Maraming mga tao ang nasa loob ng casino, at halos lahat ng mga manlalaro ay halatang bigatin, may mga babae pang nakakandong ang iba at mga tauhan na nakatayo sa likuran. Tahimik lang si Jeziel habang nakaupo sa harap ng card table katabi ni Dylan na chill lang at parang may hinihintay. Panay ang tingin nito sa suot na wristwatch, at kapag may nagtatangkang maupo sa inuukupang table ay agad nitong sinisenyasan na umalis at hinaharang ng mga tauhan nito. Makalipas ang ilang minuto ay may bagong agaw atensyon na lalaki ang pumasok kasama ng mahigit sampo nitong tauhan na naka-formal suit. Pagkapasok ng lalaki ay dumiretso agad ito sa table nila at mala-hari na naupo sa upuan sa pinakadulong bahagi. Hindi ito hinarang o sinita ng mga tauhan ni Dylan. Napatingin naman si Jeziel sa lalaki,