Mag a-alas nueve na nang maka pasok sa opisina si Nicole, sobrang sama ng pakiramdam niya dumagdag pa ang pananakit ng kanyang katawan.
Wala rin kasing nagawa si Leah nang mag pumilit siyang pumasok kahit paulit ulit itong nakiusap na mag pahinga na lamang muna siya sa bahay nito ng ilang araw.
Napa simangot si Nicole nang maalala ang kasungitan ni Alexander sa telepono kanina, halatang masama ang gising ng CEO habang kausap niya ito.
Sabagay naman, naiintintihan niya naman kung bakit hindi siya nito pinayagang um-absent ngayon, hindi niya naman din kasi sinabi na masama ang pakiramdam niya at masakit ang kanyang katawan dahil sa ginawa sa kanya ng kanyang tiyang at ng pinsan niyang si Lucy kanina.
Marahas na napa buntong hininga si Nicole saka sandaling tumunganga sa harap ng entrance ng kumpanya, sandali pang nag laban ang puso’t isipan niya kung tutuloy ba siyang pumasok sa loob.
Alam niyang nakaka hiya ang itsura niya mukha siyang masamang babae na binubogbog ng asawa, balot na balot rin ang katawan niya at kung pwede lang ay pati mukha ay tinakpan niya rin ng belo para siguraong hindi kita ang mga lata niya doon, hindi niya na ginawa dahil katulad nga ng sabi ng kaibigan niyang si Leah ay mag mumukha siya babaeng na balo ng maaga kung ipagpipilitan niya pang ganon ang ayos niya.
Kaya sa halip na belo ay nauwi siya sa isang napaka laki at napaka dilim na sun glasses, hindi nga siya mukhang balo, nag mukha naman siyang bulag sa ayos niya ngayon.
Sabagay nga naman, mas mabuti na rin na ganito ang ayos niya kesa makita ng lahat nag itsura niya ngayon.
Sa ikalawang pagkakataon ay muli pang marahas na napabuntong hinga si Nicole saka nag madali nang kumilos para pumasok sa opisina.
Nakaka ilang hakbang pa lamang nang muli nanaman siyang mapa hinto dahil sa pag tunog ng kayang cellphone, alam niyang si Leah iyon dahil sinabihan siya nitong tatawagan siya pag tapos ng kalahating minuto mula pag hatid nito sa kanya.
Sandali pa siyang napa irap saka basta na lamang dinukot ang cellphone sa loob ng sling bag na hiniram niya pa sa kaibigan, wala naman yata siyang suot ngayon na hindi hiram mula kay Leah, wala naman kasi siyang nadala pag alis sa puder ng kanyang tiyang Norma kanina, mabuti nga at nakuha niya pang dalhin ang kanyang celphone.
Hindi na nag abala pa si Nicole na tingnan man lang ang tumatawag at basta niya na lamang iyong sinagot.
“Oh? Ayos lang ako ano ba, huwag ka nang masyadong mag alala okay? Magiginng maayos din ang pakiramdam ko, tsaka bebs pwede bang ano, pa sundo mamaya, pwede diyan na lang muna ako sa bahay mo umuwi mamaya?”
Tuloy tuloy agad niyang pag sasalita nang maramdaman ang malamig na balat ng cellphone sa kanyang tenga.
Nahihiya man siyang makiusap na makiki tuloy ulit mamaya kina Leah dahil alam niya naman na sobrang abala na niyon sa kaibigan ay wala siyang choice, kailangan niyang kapalan ang mukha dahil wala siyang choice, wala na siyang panahon para unahin pang mahiya ngayon kaysa naman sa wala siyang ma puntahan at matulog na lang sa kung saan mamaya.
“Bebs?”
Tawag ni Nicole sa kausap nang hindi pa rin ito sumagot.
“No Nicole, it’s the CEO and my name is not ‘bebs’.”
Napa tanga na lamang si Nicole nang marinig ang baritonong boses na iyon kaysa sa inaasahan niyang malambing at sweet na boses ng kaibigan niyang si Leah.
Mariin pa siyang napa pikit kasabay ng pag higit ng malalim na pag hinga nang matunugan ang tila lalong galit na boses ni Alexander sa kabilang linya.
“What? Nasaan ka na ba? Masyado ka naman yatang busy sa ‘bebs’ mo at late na late ka na ngayon.”
Rinig ni Nicole ang inis na inis na tono ng pananalita ng kanyang boss at kahit hindi niya man ito nakikita ay alam niyang halos mag dikit nanaman ang makapal na kilay nito dahil sa pangungunot ng noo.
“Uhm ano, sorry po akala ko po kasi iyong kakilala ko ang tumawag, di ko po nakita.
Papasok na po ako sa opisina ngayon.”
Kamot batok niyang sabi saka nag madali nang nag lakad papasok sa kumpanya, hindi niya na binigyan ng pansin ang mga taong pinag titinginan siya.
Alam niya naman kasi na dahil lamang sa itsura niya ngayon kaya ganon.
Halos mapa ngiwi pa siya sa sakit ng katawan sa bawat pag kilos na ginagawa niya, bukod kasi sa pag lalakad ng mabilis ay paminsan minsan din siyang tumatakbo.
“Hurry up.”
Sa pag mamadali ay muli niya pang narinig ang inis na boses ng masungit na si Alexander sa cellphone hindi niya na rin nakuha pang sumagot nang babaan na siya nito ng tawag, napa simangot naman si Nicole dahil doon kasabay ng pag pindot niya ng pinto ng elevator paakyat sa opisina nito.
Agad na nangunot ang noo ni Nicole nang makarating sa opisina ni Alexander at walang naabutang tao roon, sandali niya pang inilibot ang tingin sa kabuoan ng silid at kibit balikat na lamang na tinungo ang kanyang lamesa, maingat niyang inilapag ang bag doon saka pa bagsak na naupo sa kanyang swivel chair.
“Aww…”
Sandali pa siyang napa ngiwi nang kumirot ang kanyang tagiliran.
“Ang sakit ng katawan at ulo ko…”
Pa bulong niyang sabi saka inayos sandali ang mga naka kalat na gamit na naasa lamesa at walang pag da-dalawang isip na yumuko roon, nakuha niya pang gamitin ang dalawang braso para gawing unan.
“Ayos lang naman sigurong mag pahinga kahit sandali… Gigising na lang ako agad bago dumating si Alex…”
Mahina niya pang sabi kasabay ng pag pikit ng kanyang mga mata.
Narinig niya pa ang ingay na mula sa pag bubukas ng pinto ngunit sa sobrang antok
na nararamdaman ay hindi na napilit pa ni Nicole na imulat ang mga mata, ilang sandali pa ay nilamon na siya na kadiliman.
Sandaling nangunot ang noo ni Nicole habang pilit na sinisipat ng nanlalabong mata ang paligid, agad siyang napa balikwas ng bangon nang mapag tantong naka higa siya sa malambot na sofa sa opisina ni Alexander, pinag sisihan niya naman ang agaran niyang pag kilos dahil agad na kumirot ang kanyang ulo sumabay pa ang kanyang tagiliran, napa pikit pa siya ng mariin saka pilit na kinalma ang sarili.
Nang maayos na ay agad siyang nag mulat ng mata at hinanap ang direksyon ng kinaroroonan ng orasan napa tanga na lamang siya ng makitang pasado alas sinko na ng hapon, ganun na lang yata ang antok niya at inabot siya ng mag hapong tulog.
“You’re awake.”
Halos mapa talon siya sa gulat nang marinig ang baritonong boses na iyon mula sa kung saan, nag pa linga linga pa siya para hanapin ang pinangalingan ng boses na iyon at nakita niya naman agad ang seryosong seryosong mukha ni Alexander malapit sa pantry ng opisina nito, marahan itong nag lakad palapit sa kanya kaya mabilis siyang kumilos at tumayo para muli rin lang mapa upo dahil sa panghihina.
“Huwag mong piliting kumilos kung hindi mo pa kaya Nicole.”
Wala siyang mabakas na ekspresyon sa mukha maging sa tinig ni Alexander, napakagat na lamang siya sa labi dahil sa hiya rito.
Sino ba naman ang hindi mahihiya? Mula nang dumating siya sa opisina kanina ay nakatulog na siya tapos nagising niya ngayon kung kelan uwian na, aba baka mamaya sabihin pa ng masungit na CEO Alexander na ito na pag tulog lang ang ipinunta niya sa opisina.
“P-Pasensya na po sir Alexander nakatulog po ako.”
Hingi niya ng paumanhid dito saka napa yoko.
“Alexander, Nicole. I said drop the sir or any kind of formality when it’s just the two of us.”
Bakas ang inis sa boses na paalala nito sa kanya, nakayuko pa rin na napatango na lamang si Nicole.
“Now that you are fully rested, can I ask what happened to you? I know that we are together last night, and you left without my knowledge and I am sure you don’t look like that when you left my house.”
Agad siyang napa angat ng tingin dahil sa sinabing iyon ni Alexander, bumungad sa kanya ang seryosong seryosong mukha nito na sinamahan pa ng pangungunot ng noo.
Dahil hindi malaman kung dapat pa ba niyang sabihin ang dramang nangyari sa bahay ng kanyang tiyang Norma kanina ay muli na lamang siyang napa yuko para iwasan ang mapanuring tingin nito.
“Hey, tell me what happened?”
Muli pang sabi nito matapos ang ilang sandaling katahimikan, hindi na nag abala pa si Nicole na mag taas ng tingin sa takot na salubungin ang mga mata ni Alex nanatili na lamang siyang naka yoko saka marahang umiling bilang sagot.
“Gaano ba kahirap ang mag sabi Nicole?”
Bahagya siyang napatalon sa gulat kasabay ng mariing pag kagat sa labi nang marinig ang kaunting pagtaas ng boses ng kanyang boss.
Sandali pa siyang napa simangot, bakit ba naman kasi ito nagagalit ngayon na para bang ginusto niya ang nangyari sa kanya?
“Are you gonna tell me or I’ll find out myself? Cause if it’s the latter I’m sure you won’t like it.”
Seryoso pang sabi nito ng may tunog pag babanta.
Agad na nag angat ang tingin niya at saka pinanliitan ito ng mata.
“Hindi mo naman na kasi kailangang malaman eh. Personal na ito at ayaw kong mag sabi. Hindi naman lahat ng tungkol saakin kailangan mong hawakan, kailangan mong pang himasukan. Alam mo ba, dahil sa’yo kaya ako nagka ganito.”
Inis na sabi ni Nicole dito na pinilit pang hinaan ang boses para sa huling sinabi ngunit mukhang hindi pa rin naman naka lampas iyon sa pandinig ni Alexander.
Napakagat labi na lang si Nicole nang makitang mag tiim bagang si Alexander kasabay ng pag kuyom ng kamao nito saka matiim siyang tinitigan.
Hindi naman malaman ni Nicole kung mag iiwas siya ng tingin sa kanyang boss o sasalubungin ang ngayon ay galit na nitong mga mata.
Bigla rin siyang naka ramdam ng pagsisi dahil sa bigla niyang nasabi, hindi niya naman kasi talaga intensyon na sisihin ito, nadala lamang marahil siya ng inis.
“Did they… Did they do this to you? Your aunt and her children, they did this to you?”
Mahina ang boses at tiim bagang na tanong nito sa kanya, agad naman siyang nag iwas ng tingin at piniling ituon na lamang ang pansin sa sariling mga kamay na abalang pinag lalaruan ang bawat isa.
“They did Nicole, right?”
Halos mapatalon siya sa gulat nang biglaan ang pag lakas ng boses nito.
“N-Nagalit sila saakin dahil sa pinadala mong tao sa bahay ka-kagabi eh.”
Mahina ang boses na may pag aalangan pang sabi niya, mariin siyang napa pikit nang sumigaw si Alexander saka galit siyang tinitigan.
“They’ll pay for what they did to you, how dare them do this to you.”
Galit na galit na sabi nito, agad naman siyang nag mulat ng mata saka kunot noo niyang tinapunan ng tingin ang galit na CEO kasabay ng hindi niya maipaliwanag na pagka lito.
Naguguluhan siya, bakit ganito na lamang ang galit nito gayong wala namang ibang namamagitan sa kanila bukod sa s*x.
May iba pa ba? Iyon kayang inaasahan niya ang dahilan ni Alexander kaya ito nagkaka ganito ngayon? Gusto niyang mag tanong ngunit hindi niya magawa, gusto niyang mag salita ngunit wala siyang lakas para gawin iyon lalo pa at hindi niya naman alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin.
“K-kung ano man ang balak mong gawin, huwag mo nang ituloy. Pamilya ko pa rin sila at hind-“
“No they are not your family Nicole, no family will ever do something like this, walang pamilya ang makakayang manakit. Look at you, you look so weak.”
Halos pa sigaw nang putol nito sa sasabihin niya, sasagot pa sana si Nicole nang maagaw ang atensyon niya ng tumutunog na cellphone, agad niyang hinanap ang kanyang bag na pinag lalagyan niyon at nakita niya naman iyon sa lamesa kung saan sa pagkaka tanda niya ay siyang tinulugan niya kanina.
Hindi na siya nang taka kung paano siyang napunta sa sofa.
Pinili na lamang niyang hayaan ang galit niyang boss saka kahit nahihirapang kumilos dahil sa sakit ng katawan ay pinilit niyang kumilos para sana lapitan ang kinaroroonan ng bag para lamang muling mapa upo nang unahan na siyang kumilos ni Alexander.
Nagawa pa siya nitong irapan bago iabot sa kanya ang bag na siya namang dahilan ng panghahaba ng kanyang nguso.
Hindi na lamang siya nag salita sa halip ay dinukot sa bag ang wala pa ring tigil sa pag tunog na cellphone.
Bahagya pa siyang napangiti nang makita kung sino ang tumatawag saka mabilis na rin iyong sinagot.
“Bebs bakit?”
Bungad na tanong niya agad sa kaibigang si Leah habang nalipat ang tingin sa umiirap nanaman at tila inis na CEO.
“Eh Nicole, kanina pang pa balik balik sa bahay iyong bruha mong tiyang Norma eh, hindi ka pwedeng mag pakita doon dahil tiyak na malalagot ka nanaman. Nandito ako sa labas ng kompanya mo.”
Bakas ang pag aalala sa boses na sabi ni Leah, inaasahan niya nang sa bahay nina Leah siya unang hahanapin ng kanyang tiyang tulad ng inaasahan niya na rin na malalagot nanaman siya sa malulupit niyang kamag-anak.
Marahas siyang napa buntong hininga bago nag salita.
“Uuwi ako kina tiyang para huwag nang lumaki pa to.”
Labag sa kaloobang sabi niya, alam naman na ni Nicole ang mga bagay na posibleng manyari sa kanya kung haharapin niya ngayon ang init ng ulo ng kanyang mga ka-anak lalo ng kanyang tiyang Norma ngunit sa tagal niya nang naka tira sa bahay ng mga ito ay kilalang kilala niya na ang ugali ng malupit niyang tiyahin.
Lalo lamang siyang malalagot kung hindi pa rin siya mag pakita dito.
“Nahihibang ka ba? Eh di mas lalo kang napa hamak kapag ginawa mo yun, baka nga hindi ka na abutin ng umaga eh. Please bebs huwag ka na munang mag pakita doon. Nandito ako tutulungan kita huwag ka nang mag alala.”
Lalo lamang lumala ang pag aalala sa boses ng kaibigan.
“Baba na ako, hintayin mo ako diyan mag papa alam lang ako.”
Iyon lamang ang sinabi niya at siya na ang kusang nag baba ng tawag.
Saka hinarap ang galit pa rin na tingin ng kanyang boss.
Hindi pa man siya nakapag sasalita ay naunahan na siya nito.
“You are so not going back to your aunt’s house Nicole. I will not let you.”