Chapter 2

1904 Words
“Ngayong gabi ay kailangan niyong pagbutihin ang trabaho niyo. Hindi kayo maaaring pumalpak, dahil oras na pumalpak kayo ay sinisiguro ko sa inyo na katapusan niyo nang dalawa. Naiintidihan niyo ba ang ibig kong sabihin?” “Copy, boss!” “Sige na alis na, dapat bago mag-umaga ay nakabalik na kayo rito sa isla!” Magkasabay silang lumabas ng kuwarto ng kanilang boss. Walang imik na naglakad si Jeziel kasama ng kaibigan niyang si Sherra pabalik sa kanilang kuwarto para maghanda na sa kanilang pag-alis. Pagkatapos ilagay sa kani-kanilang mga bag ang mga gamit na kakailanganin sa misyon ay nagmamadali na silang lumabas ng kanilang kuwarto at naglakad papunta sa dalampasigan kung saan naroon ang naghihintay na speedboat. “Jeziel, tingin mo kailan kaya tayo makakalaya sa empyernong isla na ito?” walang buhay na tanong ni Sherra sa kanya bago ito sumakay sa taas ng speedboat. “Hindi ko rin alam. Malay mo baka dito na tayo mamamatay. Tingin ko ito na talaga ang kapalaran natin, ang maging magnanakaw habambuhay,” mapakla namang sagot ni Jeziel sa kaibigan. Malalim namang napabuntong hininga si Sherra at naupo na lang sa taas ng speedboat. “Ayokong maging ganito na lang ang buhay ko, 'no. Ano kaya kung tatakas na lang tayo?” Jeziel chuckled. “Hindi puwede, baka mas lalo pa tayong mapahamak kung tatakas tayo sa islang 'to. Alam mo namang isang makapangyarihang sindikato si Mr. Gords. Kaya sigurado akong papatayin niya tayo oras na tangkain nating tumakas sa impyernong isla na ito.” Napasimangot na lang ang kaibigan niya sa kanyang sinabi. Binuhay na nito ang makina ng speedboat at pinatakbo na paalis ng isla. Habang tumatakbo ang kanilang sinasakyang speedboat ay nakatanaw lang si Jeziel sa isla. Paliit na nang paliit ang nagliliwanag nitong ilaw habang papalayo ang kanilang sinasakyan. Maglilimang buwan na rin siya sa isla mula nang ibinta siya ng kanyang step-mom sa isang sindikato na si Mr. Gords. Sa isla din niya nakilala ang kaibigang si Sherra na palagi niyang kasama sa misyon, tulad ngayon ay magkasama na naman sila sa isang misyon para magnakaw ng mamahaling mga gamit, tulad ng mga jewelries, mamahaling painting at iba pa. Pero para sa kanya ay ayos na ang maging magnanakaw ang piliin niyang trabaho kay Mr. Gords, kaysa naman ang maging s*x actress tulad ng ibang babaeng kasama nila sa isla na ang trabaho ay ang makipag-s*x kasama ng mga lalaking tauhan sa isla habang kinukuhanan ng video para i-upload sa isang porn site. 11:35 PM na nang makarating ang kanilang sinasakyang speedboat sa isang beach resort na pag-aari din ni Mr Gords. Kaya nagmamadali silang pumasok sa isang room para makapaghanda na sa kanilang mission. “Jez, hindi ka ba nahihirapan kumilos?” tanong ni Sherra sa kanya habang nagbibihis at inginuso pa nito ang kanyang tiyan. “Hindi pa naman gaano kalaki, kaya hindi pa mahirap kumilos,” sagot ni Jeziel sa kaibigan habang nilalagyan ng malaking garter ang kanyang medyo may kalakihan na tiyan para ipitin. Malalim naman itong bumuntong hininga at pinagpatuloy ang pagbibihis. “Pero paano kung lalabas na? I'm sure hindi 'yan magugustuhan ni Mr. Gords oras na malaman niya.” “Huwag mo nang isipin. Problema ko na 'to okay?” Pilit niyang ngumiti sa kaibigan. “Hahanap ako ng paraan, kaya 'wag ka nang mag-aalala pa,” nakangiti niyang sagot kay Sherra bago lumabas ng room at naglakad papunta sa nakaparadang kotse sa 'di kalayuan. Pagkapasok ni Jeziel sa passenger seat ay malalim siyang bumuntong hininga at napahawak sa kanyang tiyan na may kalakihan na. Ang totoo ay kinakabahan siya sa maaaring mangyari, dahil oras na malaman ng kanilang boss ang kanyang pagbubuntis ay alam niyang hindi nito palalampasin. Alam niya kung gaano kahalimaw si Mr. Gords pagdating sa pera, at baka oras na malaman nito ang kanyang pagbubuntis ay baka ibenta ang kanyang anak paglabas, at buti sana kung ibenta lang para ipaampon, pero paano kung ibinta sa black market ang bata? Hindi 'yun malabong mangyari. “Ang lalim ng iniisip mo, ah? Ayos ka lang ba talaga?” tanong ni Sherra sa kanya pagkapasok nito sa loob ng kotse. She nodded. “I'm okay, sige na paandarin mo na at para makabalik na agad tayo sa isla.” Agad namang pinaandar ni Sherra ang kotse at mabilis nitong pinatakbo paalis. Wala pang dalawampong minuto nang huminto ang kanilang sasakyan sa isang malaking mansyon. “I'm sure may aso 'yan sa loob kaya kailangan nating mag-ingat para hindi makatunog ang mga security guards.” Napangisi naman si Sherra sa kanyang sinabi. “Don't worry, Jez. Sa pagkakaalam ko may allergy ang may ari ng mansion na 'yan sa mga aso, kaya baka mga pusa lang sa loob ang madadatnan natin. At isa pa sabi ni Mr. Gords ay nasa business trip raw ang may ari niyang mansion, kaya suwerte natin ngayon dahil siguradong tiba-tiba tayo!” Napailing na lang si Jeziel sa kaibigan at napangiti bago bumaba na rin ng kotse. Pagkababa ng sasakyan ay agad na silang lumapit at inakyat ang pader. “Ayos ka lang ba, Jez? Nahihirapan ka bang umakyat?” nag-aalang tanong ni Sherra sa kanya. Mahina naman siyang umiling. “I'm okay, Sher. Don't worry about me. Just focus.” Ang totoo ay nahihirapan na rin siyang umakyat gawa ng kanyang tiyan na may kalakihan na. Dati ay saglit lang sa kanya ang pag-akyat sa pader nang hindi pa lumalaki ang kanyang tiyan, pero ngayon ay nahihirapan na siya. Hindi naman siya pwedeng tumanggi sa pinapatrabaho ng kanilang boss dahil baka latigo ng buntot ng pagi ang lalatay sa kanyang likod tulad ng ibang baguhan sa isla na nagmamatigas pa. Pagkapasok nila sa loob ng malaking mansion ay agad nilang kinuha ang flashlight sa kani-kanilang bag. Lahat ng mga mamahaling paintings ay binaklas nila mula sa pagkakasabit sa pader at inilagay sa isang malaking maleta. “Sige na, ilabas mo na muna itong mga painting at papasok ako sa loob ng master's bedroom, baka may mga jewelries doon.” Agad namang binuhat ni Sherra ang maleta. “Sige, itago mo ang iba ha, hindi natin ibibigay kay Mr. Gords lahat para naman malaki ang magiging hati natin.” Napailing na lang si Jeziel sa kaibigan at agad na kinuha ang kanyang hairpin sa buhok bago ipinasok sa loob ng doorknob. Napa-yes na lang siya nang marinig ang pag-click ng pinto, hudyat na bumukas na. Nakangiti siyang pumasok sa loob ng room at kinapa ang switch ng ilaw. “Wow! Ang ganda!” hindi niya mapigilang bigkas nang sandaling bumukas na ang ilaw. Agad niyang inilibot ang tingin sa loob ng kuwarto hanggang sa napunta sa isang picture frame na nakapatong sa bedside table. Lumapit siya at napatitig sa guwapong mukha ng lalaki sa picture. “Ang guwapo pala ng may ari nitong bahay.” Napahaplos siya sa mukha nito. “Kawawa ka naman dahil mananakawan kita ngayong gabi.” She smirked. Napatigil lang si Jeziel sa paghaplos sa litrato nang marinig ang tunog ng pagpasok ng kotse. Dali-dali niyang binitiwan ang litrato at agad na binuksan ang mga drawer. “s**t! Akala ko ba nasa business trip ang may ari? Pero bakit? Bakit ngayon pa ang dating!?” hindi niya mapigilang bulalas habang hinahalungkat ang laman ng drawer. Nang wala siyang makita sa loob ng drawer maliban sa mga ballpen at envelope ay napagpasyahan niya nang lumabas dahil alam niyang nag-aalala na ang kanyang kaibigan sa labas. Pero akmang lalabas na siya ay agad siyang napahinto nang mapatingin siya sa nag-iisang painting na nakasabit sa loob ng kuwarto. It's her! Hindi siya maaaring magkamali dahil siya ang nasa painting. Magkamukhang-magkamukha sila ng babaeng nasa painting na matamis na nakangiti habang nakadungaw sa bintana at nililipad ng hangin ang mahaba nitog buhok. “B-but how? P-paano?” Hindi siya makapaniwala habang pinagmamasdan ang sarili sa painting. Natauhan lang siya nang marinig ang yapak na paakyat ng hagdan, kaya agad siyang nataranta at nagmamadaling nagtago sa ilalim ng kama. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng kuwarto at pumasok ang makintab na black leather shoes. Halos hindi na humihinga si Jeziel sa ilalim ng kama habang takip ng kamay ang sariling bibig sa takot na baka makagawa ng ingay. Halos mapapitlag siya sa gulat nang marinig ang sunod-sunod na pagmura ng lalaking kakapasok lang. “f**k! At sino naman kaya ang matapang na magnanakaw at nagawang pasukin ang bahay ko! Damn it!” Muntik nang mapatili si Jeziel sa gulat nang biglang tumama sa kanyang braso ang itim na sapatos na sinipa ng lalaki. “Oras na malaman ko kung sino ang nangahas na pumasok sa pamamahay ko ay sinisigurado kong magbabayad siya ng mahal!” galit na wika ng lalaki sa mariin na boses. Muli nitong sinipa ang isang pares ng sapatos na kakahubad lang. Napapisil si Jeziel sa sariling kamay dahil sa takot. Sa ilang beses na niyang pagnanakaw sa mga bahay ay tila ngayon lang yata siya kinabahan ng sobra. Hindi na niya alam kung paano siya makakaaalis lalo na't naupo na sa ibabaw ng kama ang lalaki na panay buntong hininga at panay pagbuga na ng hangin dahil sa inis. “I swear, papatayin kita oras na mahuli kita!” Napalunok si Jeziel nang biglang tumayo ang lalaki mula sa pagkakaupo sa kama. “Buti na lang narito ka pa at hindi ka natangay ng magnanakaw, baby... Siguro kung nahuli ako ng dating ay baka nakuha ka na nila mula sa 'kin, at 'yun ang hindi ko papayagang mangyari. Hindi na ako papayag na mawala ka sa akin sa pangalawang pagkakataon. Hinding-hindi na ako makakapayag.” Nakikinig lang si Jeziel sa mga sinasabi ng lalaki. Base sa sinabi nito ay alam niyang nakatingin ang lalaki sa painting na kamukhang-kamukha niya at ito ang kausap nito. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapaisip kung may kakambal ba siya, pero alam naman niya sa sarili niya na wala siyang kapatid ni isa at lalo na ang kakambal. “Nawala ka sa akin dahil sa kapabayaan ko, kung hindi sana kita pinabayaan malamang buhay ka pa at kapiling ko.” Ramdam niya ang hinanakit sa boses ng lalaki. So ibig sabihin ay patay na pala ang babae sa painting. Hindi mapigilan ni Jeziel ang mapairap habang nakahiga sa ilalim ng kama. 'Pinabayaan mo pala kaya namatay, gago ka pala!' Agad na nanlaki ang mga mata ni Jeziel nang biglang nahulog ang cellphone ng lalaki, at sa kasamaang palad ay tamalsik sa ilalim ng kama kung saan siya nagtatago. Pakiramdam niya ay biglang pinagpawisan ang kanyang mga palad sa kaba. Panay rin ang paglunok niya lalo na nang makita ang unti-unting pag-upo ng lalaki para pulutin ang cellphone na nahulog. Sguradong mahuhuli siya nito oras na sumilip ito sa ilalim ng kama! Damn it, Sherra! Nasaan ka na ba? Please help me! f**k! Ayan na makikita na niya ako! Sunod-sunod na napalunok si Jeziel habang pinagmamasdan ang galaw ng mga paa ng lalaki. No! Hindi puwede! Huwag kang sisilip! Huwag! Parang siyang nakahinga ng maluwang nang biglang tumunog ang doorbell. Kaya imbes na pulutin ng lalaki ang cellphone ay naglakad na lang ito palabas para puntahan ang taong nag-doorbell. Malakas na napabuga ng hangin si Jeziel at sandaling napahawak sa sariling dibdib bago nagmamadaling lumabas sa ilalim ng kama. Sa muling pagkakataon ay muli siyang napatitig sa nakasabit na painting bago umalis sa loob ng kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD