Mahigit sampung minutong nakabuntot sa likuran nila ang limang sasakyan, kaya parang nagkaroon ng karera sa highway. Pero makalipas ang ilang sandali ay tuluyan nang nailigaw ni Terron ang mga ito. Hanggang sa huminto na ang kanilang kotse sa isang maliit na port. “Terron, bakit tayo rito pumunta? Dapat sa ospital tayo dumiretso para maipagamot natin yang sugat mo.” “Hindi puwede sa ospital, sweetheart, matutunton nila tayo kapag doon tayo pumunta. Huwag kang mag-alala, okay lang naman ako.” Mabilis na pinigilan ni Jeziel ang braso ni Terron sa akmang paglabas. “Ano'ng okay ang sinasabi mo, tingnan mo yang balikat mo, napuno na ang panty ko sa dami ng dugo!” pagalit niyang sermon dito sa boses na may pag-aalala. Mahina namang napatawa si Terron at napatingin sa kanyang hawak na panty