"Oh my god. Anong gagawin natin ngayon?? Kailangang makatakas Tayo bago Ang alas dose ng Gabi.." Kinakabahang Turan ni Mang Lauro.
"Oo nga sir, maghanap tayo ng paraan upang makatakas rito.. Yung babaeng Kasama namin rito ay nilapa na Siya ng mga-aswang. kawawa talaga Ang sinapit niya.." Tugon Naman ni aling Ester.
"Babae..?? god, Baka Siya ang anak ni pareng Ronny na pinsan ni Anastasia.." manghang tugon din ni Mang Lauro.
Natigil pa Ang pag- uusap nila nang may biglang bumukas sa pintuan.
Namangha si Mang Lauro nang Makita kung sino ang bumukas sa pintuan!
"Mahal kong Lauro. handa kana ba??" Wika pa ni aling lolita. ito Ang pumasok sa kuwarto ng mga Bihag!
"Lolita?? Ikaw !?" Gulat na sambit ni Mang Lauro.
"Bakit ka nagulat mahal ko? Ikaw Naman Kasi, kung Hindi mo sana Ako nilayasan at kung minahal mo lang sana Ako sa kabila ng katotohanang nalalaman mong mga aswang kami .. ay Hindi ka sana malalapa ngayong Gabi.." malapad ang mga ngising Saad ni aling lolita.
"Mga kampon kayo ni Satanas!! Kahit kailan ay Hindi ko pinangarap na Isang kampon ng kadiliman ang aKing mapapangasawa!! Tandaan mo yan!" Galit na galit na Singhal ni Mang Lauro.
"Hahahaha!!! Masyado namang mainit Ang ulo mo mahal kong Lauro. hindi man malapa ngayong Gabing kabilogan ng buwan Ang anak mong si Alexander ay sisiguraduhin naming mapupunta din Siya sa mga Kamay namin at pagkatapos ay lalapain din namin ang anak mo! Hahahaha,!!" Muling malakas na halakhak ni aling lolita.
"Mga hayop kayo !! Mga alagad ng kadiliman!" Muling sigaw ni Mang Lauro.
Umaga pa at muling nagpupulong Ang mga ASWANG. naroon sina aling lolita at wenona pero ang kambal ay nandoon lamang sa Bahay Nina Alexander at binilinan nila Ang mga ito na kapag hapon na ay isara agad ng mga ito Ang lahat lahat. Baka may mga ka lahi pa nilang aswang Ang maghahanap ng mabibiktima at mabiktima Ang kambal. Nasa malayong hide out Sila ngayon.
Kinikilabutan sina Mang Lauro nang sumilip sila sa maliit na butas. Napakaraming aswang Ang nagpupulong sa labas!
"May Anim na Tayong bihag, dalawang babae, dalawang lalaki, isang dalagita, at Isang bata.. kaya okay na sigurong ihanda at kakatayin natin ngayong alas dose ng Gabi Ang mga Bihag natin. Hindi ba ito kukulangin sa sobrang dami natin?!" Tanong ng matandang si Lolo Waldo.
"Tay, kulang parin ang Anim na yan.. kaya ngayong gabi sa kabilogan ng buwan ay dapat magtiyaga pa Ang iba sa pangangaswang nila para madagdagan ang kakatayin natin mamayang alas dose ng gabi.." Sagot ng Kapatid ni aling lolita na si Landa.
"Oo nga Naman Mang waldo! Kulang ang Anim na Yan! Diba may mga bisita pa tayong darating mula sa ibang Lugar? Ngayong mga alas otso ng Gabi ay darating Ang mga bisitang mga ASWANG mula sa ibang Lugar! Baka mapahiya po tayong lahat na Anim lang ang maihahanda natin!" Tugon Naman ng Isang matandang babaeng aswang.
"Tama.. Tama!!" Sigaw Naman ng mga aswang para sa pagsasang- ayon.
"Tay, may mga bisita Pala Tayong mga-aswang. ngayong Gabi Sila darating.. at baka nga mapapahiya tayo. Darating Pala ang Isang Donyang aswang ngayong Gabi at Ang ibang mga aswang. baka kukulangin nga Ang Anim na bihag na yan.." Sabi na rin ni Aling lolita.
"Oh Sige! Sige! Dapat madadagdagan natin Ang ihahanda natin. Masaya to, hahaha.." Halakhak pa ng isang matandang si Lolo Waldo.
Samantalang sina Gandara, Alexander at sina kaloy ay nagpupulong din kung paano Sila lulusob sa Poder ng mga aswang upang maligtas nila Ang mga kinuha ng aswang. Ipinagdarasal nilang Wala pa Isa sa mga nakuha ng aswang Ang nakatay ng mga ito.
"Sasamahan ko kayo Alexander, Gandara, Kaloy!! Sino pa bang magtutulongan kundi tayong lahat??" Nakapamaywang pang wika ni Anastasia.
"Salamat Sayo Anastasia.." Tugon ni Gandara rito.
"Kailangang magdala Tayo ng mga pangontra ng mga aswang.."Saad din ni kaloy.
"Magdala Tayo ng mga pagkain, damit at gamit dahil Hindi natin alam Ang takbo ng mga lakad natin.." Sabi ulit ni Gandara.
"Sana mailigtas niyo Ang pinsan mo Anastasia at itong si Marla ay Iwan niyo nalang sa amin. Hindi namin Siya pabayaan. maglagay na rin kami ng mga pangontra sa aswang ngayong Gabi sa mga bintana at pintuan upang Hindi na maulit ang nangyari Kay Pareng Lauro.." Saad Naman ni aling Marga.
"Salamat po aling Marga.." Sabi ni Gandara dito.
"Anong Oras Tayo Aalis??" Tanong ni Mang Pedong.
"Mamayang Alas diyes ng Umaga. hahanapin pa Kasi natin kung saang liblib sa baryong ito dinala ng mga aswang Ang mga nakuha nila. kaya mas mabuti nang maaga pa tayo dahil maghahanap pa tayo.." Sagot ni Gandara.
"Hindi pa nga, kinabahan na Ako nito.." Sabad ulit ni Anastasia.
"Mag- iingat kayo Anastasia.." Sabi Naman ng tito nitong si Mang Ronny.
Hindi Naman Kasi ito pweding sumama sa kanila dahil mahina ito dahil kagagaling palang nitong nagkakasakit
"Pero, Alexander bago Tayo aalis ay samahan niyo Muna Ako ni kaloy.. pupunta tayo sa Bahay niyo. At gusto Kong makakausap Ang kambal.." Ani Gandara.
"Pero baka Makita Tayo Nina tita lolita at Wenona.
Baka nasa Bahay Sila.." Ani Alexander.
"Huwag kang mag- alala. Malalaman ko namang nandiyan Sila dahil sa kuwentas ko. kapag iinit Ang kuwentas ko ay ibig Sabihin nariyan Sila. Kaya Hindi Tayo mapapahamak.." Ani Gandara.
"Oh Sige samahan natin si Gandara.." baling ni Alexander Kay kaloy.
Mabilis Naman Silang nagtungo sa Bahay nina Alexander kung saan naroon lagi Ang kambal. nang papalapit na silang tatlo ay nakiramdam si Gandara sa kanyang kuwentas.
"Ano, Gandara?? Uminit ba Ang iyong kuwentas? Dapat maging handa Tayo upang Wala ng matangay isa sa atin sa mga aswang." Tanong at wika ni Alexander.
"Sabihin mo lang Gandara kung uminit para takbo Tayo agad.." Saad Naman ni kaloy.
"Hindi Xander, Wala Ang sinasabi mong mag- Ina sa Bahay niyo,." Tugon ni Gandara.
Kapwa pa Sila natuwa nang lumabas Ang Isang kambal sa Bahay Nina Alexander. Walang pag-alinlangang nilapitan agad ito ni Gandara habang sina kaloy at Alexander ay nakakubli lamang sa mga mayayabong na halaman ng bakuran at nagbabantay sa paligid.
"Ding!" Tawag ni Gandara sa pag- aakalang Ang nagngangalang si Ding ang lumabas ngunit Hindi si Ding ito kundi Si Ging ang lumabas.
Nabigla pa si Ging nang Isang napakagandang babae Ang kanyang nalingunan na tumawag sa kanyang 'Ding'. Lumapit ito sa kanya. Natigil lamang si Ging.
"Sino po kayo? Hindi po Ako si Ding Ako si Ging. Ang kanyang kambal.." Nakangiting wika ni Ging Kay Gandara.
"S-sorry.. pwedi ko ba kayong makakausap? Kung maaari tawagin mo sa loob si Ding.." Pakiusap ni Gandara.
"S- Sige po sandali.." Tugon ni Ging at pumasok muli sa loob.
Di nagtagal ay lumabas Ang kambal at kapwa nakatingin Ang mga ito sa kanya.
"Hindi na Ako magpaliguy- ligoy pa. Matagal ko na kayong hinahanap Ging, Ding.. ako ang ate Gandara niyo. inampon lang kayo ng mga kinilala niyong pamilya ngayon. Hindi kayo tunay na anak ng kinilala niyong magulang. maniwala kayo sa akin.. Kapatid niyo Ako.." pagmamadaling sabi ni Gandara.
"Ano?? Bago ka pa nga naming nakikita tapos yan na Ang sasabihin mo sa amin? Nagsasayang ka lang ng Oras mo. dahil Hindi po kami Basta- Basta naniniwala Lalo na sa mga stranger na katulad mo.." Galit na sagot ni Ging.
"Maniwala kayo please.. Kapatid niyo Ako ate niyo Ako.." umiiyak na Sabi ni Gandara.
"Ging.. para ngang kahawig natin Siya. At nakigkikita na kami sa Bahay ng kaibigan ni kuya Alexander na si kuya kaloy.." Pansin at wika Naman ni Ding.
"Nasisiraan kana ba?? Naniniwala ka agad sa kanya??" Galit na baling ni Ging Kay Ding.
At Walang salitang tinalikuran ng kambal si Gandara ayaw pa sana ni Ding ngunit pagalit itong hinila ni Ging.
BIGO si Gandara sa pagpapakilala niya sa kanyang kambal na kapatid. kaya malungkot na umuwi na Sila. Nakadama Naman ng pagkaawa si Alexander at kaloy Kay Gandara.
Pagsapit ng Alas diyes ng Umaga ay nakahanda na sina Gandara, Alexander,kaloy, Anastasia at si Mang Pedong sa kanilang mission- Ang Hanapin kung saan dinala at binihag ng mga aswang sa liblib sa baryong iyon. Ngunit naisip ni Gandara Ang Isang bagay upang di Sila mahihirapan pang maghanap at kung Buhay pa ba kaya Ang mga binihag ng mga aswang.
Bago Sila aalis ay Ginamit Muna ni Gandara Ang ibang taktika sa panghuhula. Nagsindi Siya ng Isang kandilang puti at nilagyan ng tubig Ang maliit na palanggana. Sa gitna ng palanggana ay nilagyan niya ng Isang mabigat na bato at ipinatong roon Ang kandilang puti. Habang umusal at pumikit si Gandara ay nasa harap Naman niya ang palangganang may tubig, baso at kandila. Ilang patak na ng kandilang natutunaw na bumagsak sa tubig kaya muling iminulat na niya ang kanyang mga mata. Sa mga patak ng kandila sa tubig ay nagflash at nakasaad roon Ang sitwasyon ng mga binihag ng mga aswang at nababasa niya ang mga binalak ng mga aswang!
Biglang nagulat at namutla si Gandara.
"Alexander, kaloy, Mang Pedong, kailangang Hindi pa sasapit Ang alas dose ng Gabi ay mailigtas na natin sila. Buhay Ang nanay at mga kapatid mo kaloy, at nakikita Kong Buhay din ang mga magulang ni Marla, sina aling Ester at pati na Ang daddy mo Xander, yun lang Ang nakita Kong mga Bihag ng mga aswang. At Isang malayong hide out ng mga aswang Ang dinalhan sa kanila! At nababasa Kong Magpa-party Sila ngayong alas dose sa nasabing hide out nila at Hanggang bukas Ang pagsasaya nila! kaya kakatayin na nila ngayong alas dose ng Gabi Ang mga Bihag!! Kaya bilisan natin ! Hindi na Tayo mag- aksaya pa ng panahon. dahil nasa ikalawang bundok pa Ang hide out ng mga aswang! Malayo pa ito!" Wika ni Gandara sa lahat.
Kapwa Naman nanlaki Ang mga mata ng lahat.
"Kung ganoon.. sige na aalis na tayo!" Tugon Naman ni Alexander at Mang pedong.
"Si Sally kaya, ang pinsan ko. Hindi mo ba nakikita kung Buhay pa ba Siya Gandara?" Tanong ni Anastasia.
"Hindi ko Siya nakikita sa tubig. sana nga lang at Buhay pa ang pinsan mo Anastasia.." Ani Gandara.
At Hindi na Sila nag aksaya pa ng panahon nagsimula na silang maglakbay sa kanilang puntiryang pupuntahan!!