Chapter 3

2430 Words
MALAMIG na simoy ng hanagin at tunog ng maliliit na hampas ng alon, maliban doon ay maririnig din ang bawat ungol ng babae at lalaki sa paligid ng isla habang gumagawa ng milagro at kinukunan ng video. “Tuwing sabado at linggo ay puro ungol na lang ang naririg ko dito sa isla, at puro kalaswaan ang nakikita ng inosente kong mga mata.” Napangiti na lang si Jeziel at napailing sa reklamo ng kaibigang si Sherra na ngayo'y nakaupo sa kanyang tabi. “Ano ka ba naman, Sherra, dapat masanay ka na. 'Di ba nga mag-aapat na taon ka na dito? Wala nga kumpara sa akin na magwawalong buwan pa lang, pero sanay na ako sa bawat ungol at laswa ng isla na ito!” Napasimangot naman ito sa kanya at nahiga sa puting buhangin. “Hays... Huwag na nga na lang natin pag-usapan nabu-bwesit lang ako at baka mapatay ko pa si Mr. Gords, ang hayop na matandang 'yun!” Napabaling ito ng tingin sa kanya. “Siya nga pala kumusta na ang tiyan mo? Parang nagiging halata na masyado kahit nakaipit ng malapad na garter.” Napatingin naman si Jeziel sa sariling tiyan na natatakpan ng malaking t-shirt. Hindi niya mapigilan ang malalim na mapabuntong hininga. “Tingin mo, may nakakahalata na kaya sa pagbubuntis ko?” mahina niyang tanong sa kaibigan. Agad itong umiling sa kanya. “I think wala pa naman, pero kailangan mo paring mag-ingat sa bawat kilos mo dahil baka may makahalata sa diyan sa tiyan mo. Noong isang araw ay tinanong ako ni Gella kung bakit daw palaging malalaking t-shirt ang sinusuot mo nitong mga nakaraang buwan.” Agad na nanlaki ang mata ni Jeziel sa narinig at hindi makapaniwala na tumingin sa kaibigan. “H-huh? Talaga? Eh anong sagot mo? Nahalata kaya niya?” kinakabahan niyang tanong at sunod-sunod na napalunok. “Hindi niya alam na buntis ka, pero tingin ko ay nagtataka siya sa pananamit mo. Alam mo naman na sa lahat ng mga babaeng tauhan ni Mr. Gords dito sa isla ay si Gella ang pinaka-chismosa, at oras na malaman nu'n ang pagbubuntis mo ay sigurado akong isusumbong ka kaagad nu'n kay Mr. Gords.” Para naman siyang nakahinga ng maluwag sa sagot ng kaibigan. Habang tumatagal ay lumalaki na ang kanyang tiyan kaya hindi niya maiwasan ang mangamba sa bawat araw na baka may makahalata sa kanyang pagbubuntis. Magwawalong buwan na rin ang kanyang tiyan at kahit anong ipit ang gawin niya ay hindi pa rin ito bumabalik sa dating liit, buti na lang sa pamamagitan ng pagsuot ng malalaking t-shirt ay hindi basta-basta mahalata. “Kung bakit ka kasi nakipagtalik sa lalaking hindi mo man lang tiningnan kung anong itsura, 'di sana alam mo ang ama ng anak mo at puwede kang humingi ng tulong sa kanya ano mang oras mo gustuhin, at baka hindi ka pa napadpad dito sa isla kung sakali.” Mapait siyang napangiti sa sinabi ng kaibigan. Oo nga, bakit nga ba siya nagpadala sa tukos nung gabing 'yun? Ni kahit likod ng lalaking 'yun ay hindi man lang niya nakita kung anong itsura, pero nagpatangay pa rin siya sa tukso. Kaya ngayon problemado tuloy siya dahil sa kanyang pagbubuntis. Tanging si Sherra lang nakakaalam sa kanyang pagbubuntis, at ngayon ay matinding takot na ang kanyang nararamdaman habang lumilipas ang bawat araw. “Siya nga pala, Sherra. Naaalala mo ba ang huling misyon natin?” pag-iiba niya sa usapan. Napatango naman ang kanyang kaibigan. “Oo naman, mahirap kaya 'yun kalimutan. Muntik ka nang mahuli, buti na lang naisipan kong pindotin ang doorbell.” Malalim naman siyang napabuntong hininga. Isang buwan na rin ang nakakalipas mula nang pasukin nila ang mansyon na 'yon at muntik pa siyang mahuli nung gabing 'yun. “Alam mo bang may nakita akong painting sa bahay na 'yun na kamukhang kamukha ko!” Napataas ang kilay ng kanyang kaibigan. “Talaga? So ibig sabihin kakilala mo 'yung may ari ng mansyon na ninakawan natin?” Napatakip ito sa sariling bibig. “Oh my gosh! Baka kamag-anak mo 'yun, Jeziel!” Napairap naman siya sa kaibigan. “Ano ka ba naman, over react ka! Sabi ko kamukha ko lang 'yung nasa painting, pero wala akong sinabi na ako 'yun! Tsaka wala na akong ibang kamag-anak maliban sa step-mother ko na bininta ako kay Mr. Gords kaya ako napadpad sa mala-empyernong isla na 'to!” iritado niyang sagot. “Oo na, pero bakit magkamukha kayo? Baka may kambal ka na hindi mo alam?” Mahina naman siyang umiling. “Hindi ko alam, pero sabi ng namayapa kong daddy ay nag-iisang anak lang nila ako ni mommy.” Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa puting buhangin at tumingin sa kaibigang nakahiga. “Siya nga pala anong oras na?” Napatingin naman ito sa pambisig na relo. “OMG! Malapit na palang mag-alas kwatro!” Napabalikwas ito ng bangon mula sa pagkakahiga sa buhangin. “Damn! Kailangan pa pala nating maghanda para sa welcome party bukas ng gabi, Jeziel!” Napakunot noo naman si Jeziel sa narinig. “Welcome party? Para saan naman?” “Hays... Basta huwag ka nang marami pang tanong! Tara na!” Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa kaibigan na nagmamadali nang naglakad sa puting buhangin. Pagkarating nila sa mansyon ni Mr. Gords kung saan gaganapin ang party ay isang malakas na sampal agad ang bumungad sa kanilang dalawa. “Halos patapos na ang preparation at ngayon niyo lang naisipang pumunta dito!? Tandaan niyo, bawal ang tamad dito sa isla!” galit na sermon ng secretary ni Mr. Gords matapos sila nitong sampalin. Napahawak na lang sila sa sariling pisngi at napayuko. “I'm sorry, ma'am Reanne!” nagkasabay nilang bigkas. Sanay na sila sa mga sampal na binibigay sa kanila, lalo na 'pag bagong dating pa lang at matigas ang ulo na ayaw pang sumunod sa utos ay talagang nasasampulan, 'yung iba nga eh binubugbog pa. Kaya suwerte na kung sampal lang ang matatanggap imbes na sipa at suntok. “Sige na kumilos na kayo! Sa iba ka na lang Jeziel, doon ka sa porn hub!” Napaangat siya ng tingin nang marinig ang sinabi ng babae. “H-huh? Bakit po ako doon? H-hindi naman po doon ang trabaho ko.” “Oo nga po, ma'am. Hindi naman po porn star si Jeziel,” pagsang-ayun naman ng kaibigan niyang si Sherra. Pagak namang tumawa ang babaeng secretary ng kanilang boss. “Aba aba! Ang daming reklamo, ah? Gaga! Ikaw lang ang kukuha ng video! Hindi ko sinabing makipag-s*x ka!” Para namang nakahinga ng maluwag si Jeziel. Thanks god! “Sige na alis na! Baka niyong ipakaladkad ko pa kayo?” “Hindi po ma'am, aalis na po ako!” Nagmamadali na siyang umalis at naglakad palabas ng mansyon. Hindi mapigilan ni Jeziel ang magpakawala ng isang malalim na buntong hininga habang naglalakad at nililibot ang tingin sa paligid, na kahit saang sulok siya tumingin ay puro armadong kalalakihan ang nakabantay sa bawat sulok ng isla. “Jeziel!” “Hoy, Jeziel! Dito!” Napabaling ang tingin niya sa babaeng tumawag sa kanyang pangalan, at ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang makitang si Gella iyon, naka-two-peace lang ito at katabi ang dalawang lalaki. Wala na siyang nagawa kundi lumapit sa mga ito. “Ikaw ang kumuha ng video sa amin, hindi kasi marunong 'tong baguhan!” maarteng sabi ni Gella at inginuso pa ang katabi nitong isang lalaki. “Sige,” walang buhay niya namang sagot at lumapit sa mga ito bago inagaw sa kamay ng lalaki ang camera at agad na itinutok sa puwesto nina Gella at ng isang lalaki. “Simulan niyo na.” “Batiin mo naman ang bagong myembro, Jeziel!” ani Gella at tumingin sa isang lalaki. “Jason ang pangalan niya, at kakarating niya lang kagabi, tingnan mo at napakaguwapo niya. Gusto ko nga sana na siya ang maka-s*x ko ngayon eh, kaso mas pinili niya pa ang maging camera man, eh hindi naman pala marunong!” Napabaling naman ang tingin ni Jeziel sa lalaki. At tama nga si Gella, dahil bukod sa napakaguwapo nito ay maganda din ang pangangatawan at matangkad. “Hi, I'm Jeziel.” Tipid siyang ngumiti dito bago ibinalik na ulit ang tingin kay Gella. “Sige na, simulan niyo na.” “Kahit kailan talaga may pagkasuplada ka, Jeziel,” naiiling na sabi ni Ken, ang lalaking katabi ni Gella na isa ring tauhan ni Mr. Gords. “Oo na, suplada na ako! Kaya kung maaari ay simulan niyo na ang pag-gawa ng milagro niyo para makunan ko na kayo ng video!” “Sige na, Ken, simulan na natin!” aya ni Gella sa lalaki at hinubad na nito ang dalawang maliliit na saplot sa katawan. Napailing-iling naman si Ken na may kasamang pagsatsat at humarap sa babaeng nakahubad. “Nauumay na ako sa'yo alam mo ba 'yun? Palagi na lang ikaw ang nakakatrabaho ko, Gella. Minsan nga nandidiri na ako tuwing ka-s*x kita eh, kaya lang no choice ako kundi ang pagtiyagaan ka.” Tila nainis naman si Gella sa narinig at agad itong namaywang. Pagak itong tumawa at hinarap ang lalaki. “Ah talaga? Nagsasawa ka na sa akin? At sinong gusto mong makatrabaho? Si Jeziel ba?” Ngumisi ito. “Alam mo ba kung bakit ayaw niya maging porn star? Well, siguro ay dati na siyang porn star! Katunayan nga buntis na, eh!” Para namang namutla si Jeziel sa narinig at agad na nabitiwan ang hawak na camera. “Ano, akala mo ba hindi ko alam na buntis ka?” nakangising tanong ni Gella sa kanya. “Nung nakaraang linggo ko pa nalaman, Jeziel.” Para siyang napepe at hindi nakapagsalita habang hindi gumagalaw sa kinatatayuan. “Teka? Buntis ka, Jeziel? Totoo?” hindi makapaniwala namang tanong ni Ken. Napapisil si Jeziel sa nanginginig na kamay. “P-pakiusap, 'wag niyo sanang sabihin kay Mr. Gords ang tungkol sa p-pa-pagbubuntis ko.” Hindi niya mapigilan ang hindi mautal sa labis na takot. “Anong sabi mo? Huwag kong sabihin kay Mr. Gords?” Pagak na tumawa si Gella at sumatsat bago umiling-iling sa kanya. “Akala mo ba habang buhay mo 'yan maitatago 'yang pagbubuntis mo? Mas mabuti pang ipaalam mo na 'yan kay boss, dahil malalaman din naman niya kahit hindi mo ipaalam. Ako nga nalaman ko nang mag-isa!” Hindi na siya sumagot pa sa babae at agad na tumalikod dito bago nagmamadaling naglakad paalis. “Hoy! Jeziel! Saan ka pupunta? Kailangan mo pa kaming kunan ng video!” sigaw ni Gella. Hindi niya pinansin ang sigaw ng babae at dire-diretso lang naglakad sa puting buhangin. “Bibigyan kita ng dalawang araw para sabihin kay boss ang sekreto mo! Dahil kung hindi mo sasabihin ay ako na mismo ang magsasabi!” pahabol pa nito. Hindi siya lumingon pabat mas lalo lang binilisan ang paglakad. Pagkarating niya sa loob ng kanyang kuwarto ay agad siyang napaupo sa sahig at napayuko sa sariling mga tuhod. Hindi niya mapigilan