Chapter 7

2195 Words
Alas kwatro palang ng umaga ay gising na si Nicole at abala na sa pag hahanda ng almusal para sa mga dugong bughaw na mga anak ng kaniyang tiyang Norma na pinag sisilbihan niya, marami pa siyang kailangang gawin na mga gawaing bahay ngunit ang iba ay mamaya nalang niya gagawin, pag katapos niya kasi sa pag luluto at pag hihintay na magising ang mga mahal na prinsesa pati na rin ang na inang reyna ay kailangan niya na ring mag handa para sa kaniyang ‘first day of work’ bilang EA ni CEO yabang. Masayang masaya si Nicole kahapon nang maka uwi mula sa kumpanyang iyon, excited na excited pa siya na sabihin sa kaniyang tiyang Norma na may trabaho na siya, malaki pa ang ngiti na inabot niya rito para ipakita ang kaniyang ID na galing kay sir Luis, kaya lang sa halip na i-congratulate siya ng tiyahin ay nilait lait lang siya, kesyo nag pagod daw siya ng ilang taong pag aaral sa kolehoy ng engineering tapos ma uuwi lang pala siya sa pagiging executive assistant. Hindi na rin niya nasabi na mas malaki ang offer na sahod ng kumpanya sakaniya, pero sabagay tingin ni Nicole na mas mabuti na rin na alam ng kaniyang tiyang at ng mga anak nito na kakaunti lang ang sahod niya para sa ganon ay mas mabilis siyang makaka pag ipon. “Well, well, mabuti naman at maagang nagising ang aming mahal na prinsesa?” Napa pikit nalang si Nicole nang marinig ang boses ng isa sa mga demonyitang mag kakapatid, hula nya ay si Luciferia iyon dahil sa tinis ng boses nito. Huminga ng malalim si Nicole saka nag pilit ng ngiti bago humarap sa ke aga aga ay naka simangot na mukha ng kaniyang pinsan. ‘Ang pangit na nga lagi pang naka simangot, hay life!’ Bulong na sabi ni Nicole habang ingat na ingat na huwag maipa rinig sa pinsan, malilintikan siya ng todo pag nag ka taon, baka pumasok siya sa opisina ng may black eye, kaya sa halip na mag salita pa pilit inalis ni Nicole ang bad vibes na dala ng pinsan. “Good morning po, gusto niyo po ng kape?” Masiglang sabi ni Nicole habang suot pa rin ang plastic na ngiti sa mga labi, inirapan lang naman siya ng pinsan at sa pangalawang pag kakataon ay gusto nanamang mag reklamo ni Nicole, ano ba naman kasi ang mahirap sa pag sagot ng matino hindi ba? Simpleng oo at hindi lang naman ang pwedeng maging sagot sa tanong na ‘gusto mo ng kape’. Buntong hininga na tumalikod nalang si Nicole sa pinsan at tinungo ang lababo para ipag timpla pa rin ito ng kape. Mga ilang minuto ay halos sabay sabay na nag si labasan na rin ang kaniyang tiyang Norma kasunod ang dalawa pa nitong demonyitang mga anak. Bago na upo sa upuan sa hapag ay nagawa pa siyang samaan ng tingin ni Lucille, panganay na anak ng kaniyang tiyang Norma, hindi niya alam na dumating pala ito. Napa buntong hininga nalang ulit si Nicole saka isa isang nilagyan ng kanin ang mga plato ng mga ‘royalties’, kumpleto naman sa parte ng katawan ang mga ito pero pati mga simpleng bagay ay hindi pa magawa para sa mga sarili. “Bilisan mo, ang kupad mo!” Nagulat si Nicole sa malakas na sigaw ng kaniyang tiyang Norma, dinoble naman ni Nicole ang bilis sa pag kilos at hindi na nag salita. “Oh yang pinsan niyo, EA na daw sa isang kumpanya at ngayon ang araw ng pag uumpisa niya sa trabaho.” Pag uumpisa ni tiyang Norma ng usapan, kasunod naman niyon ang tawanan ng tatlong bruhang kampon nito. “May pa aeronautical engineer at summa c*m laude ka pang nalalaman alalay pa rin naman pala ang bagsak mo.” Sarkastikong sabi sakaniya ni Lucille habang suot ang mapang inis na ngiti sa mga labi. Nag pilit naman si Nicole ng ngiti dito, saka nag salita. “Unang trabaho palang naman po ate eh, hayaan niyo po magiging engineer din po ako kapag naka pag ipo-“ “Blah blah, tigilan mo na nga iyang kaka ambisyon mo na hindi mo naman naabot, kung ako sayo tatangapin ko nalang na habang buhay ka na talagang alalay, taga pag silbi, alila at kung ano ano pa, psh ulila!” Putol sa sasabihin niya ni Luciferia, wala na rin namang nagawa ni Nicole kundi ang yumuko nalang at manahimik, mas binilisan niya na rin ang kilos at matyagang nag hintay na matapos sa pag kain ang mga ito. Mag a-alas syete nang matapos sa mga gawain si Nicole, well kanina pa talaga siya dapat tapos kaya lang ang mga bruha niyang pinsan ay nananadya yata at kung ano ano pa nag ipinag utos sakaniya, nag mamadali ang kilos na na ligo si Nicole at nag bihis ng isa sa pinaka maayos at matinong damit na meron siya. Nang masigurong maayos naman ang itsura niya kahit paano ay nag mamadali nang umalis si Nicole, mabuti nalang at pag labas na pag labas niya sa kalsada ay mayroon agad isang jeep na dumaan kaya naka sakay siya agad. Ilang minuto bago mag alas otso ay naka rating rin si Nicole sa kumpaniya, agad siyang itinuro ng mga tao sa front desk sa opisina ni sir Luis Montefalco at dahil naka rating na rin naman siya doon kahapon ay hindi niya na kinailangan pang mag pa hatid. “Good morning po sir, pasensya na po late ako.” Agad na bati ni Monique sa kapatid ni sir Montefalco na siyang kasama rin nila kahapon, napa ngiti naman ito nang makita siya. “You are just in time Miss Lorenzo, please give these papers to your boss, you know his office.” Agad nitong inabot sakaniya ang ilang folders na hindi niya alam ang laman, mabilis naman niya itong tinanguan saka agad na nag punta sa opisina ng boss daw niya. Dahil isang beses palang naman siyang nakaka rating sa malaking kumpanyang iyon ay hindi malaman ni Nicole kung tama pa ba itong dinadaanan niya, ilang sandali siyang nag pa libot libot ng tingin para hanapin ang elevator, ano ba naman kasing klaseng kumpanya ito at wala siyang makita ni isang tao, wala tuloy siyang mapag tanungan. Tuloy lang sa pag lalakad si Nicole nang sa wakas ay maka kita rin siya ng isang elevator, nag mamadali siyang nag lakad pa punta doon at saka pinindot ang button, agad namang bumukas iyon kaya naka sakay din siya agad. “Teka, ano nga ulit ang floor number ng opisana ng hudas na iyon?” Tanong ni Nicole sa sarili saka saglit na nag isip, at gusto niyang inutog ang sarili sa pader nang kahit anong gawin niyang pag piga sa utak ay talagang hindi niya alam. “Hi, bago ka lang dito?” “Ay butiki!” Napa talon sa gulat si Nicole kasabay ng malakas na pag sigaw nang marinig ang boses ng lalaki mula sa sa kabilang side at isang sulok ng elevator, hindi niya ito nakita nang pag pasok niya sa elevator dahil naka pwesto ito sa pinaka sulok katabi ng pinto. Saglit na natawa ang lalaki dahil marahil sa reaksyon niya, nag karoon din si Nicole ng pag kakataon na suriin ang itsura nito. Maputi, makinis, matangkad, at gwapo. Malinis din ang suot nitong long sleeved shirt na kulay puti ay naka tuck in sa kulay itim na slacks, na ngigintab din sa kinis ang suot nitong black shoes, napa simangot naman si Nicole, napapansin niya kasi halos lahat ng tao sa kumpanyang ito ay prisentableng presentable kung mag ayos siya lamang yata talaga ang mukhang basahan. Iyong tipong ginagamit ng mga janitor na pang punas sa sahig ng banyo ng kumpanyang iyon. “Pasensya na nagulat kita, ako nga pala sa Domenic.” Malaki ang ngiti na pag papa kilala nito sakaniya, inilahad din nito nag palad para maki pag kamay, saglit na nag dalawang isip si Nicole kung hahawak ba siya sa kamay nito na mukhang hindi yata nadudumihan. “Uhm ahhh, ako po si Nicole, bago lang po ako dito at hinahanap ko po ang opisina ni s-sir Alexander.” Sabi ni Nicole na sa huli ay tinangap din ang kamay ng lalaking nag pakilalang Domenic, well wala naman siyang choice kundi ang maki pag kamay kahit nahihiya siyang baka madumihan ang kamay nito dahil sa kamay niya, ayaw niyang masabihang masungit, naka mamaya boss din ang lalaking ito dito mapa hamak nanaman siya. “Hmm I see, you will work for him? Haha si Shawn pala ang tinatawag mong hudas ah?” Nanlaki ang mga mata ni Nicole nang marinig ang sinabi ng lalaki, agad siyang humarap dito at tiningnan ito