Chapter 7

2332 Words
SA TAGAL ni Dylan sa meeting ay nakatulugan na ni Jeziel ang paghihintay sa loob ng kotse, naalimpungatan lang siya nang marinig ang tunog ng pagbukas-sara ng pinto. Nang makita ang pagpasok ni Dylan ay agad siyang napaayos ng upo. “T-Tapos na ba ang meeting mo?” “Yes, it's done. Uuwi na tayo sa bahay.” Pinaandar na nito ang sasakyan. Tumingin na lang si Jeziel sa bintana ng kotse dahil nahihiya at naiilang pa rin siya sa presensya ni Dylan. Pagkahinto ng kotse sa harap ng bahay ay mabilis na bumaba si Dylan at umikot sa kabila, pinagbuksan siya nito ng pinto. “S-Salamat, kaya ko namang buksan kahit hindi ka na nag-abala pa,” nahihiya niyang sabi at bumaba na ng sasakyan. Isang ngiti lang isinagot sa kanya ni Dylan. “Let's go inside.” Hinawakan nito ang kamay niya at dinala na siya papasok ng bahay. Pagkapasok nila ay agad na tumayo ang isang lalaking nakaupo sa sofa, nakasuot ito ng black suit. “Sir, narito na po ang lahat ng inutos niyo sa akin,” wika ng lalaki na ang tinutukoy ay ang mga paper bags na nakalagay sa kabilang sofa. “Thank you, Alex. Makakaalis ka na.” Nagmamadali namang lumabas Ang lalaki, kaya naiwan silang dalawa ni Dylan. “Ano ang mga 'yan?” she asked him. Isang friendly ngiti lang ang isinagot sa kanya ni Dylan. Binitiwan na nito ang kamay niya at lumapit na sa sofa bago pinagdampot ang mga paper bags. “Follow me. Dalhin mo na lang ang iba, hindi ko kasi kayang buhatin lahat.” Kahit nagtataka si Jeziel ay agad siyang sumunod sa sinabi ni Dylan at agad na dinampot ang apat na natirang paper bag bago sumunod dito. Umakyat sila ng stairs, hanggang sa huminto sila harap ng isang nakasaradong pinto ng kuwarto. Pagkapasok nila sa loob ay agad na inilagay ni Dylan ang mga paper bags sa ibabaw ng kama bago ito bumaling sa kanya. “This is your room, Jeziel. At sana magustuhan mo ang mga nasa loob ng paper bags, para sa 'yo lahat ng mga 'yan.” Bahagya namang napaawang ang kanyang labi sa narinig. “S-Sinasabi mo bang . . . akin lahat ang mga ito?” Dylan nodded with a smile. “Yes, it's all yours. Sige isukat mo na, at kung may kailangan ka pa ay 'wag kang mahihiyang magsabi sa akin.” Ngumiti pa ito sa kanya bago lumabas. Naiwang tulala si Jeziel sa loob ng kuwarto. Ilang sandali siyang nanatiling nakatayo at nakatingin lang sa mga paper bags. Makalipas ang ilang minuto ay naisipan niyang buksan na ang mga ito para makita kung ano nga ba ang laman. Pero ganoon na lang ang pag-awang ng labi niya nang bumungad sa kanya ang mga iba't-ibang kulay at design ng mga dress, two piece, stiletto heels at mga beauty products. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mahihiya sa mga natanggap mula kay Dylan. Kakilala lang naman nila tapos ibinili siya agad nito ng mga gamit kahit hindi naman siya nagpabili. Nakakapagtaka pero at the same time ay hindi niya mapigilan ang sumaya. May mga tao rin pala na mga babait at handang tumulong sa mga nangangailangan, and it's Dylan. Pagkatapos buksan ang lahat ng mga paper bag ay lumabas na si Jeziel at kumatok naman sa isang kuwarto na kaharap lang ng kuwartong pinalabasan niya. “Oh, nagkasya ba sa 'yo lahat?” bungad sa kanya ni Dylan pagkabukas nito ng pinto. “Pasok ka.” Niluwagan nito ang pagbukas. “H-Hindi na, gusto ko lang sanang magpasalamat sa kabaitan mo. Hayaan mo, babayaran kita balang araw. Pero habang wala pa akong pambayad sa 'yo, puwede ba ako maging katulong na lang muna dito sa bahay mo?” Dylan smiled. “Sure, puwede kita maging tagaluto kung gusto mo. Basta habang narito ka sa bahay ko, gusto kong maging komportable ka; 'wag kang mahiya sa akin. Okay ba?” Hindi na napigilan ni Jeziel ang mapangiti nang malapad at agad na tumango. “Sige, ipagluluto na kita ngayon para sa dinner mamaya. Ano bang gusto mo?” Saglit namang napaisip si Dylan at maya-maya ay ngumiti ito sa kanya. “Okay lang kahit anong lutuin mo, kakainin ko. Hindi naman kasi ako mapili sa mga pagkain, Jeziel.” Para siyang mabuhayan sa narinig. “Sige kung gano'n, ipagluluto na kita!” Hindi na niya hinintay pang sumagot si Dylan at agad na siyang bumaba sa stairs at nagmamadaling pumasok ng kitchen. Pagkapasok ni Jeziel ng kitchen ay agad siyang lumapit sa ref. Pero pagbukas niya ay gano'n na lang ang pag-awang ng labi niya nang makitang puro mineral water ang mga nakahilira sa loob. “Oh I forgot, kailangan nga pala natin mag-grocery. Ngayon ko lang naalala na wala nga palang laman ang ref ko.” Napalingon siya nang marinig ang boses ni Dylan. “Let's go, Jeziel. Samahan mo akong mag-grocery,” wika nito bago muling lumabas ng kusina. Napasunod na lang siya rito. Pagdating nila sa grocery ay agad na pinili Jeziel ang mga kakailanganin niya sa pagluluto at nilagay sa cart na tulak-tulak ni Dylan. At nang mailagay niya na lahat sa cart ang mga dapat bilhin ay agad naman itong binayaran ni Dylan. “Mauna ka na sa kotse, cr lang ako saglit,” paalam niya. Hindi na niya hinintay pang sumagot si Dylan at agad na niya itong iniwan sa counter. Lumapit siya sa sales lady at nagtanong muna kung saan banda ang restroom, agad naman itong itinuro sa kanya. Nang matapos umihi ay para siyang nakahinga ng maluwag. Lumabas na siya ng cr at naglakad para sana lumabas na ng store, pero akmang lalabas na siya sa exit nang biglang may humawak sa kanyang braso, kaya napalingon siya para makita kung sino. “What's your name?” tanong ng lalaking humawak sa braso niya. Napaawang naman ang labi niya nang makita ang mukha ng lalaki. Hindi siya maaaring magkamali dahil ang lalaking nasa harap niya ngayon ay 'yung lalaking ninakawan nila ni Sherra dati, 'yung lalaking may painting na kamukhang-kamukha niya. “Y-You're not her . . . but you look exactly like her.” Pansin niya ang panunubig ng mga mata ng lalaki habang titig na titig ito sa mukha niya. Napatikhim naman siya at agad na inagaw ang kamay niya rito. “I'm sorry pero kailangan ko nang umalis, Mister. Baka naghihintay na ang kasama ko, eh.” Hindi na niya hinintay pang sumagot ito at mabilis na siyang lumabas ng store. Pero nakakailang hakbang pa lang siya nang habulin siya ng lalaki at muli nitong hinawakan ang braso niya. “Tell me your name before you leave. Please...” Hindi naman niya mapigilan ang mapabuga ng hangin. “Puwede ba! Hindi ako ang babaeng iniisip mo! Magkamukha lang kami!” iritado niyang sagot at pilit na inaagaw ang kanyang braso pero talagang ayaw pa nitong pakawalan. Nagsalubong ang kilay ng lalaki. “H-How did you know? Bakit mo alam na may kamukha kang babae? Who are you?” Napaiwas naman si Jeziel ng tingin. s**t! Nadulas siya sa pagsasalita! Paanong hindi niya malalaman na may kamukha siya, eh minsan niya ng pinasok ang bahay nito at ninakawan. Kaya nga nakita niya ang painting na talaga nga namang kamukhang-kamukha niya. “I don't know! So please let me go!” Bago pa siya muling tanungin ng lalaki ay mabilis na niyang hinablot ang kamay niya rito at mabilis na tumakbo palapit sa nakaparadang kotse sa kabilang kalsada. “Who's that man?” kunot-noo na tanong ni Dylan sa kanya pagkapasok niya sa loob ng kotse. “I don't know him,” kibit-balikat niyang sagot at naglagay na ng seat belt. Napabuntong hininga na lang si Dylan at hindi na nagtanong pa, pinaandar na lang nito ang kotse paalis. Sa huling pagkakataon ay napalingon pa si Jeziel sa lalaki na ngayon ay tulala lang habang nakatanaw sa kanilang sasakyan. “Dadaan muna tayo sa hospital bago tayo umuwi. Dadalawin ko lang si Dad.” Tumango lang siya kay Dylan. Makalipas ang ilang minuto ay agad na huminto ang kanilang sinasakyan sa harap ng malaking ospital. “Gusto mo bang sumama sa loob?” Dylan asked her. “Hindi ba nakakahiya sa Daddy mo kung sasama ako?” Dylan laughed. “Bakit ka naman mahihiya? Hindi naman 'yun nanunuklaw.” Wala na siyang nagawa kundi ang bumaba ng kotse. Pumasok na sila ni Dylan sa loob ng ospital. Habang naglalakad sila sa lobby ay hindi mapigilan ni Jeziel ang kabahan, hindi niya alam kung bakit pero bigla na lang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Pakiramdam niya ay parang may hindi tama, at may mangyayaring hindi maganda. Napabuntong hininga na lang siya at binalewala ang kabang naramdaman. Pagtapat nila sa room 042 ay agad na binuksan ni Dylan ang pinto, habang siya ay nakasunod lang sa likod nito. Pumasok sila sa loob ng kuwarto kung saan may nakahigang matandang lalaki kasama ng tatlong lalaki na nakatayo na sa tabi nito na tila mga bantay. “Kumusta ang lagay ni Dad?” tanong ni Dylan sa tatlong lalaking naka-suit na puro mga malalaki ang katawan. “Nagising po siya kanina, Sir, pero nakatulog ulit.” Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Dylan bago ito tumingin sa kanya. “Jeziel, siya nga pala ang Dad ko. Dalawang buwan na siyang comatose at kahapon lang nagkamalay,” ani Dylan sa medyo malungkot na boses habang nakatingin sa ama nitong nakahiga. Napatingin naman si Jeziel sa mukha ng nakahigang matanda. Pero nang makita ang mukha nito ay bigla na lang siya dinambol ng matinding kaba at takot. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng dugo sa katawan nang makilala ang mukha ng matandang lalaki. Kinurap-kurap pa niya ang sariling mga mata para matanto kung totoo ba ang nakikita niya, pero kahit anong pagkurap-kurap ang gawin niya ay talagang mukha ni Mr. Gords ang nakikita niya. “Are you okay? May problema ba?” tanong ni Dylan sa kanya nang mapansin nito ang kanyang pag-atras. Marahas naman siyang umiling dito. “I… I n-need to go!” Mabilis na siyang tumakbo palabas ng silid. Wala na siyang pakialam kung may nabangga man siyang mga tao sa lobby ng hospital, basta ang mahalaga sa kanya ay makalabas at makalayo. “Jeziel! Hey! Wait!” rinig niyang pagtawag ni Dylan na humabol sa kanya. Hindi na niya ito pinansin pa at mas lalo lang niya binilisan ang pagtakbo, hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas ng hospital. Pero hindi pa siya nakakalayo nang maabutan siya ni Dylan, mabilis nitong napigilan ang kanyang braso at hinarap siya. “Hey! What's wrong, Jeziel? Tell me, may problema ba? Do you know my Dad?” Marahas siyang umiling dito at pilit na inagaw ang braso niya. “B-Bitiwan mo ako! I need to leave this place right now. K-kailangan kong mabuhay.. Please bitiwan mo ang braso ko..” Nagsalubong naman ang mga kilay ni Dylan pero hindi pa rin siya nito binitiwan. “But why? May problema ba kay Dad? Bakit bigla ka na lang naging ganyan nang makita mo ang mukha ni Dad?” naguguluhan nitong tanong. “Please tell me para maintindihan ko. Mapagkakatiwalaan ako, Jeziel. I know my Dad very well, he's not a good person. And I'm not like my Dad. So please trust me, Jeziel.” Natigilan naman si Jeziel at napatitig sa mga mata ni Dylan. For some unknown reason; parang nabawasan ang takot niya nang makita ang pag-aalala sa mga mata ng lalaking kaharap. “H-How can I trust you? You are his son. P-Paano kung m-magising 'yung Dad mo at makita ako? Kaya mo ba akong p-protektahan?” Bumuntong hininga si Dylan at pinunasan nito ang isang butil ng luha na dumaloy sa kanyang pisngi gamit ang hinlalaki nito. “Of course I can. I can protect you. Hindi ko alam kung bakit ka takot kay Dad. May ginawa ba siyang mali sa 'yo, hmm?” Mapait siyang ngumiti at marahan na tumango. “Oo, siya lang naman ang naging dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko sa isla. Your Dad is a ruthless man, Dylan. I'm afraid of him. B-Baka ano pang gawin niya sa akin oras na makita niya ako!” Alam niyang oras na makita siya ni Mr. Gords ay siguradong hindi na siya bubuhayin pa nito dahil sa pagtakas niya sa isla. Natigilan naman si Dylan nang marinig nito ang kanyang mga sinabi, hindi ito agad nakasagot at nakatitig lang sa kanya. “I don't trust you, I'm sorry.” Mabilis nang inagaw ni Jeziel ang kanyang braso mula kay Dylan bago mabilis na tumakbo para sana tumawid papunta sa kabilang kalsada. Pero agad na nanlaki ang mata niyang nang makita ang humaharurot na kotse, buti na lang ay agad siyang nahila ni Dylan kundi ay baka tumilapon na ang katawan niya sa gitna ng kalsada. Napatulala siya sa pagkagulat, hanggang sa namalayan na lang niya ang pagbuhat sa kanya ni Dylan papasok sa loob ng kotse nito. Matapos siya nitong lagyan ng seatbelt ay mabilis na itong pumasok sa loob at naupo sa driver seat. “Hindi mo na kailangang problemahin ang mga problema mo, Jeziel. May naisip na akong paraan para hindi ka magalaw ni Dad oras na magtagpo ang landas niyo.” She looked at him. “At ano'ng klaseng paraan naman 'yan? Makakaya ba akong protektahan?” may panginginig niyang tanong. Napasandal na lang siya sa upuan ng kotse at pumikit, napahawak pa siya sa kanyang ulo nang maramdaman ang pagkirot nito. Pakiramdam niya ay parang nahihilo siya dahil sa pagkabuhay ni Mr. Gords. Hindi niya alam kung paano ito nakaligtas sa isla at talagang nabuhay pa, kaya naniniwala na talaga siya na ang masamang damo ay mahirap mamatay. At isang patunay si Mr. Gords. “Marry me, Jeziel.” Napamulat siya bigla nang marinig ang sinabi ni Dylan at gulat na napatingin dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD