May kanya- kanya Silang dalang mga bag na may lamang mga pagkaing de latas, mga sari-saring biscuit at tubig.May mga Sandata din Silang inihanda sa kanilang paglusob sa Hide out ng mga aswang.
Sa bag ni Alexander ay may Dalawang baril itong dinala at mga bala at Kay Kaloy Naman ay Matalim na Espada na bigay ni Mang Ronny. Kay Mang pedong Naman ay Matalim at mahabang itak. Kay Gandara Naman ay Hunting knife, Ang kuwentas, at Ang kanyang sekreto at nag-iisang kakayahan sa agimat ng kanyang kuwentas-bukod sa pagiging manghuhula na ipinamana sa kanya ng yumaong Lola niya ay may isa din siyang iniingatan sa kanyang kuwentas na pwedi niyang gagamitin sa panahon ng kanyang kagipitan.
At Kay Anastasia Naman ay mga bawang,asin at Matalim na sanggot.
Ang mga pamayanang dinaanan nila ay parehong walang mga tao at tahimik..
"Oh,bakit walang mga tao? Diba nang dumaan Tayo dito Gandara ay may mga taong nakatingin lahat sa atin..Sabi mo nga sa akin ay lahat Sila mga ASWANG.. pero ngayon parang sarado lahat Ang mga Bahay nila.. at walang tao ." Nagtakang Tanong ni kaloy Kay Gandara.
"Dahil lahat Sila ay nandoon na sa hide out..para sa gagawing party nila ngayong alas dose ng Gabi at Hanggang bukas pa ng Gabi Ang pagpaparty nila kaloy.." Sagot ni Gandara.
"Kawawa Naman Ang mga pamilya natin Manong Pedong,pareng kaloy..nagkakaisa na silang lahat sa hide out nila upang kakatayin na Ang mga Bihag nila..Salamat Sayo Gandara at tinulongan mo kami at naging guide kapa namin papuntang hide out ng mga aswang na Yan!" Sabad ni Alexander.
"Pamilya na sa akin sina Kaloy dahil tinanggap nila at pinatuloy Ako kaya Hindi pweding Manahimik nalang din Ako at Hindi ko kayo tutulongan..mga kaibigan ko na rin kayo.pagdarasal at tiwala lang sa panginoon at sa ating mga sariling kakayahan upang mabawi natin Ang mga pamilya niyong tinangay ng mga aswang .." Tugon ni Gandara.
"Salamat Sayo Gandara.." Sabi Naman ni Mang Pedong.
"Nakaka touch Naman Ang kabutihan mo Gandara.." Sabi Naman ni Anastasia.
Habang naglalakbay Sila ay maingay Naman Silang nag- uusap at nakatanaw sa magandang tanawin sa paligid.malapad at mahaba Ang daang tinatahak nila at napapaligiran ito ng malilit at malaking kabundukan.bago Sila makarating sa kanilang pupuntahan ay dadaan pa Sila sa dalawang mataas na bundok.
"Nakita niyo ba Ang nagkukulay blue na ikalawang malaking bundok na iyan? Nandiyan Ang hide out ng mga aswang!" Turo ni Gandara sa ikalawang malaking bundok.
Kapwa Naman napanganga Ang lahat nang Makita ang nagkukulay sul pang bundok dahil sa layo nito.
"Ano!? Ang layo naman. mga ilang Oras pa ang lalakarin natin bago makarating sa hide out na Yan??" Tanong naman ni kaloy.
"Tantiya ko'y nasa Anim na Oras .." Sagot ni Gandara.
Muling namangha Ang lahat sa kanyang sinabi.
"Ano!? Mabuti nalang at may mga baon at may dalang mga damit Tayo, paano kung aabutan Tayo ng ulan?" Nanlaki Ang butas ng ilong na wika ni Anastasia.
