NANG magising si Jeziel ay nakahiga na siya sa malambot na kama at nakakumot pa. Marahan siyang bumangon. She looked around the room, surprised. The design is clearly masculine; the wall, bed, blankets, pillows, and curtains are all pure gray.
She had no idea where she was, the last thing she remembered was being on the road; kung saan nawalan siya ng malay.
Nanghihina siyang bumaba ng kama at naglakad palapit sa pinto para sana lumabas na, but when she opened it, a handsome man appeared in front of her, parang papasok sana ito pero naunahan niya lang sa pagpihit ng doorknob.
Agad na nagtama ang kanilang tingin.
"Gising ka na pala," puna nito kapag kuwan at mahinang tumikhim bago umiwas ng tingin. "Let's go downstairs, the food's ready. Kumain ka muna bago kita ihatid sa inyo.” Tumalikod na ito matapos magsalita.
Despite her skepticism, Jeziel simply followed the man down the stairs, until they reached the kitchen. Pagkapasok nila sa kusina ay agad siya nitong pinaghila ng upuan at senenyasan na maupo.
"Eat, don't be shy. My doctor friend who checked on you earlier said it was just hunger and stress that caused you to lose consciousness. Akala ko nga nabangga kita kanina, pero buti na lang pala ay hindi." He even smiled at her before sitting in the other chair.
Hindi na pinansin pa ni Jeziel ang lalaki at nakatingin lang siya sa mga pagkain na nakahanda sa lamesa. Hindi niya mapigilan ang matakam sa mga pagkain na nakikita niya. Kaya naman agad siyang naupo sa upuan at mabilis na dinampot ang kubyertos bago nilantakan ang pagkain.
"H-Hey, dahan-dahan lang at baka mabulunan ka pa. It's all yours. Para sa 'yo talaga lahat ng 'yan kaya 'wag kang magmadali," puna ng lalaki sa nag-aalalang boses.
Pero wala nang pakialam pa si Jeziel kung nagmukha na siyang patay-gutom sa harap ng 'di kilalang lalaki, basta ang mahalaga sa kanya ay ang makakain dahil talagang gutom na gutom na siya.
Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang uminom ng tubig bago tumingin sa lalaking nakasandal sa upuan na ngayon ay titig na titig pa rin sa kanya.
"S-Salamat sa pagkain," mahina niyang sabi at tipid na ngumiti sa lalaki bago napayuko. Parang nakaramdam na siya ng hiya nang mabusog.
"Huwag kang mahiya sa akin, tayo lang naman dalawa ang tao dito sa bahay ko. It's okay; you can look me in the eyes." Tumikhim ang lalaki. "My name is Dylan. Dylan Sedestre. Ikaw anong pangalan mo? Maaari ko bang malaman?"
Unti-unti naman siyang nag-angat ng tingin. "J-Jeziel... I'm Jeziel Fantillano."
Napatango-tango naman si Dylan at ngumiti sa kanya. "Nice to meet you, Jeziel. Ihahatid na kita sa inyo. Saan ka nga pala nakatira?"
Muli siyang napayuko dahil sa tanong nito. Napapisil pa siya sa sariling kamay dahil hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang isagot sa lalaki, eh wala naman kasi siyang mapuntahan, at saan naman siya magpapahatid kung sakali?
"Hey, are you okay? May masakit ba sa 'yo?"
Nanatili siyang nakayuko at hindi na sumagot.
"Gusto mo na bang umuwi? Ihahatid na kita sa inyo." Tumayo na si Dylan at lumapit sa kanya. "Let's go?" Naglahad ito ng isang kamay sa kanya.
Mahina naman siyang umiling. "Ayokong umuwi...” Nanatili pa rin siyang nakayuko.
"Why? Is there a problem?"
Muli siyang umiling at nag-angat na ng tingin kay Dylan na ngayon ay nakatayo na sa kanyang tabi.
"Mas mabuti pa sigurong . . . p-patayin mo na lang ako kaysa ang ihatid,” she replied, her voice weak, barely above a whisper.
“W-What?” Agad namang kumunot ang noo ni Dylan. "What do you mean? You want me to kill you?" tila hindi makapaniwala nitong tanong.
She nodded weakly. "Ayoko nang mabuhay pa. Please kill me now." Tuluyan nang dumaloy sa kanyang pisngi ang isang butil ng luha. "Patayin mo na lang ako; wala na rin naman akong dahilan para mabuhay pa sa mundong ito."
Natigilan si Dylan, bahagya pang napaawang ang labi nito na tila hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig mula sa kanya.
Mapait na ngumiti si Jeziel at tumayo na. "Sorry kung nabigla ka sa mga pinagsasabi ko. S-Sige aalis na ako.” Mabilis na siyang naglakad palapit sa pinto para sana lumabas na ng kitchen.
Pero nakakatatlong hakbang pa lang siya nang may kamay nang pumigil sa isa niyang braso, dahilan para mapahinto siya sa tangkang paglabas.
"Dito ka lang,” Dylan said. “Hindi mo kailangang magpakatay dahil lang sa wala kang mapuntahan."
Natahimik siya nang ilang sandali, hanggang sa unti-unti na niyang sinalubong ng tingin ang lalaki. "H-Hindi ko na kaya… Hindi ko na kaya pang mabuhay ng ganito. Ayoko na, suko na ako." Napaiwas siya ng tingin, muli na namang lumabas ang luha sa kanyang mga mata.
Iwan ba niya kung bakit ang bilis lumabas ng luha niya tuwing naalala na wala na siyang mapuntahan na kahit malayong kamag-anak man lang sana.
Pero nagulat na lang siyang nang bigla siyang niyakap ni Dylan.
"Sshh . . . hush… Don't cry. It's okay." Malalim itong bumuntong hininga at hinaplos-haplos ang kanyang buhok. "I'm here, kaya kitang tulungan sa mga problema mo."
Hindi na napigilan ni Jeziel ang sarili at tuluyan na siyang napahikbi. She cried silenty in Dylan's chest.
Sunod-sunod namang nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Dylan, sige pa rin ang marahan na paghaplos nito sa kanyang likod. "It's okay, it's okay," paulit-ulit nitong sambit.
Nanatili sila sa ganoong posisyon ng ilang minuto, hanggang sa biglang tumunog ang doorbell, dahilan para mapabitaw siya kay Dylan.
"M-May bisita ka yata.”
Dylan sighed. Hinawi nito ang buhok sa kanyang mukha at inipit sa likod ng kanyang tainga. "Titingnan ko lang kung sino, 'wag ka nang umiyak pa, okay?"
She nodded. Inalalayan pa siyang naupo ni Dylan sa sofa bago lumabas ng bahay para tingnan kung sino ang nag-doorbell.
Habang nakaupo si Jeziel ay hindi niya mapigilan ang tipid na mapangiti, pakiramdam niya ay parang nabawasan ng konti ang pasan niyang problema dahil sa sinabi ni Dylan na tutulungan siya nito. Parang nagkaroon siya ng pag-asang mabuhay kahit papaano. Napatingin siya sa paligid ng bahay; wala masyadong kagamitan na akala mo'y walang nakatira. Tanging isang sofa lang na kinauupuan niya ang gamit sa loob at dalawang flower vase, maliban doon ay wala na.
Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na si Dylan, may dala na itong brown envelope.
"Jeziel, k-kasi ano.." parang nahihirapan nitong sambit at napatingin sa pambisig na relo.
"B-Bakit may pupuntahan ka ba?"
"May meeting kasi ako ngayon at baka ma-late na ako." Napatikhim si Dylan. "Ano kaya kung sumama ka na lang sa akin sa office?"
Natigilan naman siya sa narinig.
"Ah k-kasi ano.." Pasimple siyang tumingin sa kanyang suot, pero ganoon na lang ang paglaki ng mga mata niya sa pagkagulat nang makitang iba na pala ang suot niyang damit. Nakapanlalaking boxer na siya at malaking black t-shirt.
"Pasensya ka na nga pala kung binihisan kita, Jeziel."
Gulat siyang napaangat ng tingin kay Dylan, napaawang ang kanyang labi sa narinig.
"T-Tama ba ang pagkakarinig ko? Ikaw ang n-na-nagbihis s-sa akin?" pautal-utal niyang tanong na parang hindi makapaniwala.
"Yes. Binihisan kita dahil parang nanlalamig ka na kanina; medyo basa kasi ang suot mo." Tumikhim ito so Dylan at pasimpleng napakamot sa sariling batok. "Don't worry Jeziel, w-wala naman akong nakita. Tinakpan ko ng kumot ang katawan mo habang binibihisan kita."
Para naman siyang namula sa hiya, kaya agad siyang nag-iwas ng tingin dito at napayuko. Kahit na sinabi nitong hindi nito nakita ang hubad niyang katawan ay nahihiya pa rin siya dahil ito pa rin ang nagbihis sa kanya, at paano na lang kung nagsisinungaling lang pala ito para hindi siya mapahiya?
"Alam kong nahihiya ka, pero hindi mo naman kailangan mahiya sa akin. I'm sorry kung pinangahasan kitang bihisan, ayoko lang kasing makita kang nanginginig sa lamig." Dylan sighed. "I'm just worried, Jeziel. Sana 'wag kang mag-isip ng masama sa akin. Hindi ako masama o mapagsamantalang tao."
Nanatili siyang nakayuko habang nakaupo sa pa rin sofa at hindi alam ang isasagot, hanggang sa naramdaman na lang niya ang paghawak ni Dylan sa kaliwa niyang kamay.
"We need to go, mali-late na ako sa meeting."
Hindi na siya nakaangal pa at napasunod na lang sa lalaki. Paglabas nila ay agad siyang pinapasok ni Dylan sa front seat ng kotse at nilagyan pa ng seat belt bago ito pumasok na rin sa loob.
Nanatili siyang walang imik habang nasa biyahe, at kahit hindi siya nakatingin kay Dylan ay pansin niya ang pagsulyap nito sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto ay agad na huminto ang sasakyan nila sa isang boutique.
"Dito ka lang, 'wag kang aalis, saglit lang ako," bilin Dylan sa kanya bago ito lumabas ng kotse at naglakad papasok ng boutique.
Napahinga na lang si Jeziel ng malalim. Pakiramdam niya ay parang nakahinga siya ng maluwag.
Makalipas ang ilang minuto ay muling bumukas ang pinto ng kotse.
"Heto isuot mo, Jeziel." Binigay sa kanya ni Dylan ang isang paper bag bago muling isinara ang pinto ng kotse.
Nagtataka naman niyang binuksan ang paper bag, at nang makita ang laman nito ay hindi na niya napigilan ang mapangiti. Pagkakuha ng laman ng paper bag ay dali-dali siyang nagbihis.
Pagkatapos niyang nagbihis ay binuksan na niya ang pinto ng kotse at dumungaw kay Dylan na nakatalikod.
"Puwede ka nang pumasok, tapos na akong nagbihis."
Nang marinig nito ang kanyang sinabi ay saka ito lumingon at pumasok na ng sasakyan.
Pero pagkapasok ni Dylan ay parang natigilan ito nang mapatingin sa kanya.
"B-Bakit? Hindi ba bagay?" nahihiya niyang tanong at napatingin sa suot niyang brown sleeveless dress na hanggang tuhod lang ang haba.
Napatikhim naman si Dylan at agad itong nag-iwas ng tingin sa kanya. "It looks good on you," mabilis nitong sagot bago pinatakbo ang kotse.
She smiled. "S-Salamat pala dito sa dress at doll shoes, hayaan mo, babayaran na lang kita 'pag makahanap ako ng trabaho."
Isang tango lang ang isinagot ni Dylan sa kanya at hindi na siya tinapunan pa ng tingin.
Makalipas ang ilang minuto ay huminto na ang kanilang sinasakyan sa harap ng mataas na building.
"Dito na lang ako maghihintay sa kotse mo."
"Hindi puwede, baka matagalan ako sa meeting at baka maisipan mo na namang magpakamatay. Kaya kailangan mong sumama sa akin."
Wala na siyang nagawa kundi ang bumaba ng kotse.
Pagkababa niya ay agad na hinawakan ni Dylan ang isa niyang kamay at pinagsiklop ang kanilang palad. "Let's go.”
Nakangiti siyang tumango, pero ang kanyang pagtango ay nauwi sa marahas na pag-iling at panginginig nang makita kung sino ang taong papasok ng building.
“A-Ayokong sumama, Dylan. Ayoko.” Sunod-sunod siyang umiling.
Hindi siya maaaring magkamali dahil si Rheanne talaga ang nakikita niya na secretary ni Mr. Gords, kasama nito ang tatlong hindi pamilyar na lalaki.
"Hey, what's wrong, Jeziel?" Dylan asked her. Parang nagtaka na sa kanyang reaction.
"H-Hihintayin na lang k-kita dito sa kotse," sagot niya sa nanginginig na boses at agad na binaklas ang pagkakahawak ni Dylan sa kanyang kamay.
"Pero baka mainip ka dahil baka matagalan ako, Jeziel. Bakit masama ba ang pakiramda mo? You look pale. Are you okay?"
Pinilit naman niyang ngumiti dito at tumango. "I'm okay. Sige na, umalis ka na at baka ma-late ka pa sa meeting mo, hihintayin na lang kita dito sa kotse. It's okay, kahit matagalan ka pa, I can wait."
Kahit nagtataka ang mukha ni Dylan ay agad itong tumango at tipid na ngumiti sa kanya. "Sige, basta kung sakaling mainip ka ay sumunod ka na lang sa akin. Nasa 10th floor ang office ko, okay?"
Isang tango lang ang isinagot niya bago muling binuksan ang pinto ng kotse at mabilis na naupo sa loob.
Pagkaalis ni Dylan ay hindi ni napigilan ni Jeziel ang mapahawak sa kanyang dibdib kung saan banda ang puso niya, dahil talagang kinabahan siya ng sobra sa nakita. Hindi niya inaasahan na buhay pa ang secretary ni Mr. Gords.
Parang muli siyang nakaramdam ng matinding takot sa isipin na buhay rin si Mr. Gords. Paano na lang kung makita siya nito?