Chapter 8

1928 Words
“A-Anong . . . sabi mo? P-Pakiulit nga.” Dylan faced her. “Magpakasal ka sa akin para maprotektahan kita mula kay Dad.” Medyo nabigla naman si Jeziel sa narinig. "What?! M-marry you? What do you mean by that? I don't understand, Dylan. Paano naman naging solusyon 'yun?" "Dahil kapag pinakasalan mo ako ay magiging asawa kita, at hindi ka na puwedeng pakialaman pa ni Dad. Walang pwedeng manakit sa 'yo hangga't alam ng lahat na asawa kita.” Natahimik si Jeziel, hindi alam kung ano ang isasagot. “Huwag kang mag-alala, hindi naman natin kailangan gawin ang ginagawa ng tunay na mag-asawa. I just want to protect you from my Dad, at magagawa ko lang ang bagay na 'yun kapag nagpakasal ka sa akin.” Jeziel swallowed. “P-Pero—” “Oras na magpakasal ka sa akin, ibibigay ko pati sa 'yo lahat ng naisin mo. Puwede naman tayong maghiwalay kapag okay na ang lahat.” Napaisip naman si Jeziel. May punto nga ang sinabi ni Dylan, siguro kung magpapakasal siya rito ay maaari siyang mamuhay ng tahimik. Pero kailangan niya nga bang pumayag? Kailangan niya bang magtiwala kay Dylan kahit kakakilala pa lang nila? Paano kung hindi pala ito mapagkakatiwalaan at katulad lang pala ito ng ama nito? Siguradong mas lalong maging miserable ang buhay niya. Pero wala naman siyang choice kundi ang tanggapin ang alok nito dahil wala na talaga siyang mapuntahan pa. Walang-wala din siya, kaya naman kailangan niyang sumugal. She looked at him. “K-Kung talagang kaya mo akong protektahan laban sa ama mo, s-sige papayag akong magpakasal sa 'yo.” Sa kanyang sinabi ay unti-unting sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ni Dylan. “I promise, hindi ka magsisisi sa desisyon mo.” Napakislot pa siya nang haplosin nito ang kanyang pisngi gamit ang likod ng kamay nito. “I will protect you no matter what happen, Jeziel.. Ang kailangan mo lang gawin ay magtiwala sa akin at manatili . . . sa tabi ko.” “S-Salamat,” utal niyang sagot at mabilis na umiwas ng tingin dito dahil nakaramdam na siya ng pagkailang. Pinatakbo na ni Dylan ang sasakyan habang may namumuong ngiti sa labi. 6:35 PM na nang dumating sila sa bahay. Dumiretso si Jeziel sa kitchen at agad na naghanda ng kanyang mga lulutuin. “Sure ka ba kahit ano'ng lutuin ko ay ayos lang sa 'yo?” tanong niya kay Dylan na ngayo'y nakaupo lang sa isang upuan habang pinagmamasdan ang bawat galaw niya. “Yes, as what I've said earlier, hindi ako mapili sa pagkain. So yeah, lutuin mo kung ano'ng gusto mo.” “S-Sige,” tipid niyang sagot at pinagpatuloy na ang ginagawa. Binalewala na lang niya ang presensya ni Dylan para maiwasan ang pagkailang. “How old are, Jeziel?” tanong ni Dylan makalipas ang ilang sandali. “T-Twenty one,” she replied without looking at him. “Oh, you're too young. Are you still studying?” “No.” She shook her head. “Tumigil na ako sa pag-aaral three years ago. Highschool lang ang natapos ko.” Napatango-tango naman si Dylan. “Okay. So do you want to study again? Gusto mo bang pumasok ng college? “P-Pero wala naman akong pera.” “But I have. And since you're my fiancee now, responsibilidad ko na ang paaralin ka. Just tell me kung gusto mong pumasok ng koleheyo, ako na ang bahala sa lahat.” Sa narinig ay napalingon si Jeziel at napahinto sa paghuhugas ng mga sangkap na kanyang lulutuin. “F-Fiancee?” Dylan nodded. “Yes. Sabi mo nga pumapayag ka nang magpakasal sa akin. So you're my fiancee now.” “Ah, okay.” She bit her lower lip. “So, what's your answer? Gusto mo bang mag-aral ulit?” She immediately nodded at him. “Oo, gustong-gusto ko!” parang nagkaroon bigla ng lakas sa boses niya. Of course, isa lang naman sa mga pangarap niya ang makapasok ng koleheyo, kaso hindi 'yun natupad dahil sa kanyang evil step-mom. Dylan smiled. “Good decision.” She smiled at him as well. “Nga pala, Dylan, pansin ko lang, bakit parang wala ka yatang kasama rito sa bahay mo? Mag-isa ka lang ba talaga?” “Hmm… Yes. Every weekend lang pumupunta rito ang tagalinis ng bahay at tagalaba.” “Mas mabuti pa siguro 'wag mo na lang siya papuntahin dito. Ako na lang ang maging tagalinis mo, para naman makabawi ako sa 'yo.” “Ikaw ang bahala.” Dylan shrugged. Nang matapos magluto ay sabay silang kumain. Lihim na napangiti si Jeziel nang makitang nagustuhan naman ni Dylan ang kanyang mga nilutong pagkain. “Jeziel..” “Hmm?” Nabitin siya sa tangkang pagsubo at napaangat ng tingin. “Bakit?” “Kung hindi mo mamasamain, puwede ko bang malaman kung . . . nasaan na ang pamilya mo? I mean, gusto ko sanang hingiin ang kamay mo sa kanila bago kita pakasalan.” “I… I don't have a family. Patay na ang parents ko.” Napatitig sa kanya si Dylan, pero kalauanan ay agad ding sumilay ang ngiti sa labi nito. “It's okay. I will be your family from now on.” “Okay. S-Salamat..” Umiwas na lang ng tingin si Jeziel dito para maiwasan ang pagkailang. Pinagpatuloy na lang niya ang kain kahit na sa dulo ng kanyang mata ay pansin niyang hindi naaalis ang titig sa kanya ni Dylan. Matapos kumain ay tinulungan pa siya ni Dylan maghugas ng mga plato; siya ang tagahugas at ito naman ang tagapunas. Pareho silang walang kibo pero si Dylan ay paminsan-minsan napatitig sa kanya, hinayaan niya lang ito at hindi na bibigyan pa ng pansin. “P-Puwede na ba akong magpahinga sa kuwarto ko?” tanong niya nang matapos sa mga plato. Marahan namang tumango sa kanya si Dylan. “Yes, of course.” “S-Sige, maiwan na kita.” Nagmamadali na siyang lumabas ng kitchen at pumasok na sa kanyang kuwarto. Habang nakahinga sa kama ay nakatitig lang si Jeziel sa puting kisame at tulala. Hindi niya mapigilan isipin ang kanyang anak. She missed her son so much. Parang isang araw lang niya hindi nakasama ang anak niya ay nangungulila na siya agad. Pero ngayon ay kailangan niya munang magtiis. Kahit papaano ay nabawasan naman ang bigat sa dibdib niya sa isipin na tutulungan siya ni Dylan at poprotektahan laban sa Dad nito. Mahirap man paniwalaan ang sinabi nito, ngunit kailangan niyang magtiwala dito dahil wala naman siyang ibang choice kundi ang ibigay ang kanyang tiwala. Kung kailangan niyang magpakasal dito para lang mabuhay siya at mabawi ang kanyang anak ay gagawin niya, dahil tulad nga ng sinabi ni Dylan ay puwede naman silang magpa-annul oras na gustuhin nilang dalawa. Sa kakatitig ni Jeziel sa kisame ay muntik pa siyang mapatalon sa nagulat nang biglang may kumatok sa pinto. “Jeziel?” boses iyon ni Dylan. Napahawak na lang siya sa kanyang dibdib kung saan banda ang puso niya. Mukhang nagkaroon na yata siya ng trauma tuwing nakakarinig ng pagkatok sa pinto, siguro ay dahil na rin sa mga pagmumura sa na natanggap niya sa dating apartment na pinag-alisan niya. “Jeziel, gising ka pa ba?” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago bumangon at umaba ng kama. “A-Ano 'yun?” tanong niya kay Dylan pagkabukas ng pinto. “I'm here para ipaalam sa 'yo na aalis muna ako dahil may importante akong pupuntahan. Ayos lang ba sa 'yo na mag-isa rito sa bahay ngayong gabi?” Natigilan naman siya pero kalauanan ay agad ding tumango. “Oo, ayos lang. Hindi naman ako matakutin.” Dylan smiled. “Good.” Saglit pa itong tumingin sa suot nitong wrist watch bago muling binalik ang tingin sa kanya. “And oo nga pala, tinawagan ko na rin ang magsusukat ng gown mo. Bukas ay darating 'yun dito para sukatan ka at tanungin kung anong klaseng design ang gusto mo.” “T-Thank you.” Isang ngiti ang binigay ulit sa kanya ni Dylan at hinaplos pa nito ang kanyang buhok. “Uuwi ako agad bukas kapag okay na ang lahat.” “S-Sige, hihintayin na lang kita.” Pagkaalis ni Dylan ay muli siyang nahiga sa kama. Pero wala pang sampung minuto siyang nakahiga nang may kumatok muli sa pinto ng kanyang kuwarto. Akala niya ay bumalik si Dylan, pero pagbukas niya ng pinto ay bumungad ang isang lalaki na kung hindi siya nagkakamali ay Alex ang pangalan. “B-Bakit? Ano'ng kailangan mo? Kakaalis lang ni Dylan— “Bibigyan kita ng chance na tumakas ngayong gabi habang wala pa rito si Sir Dylan.” Bahagyang napaawang ang labi niya sa narinig. “H-Huh? A-Ano'ng…” “Pumunta ka sa malayong lugar at huwag nang babalik pa rito.” Agad na kumunot ang kanyang noo. “P-Pero bakit ko naman 'yun gagawin?” tanong niya na may pagtataka. Napabuntong hininga naman ang lalaki. “Dahil kapag hindi ka pa tatakas ngayong gabi ay baka magsisi ka bandang huli. Kaya dalian mo na, umalis ka na habang may oras pa.” “A-Ano ba'ng pinagsasabi mo?” Mas lalo siyang naguluhan. Pero nagulat na lang siya nang hawakan ng lalaki ang isang braso niya. “Huwag ka nang magtanong pa, sumunod ka na lang sa sinabi ko. Bilisan mo umalis ka na bago pa makabalik dito si Sir Dylan.” Hinila na siya nito palabas ng kuwarto. Agad naman siyang nagmatigas. “Ano ba! Bitiwan mo nga ang kamay ko!” “Bitiwan mo sabi ako!” Napatigil naman ito at hinarap siya. “Miss, kung mahal mo pa ang buhay mo ay mas mabuting tumakas ka na—” “No! Dito lang ako!” Mabilis na niyang inagaw ang kanyang braso na hawak ng lalaki. “Hindi ako puwedeng umalis dahil wala naman akong mapuntahan, 'no. Dito lang ako.” Napatitig naman sa kanya ang lalaki, hanggang sa isang buntong hininga ang pinakawalan nito. “Kung ayaw mo talagang umalis, hayaan mong payuhan kita.” Seryoso siya nitong tiningnan. “Huwag na huwag kang gagawa ng isang bagay na ikagagalit niya, dahil isang pagkakamali mo lang...” Hindi naman mapigilan ni Jeziel ang mapalunok habang nakatingin sa seryosong lalaki. Ngunit imbes na ipagpatuloy ang sasabihin nito ay isang buntong hininga muli ang pinakawalan. “Basta mag-iingat ka sa kanya.” Tinalikuran na siya nito at naglakad na paalis nang walang lingon-lingon. Naiwan namang tulala si Jeziel habang nakatingin lang sa papalayong likod ng lalaki na ngayo'y pababa na ng stairs. “M-Mag-iingat..” wala sa sarili niyang sambit at muli nang bumalik sa loob ng kanyang kuwarto. Hanggang sa naupo siya sa ibabaw ng kama ay iniisip niya pa rin ang mga sinabi ng lalaki. Hindi niya rin mapigilan ang kabahan. “P-Pero mukha namang mabait si Dylan at matulungin. Kaya bakit niya naman nasabi na mag-ingat ako?” pagkausap niya sa sarili. Nahiga na siya sa kama at yumakap sa puting unan. “Baka ang ama ni Dylan ang tinutukoy ng lalaking 'yun, dahil talaga namang nakakatakot si Mr. Gords.” Napailing na lang si Jeziel at pumikit na para makatulog. Binalewala na lang niya ang sinabi ng lalaki. Baka nga si Mr. Gords ang tinutukoy nito dahil talaga namang malupit ito at nakakatakot kung magalit, hanggang ngayon nga ay hindi pa rin naaalis ang mga bakas ng latay ng latigo sa kanyang likod dahil sa paglatigo nito sa kanila ni Sherra nung nasa isla pa sila, at dahil lang iyon sa konting pagkakamali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD