Chapter 28

2186 Words
Madilim na ang gabi nang maka uwi si Nicole sa bahay ng kanyang tiyang Norma, dahan dahan pa ang ginawa niyang pag lalakad dahil bukod sa hindi pa rin maayos ang pakiramdam niya na tila lalo lamang yatang lumala nang matulog siya mag hapon ay sinabayan rin siya ng takot na mag pakita sa kanyang tiyang. Sandali pa siyang nag sisi na hindi pa siya sumama kay Leah nang sunduin siya nito sa kanyang opisina kanina, at nag sisi na hindi pa siya nakinig kay Alexander na huwag na munang umuwi. Marahas siyang napa buntong hininga nang sa wakas ay makalapit sa kahoy na pinto ng bahay ng kanyang tiyang, ibinuhos niya na marahil ang lahat ng natitirang lakas ng loob na kumatok doon nang mapa hinto lang rin nang marinig ang ingay ng usapan sa loob agad na nagunot ang kanyang noo nang marinig ang kanyang pangalan at tila hindi ang pag lalayas niya ang pinag uusapan ng kanyang tiyang at ng pinsan niyang si Lucy. Sa halip na ituloy ang balak na kumatok ay marahan na lamang ang ginawa niyang pag kilos palapit sa kinaroroonan ng maliit na bintana saka maingat na sumilip roon. “Paano nga pag malaman ng babaeng iyon ang tungkol sa mga buhay niya pang kaanak ma? At paano kung malaman ng mga kaanak ni Nicole ang ginawa natin sa kanya, paano tayo ma?” ‘Kaanak?’ Bulong ni Nicole sa sarili, lalo lamang nadagdagan ang pangungunot ng kanyang noo dahil sa nalaman. “Hindi ko hahayaang mangyari iyon Lucy. Hindi ako nag tiyagang kupkopin ang walang hiya at utang na loob na babaeng iyon kung sa huli ay wala din naman tayong mapapala. Isa pa, huwag ka nang mag alala, imposibleng malaman niya ang tungkol sa mga taong nag hahanap sa kanya dahil wala namang ideya ang babaeng iyon tungkol doon.” Tila balewala lamang na sabi ng kanyang tiyang Norma habang prente pang naka upo sa malambot na sofa na naroon sa sala. “Pero paano nga ma, paano na natin pagkaka perahan ang babaeng iyon pag dating ng panahon kung dalang dala na siya sa atin, paano kung hindi na iyon bumalik dito saan pa natin siya hahanapin ma. Alam natin kung gaano kayaman ang angkan ni Nicole ma paano kung maging bato pa ang perang matagal na nating pinamuhunanan? Alam mo ma kasalanan mo ito eh, kung sana noon pa naging maayos na ang pag trato natin sa ampon mo gugustuhin niya pa rin na makasama tayo.” Mahabang litanya ng pinsan niyang si Lucy dahilan para mabilis na kumilos ang kanyang tiyang Norma at malakas na sampalin ang tila nag wawala nang si Lucy. Natutop na lamang ni Nicole ang sariling bibig dahil sa mga bagong impormasyong naririnig mula sa mga taong bagama’t pinag mamalupitan siya, itrinato siyang mas masahol pa sa isang uri ng hayop ay pinagkatiwalaan niya pa rin ng sobra. Dahil sa anong dahilan? Pera? Hindi mapigil ni Nicole ang mapa luha at wala nang pag dadalawang isip na tinungo ang pinto ng bahay saka marahas iyong binuksan. Sabay pang nagulat nag malupit na mag ina nang makita siyang pumasok mula sa bumukas na pinto, sabay ring nag iwas ng tingin sa kanya ang mga ito nang buong tapang niyang sinamaan ng tingin. “May natitira pa akong ibang kamang anak tiyang?” Lakas loob niyang tanong habang pilit na nilalabanan ang kagustuhang bawiin ang tingin sa kanyang tiyang na kahit kailan hindi naging mabuti sa kanya. “Ano bang pinag sasabi mo? Hoy babae, tangapin mo na ang katotoohanang mag isa ka na lang, wala ka nang ibang kamag anak bukod saam-“ “Narinig ko ho ang pinag uusapan niyo kanina tiyang, narinig ko lahat. Mag sabi na kayo ng totoo. Nasaan ang mga kamag anak kong sinasabi niyo.” Halos pasigaw niya nang sabi, bakit ba naman napaka hirap para sa mga ito na aminin ang totoo sa kanya gayong malinaw naman ang narinig niyang pinag uusapan ng mga ito. Ang gusto niya lamang naman ay mas maintindihan pa, ano ba ang tinatago ng kanyang tiyang? “Hoy babae, huwag mo ngang masigaw sigawan ang nanay ko. Mag pasalamat ka na lang at kinopkop ka namin dito dahil kung hindi malamang sa malamang kung saan ka na pinulot!” Ganting sigaw ng pinsan niyang si Lucy na nagawa pa siyang duruin, sandali pang napa isip si Nicole kung paano na lamang kaya kung narito rin ang iba pang anak ng kanyang tiyang tiyak na makikisali rin sa gulo ang mga iyon. “Isa lang naman ang hinihingi ko tiyang eh, sabihin niyo saakin ang totoo parang awa niyo naman, may kamag anak pa bang naiwan kahit isa kina mama at papa?” Muli niyang tanong sa tiyahahin na masama lamang ang tinging ipinupukol sa kanya. “Tama si Lucy, mag pasalamat ka na lang na kinopkop ka namin dito. Kung hindi ba sa palagay mo maayos ang buhay mo? Matuto kang tumanaw ng utang na loo-“ “Talaga ba tiyang? Sa nakikita ko kasi mas dapat siguro akong mag pasalamat kung hindi niyo ako kinuha eh, bakit sa tingin ko mas naging maayos pa siguro ang buhay ko kung hindi niyo ako kinopkop” Hindi na nakuhang tapusin ni Nicole ang sasabihin nang halos matumba nanaman siya sa malakas na sampal ng kanyang tiyang. Sa tinamong sugat at sakit ng kawatan niya mula sa mga kamay nito kanina ay dapat hindi niya na iindahin ang isa pang sampal mula rito kaya lang ay masakit pa rin, nasasaktan siya sa isiping kayang kaya siyang saktan ng paulit ulit ng mga taong itinuring niyang pamilya. “Bastos ka ah, ano ba ang pinagmamalaki mo ha? Anong karapatan mong sigawan ako at bastosin sa sarili kong pamamahay!” Galit na sigaw nito saka muling umangat ang mabigat na kamay, tumama iyon sa ulo niya. Hindi pa ito nakontento at hinawakan pa siya ng mahigpit sa mukha saka muling sinampal. “H-hindi ko po intensyong bastusin kayo tiyang. Kaya lang sumosobra na po kayo eh!” Malakas muli ang boses na sabi niya rito saka buong lakas itong itinulak palayo sa kanya. Agad namang naka bawi sa gulat si Lucy at ito ang kumilos para gantihan ang ina nitong nasadsad sa sahig dahil marahil masyadong napalakas ang pag tulak niya. Napa pikit pa siya sa sakit nang pakiramdam niya ay matatangal na yata ang kanyang anit. “Walang hiya ka!” Sigaw ng kanyang tiyang Norma nang maka bangon ito mula sa sahig saka walang pag dadalawang isip siyang sinugod, halos mag dilim ang kanyang paningin dahil sa lakas ng suntok nito sa kanyang mukha, muli pa siyang mariing napa pikit at handa na sanang tangapin ang isa pang suntok mula rito nang marinig niya ang galit ng boses ng taong hindi niya inaasahan. “Hit her again and I swear to God mabubulok kayo sa kulungan!” Malakas na sigaw ng bagong dating na siya namang dahilan ng pag tigil ng mag ina. Sabay sabay pa silang napa tingin sa pintoan at bumungad sa kanya ang nag pupuyos sa galit na si CEO Shawn Alexander Montefalco, kasunod nito ang nag aalalang kaibang si Leah. “Let her go.” Mariing utos ni Alexander kay Lucy na sa halip na sumunod ay lalo lamang nitong hinila ang kanyang buhok, dahilan naman iyon ng pag dagdag pa ng galit na CEO. “I said let her go, now!” Malakas na sigaw nito, bakas ang sobrang galit sa mukha ni Alexander, kulang na lang marahil ay umusok ang ilong at tenga nito. Ang galit na itsura din marahil ni Alexander ang dahilan kaya binitiwan na rin siya sa wakas ng pinsang si Lucy. “Sino ka ba? Bakit ka nakikialam?” Sigaw na tanong ng kanyang tiyang Norma na sinamaan pa ng tingin si Alexander. Bigla ang pag ragasa ng kaba sa buong sistema ni Nicole nang makuha pang ngumisi ni Alexander bago sumagot. “I am Lucifer, and I will take you to hell.” Seryosong sabi nito saka umangat ang kamay bilang hudyat na handa na nitong saktan ang kanyang tiyang Norma na agad namang napa yoko at hinarang ang mga braso sa sariling ulo. Nang hihina man ay pilit kumilos si Nicole para lapitan ang galit niyang boss, walang pag dadalawang isip niyang hinawakan ang kamay nitong naka taas saka puno ng pakikiusap niya itong tinitigan. “H-hindi ko alam kung anong ginagawa niyo dito pero nakikiusap ako, tama na.” Puno ng pakiusap ang tinig na sabi niya rito. Kita niya ang bahagyang panginginig ng kalamnan ni Alexander saka tiim bagang na ibinaba ang naka ambang kamay. “Come with me.” Ma otoridad na sabi nito habang hindi pa rin nawawala ang