ng diretso sa mga mata. “Please po kalimutan nyo na iyon, kunwari hindi niyo na rinig ang tinawag ko sakaniya! Please po huwag niyo po akong isusumbong sa CEO.” Nakiki usap na sabi ni Nicole kay Domenic, first day of work niya ngayon at hanga’t maari ay ayaw niyang sirain ang araw na ito kahit pa nakaka inis ang boss niyang masama ang ugali. Narinig ulit ni Nicole na natawa ang lalaki saka din siya tiningnan. “Don’t worry I won’t, sakto pa punta rin ako sa opisina niya” Napa tango nalang si Nicole, gusto niyang mag tanong kung anong sadya nito doon ngunit hindi niya na ginawa at pinili nalang na manahimik, baka kasi ipahamak nanaman siya ng sarili niyang bibig kung dadaldal nanaman siya. Mga ilang minuto lang ay tumunog na rin ang elevator hudyat na naroon na sila sa palapag ng opisina ng CEO,saglit na napa pikit si Monique at nag higit pa ng malalim na pag hinga bago sumunod kay Domenic na nauna nang mag lakad palabas ng elevator na iyon. Namamangha pa rin na nailibot ni Nicole nag tingin sa mala garden nina adan at eva na disenyo ng palapag ng kumpanyang iyon kung nasaan ang opisina ng CEO. Muli siyang napa lunok nang kumatok sandali si Domenic, hindi na nito hinintay ang sagot ng CEO at basta nalang pinihit nag siradura, nilingon pa siya nito para senyasan na mauna na siya sa loob, nahihiyang sumunod naman agad si Nicole. “What the- what are you doing here?” Agad na bungad sakaniya ng CEO nang mag angat ito ng tingin para marahil tignan kung sino ang pumasok, at dahil siya ang naunang pumasok sa opisina nito na kasing laki yata ng bahay ng kaniyang tiyang ay siya rin ang una nitong nakita. Napa irap si Nicole sa reaksyon ng CEO, kung maka sigaw naman kasi daig pa ang naka rinig ng masamang balita. “Sir, ako po si Nicole Lorenzo nag kita na tayo kahapon, at ako po ay mag ta-trabaho sainyo bilang inyong executive assistant.” Pilit na pilit ang ngiti na sabi niya sa CEO na kunot na kunot lang naman ang noong naka tingin sakaniya. “No way, I did not hire you!” Napa ngiti si Nicole at ngayon ay sinadya niya nang tamisan ang ngiti iyong tipong mas lalo lang itong maiinis. “No you did not sir, but sir Luis did. So whether you like it or you like it, ako po ang magiging EA ninyo. Siya nga po pala, ipinabibigay po ito sainyo ni sir Luis Montefalco.” Mabilis na sabi ni Nicole saka agad na lumapit sa lamesa nito at maingat na inilapag ang dalang folders na ipinag utos sakaniya bago siya nag punta dito. Masama ang tingin na ipinukol sakaniya ng CEO, hindi naman iyon pinansin ni Nicole sa halip ay mas lalo lang nilakihan ang pag ngiti. Titig na titig sakaniya ang CEO kaya hindi na rin maiwasan ni Nicole ang ma asiwa. “Sir, alam ko pong maganda ako hindi niyo po ako kailangang titigan ng ganyan.” Pamimilosopo ni Nicole sa boss, napa ngiwi naman ito sa sinabi niya at kukontra pa sana nang agawin ni Domenic ang atensyon ng CEO na ke aga aga ay katulad din ng mga pinsan at tiyahin niyang mukhang palaging binabati ng sama ng loob pag gising sa umaga. “Alexander, glad to see you. I see you have a very interesting EA.” Sabi ni Domenic na malambing siyang nginitian, ginantihan niya naman ito ng ngiti saka na agaw ng isang bahagyang naka bukas na pinto ang atensyon niya. Saglit niya iyong sinilip at napa ngiti ng makitang kusina pala iyon. “Mga sir, gusto niyo po ba ng kape?” Singit ni Monique sa dalawang lalaking nag uusap, as usual sinamaan nanaman siya ng tingin ng CEO. “Sure Miss EA, thank you!” Malaki ang ngiti na sagot sakaniya ni Domenic, napa ngiti na rin si Nicole saka masayang tinanguan ito. “Mabuti pa si sir Domenic masaya ang umaga, kaya ang gwapo niya kasi hindi siya naka simangot di gaya ng iba diyan.” Bulong na sabi ni Nicole na sinadyang iparinig sa dalawang boss, natawa naman si Domenic sa sinabi niya. Hindi na iyon pinansin pa ni Nicole at nag tuloy nalang sa kusina ng opisina ng masungit na CEO.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD