Pasado alas kwatro ng madaling araw nang maka uwi si Nicole sa bahay ng kanyang tiyang Norma, marahan ang ingat na ingat niyang kilos na tila ba siya isang mag nanakaw na ingat na ingat upang huwag mahuli.
Inaantok niyang binuksan ang pinto ng madilim na bodega kung saan siya natutulog, nahihirapang pilit na inaninag ni Nicole ang kabuoan ng madilim na bodegang iyon na naliliwanagan lamang kaunti ng isang lumang poste ng ilaw sa may di kalayuan, dumagdag din sa hirap ng pag kilos ang nararamdaman niyang sakit ng kalamnan na tila ba siya binugbog ng paulit ulit.
Wala sa sariling napa ngiti si Nicole nang hindi sinasadyang masagi sa isipan kung ano nga bang klaseng pambubogbog ang naranasan niya sa piling ng kanyang gwapo at matipunong boss kagabi.
Aba eh halos ubusin nila ang buong mag damag ng magka yakap at pag niniig.
Agad na namula nag mukha ni Nicole sa isiping iyon, pilit niya ring inalis sa sariling isipan ang ginawa niyang pag iwan kay Alexander kanina para umuwi.
Hindi alam ng kanyang boss na umalis siya sa bahay nito kanina lamang para mag madali nang umuwi, iniwan niya rin itong mahimbig na natutulog.
Mabuti nga at hindi siya naligaw sa malaking bahay nito nang tangkain niyang lumabas doon kanina.
Siguradong mag sasalubong nanamang ang makapal na kilay ni Alexander pag gising nito at makitang wala siya sa tabi nito.
Naiiling na itinuloy na lamang ni Nicole ang maingat na pag bubukas ng pinto ng bodega, balak lamang niyang mag bihis tapos ay mag uumpisa na rin naman siyang kumilos para sa trabaho niyang pag sisilbi sa kanyang tiyang Norma at sa mga anak nito, ito rin ang dahilan kaya madaling madali siyang umuwi.
Sigurado kasing malalagot siyang lalo kapag nagising ang mga kamag-anak niya at walang naka handang almusal dahil wala pa siya.
Bukod doon ay wala rin siyang naging pasabi kung saan siya pupunta at bakit hindi siya naka uwi kagabi.
Hindi iyon gawain ni Nicole dahil iyon ang ayaw na ayaw ng kanyang tiyang.
Marahas siyang napa buntong hininga at ilang sandali pa ay nabuksan niya rin ang halos sira nang pinto ng bodega, gawa iyon sa manipis at punit nang plywood.
Hindi pa man nakakapag-adjust ang mga mata ni Nicole sa dilim ay muli siyang napa pikit nang isang maliwanag na flash light ang tumama sa kanyang mukha.
Pilit niyang iminulat ang mata para kilalanin ang kung sinong tao ang naroon at may hawak ng flash light na iyon, bumungad sa kanya ang galit at nakakalokong tingin ng kanyang pinsang si Lucy.
Alam niyang malilintikan na siya hindi pa man ito nag sasalita, nagawa pa talaga siyang hintayin ng kanyang pinsan sa ganitong oras at tiyak niyang isa lamang ang ibig sabihin niyon.
Hindi nanaman siya titigilan nito hanga’t hindi siya namamanhid sa pananakit nito.
“Saan ka galing malandi ka?”
Malakas ang boses na sigaw nito sa kanya habang hindi pa rin inaalis sa kanyang mukha ang liwanag ng hawak nitong flash light.
Hindi pa man nakukuhang sumagot ni Nicole ay agad na siyang napa ilag at mabilis na tinakpan ang kanyang ulo nang mabilis pa sa alas kwatrong lumapit sa kanya ang pinsan at walang pag dadalawang isip na ipinukpok sa kanya ang hawak nitong flash light.
Napa daing siya sa sakit dahil sa lakas ng impact niyon sa kanyang ulo, bakal pa man din na mayroong mabigat na baterya ang malaking flash light na iyon.
Hindi na ininda ni Nicole ang bahagyang pagka hilo maging ang malapot na likidong tumulo mula sa ulo niyang tinamaan ng hampas ng pinsan.
Hindi na kailangang sipatin pa ni Nicole ang malapot na likidong iyon para makitang dugo iyon.
‘Aray...’
Halos pa bulong niyang daing saka mariing ipinikit ang mga mata sa pagbabaka sakaling mawala kahit paano ang nararamdaman niyang pagka hilo.
Hindi pa man nakaka bawi ay muli nanaman siyang napa daing sa sakit nang sa ikalawang beses ay muling tumama sa kanyang noo ang parehong flash light na hawak ng malupit niyang pinsan. Hindi pa ito nakuntento at marahas pa siyang hinila sa buhok.
“Ah! Aray, ate Lucy please tama na po.”
Mahina ang boses na pakiusap niya rito, hindi niya na rin napigilan ang pag iyak dahil sa pinag halong sakit ng anit, sakit ng dalawang sugat na mula sa pamumukpo nito pati na rin ang pagka hilo.
“Anong tama na ha? Walang hiya ka, ipinahiya mo kami nina nanay sa mga tao!”
Galit na sigaw nito sa kanya, naguguluhang sandali siyang nag isip kung ano nanaman ang ginawa niya at ganito na lamang ang galit sa kanya ngayon ng pinsan.
Hindi na siya naka palag nang marahas siya nitong hilahin sa buhok palabas ng bodegang iyon at papasok sa bahay ng mga ito, hindi na rin siya nagulat nang bumungad sa kanila ang galit na si tiyang Norma, katulad kay Lucy ang tingin nito at alam ni Nicole ang aabutin niya sa mga kamay ng malupit niyang kamag anak.
Hindi naman siya nagka mali, hindi pa man tuluyang nakaka apak ang kanyang mga paa sa sahig ng pamamahay nito ay isa na agad malakas na sampal ang sumalubong sa kanya.
Pa dapa siyang lumagapak sa sahig nang bitawan ni Lucy ang kanyang buhok.
Kahit nahihilo ay pilit kumilos si Nicole para umayos ng upo at harapin ang dalawang malulupit na taong kilalang kilala niya, nakikiusap ang mga matang tnitigan niya ang mga ito, hindi pa man bumubuka nag kanyang mga labi para makiusap ay isa nanamang malakas na sipa ang tumama sa kanyang tagiliran,sinundan pa iyon ng isa pa galing sa kanyang tiyang Norma na siya namang tumama sa gilid ng kanyang labi.
“T-tiyang parang a-awa niyo na po tama na… Nakiki usap po ako. Hindi ko po sinasadya kung ano man po ang nagawa ko sa inyo.”
Puno ng luha ang maganda at pakiramdam niya’y namamaga niyang mukha na muli niyang pakiusap sa mga ito. Ngunit tila bingi ang kanyang mga kaanak, sa halip na pakingan ang kanyang daing at pagmamaka-awa ay malakas na sampal nanaman mula sa kanyang tiyang Norma ang natangap niya.
“Maawa? Walang hiya ka. Matapos ka naming kupkupin dito pag papahiya lamang ang igaganti mo saamin? Akala mo kung sino kang lintik ka at nakuha mo pang mag padala ng kung sinong tao dito kagabi para lamang ano? Ipamukha saamin at sa lahat ng mga kapit bahay na mukhang pera kami?”
Sigaw ng kanyang tiyang Norma na lalo lamang nag pa gulo ng isipan ni Nicole, paano niya bang ipapaliwanag sa mga ito na wala siyang alam tungkol doon gayong alam niyang sarado ang mga utak nito pag dating sa anumang paliwanag niya.
“Ughh!”
Malakas niyang daing nang muli at ubod ng lakas siyang sipain ni Lucy, sa kanyang likod naman tumama ang sipang iyon at pakiramdam niya ay halos mag alugan na yata ang kanyang laman-loob dahil sa lakas niyon, sandali rin siyang nahirapang huminga dahil doon.
“Tayo!”
Galit na utos sa kanya ng kanyang tiyang, nahihirapan man ay pilit siyang kumilos para sundin ang utos nito, matumba tumba pa siya sa panghihina ngunit pilit niyang pinatatag ang kanyang mga tuhod.
Napa singhap si Nicole nang marahas at may diin siyang pisilin sa pisngi ng kanyang tiyang.
“Alam mo ba kung anong tawag saamin ng mga kapitbahay nang dumating ang mga iniutusan mo kagabi para lamang sabihin dito na hindi ka makaka uwi? Alam mo ba kung ilang halaga ng salapi ang inabot nila saamin bilang kapalit na huwag kang sasaktan? Eh baliw pala sila eh!”
Sigaw pa ng kanyang tiyang saka marahas siyang itinulak, muli pa siyang bumagsak sa sahig dahil na rin marahil sa panghihina.
“Narito ka sa puder ko Nicole at pwede kong gawin ang lahat ng gusto ko sayo, bayaran man ako ng milyones wala akong pakialam. Tatandaan mo yan!”
Mariing sabi pa nito at nakuha pa siyang duruin bago siya tinalikuran.
‘Alexander…’
Nanghihina niyang bulong.
Bakit malakas ang kutob niyang may kinalaman ang CEO sa sinasabing mga taong nag punta rito kagabi para bayaran ang pamiyang kanyang inuuwian?
‘Oh my God, Alexander… Anong ginawa mo?’
Hindi na napigilan ni Nicole ang mapahagulhol ng iyak dahil sa awa sa sarili.
“Diyos ko, ano po bang kasalanan ang nagawa ko at hinahayaan niyong mangyari ang lahat ng ‘to saakin?”
Umiiyak niyang sabi saka pilit na kumilos para bumalik sa bodegang kanyang tinutuluyan, ni hindi niya na nga nakuhang pumunta man lang sa banyo para hugasan ang dugong halos patuyo na sa kanyang balat mula sa dalawang sugat niya sa ulo at noo.
Hinang hina ang pakiramdam na pasalampak siyang naupo sa magaspang na sahig ng bodegang iyon saka niyakap ang sarili.
Nang tumahan ay agad niyang hinanap ang kanyang bag saka kinuha mula roon ang kanyang cellphone.
Ilang sandali lamang siyang kumalikot doon at agad din namang nakita ang pangalang kanyang hinahanap.
Walang pag dadalawang isip niyang pinindot ang call button at ilang sandali lamang naman ay sumagot rin anng tao sa kabilang linya.
“Ano ba Nicole, papatayin ka ng mga taong itinuturing mong pamilya eh!”
Galit na sabi ng kaibigan niyang si Leah, pasado alas sais pa lang ng umaga at heto siya sa bahay ng matalik na kaibigan para doon muna manatili at mag pahinga.
Mabuti na rin at mabilis na pumayag si Leah nang pakiusapan niya ito sa cellphone kanina at mabuti na lang din at mabilis nitong sinagot nag tawag niya kahit pa madaling araw pa lamang.
Malungkot na napa yuko si Nicole nang mariin siyang tinitigan ni Leah na para bang pilit inaalam ang nararamdaman niya.
Wala naman siyang naging sagot dahil hangang ngayon ay wala pa ring tigil ang sa pag tulo ang kanyang luha.
Marahas niyang pinahid ang luhang nag kalat sa kanyang mukha gamit ang likod ng palad saka pilit na pinatahan ang sarili.
Bumuntong hininga pa siya ng ilang beses saka nag angat ng tingin at pilit ngumiti sa mabait na kaibigan.
“A-ayos lang ako Leah. Salamat sa tulong mo ah? Pasensya na talaga wala na kasi akong ibang alam na mapupuntahan.”
Mahina ang boses na sabi niya sa kaibigan, nangunot naman ang noo ni Leah saka muli siyang tinitigan.
“Mag kaibigan tayo at handa akong tulungan ka hanga’t kaya ko. Pero Nicole naman, hangang kailan mo ba hahayaan na saktan ka nila ng ganito? I mean seryoso! Nakita mo ba sa salamin ang itsura mo ngayon?”
Inis ngunit may halong pag aalalang tanong sa kanya ni Leah, muli lamang naman siyang napa yuko sa takot na salubungin ang mga mata ng kaibigan.
Nakita niya nga ang itsura niya sa salamin matapos niyang maki gamit ng banyo ni Leah para maligo, halos puno ng pasa ang mukha niya, may sugat sa ulo at sa noo na ngayon ay natakpan na ng benda, namamaga rin ang kanyang mga mata dahil sa kanina niya pang pag iyak idagdag pa ang kaunting pamamaga ng kanyang mukha na nakuha niya sa sipa at sampal ng pinsan niyang si Lucy at ng ina nitong si tiyang Norma.
Halos hindi rin siya maka kilos ng maayos dahil sa sama ng kanyang pakiramdam pati na rin ang pananakit ng kanyangb likod at tagiliran na sa tingin niya ay siyang na puruhan kanina.
“Leah? Tingin mo ba ganito pa rin ang naging buhay ko kung sakaling hindi namatay ang mga magulang ko?”
Malungot niyang tanong sa kaibigan habang pinipilit pigilan ang pamumuo ng luha sa mata, saglit namang natahimik si leah at tila wala nang masabing niyakap na lamang siya ng mahigpit.
Ilang sandali rin silang nag yakap ng kaibigan saka siya nag pasya nang kumilos para mag ayos.
“Saan punta mo? Huwag mong sabihing balak mog umuwi pa sa ubod ng sama mong pamilya?”
Saway sa kanya ng kaibigan na siya naman niyang ikinatawa.
“Hindi nuh, though kailangan ko pa rin naman talagang umuwi kina tiyang sa ayaw ko man o gusto pero hindi pa ngayon, may trabaho kasi ako ng alas otso at tiyak mag wawala si Alexander pag hindi pa ako mag pakita ngayon lalo pa at basta ko na lang iyon iniwang natutulog sa kama kagab—“
Agad na natutop ni Nicole ang sariling bibig para patigilin ang kadaldalan niya, dahan dahan pa siyang napalingon sa kaibigan na ngayon ay nanlalaki na ang mga mata habang naka nganga.
“Please Leah, kunwari na lang wala kang narinig.”
Katulad ni Leah ay nanlalaki rin ang mga matang sabi niya rito.
“Shawn Alexander Montefalco, CEO ng kumpanyang pinapasukan mo… Oh my God!”
Tila wala sa sariling sabi nito, napa kagat labi na lang si Nicole dahil sa kawalan ng maisasagot sa kaibigan.
Hindi na siya nag taka kung paanong kilala ni Leah si Alexander, masyadong maraming alam ang kaibigan tungol sa mga negosyong may kinalaman sa kursong tinapos nila pareho.
“A-anong meron sa inyo ng CEO?”
Malakas ang boses na tanong sa kanya ni Leah,kamot batok na lamang na nag pilit siya ng ngiti rito.
“W-wala… A-ano lang, trabaho. Oo tama. Trabaho.
Sige mag aayos na ako.”
Pag sisinungaling niya sa kaibigan saka ito tinalikuran, agad naman siyang naabutan nito at mabilis na hinila pa balik sa kamang kinauupuan niya kanina.
“Hindi ka pwedeng pumasok dahil hindi ka okay. Isa pa, marami kang utang na kwento sa akin.”
Pinanliitan siya ng mata ng kaibigan, mag ri-reklamo pa sana si Nicole nang maagaw ang kanyang pansin ng tumutunog niyang cellphone.
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang si Alexander ang tumatawag.
Saglit pa siyang nag dalawang isip kung sasagutin niya ba iyon o hindi, sa huli ay pinili na lamang niyang gawin ang una habang sinisenyasan si Leah na tumahimik muna.
Hindi pa ma siya nakakapag salita ay ang malakas at tila inis na boses ng CEO ang agad niyang narinig.
“Where the hell are you?!”