"Ang Ganda- ganda ng tanawin dito Gandara.. napakasayang ng Lugar na ito na puro- puro aswang Ang mga taonh nakatira. At sana darating pa Ang Araw na maging peaceful Angu lugar na ito..." Sabi pa ni Alexander.
Hindi Sila nagsasawang tingnan Ang mga nadadaanang malawak na kapatagan na may mga malilit at malalaking mga bundok sa unahan,Meron ding malalawak at hagdan- hagdang palayan Silang matatanaw sa di kalayuan.
Sa kabilang kanan Naman nila ay may Isang malawak na ilog na may malakas at maiingay na lagaslas ng tubig Mula sa malaking Talon sa ibabaw ng Isang malaking bundok! mala Kristal Ang tubig nito at parang Kay sarap maligo roon..
"Hindi ba Tayo magpapahinga?" Tanong ni Anastasia.
"Saka na Tayo magpahinga, kailangang sisikapin nating makarating malapit sa Hide out nila ng alas tres ng hapon o di kaya'y alas kuwarto ng hapon dahil magpaplano pa Tayo kung paano natin mailigtas Ang mga pamilya niyong kinuha ng mga aswang.." Tugon ni Gandara.
"Oo nga Anastasia, sana Hindi kana lang sumama .." Sabi Naman ni kaloy.
"Nagsisimula kana Naman kaloy..hmmmp Ako na Naman Ang pag- iinitan mo diyan." Sagot ni Anastasia.
"Sshhh.. kailangang tahimik Ang paglalakbay natin..Hindi natin alam na may makarinig sa mga boses natin sa malayo, alam niyo Kasi kapag ganitong bundok ay nag-e echo Ang mga boses ng tao at pwedi itong makarating sa malayo.." Saad din ni Alexander.
"Tama ka Xander, kaya dapat tahimik nga tayo.." Salo din ni Mang Pedong.
"May Punto kayo Alexander, magpapahinga lang Tayo kapag kakain na Tayo sa ating mga baong pananghalian.." Saad din ni Gandara ulit.
Tahimik nga Sila at patuloy sa paglalakbay Hanggang sa nakikita nila sa unahan Ang Maraming kakahoyang dadaanan nila.Malapad at sementado Naman Ang daang tinatahak nila ngunit dumating Sila sa area ng Maraming kakahoyan o kagubatan. Sa gitna ng kakahoyang gubat na ito ay Doon patungo Ang malapad at Mahabang daang tinatahak nila..
"Grabe Naman.. ang ganda. ngayon pa Ako nakakakita ng malapad at sementadong daan sa gitna ng gubat.." di na pigilang wika ni kaloy.
"Maging Ako din kaloy, ngayon lang Ako nakaka experience na maglakbay ng malapad at Mahabang sementadong daan sa gitna ng gubat.." Sabi din ni Alexander.
"Pero nakakatakot kaya Ang gubat na ito..paano kung may mga nakakubling aswang rito? " Saad din ni Anastasia.
"Kaya nga dapat lagi tayong nakahanda. Grabe Naman Ang gobyerno.. Hindi Naman talaga magagamit Ang sementadong daan na ito dahil bihira lang ang mga taong dadaan rito.ano kayang nakakain at nag- aksaya Sila ng malaking halaga upang lagyan ng mahaba at malapad na sementadong daan sa gitna ng gubat na ito.?." nagsasalita na ring Saad ni Mang Pedong.
"Ayon sa mga naririnig ko Mang Pedong ..Hindi gobyerno Ang nagpapasemento at naglalagay ng malapad na daan dito sa gitna ng gubat.kundi Ang mga dayuhang mayaman na gumawa ng illlegal logging sa gubat na ito. Ilang taon na Ang nakalipas..kita niyo namang luma na Ang sementadong daan kaya lang nanatiling matibay ito dahil bihira lang itong madadaanan ng mga tao at mga sasakyan. Sinadya nila itong lagyan ng kalsada upang madaling makapasok ang mga malalaking trucking na paglagyan nila sa kanilang mga troso at mga gintong na treasure nila noon dito..ilang tolenadas na gintong bareta Ang nakuha nila sa kuweba dito sa loob ng gubat..at natigil lamang iyon nang magsimulang may ilang nabiktima sa kanila ng aswang rito.." Mahabang salaysay ni Gandara.
"Ano??" Halos sambit pa ng lahat.
"Oo Mang Pedong.." Ani Gandara.
"Kaya Pala.." Ani Mang Pedong.
"Saan kaya Ang hangganan ng daang ito??" Tanong din ni Alexander.
"Hanggang sa likod ng unang bundok na pupuntahan natin bago Ang ikalawang bundok kung saan Ang hide out ng mga aswang.." Sagot ni Gandara.
"Ay Ang haba Pala ng sementadong daan na ito.." Sabad din ni kaloy.
"Anong Oras na ba??" Tanong ni Anastasia.
Tiningnan naman ni Alexander Ang relong pambisig.
"Alas dose y media na.." Sagot ni Alexander.
"Kaya Pala gutom na Ako.." si Anastasia.
"Kumain Muna Tayo kung ganoon.hinto Muna Tayo sa paglakbay..at Kumain.." wika ni Gandara.
Sumang- ayon Naman Ang lahat at huminto nga Muna Sila sa tabi ng sementadong daan at Kumain.
Pagkatapos nilang Kumain ay ipinagpapatuloy na nila Ang kanilang paglalakbay.mga alas dos Sila nakarating sa likod ng unang malaking bundok bago Ang ikalawang bundok na kanilang target at Hanggang doon nga talaga Ang hangganan ng sementadong daang tinatahak nila.
Pinagmasdan nila Ang paligid.marami paring mga punong kahoy at may mga mayayabong na ring mga halamang damo sa paligid.tumingala Sila sa ikalawang bundok na aakyatin nila.
"Kinakabahan na Ako Gandara eh, nandiyan na ba sa ibabaw ng bundok na yan Ang hide out ng mga aswang..? Ano kayang mangyari sa atin Hindi kaya ma adobo Tayo mga aswang ??" Tanong ni kaloy.
"Ikaw lang ang kinakabahan, Ako din kaya.." Saad din ni Anastasia.
"Nasa ibabaw na ba Ang hide out nila gandara?." Segundang Tanong ni Mang Pedong.
"Oo Mang Pedong.." Sagot ni Gandara.
Kapwa nanlaki ang mga mata Nina Alexander,kaloy, Anastasia at ni Mang Pedong.
"Kung ganoon,malapit na Pala Tayo.." Sabi din ni Alexander.
"Magpahinga Muna Tayo dito ng dalawang Oras bago aakyat sa bundok na Yan para babalik Ang mga lakas natin pag makakapagpahinga..at diyan Tayo titigil sa gitna ng bundok at kapag malapit na talaga Tayo sa tuktok ay unti unting gagapang nalang Tayo..at sisilipin Muna natin Ang kanilang Hide out para makakapagplano Tayo sa susunod nating mga hakbang.." Mahinang sabi ni Gandara
"Oh Sige magpahinga Muna Tayo.." halos sabay Sagot ng lahat.
Habang nagpapahinga Muna Sila sa ilalim ng punong kahoy ay nakaramdam si Anastasia na parang maiihi na Siya.
"Gandara,diyan na Muna kayo ha,.maiihi na talaga Ako.." paalam ni Anastasia.
"Oh Sige,huwag kang masyadong lumayo Anastasia,.tandaan mo malapit na Tayo sa hide out ng mga aswang.." Sabi pa ni Gandara.
"Marunong din palang umihi itong si Anastasia Akala ko ay Hindi,parang taga ibang planeta Kasi ito eh.." napabungisngis na wika ni kaloy.
"Tumigil ka kaloy,.baka mapipikon Ako Sayo at ipapakain kita sa mga aswang.." Inis na Sagot ni Anastasia.