Chapter 29

2490 Words
“Paano bebs, mauna na ako ah? Sigurado ka bang ayos ka lang dito?” Paalam ni Leah sa kaibigan habang bakas pa rin ang pag aalala sa tinig. Nag pilit naman ng ngiti si Nicole sa kaibigan saka nag pahid ng luha at tumango. Kanina niya pa kasi hindi mapigil ang pag tulo ng luha habang pinipilit na mag kwento tungkol sa nalaman niyang tinatago ng kanyang mga kaanak. “Ikaw na muna bahala sa kaibigan ko Mr CEO ah? She’s been through a lot, huwag ka sanang gagawa ng kahit anong ikasasama niya pa.” Muli pang bilin ni Leah sa tahimik lamang na si Alexander, tango lamang naman ang sinagot ng kanyang boss dito. “Magiging maayos ako dito Leah, maraming salamat sa tulong mo ah?” Seryoso niyang sabi dito saka sincere itong nginitian, tumayo na rin siya para ihatid palabas si Leah, muli pa siya nitong niyakap bago tumuloy nang nag lakad pa tungo sa sasakyan nito. Ilang minuto rin siyang nanatili sa labas mula nang maka alis si Leah nang maramdaman niya ang masuyong mga brasong yumakap mula sa kanyang likuran, sandali pa siyang napa pikit dahil doon saka nag pilit kumilos para harapin ito. “Maraming salamat din sa tulong mo CEO.” Nakangiti niyang sabi rito saka walang pag dadalawang isip na ikinawit ang mga braso sa baywang nito para yakapin ng mahigpit. Kasalukuyan siyang nasa puder ng CEO ngayon, kaya pala ang lakas ng loob nitong kunin siya sa kanyang tiyang dahil balak pala siyang dalhin sa bahay nito, alam niyang pansamantala lamang siyang mag lalagi dito dahil hindi naman pwedeng doon na siya tumira habang buhay. Ngayong siya na lamang mag isa, tiyak na mas madali na siyang makakapag ipon lalo pa at siya na ang hahawak ng sweldong nakukuha niya sa kumpanya dahil wala nang tiyang Norma na kukuha niyon mula sa kanya. Pag sapat na ang naipon niya ay saka siya kikilos para mag hanap ng matutuluyan. Masyado naman kasing nakaka hiya sa CEO kung mag tagal siya doon kahit pa nga sabihing higit pa sa pagiging boss ang namamagitan sa kanila. Hindi niya pa nasasabi kay Alexande ang tungkol sa plano niya pero balak niya rin namang sabihin kaagad. “Don’t worry about it, you will be safe here.” Masuyong sabi nito saka ginantihan rin siya ng mas mahigpit na yakap, lalo pang lumawak ang ngiti ni Nicole na agad ding napalitan ng pangungunot ng noo nang may maalala. “Siya nga pala, paano kang napunta sa bahay nina tiyang tsaka paano kayong nagkasama ni Leah?” Seryosong tanong niya rito na hindi na nag abala pang tingnan. “I know where your house is, I followed you there after I realized that you aren’t safe and I was right. Isa pa, hindi kami magkasama ng kaibigan mo I saw her outside, worried and all. I told her that I plan to take you with me then she agreed.” Maikling kwento nito na agad namang sumagot sa kanina pang tanong na gumugulo sa isipan niya. Napatango na lang naman siya saka nanatiling tahimik. “By the way, I will help you find them.” Mayamaya pa ay sabi ng kanyang boss na siya namang naging dahilan ng muling pangungunot ng kanyang noo, naguguluhan siyang nag angat ng tingin saka kumalas sa pagkakayakap kay Alexander. “Anong ibig mong sabihin?” Taka niyang tanong, inirapan pa siya ng binata bago siya nakuhang sagutin. “Iyong mga nawawala mong family, I will find them para magkasama na kayo.” Seryosong sabi nito bahagya pa siyang natawa na siya namang ikina kunot ng noo ni Alexander. “What?” Kunwaring