galit na tingin sa kanyang tiyang at sa anak nitong si Lucy na tila naumid na ang dila dahil wala nang naging pagtutol. Sandali rin siyang napa tanga sa kanyang boss at hindi na nakuha pang mag tanong nang hilahin siya nito sa braso saka inilabas sa bahay na iyon. Tahimik namang naka sunod ang kaibigan niyang si Leah na hindi niya alam kung paanong naging mag kasama ang mga ito papunta sa bahay ng kanyang tiyang. “Teka sandali.” Awat niya kay Alexander nang halos madapa dapa na siya sa pag hila nito at sa bilis ng pag lalakad. Tila naman wala itong naririnig kaya buong lakas niyang hinila ang mga brasong hawak nito. “Alexander teka nga, nasasaktan ako, sandali lang.” Sabi niya nang makawala sa hawak nito, naging epektibo naman ang ginawa niya dahil huminto rin ito sa pag lalakad saka inis siyang tinapunan ng tingin. “What? Don’t tell me you still want to stay here?” Galit na sabi nito sa kanya. “H-hindi, hindi ko lang alam kong saan mo ako balak dalhin dahil wala naman akong mapupuntahan.” Nag aalala niyang sabi na siya namang dahilan ng matalim na pag irap nito. “Just come with me, ako na ang bahala. Your friend Leah and I have talked about this.” Sabi nito saka tinapunan ng tingin si Leah, sumunod din naman ang tingin niya doon at bumungad sa kanya ang umiiyak na sa pag aalalang si Leah. “Bebs, utang na loob sumama ka na lang. Hindi ka na safe dito, papatayinn ka na ng ubod ng sasama mong kaanak eh.” Pakiusap nito sa kanya, wala sa sarili siyang napa tango rito saka nag salita. “K-kukunin ko lang ang ilang gamit ko, sasama ako Leah.” Sabi niya saka malugod na tinangap ang mahigpit na yakap nito. “Sandali lang ako.” Iyon lang at siya na ang nag kusang kumalas mula sa yakap ng kaibigan saka mabilis na kumilos para puntaha ang luma at madilim na bodega kung saan siya tumutuloy. Abala sa pag sipat ng ilang mahahalagang gamit na kailangan niyang dalhin si Nicole gamit lamang ang kaunting liwanag mula sa ilaw ng flashlight ng kanyang cellphone nang mapatalon siya sa gulat dahil sa pag liwanag ng paligid, hindi galing sa ilaw ng bombilya iyon kundi sa malaking flashlight na hawak ng walang iba kundi ang kanyang boss. “Holly hell, you live here?” Namamanghang sabi nito habang inililibot pa ang tingin sa kabuoan ng maliit na bodegang iyon. Wala man sa mood na mamilosopo at mag sungit dahil sa sama ng kanyang pakiramdam ay nakuha niya pa rin namang umirap. “Opo sir, ito po ako sa maliit at madilim na bodegang ito nakatira, kung hindi mo po kaya dito, pwede ka na pong lumabas at doon niyo na lang po ako hintayin. Sarkastikong sabi niya saka itinuloy ang ginagawang pag silid ng ilang gamit sa maletang dala pa nila ni Alexanderr nang minsan silang mag punta sa Palawan. Agad na natigil ang kanyang pag aayos nang maramdaman ang masuyong hawak ng CEO sa kanyang mga balikat, pilit din siyang inikot nito paharap saka puno ng pag aalala siyang tinitigan. Napaiwas naman siya ng tingin dito. “Ngayong alam mo na, ngayong nakita mo na, ayokong maawa ka sa lagay ko Alexander.” Malungkot at pabulong niyang sabi sa binata, bahagya pa siyang napa pikit nang sakupin ng mainit na palad nito ang pakiramdam niya ay namamaga at namamanhid niyang mga pisngi, hindi niya na rin napigilan ang pag tulo ng ilang butil ng luha na akala niya ay naubos na sa pananakit ng kanyang tiyang at ni Lucy nang masuyo siyang halikan sa noo ni Alexander. “Listen to me, hindi ako naawa sa lagay mo, nagagalit at naiinis ako dahil matagal mong tiniis ang ganito.” Masuyong sabi nito na siya namang dahilan ng lalo niyang pag luha. “Shhh, don’t cry anymore Nicole. I promise that everything will be fine. Ako ang bahala sayo, I will make sure na hinding hindi ka na nila ulit sasaktan, I promise.” Seryosong sabi nito saka maingat na pinahid ang mga luha niya. Muli pa siyang napa pikit nang sa ikalawang pagkakataon ay masuyo siya nitong hinalikan muli sa noo. “Nag titiwala ako sayo, CEO Shawn Alexander Montefalco.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD