Halos magwala si Dylan at isa-isang sinikmuraan lahat ng kanyang mga tauhan na nakasama niya sa gabing iyon. Nagpupuyos siya sa galit dahil hindi nila naabutan at nabawi ang kanyang asawa. Hindi niya rin pinatigil sa paghahanap ang kanyang mga tauhan nang gabing iyon; Sa airport, port, at sa iba pang maaaring malusutan ng mga ito para makalabas ng Bangkok. Pero halos nahalughog na ng kanyang mga tauhan ang buong Bangkok ay hindi pa rin mahanap ng mga ito ang kanyang asawa at ng lalaking tumangay rito. “Walang hiya ka, Skolav. Talagang sinusubukan mo ako. Puwes maghintay ka lang at ipapakita ko sa 'yo kung gaano ako kasama maging kaaway.” The veins in his arms moved as he clenched his fist tightly. Talagang hindi niya inaasahan na tatraydorin siya ni Darius na siyang business partner niy