inis na tanong nito sa kanya, lalo lamang naman lumakas ang pag hagikhik niya saka sunod sunod na umiling bago nag salita. “Ang conyo mo kasi... Pero salamat ah? Hindi ko alam kung paano mong gagawin iyon pero salamat.” Sincere niyang sabi na pilit nang inalis ang mga ngiti sa labi saka sinalubong ng tingin ang naka kunot noo pa ring si Alexander. Tila wala sa sariling umangat ang kanyang mga kamay saka masuyong hinilot ang halos mag dikit nang pagitan ng noo ni Alexander, tila naman naging epektibo iyon dahil unti unti na rin itong napa ngiti. “Siya nga pala, salamat sa pag papatuloy mo saakin dito ah? Huwag kang mag alala, mag iipon ako agad para makahanap din ako ng mauupahan.” Naka ngiti niya pa ring sabi na siya nanamang dahilan ng pag irap ng kanyang boss, nakaka sanayan na yata nito ang pag irap ng madalas. Aba eh daig pa yata siya nito pag dating sa irapan eh. “Let’s not talk about it now, it’s already late. Come with me I’ll take you to your room.” Seryosong sabi nito saka hinawakan siya sa kamay at marahang hinila. Tahimik lamang naman na sumunod si Nicole sa binata hangang sa marating nila ang second floor ng bahay kung saan sa pagkaka tanda niya ay naroon din ang silid ni Alexander. Sandali pang kumabog ang kanyang puso nang huminto sila sa tapat ng pintoan nito na agad din namang napawi nang sa halip na pinto ng silid nito ang buksan ay ang siradora ng pinto sa katapat niyon ang pinihit ni Alexander. Agad siyang namangha nang maka pasok doon. Hindi katulad ng silid ni Alexander ang ayos ng silid na iyon ngunit sa tantsa niya ay halos magkasing laki lamang, pang lalaking lalaki ang ayos ng silid ng kanyang boss samantalang feminine naman ang ayos nitong silid na pinag dalhan sa kanya, takaw pansin din ang isang malaking pinto na sa tansa ay isang walk in closet. “This will be your room.” Nakangiting sabi ni Alexander, napa tanga na lamang naman siya dito. “You don’t like it?” Nag aalalang tanong pa nito na agad naman niyang sinagot ng sunod sunod na pag iling. “Gusto ko, gustong gusto ko pero ano kasi…” Halos pa bulong niyang sabi na tiyak niya naman na narinig ni Alexander dahil bahagya lamang tumaas ang kilay nito at umaktong nag hihintay ng susunod niya pang sasabihin. “A-ano, hindi ba nakaka hiya naman kung di-dito ako matutulog?” Kamot batok niyang sabi na pilit iniiwas kay Alexander ang tingin. “Why Nicole? Do you want to sleep in my room instead?” Pilyong tanong nito na siyang dahilan ng bigla niyang pag lipat ng tingin sa mukha nito, bumungad sa kanya ang nakaka lokong ngiti ni Alexander habang mataman ang mga matang naka titig sa kanya. Agad din niya itong inirapan saka muling nag salita. “Hindi, nakaka hiya lang na dito ako, tsaka hindi ko inasahan na sa ganitong kwarto mo ako papatulugin, hindi ba dapat doon ako sa maids quarter niyo?” Kagat labi niyang sabi dahilan ng marahang pag kilos ni Alexander para bigyan siya ng mahinang pitik sa noo, dahil hindi naman siya nasaktan ay hindi na rin siya nag reklamo. “First, you are my guest second, you are not my maid so you can’t sleep in the maids quarter and third, kung ayaw mo dito believe me, I will be very much willing to take you to my room and-“ “Ay hindi gusto ko dito. Ang ganda nga dito eh, ang lakas maka prinsesa. Ang laki pa ng kama.” Mabilis niyang sabi saka nag madaling kumilos para pa bagsak na mahiga sa malambot na kamang naroon, agad din siyang nag sisi nang biglang kumirot ang kanyang tagiliran maging ang iba pang parte ng kanyang katawan. “Aray ko, nabali na yata ng tuluyan ang mga ribs ko.” Naka ngiwi niyang reklamo saka pilit na kumilos para muling bumangon at para lamang din pigilan ng nag aalala niyang boss na ngayon ay palapit na sa kamang kinaroroonan niya. “Are you okay?” Nag aalalang tanong ni Alexander, naka ngiwi pa rin na tipid niya lamang naman itong tinanguan. “I will take you to the hospital Nicole, come.” Sabi pa nito na agad naman niyang ikinasimangot. “Anong ospital? Ayoko nuh, ayos lang naman ako eh kaunting pahinga lang ito.” Mabilis ang pag sasalitang sabi niya na naging dahilan lamang ng pag taas ng kilay ng kanyang boss. “Ayos lang talaga ako, sige na mag pahinga ka na din ako na ang bahala dito.” Seryoso niyang sabi saka nag pilit ng ngiti, hindi niya na pinagtuonan pa ng pansin ang malakas na pag buntong hininga ni Alexander saka siya matamang tinitigan bago kumilos para talikuran na siya at mag tuloy sa pinto. “If you need anything, you know where my room is.” Sersyosong sabi nito bago lumabas sa malaking pintoan ng silid na iyon saka marahang isinara. Ilang minuto na rin ang lumipas mula nang lumabas si Alexander sa silid na pinag iwanan sa kanya ngunit heto pa rin siya at parang tangang naka ngiti habang naka titig sa pintong nilabasan ni Alexander, kung hindi pa muling kumirot ang tagiliran niya ay hindi pa siya kikilos para mag tungo sa banyo at mag linis ng katawan. Sandali lamang naman ang oras na ginugol niya sa pag ligo, katulad ng silid ay manghang mangha nanaman siya sa laki ng banyo ni Alexander pakiramdam niya tuloy ay para siyang isang tao sa mula na walang muwang sa mga makabagong kagamitan. Napa ngiti si Nicole sa isiping iyon saka tinangal sa pagkaka sabit ang malinis na robang naroon tapos ay lumabas na sa banyo para lamang magulat sa dalawang babae na mukhang hindi naman nalalayo ang edad sa kanya, naka suot ng unipormeng pang katulong ang mga ito at parehong abala ang mga kamay sa hawak na baso at pitsel ang isa naman ay may hawak na ilang piraso ng damit na sa tingin niya ay mga bago pa dahil sa mga naka sabit pang tag price doon. “Pasensya na ho kung nagulat po namin kayo, ipinag utos po kasi ni sir Alexander na alalayan ka ho namin dito at dalhan ng gamot ma’am.” Magalang at naka yoko pang sabi ng isa sa mga babae, agad namang naka ramdam ng hiya si Nicole dahil ano nga ba naman ang pagkakaiba niya sa mga taong nasa harap niya ngayon. Pare-pareho lamang naman silang empleyado ng CEO, ang kaibahan lamang ay utusan siya sa opisina at ang mga ito naman ay sa bahay. Nag pilit na lamang ng ngiti si Nicole saka naiilang na inabot ang mga dala nito at siya na ang nag patong ng mga iyon sa maliit na lamesang naroon. “Nicole lang po sana ang itawag niyo saakin, tsaka hindi niyo po ako kailangang pag silbihan, nakaka , hiya po.” Kamot batok niyang sabi na siya namang ikina ngiti ng dalawang kasambahay. “Ayos lang naman po iyon ma’am Nicole, huwag na po kayong mag alala, ang mahalaga po ay gumaling po kayo agad.” Sincere na sabi ng isa pa. “Ako nga po pala si Sonya ito naman po ang kasamahan kong si May, matagal na po kaming namamasukan dito.” Pag papakilala naman ng isa pa, nahihiya man ay pilit na lang na ngumiti si Nicole. “Ikinagagalak ko kayong makilala, ako naman si Nicole, EA po ako ni sir Alexander.” Ganting pakilala niya. “May kailangan pa po ba kayo ma’am Nicole? Sabihin niyo lang po kami po ang bahala.” “Ay naku wala na, ako na bahala dito para makapag pahinga na rin kayo.” Tangi ni Nicole sa alok pang tulong ng mga kasambahay naka ngiti naman na ymuko pa ang mga ito saka siya iniwan. Muling napakamot sa batok si Nicole nang tuluyan nang makapag isa sa silid na iyon, agad niya ring nilapitan ang dalang pitsel ng mga kasambahay ni Alexander kanina saka napangiti nang makitang gamot pala sa sakit ng katawan iyon, ininom niya naman agad bago sunod na pinuntahan ang mga damit, karamihan sa mga iyon ay bistida, mabitaw bitawan niya pa ang mga iyon nang makita ang mga prices. “Ang mamahal naman nito, mas mahal pa yata mga ito sa sweldo ko sa isang buwan eh.” Pabulong niyang reklamo saka agad na iniligpit para ipasok sa tila mamahaling walk in closet na naroon, dahil naroon na rin ang mga gamit na nag kalat sa maleta niya ay ang lumang damit na lang ang pinili niyang isuot. Sarap na sarap na siya sa pagkaka higa sa malambot na kamang naroon nang maagaw ang pansin niya ng tumutunog na cellphone, agad pang nagunot ang mata niya nang makita ang isang text message galing ay Alexander, agad niya naman iyong binuksan para basahin. ‘Are you asleep?’ Iyon lamang naman ang laman ng text, kibit balikat na lamang niyang muling ibinalik sa ilalim ng unan ang cellphone dahil gustuhin niya mang mag reply ay hindi niya magawa, wala naman kasi siyang load. Mayamaya pa ay muling tumunog iyon, dalawa pang magka sunod na text ang pumasok kaya agad niya ring binasa, galing pa rin sa kanyang boss ang mensahe. ‘Nicole?’ ‘Can’t you text back?’ Nangunot pa ang noo niya nang mabasa ang text na iyon, saka sinilip sandali ang oras. Pasado alas dyes na ng gabi, ano nanaman kaya ang drama ngayon ng abnormal niyang boss? Muli niya sanang ibabalik sa ilalim ng kama ang kanyang cellphone nang magulat sa malakas na tunog niyon, tumatawag si Alexander, Sandali tuloy siyang napa isip kung gaano kalayo ang silid na tinutulugan nito mula sa kanya. “Oh?” Tinatamad niyang sabi. “You are still awake yet you don’t reply” May halong inis ang tinig na sabi nito, agad naman siyang napasimangot dahil doon. “Wala po akong load, tsaka bakit ba? Ba’t hindi ka pa tulog?” “Tss… Poor. Im thinking about you.” Seryosong sabi nito, agad ang pag ragasa ng kaba sa sistema ni Nicole dahil sa hindi niya inaasahang sasabihin ni Alexander. Bakit naman kaya siya iniisip ng kanyang boss? “Ahh akala ko naman kung ano na, tsaka parang ang layo mo ah? Eh nasa kabilang silid ka lang naman.” Tila wala sa sariling sabi niya, hindi niya na narinig ang sagot nito mula sa kabilang linya na kinailangan niya pang tingnan kung baka namatay na ba ang tawag kahit pa puro kaluskos ang naririnig niya mula sa linya ni Alexander. Tatawagin niya sana ito nang magulat dahil sa biglang pag bukas ng pinto, nalipat doon ang atensyon niya at ang naka boxers at puting sandong si Alexander ang bumungad sa kanya. ‘Sheeettt ang gwapo..’ Bulong niya sa isip habang nanlalaki pa ang mga matang nakatitig sa binata. “You are right, you are only a few steps away from me now, so I can see you every time I can’t sleep thinking about you.” Seryosong sabi nito na sinalubong pa ang mga mata niyang kanina pang nakatitig dito. At ano daw?

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD