NAKASANDAL lang sa headboard ng kanyang kama ang isang lalaki habang nakatitig sa nakasabit na portrait ng kanyang yumaong kasintahan. Nakasanayan na niyang gawin ang pagtitig sa portrait bago siya matulog, dahil kapag nakakalimutan niya itong titigan ay palagi na lang siyang dinadalaw ng matinding bangungot ng nakaraan. And that hurts him so bad. Sobrang sakit na maalala pa ang trahedyang iyon. Parang pinupunit pa rin ang kanyang puso kapag bumabalik sa alaala niya ang duguan na mukha ng kanyang minamahal. “I miss you so much, baby..” he uttered while staring at the portrait. Nawala lang ang kanyang tingin sa portrait nang tumunog ang cellphone niya. Ang kanyang private investigator ang tumawag kaya aga niya itong sinagot. “Hello, Sir.” “Oh, kumusta ang pag-iimbestiga mo? Ano na ang b