ang mapaiyak. Ngayong may iba nang nakaalam sa pagbubuntis niya, pakiramdam niya ay nasa hukay na ang isa niyang paa. At hindi lang buhay niya ang nanganganib kundi pati ang walang kamuwang-muwang na sanggol sa loob ng kanyang tiyan ay nanganganib na rin ang buhay. “Ano na ang gagawin ko nito? Paano na?” hindi niya mapigilang tanong sa sarili habang umiiyak nang nakayuko. Pakiramdan niya ay nanginginig na ang kanyang katawan sa sobrang takot kahit na si Gella at Ken pa lang naman ang nakakaalam, paano pa kaya pag 'yung boss na nila? Baka himatayin na siya sa sobrang takot. Sa kalagitnaan ng tahimik niyang pag-iyak ay siya namang pagbukas ng pinto at pumasok ang isang tao. “Sherra, may nakaalam na sa p-pagbubuntis ko. P-paano na? Ano na ang gagawin ko?” tanong niya sa taong pumasok, ni hindi man lang siya nag-angat ng tingin dito. “H-hindi ako puwedeng mamatay dito sa isla, Sherra. Ano na ang gagawin ko?” pasinghak-singhak niyang tanong sa kaibigan at agad na yumakap dito nang maramdaman ang pag-upo nito sa kanyang tabi. “Ayoko na dito! Ayoko na!” Isang malalim na buntong hininga naman ang kumawala sa kanyang kayakap at hinaplos-haplos nito ang kanyang buhok. “Huwag ka nang umiyak, hindi ko hahayaan na mapahamak ka.” Bigla siyang pabitaw ng kayap nang marinig ang boses lalaki. Agad siyang napatingin sa mukha nito. “Ikaw!?” hindi makapaniwala niyang bulalas nang makita ang lalaking baguhan na kasama nina Gella kanina. “A-Ano'ng ginagawa mo rito sa kuwarto ko? At bakit ka narito?” “Narinig kasi kitang umiiyak kaya pumasok ako.” Naglahad ito ng kamay sa kanya. “Isa akong pulis, my name is Terron Gabriel Delereo.” Ngunit imbes na tanggapin ang nakalahad na kamay ng lalaki ay mas pinili niyang tumayo. “I don't care kung sino ka man! I want you to leave my room now! Get out!” Itinuro niya pa ang pinto. Napahinga naman ito ng malalim bago tumayo. “I'm here for a mission, narito ako para tulungan ang mga biktima sa isla na 'to, at isa ka na doon, Jeziel. I will help you.” Napatitig siya lalaki. Mukhang seryoso naman ito sa sinabi. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Isa ka talagang p-pulis?” Hindi niya mapigilan ang mapangiti nang makita ang pagtango ng lalaki. Pero agad din siyang natigilan nang maalala na hindi basta-basta si Mr. Gords, dahil isa itong makapangyarihan na sindikato at malakas ang kapit sa mga pulis. “Bukas ng gabi ay pinapangako kong makakalaya ka na sa islang 'to, kaya 'wag ka nang umiyak.” Napakurap-kurap siya at napatingala sa lalaking kaharap dahil sa bigla nitong paglapit. Walang sabi-sabi nitong pinunasan ang kanyang luha gamit ang hinlalaki nito. Natigilan siya at parang nawalan ng boses. “Don't cry again. Sa pagkakaalam ko ay masama sa buntis ang umiyak, kaya tahan na. I will protect you,” wika ng lalaki habang pinupunasan nito ang luha sa kanyang mga pisngi. Para naman siyang nabuhayan ng loob, pakiramdam niya ay nawala ang kaninang takot sa kanyang dibdib. Hanggang sa hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at napayakap na sa lalaki. “P-Pakiusap... iligtas mo ako. I'm pregnant, please save my baby. Please!” She begged. Hindi niya na napigilan ang muling mapahikbi. Ramdam naman niya ang paghaplos ng lalaki sa likod ng kanyang ulo habang yakap siya nito. “I promise, ililigtas kita ano man ang mangyari. Kaya 'wag ka nang umiyak pa. Tahan na, Jeziel.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD