Pagkaupo nina Darius at Terron sa kabilang mesa ay siya namang pagpasok ng mga nasa mahigit sampung kalalakihan na puro mga naka-suit din at halos lahat ay malalaki ang mga pangangatawan. Pero pagkapasok ng mga ito ay agad na pumalibot sa mesa na inuukupa nina Jeziel at Dylan, tinutukan ng baril ang mga tauhan nila, pero mabilis din naman kumilos ang mga ito at nilabas din ang hawak na baril. “What's the meaning of this, Skolav? Where's the f*****g target!” Darius took off his mask. “Minsan ba sa buhay mo, may nagtangka nang mag-prank sa 'yo?” nakangisi nitong tanong at inikot-ikot pa sa kamay ang hawak na baril. “Huwag kang mag-alala, Sedestre, sina Henry at Larco na ang bahalang humuli kay Semeon at Vandrec, ang alam ko ay nasa kabilang casino sila.” Ramdam ni Jeziel ang paghigpit ng