DAHIL sa natamong pasa sa mukha ay hindi na lang muna pumasok si Jeziel ng university, ayon na rin sa kagustuhan ni Dylan. At sa lumipas na apat na araw ay hindi niya mapigilan ang mangulila sa kanyang anak. Once a day na lang kung makapag-text siya kay Terron, at nakaw lang talaga. Kahit gusto niyang makita through video call ang kanyang anak ay tiniis niya talaga dahil sa takot na mahuli ni Dylan. Halos mapuno na rin ang inbox niya dahil sa mga text messages ni Terron sa kanya sa loob ng apat na araw, iilan lang ang mga binuksan niya, 'yung tungkol lang sa kanyang anak, pero 'yung pangungulit nito sa kanya na sabihin ang address niya at sagutin ang tawag nito ay hindi na niya binigyan pa ng pansin. Sa takot na mahuli ay palagi ring nakapatay ang phone niya at nakatago lagi sa ilalim ng k