Chapter 4

2162 Words
Sunday Night, 10:30 PM The light could be seen all over the island due to the various colors of the spotlight shining inside the mansion where the welcome party was being held. The entire island was also surrounded by armed men. Mula sa loob ng mansyon ay nakatayo lang si Jeziel sa isang madilim na sulok habang hawak ang tray na may nakalagay na dalawang baso ng wine. May sampong minuto na siyang nakatayo at nakatingin lang sa mga taong labas masok ng mansion ni Mr. Gords. Sa totoo lang ay kinakabahan siya kaya mas pinili niya na lang ang manatili sa madilim na sulok, natatakot siya na baka may makahalata sa kanyang tiyan lalo na't suot niya ang uniform ng isang waitress na talaga namang hapit na hapit sa kanyang katawan, at kahit na nakaipit pa ang kanyang tiyan ay mahahalata pa rin na buntis siya. She could feel her knees shaking with fear. "Hoy, narito ka lang pala!" Napapitlag siya sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ni Sherra sa kanyang harapan, at tulad niya ay nakasuot din ito ng waitress uniform at naka-half mask na kulay itim. Lahat naman ng mga tao sa loob ng mansyon ay nakamaskara at tanging labi lang ang makikita. "Hey, Jeziel, bumalik ka na sa kuwarto mo dali! Parating na si Mr. Gords!” "H-Huh? B-Bakit dumating na ba 'yung mga bisita?" taranta niyang tanong sa kaibigan na ang tinutukoy ay ang bagong business partner ni Mr. Gords. "Oo kakadaong lang ng yate kanina sakay ang mga lalaking naka-business suit at puro mga nakamaskara, at tingin ko ay papasok na sila ng mansyon ngayon kasama ni Mr. Gords! Kaya ang mas mabuti pa ay bumalik ka na sa kuwarto mo, Jeziel. Tingnan mo 'yang suot mo masyadong halata ang tiyan mo! Kaya sige na, ako na ang bahala rito!" ani Sherra at inagaw na nito mula sa kamay niya ang hawak niyang tray. Mas lalo naman siyang nataranta. "P-Pero paano kung mapansin ng secretary ni Mr. Gords na wala ako at hindi tumulong sa pag-serve sa mga bisita?" "Busy 'yun sa pakikipag-usap sa mga bisita, kaya 'wag ka nang mag-alala pa. Sige na, alis na!" Napatango na lang siya sa kaibigan at tumalikod na para sana umalis na. "Sandali lang, Jeziel. Hinahanap ka nga pala ni Jason kanina." Napahinto siya at lumingon sa kaibigan. "Sinong Jason?" Her forehead furrowed. "Tsk, 'yung baguhan sino pa nga ba? Mukhang type ka yata ng lalaking 'yun, aba eh mula kanina pa tinatanong sa akin kung nasaan ka!" Napaisip naman siya sa sinabi ni Sherra, saka lang pumasok sa isip niya si Terron. Oo nga pala at Jason ang pagpapakilala nito, at saka lang din niya naalala ang pinangako nito sa kanya na matatapos na ang paghihirap niya oras na dumating ang gabi ng welcome party, at ito na nga pala ang gabing 'yun. "Saan mo siya nakita?" "Narito siya kanina sa loob ng mansyon at nakasuot ng pang waiter na uniform, pero tingin ko ay pumunta n siya sa kuwarto—" Hindi na niya pinatapos pa sa pagsasalita ang kaibigan at nagmamadali na siyang tumalikod at lumabas ng mansyon. Pero nakakadalawang hakbang pa lang siya mula sa pinto nang agad din siyang napatigil nang makita ang paparating, walang iba kundi si Mr. Gords kasama ang secretary nito at ng mga lalaking naka-formal attire at nakasuot ng mga maskara na kalahati lang ng mukha ang natatakpan. Para siyang nataranta sa kanyang kinatatayuan at nagpalinga-linga sa paligid para humanap ng maaaring mapagkublihan, at dahil wala na siyang makita na maaari niyang pagtaguan ay muli siyang pumasok sa loob ng mansyon at bumalik sa madilim na parte kung saan siya nakatayo kanina, pero pagbalik niya ay wala na doon ang kanyang kaibigan. Mula sa kanyang kinatatayuan ay kitang-kita niya ang pagpasok ng mga kalalakihan at ni Mr. Gords. Maya-maya pa ay nagsiupuan na ang mga ito, hanggang sa may ilang kababaihan na walang saplot ang sunulpot at sumayaw ng malaswa sa harap ng mga lalaki. “Hindi ko alam na ganito pala ang welcome party ng mga sindikato. Napakalaswa.” Hindi niya mapigilan ang mapabuga ng hangin sa nakikita. Napailing na lang siya at nagpasya nang lumabas na ng mansyon para pumunta na sa kanyang kuwarto. Hindi siya maaaring makita ng mga ito lalo na si Mr. Gords at ng secretary nito, dahil paniguradong malalagot siya. Akmang lalabas na siya sa main door ng mansyon nang biglang may humawak sa kanyang kaliwang braso, kaya muli siyang napalingon para makita kung sino. Pero ganoon na lamang ang kanyang pangamba nang makita na isa sa mga lalaking naka formal attire ang humawak sa braso niya. "I like your body, I want you to be mine tonight." Hinila siya ng lalaki papunta sa mesa kung saan ang mga kasamahan nitong nakaupo. "N-No. I'm j-just a w-waitress here!" Pilit niyang inaagaw and braso sa lalaki pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Hindi pinansin ng lalaki ang kanyang sinabi at tumingin ito kay Mr. Gords na ngayon ay umiinom ng wine at may nakaupong babaeng nakahubad sa lap nito. "Mr. Gords, I want her to dance for me in private. Can I have her tonight?" the man asked. Hindi na napigilan ni Jeziel ang maluha sa takot lalo na nang makita niya ang pagtango ng kanilang Boss at agad na bumaling sa secretary nito. "Reanne, give him a nice room!" utos ni Mr. Gords sa babaeng secretary. Agad namang tunango si Reanne. "Yes, Sir." Tumingin ito sa lalaki. "Please follow me, I will guide you to your room, Sir.” Marahas na umiling si Jeziel. "No, Ma'am Reanne! Please don't do this to me!" pagmamakaawa niya habang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng lalaki. Ngunit ngumisi lang sa kanya si Rheanne. "Just shut up, Jeziel. Pasalamat ka na nga lang at may pumatol na sa'yo kahit na buntis ka! Gaga! Akala mo ba hindi pa alam ni boss ang pagbubuntis mo?" Napailing-iling ito na may kasama pang pagsatsat. "Kaya dapat magpakabait ka sa mga bisita natin ngayong gabi at 'wag ka nang mag-inarte pa! Hindi bagay sa 'yo, bruha!" Napatigil siya sa pagpupumiglas nang marinig ang sinabi nito. Hindi niya inaasahan na alam na pala nito ang tungkol sa pagbubuntis niya. Pagkalabas nila ng mansyon ay hindi na siya nakapagpumiglas pa nang bigla siyang buhatin ng lalaki. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid na baka sakaling may tutulong sa kanya, pero wala. Ano pa nga ba ang inaasahan niya? Kahit ano pa ang gawin niyang pagsigaw ay wala naman talagang tutulong sa kanya. "This is the room," ani Reanne na huminto sa tapat ng nakasaradong kuwarto at binuksan na ang pinto pinto. "Enjoy your night, Sir." Ngumiti pa ito sa lalaki bago ngumisi sa kanya. Agad namang pumasok ang lalaki habang buhat pa rin siya nito. Pagkapasok nila sa loob ng kuwarto ay agad siya nitong hiniga sa kama. Kitang-kita niya pa ang pag-ngisi ni Reanne. Umiling-iling pa ito bago sinara ang pinto ng kuwarto at iniwan silang dalawa ng lalaki. "Don't come near me! Huwag na huwag kang lalapit sa akin!" Napasiksik siya headboard ng kama. Napailing naman ang lalaki at mahinang tumawa bago nito inalis ang nakatakip na maskara sa mukha. "It's me, 'wag kang matakot." Tila naman nakahinga siya ng maluwag nang tuluyan nang naalis ang maskara sa mukha ng lalaki. "T-Terron?" sambit niya sa pangalan nito. "Yeah, it's me so don't be afraid, I'm not going to hurt you. Hurry up. We need to leave this place now!" Nagmamadali naman siyang bumaba ng kama nang marinig ang sinabi nito. "Sandali lang mag-iimpake lang muna ako—” "Wala na tayong oras para mag-impake pa, Jeziel! Tara na kailangan nating umalis bago pa magkagulo dito sa isla!” Hindi na siya nakaangal pa nang hawakan ni Terron ang kanyang braso at agad na binuksan ang pintuan. "Teka lang, Terron... p-paano tayo makakatas nito, eh ang daming bantay? Bawat sulok ng isla may bantay!" hindi niya mapigilang tanong nang makalabas na sila sa kuwarto. "Trust me, Jeziel. Come on, naghihintay na ang speedboat sa atin! Kailangan nating bilisan bago pa makatunog si Mr. Gords!" Hindi na siya nagreklamo pa at sumunod na lang sa lalaki. Sa likuran ng mansyon sila dumaan, sa masukal na kagubatan. "Ayos ka lang ba?" tanong sa kanya ni Terron habang mahigpit nitong hawak ang kanyang kamay. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw kaya nila nakikita ang kanilang dinaraanan. "I'm okay, pero bakit tayo dito pumunta sa kagubatan?" "Ito lang ang tanging daan para hindi mapansin ng mga tauhan ni Mr. Gords ang pag-alis natin. Hindi rin tayo pwedeng gumamit ng flashlight at baka paputukan nila tayo, kaya kumapit ka lang sa akin para hindi ka madapa." Iniyakap ni Terron ang isang braso nito sa kanyang baywang para alalayan siya sa paglakad. "S-Salamat pala.” "Para saan naman ang pagpapasalamat mo?" Terron laughed. "Salamat dahil itatakas mo ako ngayon." Napatikhim naman ito. "You don't have to thank me, responsibilidad ko talaga iligtas ang mga taong mahalaga sa akin." Kahit madilim ay hindi mapigilan ni Jeziel ang napataas ng kilay sa narinig. "Kung ganoon, mahalaga ako sa 'yo?" "Tingin mo ba papasukin ko ang ganitong kapanganib na isla kung hindi ka mahalaga sa 'kin? Siyempre bilang isang pulis ay kailangan kong iligtas at ipagtanggol ang mga nangangailan ng tulong na tulad mo, Jeziel." Nagkibit balikat na lang siya. Pakiramdam niya ay parang may ibig sabihin ang mga sinabi nito. Tahimik silang naglakad ni Terron sa kagubatan, hanggang sa biglang pumasok sa isip niya ang kaibigan, kung kaya napahinto siya sa paglalakad. “What's wrong?” Terron asked. Napahinto din ito. "Si S-Sherra pala kailangan nating balikan!” Agad namang umiling si Terron. "No! Hindi na tayo maaaring bumalik, Jeziel! Baka mahuli na nila tayo kung babalik pa tayo! Kailangan na nating bilisan! Tara na!" "No! Maawa ka naman sa kaibigan ko! Hindi natin siya puwedeng iwan dito sa is—" Hindi na niya natuloy pa ang kanyang sasabihin nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril papunta sa kanila. "Come on, Jeziel! Kailangan na nating magmadali at baka maabutan nila tayo!" Agad siyang binuhat ni Terron. Wala na siyang nagawa kundi ang kumapit ng mahigpit sa leeg ng lalaki na mabilis na tumakbo sa kagubatan habang buhat buhat siya nito. "Hindi ka ba nabibigatan sa akin?" hindi niya mapigilang tanong habang mahigpit na nakakapit sa leeg nito. "Magaan ka lang naman kaya ayos lang—s**t!" Napamura si Terron dahil sa dalawang magkasunod na putok ng baril papunta sa kanila. Ibinaba na siya nito. "Mauna ka nang umalis, Jeziel, heto ang susi. Marunong ka naman sigurong magpatakbo ng speedboat, 'di ba?" Sunod-sunod naman siyang tumango at agad na tinanggap ang susi. "Marunong ako, pero paano ka? M-May tama ka ba?" "Don't mind me. Bilisan mo na! Tumakas ka na at 'wag na 'wag kang lilingon! Kahit ano'ng mangyari ay huwag kang babalik! Pagdating mo sa pampang ay may makikita kang speedboat, patakbuhin mo agad! Huwag mo na akong hintayin pa. Bilis alis na! Baka maabutan na nila tayo!" "P-Pero paano ka nga?" muli niyang tanong dito sa na parang aalis na parang hindi. "Ano ba! Sinabi nang umalis ka na! Gusto mo bang mamatay tayo pareho? Alis na sabi!" Wala na siyang nagawal kundi ang sumunod sa sinabi ni Terron. Mabilis siyang tumakbo at tinahak ang masukal na kagubatan. Pagdating niya sa pampang ay agad siyang sumakay sa nakadaong na speedboat at agad na binuhay ang makina nito. Napasigaw pa siya sa pagkagulat nang may dumaan na bala sa kanyang tabi. Mabilis niyang pinatakbo ang speedboat habang nanginginig sa takot na baka maabutan siya ng mga tauhan ni Mr. Gords. "I'm sorry, Terron. I'm sorry kung hindi na kita nahintay pa. I'm really sorry!" sambit niya na parang maiiyak na habang nakaupo sa taas ng tumatakbong speedboat. Rinig na rinig pa niya ang mga putok ng baril sa isla na para bang nagkaroon na ng malaking gyera. Ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalayo sa isla nang bigla na lang siyang napapitlag sa pagkagulat dahil sa sunod-sunod na pagsabog. Gulat siyang napatingin sa isla at napaawang ang labi sa nasaksihan. Mga ilang segundo siyang natulala habang nakatingin lang sa umaapoy na isla, hanggang sa pumasok sa isip niya ang kaibigang naiwan. "Noooo! Sherraaaa!!!" she shouted loudly. Marahas siyang napailing hanggang sa tuluyan nang napahagulgol. Nakatingin lang siya sa isla na ngayon ay unti-unti nang nalulusaw sa pagsabog. Sa klase ng pagsabog ng isla ay talagang walang mabubuhay na kahit sino mang naroroon, maliban na lang kung nakatakas agad bago pa ito sumabog. "I'm sorry, I'm really sorry!" paulit-ulit niyang sambit na para bang sising-sisi dahil sa hindi niya binalikan ang kaibigan at ang hindi niya paghintay kay Terron na siyang tumulong sa kanya upang makatakas sa masalimuot na islang 'yun. Hindi niya alam kung ano na ba ang nangyayari at kung bakit sumabog ang isla ng gano'n na lang, samantalang bantay sarado ito ng mga tauhan ni Mr. Gords.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD