Chapter 1
MALAKAS na ihip ng hangin at buhos ng ulan na sinabayan pa ng kulog at kidlat habang tumatakbo si Jeziel sa gitna ng kagubatan. Hindi na niya alintana ang mga matatalas na sanga ng kahoy na tumatama sa kanyang braso, basta ang mahalaga lang sa kanya ay hindi maabutan ng mga taong humahabol sa kanya.
Napakadilim sa buong paligid at nagkakaroon lang ng liwanag tuwing kumikidlat ang kalangitan.
Hindi na alam ni Jeziel kung saang lupalop na ba siya ng kagubatan dahil tanging pagtakbo lang ang ginawa niya. Nanginginig na siya sa lamig dahil sa basang kasuotan, sabayan pa ng malakas na ihip ng hangin, kulog at kidlat.
Napatigil si Jeziel sa pagtakbo at agad na nagkubli sa malaking puno ng akasya dahil sa liwanag na nagmumula sa mga flashlight ng mga taong humahabol sa kanya.
"Hanapin niyo! Narito lang iyon! Paniguradong lagot tayo lahat kay boss 'pag hindi natin nahanap ang babaeng 'yun!" malakas na wika ng isang lalaki habang nililibot ang ilaw ng flashlight sa bawat paligid.
Halos pinipigilan na ni Jeziel ang huminga habang nakakubli sa puno ng malaking akasya. Bukod sa nanginginig na siya sa lamig ay nanginginig pa siya sa takot na baka makita siya ng mga taong humahabol sa kaniya na ngayon ay nasa likod lang ng puno na kaniyang pinagkukublihan.
"Paano kung hindi natin mahanap ang babaeng 'yun? Paniguradong lagot tayo nito kay boss! " wika naman ng isang lalaki.
"Ulol! Kaya nga hindi tayo babalik hangga't hindi natin nahahanap ang babaeng 'yun! Kaya ang mabuti pa ay maghiwa-hiwalay tayo para madali natin siyang mahanap!"
Parang nakahinga nang maluwang si Jeziel nang magsialisan na ang mga lalaki. Akmang tatakbo na ulit siya para sana umalis na, nang biglang may kamay na tumakip sa kaniyang bibig mula sa likuran.
Marahas siyang nagpumiglas.
No! Hindi siya maaaring mahuli ng mga ito!
Pero kahit anong pagpumiglas niya ay hindi pa rin siya makawala sa matigas na brasong nakayapos sa kaniya. Hindi niya napigilan ang mapahikbi at manginig sa takot.
"Don't cry, you're safe with me,” bulong ng lalaking nakayapos sa kaniya bago nito inalis ang palad na nakatakip sa kaniyang bibig.
"W-Who are you? Isa ka rin ba sa kanila?" nanginginig niyang tanong sa lalaki at agad na humarap dito. Pero dahil nga madilim sa buong paligid ay hindi niya makita ang mukha nito.
"Kailangan na nating umalis sa lugar na ito para hindi ka maabutan ng mga taong humahabol sa'yo!" wika ng lalaki imbes na sagutin nito ang tanong niya.
Hindi na nakapalag pa si Jeziel nang hawakan ng lalaki ang kaniyang kamay at pinagsiklop nito ang kanilang palad.
Parang nabawasan ang takot ni Jeziel habang tumatakbo sa madilim na kagubatan kasama ang hindi kilalang lalaki. Hindi na mahalaga sa kaniya kung sino man ang lalaking kasama niya sa mga oras na iyon, basta ang mahalaga lang sa kaniya ay matakasan ang mga lalaking humahabol sa kaniya.
Makalipas ang mahaba nilang pagtakbo sa madilim na kagubatan ay agad silang napahinto nang may maaninag na isang maliit na kubo na gawa sa kawayan at bubong na kugon. Nakikita nila ang lumang kubo sa pamamagitan ng kidlat.
"Kailangan nating magpalipas ng gabi rito. Masyado nang delikado kung tatakbo pa tayo dito sa kagubatan. Marami ang mga mababangis na hayop na gumagala sa gubat na ito,” wika ng lalaki. Binitiwan na nito ang kamay niya at agad na binuksan ang pinto ng lumang kubo.
Tahimik lang si Jeziel at wala ng nagawa kundi ang sumunod sa lalaki papasok sa loob ng maliit na kubo.
Pagkapasok nila ay sakto namang kumidlat, kung kaya't nakita nila ang isang maliit na katri na gawa sa kawayan, at bukod sa maliit na katri ay wala na silang nakita pa sa loob. Siguro ay pahingahan ng magsasaka ang kubo kaya walang kagamitan sa loob maliban sa isang lumang katri.
Naupo si Jeziel sa katri at ganoon din ang kasama niyang lalaki.
"Mahiga ka na, ayos lang sa akin matulog nang nakaupo,” wika ng lalaki.
Hindi na siya sumagot pa at sinunod na lang ang sinabi nito. Agad siyang nahiga kahit basang-basa ang kaniyang kasuotan at nanginginig na sa lamig ang buong katawan.
"Huwag kang matulog nang basa at baka magkasakit ka pa. Hubarin mo na lang ang suot mo at nang maisampay ko para matuyo sa hangin. Madilim naman kaya hindi kita makikita," muling wika ng lalaki sa nag-aalalang boses.
At dahil nanginginig na siya sa lamig gawa ng basang kasuotan ay wala na siyang ibang mapagpilian kundi ang hubarin ang suot niyang red dress at agad na binigay sa lalaking nakaupo sa kaniyang tabi.
Wala nang pakialam si Jeziel kahit hubo't-hubad siya, tutal ay hindi naman nakikita ng lalaking kasama niya ang kaniyang hubad na katawan kaya ayos lang sa kaniya. Pansin niya rin ang pagka-gentleman ng lalaki, kaya kahit papaano ay nakampanti siya, at tingin niya ay ligtas naman siyang kasama nito.
Katahimikan ang namayani sa loob ng maliit na kubo at tanging lagaslas lang ng malakas na ulan at kulog ang tanging maririnig.
Nakahiga lang si Jeziel habang kagat ang hinlalaki ng kaniyang daliri at yakap-yakap ang sariling hubad na katawan. Nanginginig na siya sa lamig dahil sa simoy ng hangin na tumatama sa kanyang hubad na katawan. Pakiramdam ni Jeziel ay mamatay na siya sobrang lamig.
"Ayos ka lang ba talaga?" tanong ng lalaki.
Hindi siya sumagot at ipinikit na lang niya ang kaniyang mga mata. Ngunit kahit ano'ng pilit niyang matulog ay hindi pa rin siya dalawin ng antok dahil sa sobrang lamig.
"Nilalamig ka?" muling tanong ng malamyos na boses ng lalaki.
"M-Malamig... N-Nilalamig ako..." nanginginig niyang sagot dito.
Maya-maya ay naramdaman na niya ang paghiga ng lalaki sa kaniyang tabi at ang pagyakap ng mainit na katawan nito mula sa kanyang likuran, hanggang sa naramdaman niya ang marahan na pag-angat ng lalaki sa kaniyang ulo at inihiga sa matigas nitong braso.
Dahil sa panlalamig ay agad na humarap si Jeziel sa lalaki at sumiksik sa mainit nitong katawan. Ramdam niya ang hubad na katawan nito na agad nang lumalapat sa kaniyang hubad ding katawan. Ngunit magpaganoon pa man ay wala na siyang pakialam pa kahit pareho silang nakahubad, basta ang mahalaga lang sa kaniya sa mga oras na iyon ay hindi siya lamigin.