunduin. Hindi naman din kasi ito pumayag na sa opisina nalang sila magkita bukas.
“May gusto ka bang sabihin?”
Tila inis na tanong sakaniya ng kaniyan boss. Naka halata na rin yata na kanina pa siya hindi mapalagay at mukhang sinisilaban ang puwet sa upuan ng sasakyan.
“Uhhh ano- ano po kasi sir, s-salamat po sa lahat ng binili niyo para saakin, wala pa po talaga akong pang bayad sa lahat ng ito eh.”
Nag aalalang sabi ni Nicole habang itinuturo pa ang mga paper bags na nasa likod ng sasakyan, inis naman itong napa irap sakaniya.
“Kung sisingilin kita eh di saba kanina ko pa sinabi diba? And I told you it’s on me. You need those clothes sa pupuntahan nating business trip.”
Kahit iyon ang sinabi ng boss niya ay hindi pa rin siya mapalagay, feeling niya talaga ay kailangan niya pa ring bayaran ito.
“What else Lorenzo?”
Sabi pa ng kaniyang boss na mukhang nabawasan na ang inis kahit papano, sa kalsada lang ang tingin nito, hindi siya nakikita kaya nag lakas loob na rin siyang sabihin ang isa niya pang problema.
“Ano po—ano pwede po bang sainyo nalang po muna itong mga damit? Hi-hindi ko po kasi pwedeng iuwi ito saamin eh.”
Mariin ang pag kaka pikit na sabi ni Nicole, ilang sandali na ang lumipas ay hindi p rin sumasagot ang kaniyang boss kaya napilitan siyang mag mulat ng mata, na sana pala ay hindi nalang niya ginawa dahil masama ang tingin sakaniya ngayon ng boss niya, dahil hindi naman na siya pwedeng pumikit ulit ay nag pilit nalang siya ng ngiti rito na sa tingin niya ay naging ngiwi lang din.
“Can you tell me what is going on?”
Inis na sabi ng kaniyang boss habang nanatili pa rin ang masamang tingin nito sakaniya, bahagya pang napa lunok si Nicole dahil hindi makuhang maka sagot. Ano naman kasi ang sasabihin niya? Na hindi niya pwedeng iuwi ang mga mamahaling gamit na pinamili nito dahil sa mga pinsan niyang masama ang ugali? Malamang naman hindi niya pwedeng sabihin iyon, mas lalo lang na magiging kumplikado at siguradong hindi siya lalo maiintindihan ng kaniyang boss.
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Nicole bago nag salita.
“Eh sir hindi niyo naman po ako maiintindihan eh, mahirap pong mag paliwanag kaya lang nakiki usap po ako, hindi ko pa talaga pwedeng dalhin sa bahay itong mga pinamili niyo eh.”
Mabilis ang pag sasalitang sagot ni Nicole, lalo lang namang naguluhan ang boss niya. Gustong iuntog ni Nicole ang ulo sa salamin ng bintana ng sasakyan, bakit ba naman kasi ang simple simple eh hindi niya magawang mag paliwanag? Eto namang boss niya eh napaka ma usyoso, mano ba namang pumayag nalang sa paki usap niya at huwag nang mag tanong, kung maleta naman na pag lalagyan ng mga gamit niya bukas ang inaalala nito eh gagawan niya niya nalang ng paraan bukas.
“Are you on drugs?”
Kunot na kunot ang noo at seryosong seryong tanong sakaniya ng kaniyang masungit na boss na nag ngangalang Alexander, napa tanga naman siya dito, napa nganga pa nga yata si Nicole sa pag ka bigla.
“Hala sir hindi ah! Hindi mo lang ako nag gi-gets nag da-drugs agad? Maka bintang naman kayo, naku.”
Malakas ang boses na sabi ni Nicole na sa wakas ay nakuha ring sumagot matapos ng ilang minutong katahimikan.
Agad na natutop ni Nicole ang kaniyang bibig nang makitang mag takip ng tenga ang kaniyang boss.
“Lower down your voice will you? Hindi ako bingi!”
Asar na sabi nito, napa kagat naman siya ng labi saka nag peace sign.
“Ay sorry po, kayo ho kasi eh. Kung ano ano ang sinasabi niyo. Hindi ho ako nag a-adik, masisira o kaya di naman ay ma dadali lang po iyang mga bago at mamahaling damit na binili ninyo para saakin.”
Ulit na subok pang mag paliwanag ni Nicole, ni hindi niya nga sigurado kung naiintindihan ba ng kaniyang boss na CEO ang mga pa balbal na salitang ginagamit niya sa pag ka usap rito o baka mas lalo lang itong naguguluhan.
“Ma dadali? What the hell are you talking about?”
Kung kanina ay kunot noo lamang mag salita ang kaniyang boss ngayon naman ay tila galit na ito, muling napa buntong hininga si Nicole. Saglit siyang natahimik para mag isip ng mas madaling paliwanag para sa taong ka harap niya ngayon, iyong tipo ng paliwanang na maiintindihan nito agad.
”Sa bahay po kasi ni inuuwian ko, may mga kasama po akong tatlong pinsan, mag kakapatid po sila, anak ni hudas, at dahil nga po anak sila ni Hudas ibig sabihin masasama po ang ugali nila. Kaya hindi ko po pwedeng iuwi ang mga ito saamin dahil baka po sirain lang nila o kaya kunin nila.”
Sabi ni Monique na sinadyang hinaan at pa bagalin ang pag sasalita, kapag ang mga pinag sasabi niyang ito na hindi naman na dapat niyang sabihin pa dito eh hindi pa na intindihan ng kaniyang boss ay ewan niya nalang.
Saglit na natigilan ang kaniyang boss, nag pasalamat naman si Nicole na mukhang nakuha din nito sa wakas ang ibig niyang sabihin at ang dahilan kung bakit.
Mayamaya pa ay napa tango tango rin ito, hindi naman napigilan ni Nicole ang mapangiti.
Halos mag a-alas sais nang maihatid siya ng kaniyang boss sa labasan kung saan malapit sa bahay ng kaniyang tiyang, katulad ng madalas na eksena doon tuwing gabi ay marami nanamang tambay sa may kalapit na sari-sari store.
Ayaw sana ni Nicole na doon mismo ihinto sa tapat ng tindahan ang kotse ng kaniyang boss kaya lang ay nahiya naman siyang mag sabi, alam niya kasing kanina pang mainit ang ulo nito sakaniya.
Pag ka hintong pagka hinto ng sasakyan sa may tapat ng tindahan ay agad na nag si-lapitan ang mga tambay na naroon, hindi naman masisi ni Nicole dahil bibihira lang naman ang nagagawing magarang sasakyan sa lugar nila, ano pa ngayon na huminto mismo ang magarang sasakyan ng boss niya sa tapat.
“This is where you live?”
Manghang tanong sakaniya ng kaniyang boss na ngayon ay naka kunot nanaman ang noo, nag pilit naman ng ngiti si Nicole saka tipid na tumango. Ngayon lang marahil naka rating sa ganito ka gulong lugar ang CEO, sabagay mayaman naman kasi ito, hindi pa yata alam na may magulong lugar na nag i-exist na katulad nito.
“Wait before you go, give me your cellphone. I need you to save my number and give me a call tomorrow kung ready ka nang umalis. Ayokong mag hintay kaya huwag kang ma late.”
Ma sungit na sabi nito saka inilahad ang palad para sa hinihingi, napa ngiwi naman si Nicole at nag dalawang isip pa kung iaabot dito ang cellphone niya, pero dahil nga ubod ng sungit ang boss niyang ito at ayaw ng pinag hihintay ay napilitan siyang dukutin sa bulsa ang basura niyang cellphone saka inabot rito.
Napataas naman ang kilay ng masungit niyang boss saka tila nag dalawang isip rin kung kukunin ba iyon o hindi.
“Ang pangit ng cellphone mo.”
Sersyosong sabi nito, agad naman siyang napa simangot at sasamaan sana ng tingin ang CEO, mabuti nalang at napigilan niya ang sarili.
“Ay pasensya na ho ah? Hindi ko ho afford ang mamahaling cellphone pa sa ngayon.”
Hindi na iwasan ni Nicole ang maging sarkastiko, napa irap naman ito saka tila nan didiri pang ibinalik sakaniya ang cellphone niyang pangit, agad niya namang inabot iyon at hindi na pinansin ang boss niya na na may dinudukot sa bulsa ng suot na pantalon.
Ilang sigundo lang naman ang tinagal ng ginagawa nito, nagulat pa siya nang pa dabog na iabot sakaniya ng kaniyang boss ang isang napaka ganda at mukang bagong bago pang cellphone, iyong uso ngayon na mamahalin. Iphone.
“Here, use this instead. It’s new, my number is already saved tawagan mo nalang ako bukas.”
Sabi nito, napa tanga naman si Nicole dito habang naka titig sa cellphone na inabot nito sakaniya.
Mag sasalita sana siya para tangihan iyon kaya lang ay naunahan na siya ng kaniyang boss.
“Don’t worry about it Lorenzo, isipin mo nalang that is your company phone.”
Nahihiyang napa tango nalag si Nicole, kung ano ano pa ang ipinag bilin sakaniya ng kaniyang boss na gagawin bukas bago siya nito hayaang bumaba mula sa sasakyan.
At kung minamalas nga naman siya, naroon sa tindahan ang tatlo niyang pinsang maldita. Masama ang tingin ng mga ito sakaniya nang maka baba siya sa sasakyan ng kaniyang boss, may tag iisa pang hawak na bote ng beer ang mga ito.
Nangangamoy gulo, alam niyang bad trip nanaman tungkol sa kung anong dahilan ang mga pinsan niya at lalong alam ni Nicole na nanganganib nanaman ang nanahimik niyang buhay.
Hindi pa man siya nakaka lapit ay agad niya nang nakitang nag lalakad palapit sakaniya ang tatlo, mariin pa siyang napa pikit nang maramdaman ang sakit nang may kalakasang ipokpok sa ulo niya ang hawak na bote ng isa sa mga pinsan.
“Malandi ka ha? Sinong lalaki naman ang na uto mo at nagawa ka pang ihatid dito?”
Malakas ang boses na sabi ng pinsang si Lucy, mukhang tinamaan na ito ng alak na iniinom dahil medyo bulol na kung mag salita pero alam niya naman na sinasadya lamang talaga nitong lakasan ang boses para ipahiya siya sa mga tambay na naroon.
Ang masaklap pa ay naroon pa rin ang kaniyang boss, malamang sa hindi ay nakikita siya nitong ipinahihiya at sinasaktan ng sariling kamag anak.
Hindi na nakuhang mag salita ni Nicole para sana ipag tangol ang sarili dahil agad na siyang hinila sa buhok ng isa pa niyang pinsan saka kinaladkad pa uwi sa bahay, kung sino ay hindi na nagawa pang tignan ni Nicole. Masyadong masakit ang kaniyang anit at ang parte ng ulo niyang natamaan ng bote kanina para intindihin pa kung sino sa tatlo ang may hila sa buhok niya ngayon.
“Ano nanaman ba ang nangyayari?”
Galit na bungad sakanila ng kaniyang tiyang Norma na wala pa mang sagot sa tanong nito ay galit na galit na ang tingin sakaniya.
Ang naka tatanda nang pinsan ang nag sumbong, na kesyo lumalandi daw siya kaya ginabi ng uwi galing sa trabaho.
Katulad kanina ay hindi nanaman niya nagawang ipagtangol muna nag sarili dahil isang malakas at mag ka sunod na sampal na agad ang tumama sa mag kabila niyang pisng ang natangap niya mula sa kaniyang tiyang Norma, sa lakas ng sampal na iyon pakiramdam ni Nicole ay umikot ang paningin niya, nalasaan niya rin ang tila kalawang na alam niyang galing sa dugo mula sa kaniyang bibig.
Hawak pa rin siya ng dalawa sa mga anak ng kaniyang tiyang sa mag kabilang braso kaya hindi niya magawang pumalag.
“Tiyang maawa na po kayo, hindi naman po ako lumalandi eh, may nilakad lang po ako kasama ang boss ko, tungkol lang naman po sa trabaho.”
Hindi na napigilan ni Nicole ang umiyak habang nakiki usap sa kaniyang tiyahin, muli pa siyang napa pikit nang hilahin ulit ng kung sino ang kaniyang buhok, mag sasalita pa sana ulit siya ng isa nanamang malakas na sampal ang tumama sa namanhid niya nang pisngi.
Katulad sa madalas na eksena kapag pinag tutulungan siya ng mga ka anak ay wala nanamang magawa si Nicole kundi ang tumangap.
Pasado alas dose na ay gising na gising pa rin si Nicole, heto siya ngayon at pilit na inaaninag sa isang basag na salamin ang pakiramdam niya ay namamagang pisngi gamit ang flashlight ng cellphone na ibinigay sakaniya ng kaniyang boss kanina,wala naman kasing kuryente itong bodegang tinutuluyan niya.
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Nicole saka pinilit ang sarili na tumigil na sa pag iyak, hindi lang kasi niya maintindihan ginabi lang siya ng uwi ay ganito na ang inabot niya paano pa kaya kung inuwi niya pa ang mga shopping bags na nag lalaman ng mga mamahaling gamit dito? Baka hindi lang pasa at pananakit ng ulo ang inabot niya.
Pilit pinakalma ni Nicole ang sarili saka matamlay na nahiga sa punit na banig, dahil din siguro sa pagod at sa pag iyak kaya naka tulog na rin siya sa wakas.