Chapter 29

2611 Words

PASURAY-SURAY na naglakad si Alex palabas ng mansyon nang mag-isa habang duguan at halos hindi na makaaninag sa nilalakaran dahil sa pag-agos ng dugo mula sa putok na kilay nito. Nang marating ang waiting shed ay agad na naupo si Alex at naghintay nang may dumaan na taxi. 6:36 AM pa lang kaya bihira pa ang dumadaan. Mahigit ten minutes siyang naghintay bago may humintong taxi sa harap niya. Nang makasakay ay agad niyang sinabi sa driver ang adress ng bahay nina Tanya. Parang nagulat pa ang taxi driver nang makita nito ang duguan niyang mukha, hanggang sa hindi na nga ito nakatiis. “Sir, ayos lang po ba kayo? Gusto niyo ba idiretso ko na lang kayo sa ospital?” “No, Manong, hindi na kailangan. Kung maaari ay pakibilisan na lang ang pagmamaneho,” napapaubo niyang sagot at sumandal na lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD