YUGTO 26

1178 Words
Dumistansya nga si Anastasia sa kanila para maghanap ng area na maiihian.ngunit natigil si Anastasia nang may naririnig siyang mga nag- uusap sa ibaba ng kanyang kinalalagyan, medyo nasa itaas Kasi Siya ng parte ng lupa dahil may mga makakapal na damuhan roon at pwedi siyang kukubli at iihi. sinilip niya kung sino ang mga nag- uusap nanlaki ang kanyang mga mata sa nakikita! Isang dalagang tantiya niya'y nasa edad na disi otso Pa lamang at Isang binatang nasa twenty one Ang edad. napakrus si Anastasia sa sarili nang makitang may ginawang melagro Ang mga ito! "Jusko..mga anghel sa langit.nagpunta lang ang mga ito sa Lugar na ito upang mapagsolo Sila at gagawin Ang Hindi dapat??Hindi ba alam ng mga batang ito na may mga aswang rito? At malapit na dito Ang hide out ng mga aswang ??" Mulagat ang mga matang wika ni Anastasia sa sarili at patuloy na sinisilip Ang dalawang magkasintahan sa ibaba habang may ginawang Hindi maganda. "Sandali babe,may tumawag sa cellphone ko.." narinig pa ni Anastasia na Sabi ng babae. "Sige sagutin mo bilis,disturbo Naman Ang cellphone na Yan.." wika pa ng lalaki. Napalunok pa ng laway si Anastasia at nanginginig ang mga labi sa nakikita. "Hello Mommy..?? Nandito po kami ng best friend ko at ng pinsan sa Bundok ng baryo manara..Ang Ganda dito ehh mayang 5:00 pm pa kami uuwi,Ang layo Pala dito! Pero may motor single Naman kaming dala mommy.." pagsisinungaling pa ng babae sa Ina nito na kaibigan at pinsan daw niya Ang Kasama nito yun pala'y Ang nobyo Ang Kasama nito. saglit pa itong nakinig sa kausap na Ina at kitang kita ni Anastasia Ang biglang paglaki ng mga mata nitong gulat na gulat. "Ano ho!?? M- Maraming aswang sa Lugar na ito mommy..??" Sabi pa ng babaeng dalaga. "Sige ho! Uuwi na po kami agad mommy! Naku,Ang layo pa Naman dito!" Sabi nitong pinatay agad ang tawag. "Babe,umalis na Tayo ngayon din ! May mga aswang daw Kasi sa Lugar na ito!" Namumutlang sambit ng dalagang naka underwear at nagmamadaling isuot sana nito ang damit ngunit pinigilan ito ng lalaki. "Sandali lang,tatapusin Muna natin ito! Bago Tayo aalis! Hindi Naman siguro Tayo agad makikita dito ng mga aswang ahh.." malambing pang Sabi ng lalaki. At si Anastasia ay patuloy na sumisilip sa ibabaw sa likod ng mga nakaharang na mga dahon at humihingal sa Galit dahil sa pagsisinungaling ng babae sa Ina nito na pinsan at best friend nito ang Kasama. "Grabe na talaga Ang generation ng kabataan ngayon,napakasinungaling! Basta- Basta nalang titikman ng Wala sa tama Ang Luto ng pag- ibig .." Galit pang usal ni Anastasia sa sarili . Kaya di na napansin pa ni anastasia na sa kanyang kakasilip ay Wala na Siya sa mga damuhan! At dahil sa tagtuyot at sa uri ng lupang mapipino at madulas kung tapakan ay biglang dumausdos si Anastasia Mula sa ibabaw at bumulusok pabagsak sa Mismong harapan kung saan naghahalikan at nagromansa Ang dalawang magkasintahan! "Ahh!!" Napasigaw at gulat pang sambit ni Anastasia na patihayang bumagsak sa harap ng magkasintahan! Kapwa nagulat din Ang Dalawa at naghiwalay kaagad Ang mga ito.Nang Makita nila Ang Mukha ni Anastasia ay sabay na napasigaw Ang mga ito sa gulat sa pag- aakalang si Anastasia ay Isang aswang! "Ahhhh! Takbo! Aswang!!!" Sabay na sigaw ng magkasintahan at napatakbong naka underwear lamang Ang magkasintahan. "Hoy..!! Magbihis Muna kayo ! Nakakabuwis*t! Hindi Ako aswang!" Galit pang sigaw ni Anastasia. At sinundan Ang dalawa.namangha pa si Anastasia nang makitang kapwa hinila Ang magkasintahan ng dalawang lalaking may matapang na Mukha at nanlilisik ang mga mapupulang mga mata! "Hindi.mga aswang Yan! " gulat na sambit ni Anastasia at nagulat pa Siya nang Makita din Siya ng Isang lalaking Aswang. Kaya kumaripas ng takbo si Anastasia pabalik sa unahan kina Gandara. "Hekhekhkekhek!" Narinig pa ni Anastasia na hagikhik ng Isang lalaking nakasunod ng tingin sa kanya! Nahahapong dumating sa kinaroroonan Nina Gandara si Anastasia. "Gandara, Alexander,lilipat Tayo ng pahingaan! May dalawang aswang na nakikita ko,mga lalaki Sila! At nakabihag na Naman Sila ng dalawang taong magkasintahan! Kitang kita Kong hila- hila nila Ang mga ito! At nakita Ako ng Isang lalaking Aswang..baka susundan niya Ako at matunton Tayo nila dito!" Nababalisang sumbong ni Anastasia. "Ano!??" Sabay gulat na sambit ng lahat. "Kung ganoon,grabe na talaga ang pagsisikap nila upang makakuha ng mga taong idagdag siguro nilang kakatayin ngayong alas dose ng Gabi! Sige bilisan natin..lilipat Tayo,magtago Muna Tayo upang makakapagpahinga! At makakaipon ng lakas!" Wika Naman ni Gandara. "Hay Buhay,Sige bilisan niyo Tay at pareng Xander!!" Na alarma namang wika ni kaloy. Mabilis namang sumabay agad si Alexander Kay Gandara upang maghanap Sila ng safety munang mapapahingaan at matataguan dahil sa pagod nila mula sa paglalakbay.nakasunod Naman sina kaloy,Mang Pedong at Anastasia.natuwa Naman Sila nang may nakita at natagpuan Silang maliit na kwueba sa gilid ng paanan ng ikalawang bundok na aakyatin nila mamaya kung saan nasa ibabaw nito Ang hide out ng mga aswang. Kapwa Sila nakahinga ng maluwag nang makapasok na Sila sa loob. "Ligtas ba Tayo dito Gandara..?" Tanong ni kaloy. "Oo..Wala akong init na naramdaman sa kuwentas..at magpahinga Muna Tayo dito dahil maya- Maya mga alas kuwarto ay aakyat na Tayo sa ibabaw at muling titigil na Naman Tayo sa gitna.. pagkatapos ay dahan dahan nating sisilipin sa ibabaw ,Ang hide out nila . Kailangang makaipon Tayo ng lakas dahil alam Kong sa gitna palang ng bundok na ito ay mapapalaban na Tayo sa aswang!" "Oh Sige Gandara.at dapat maging matapang tayong lahat upang mailigtas Ang mga Bihag ng mga aswang.." Sagot Naman ni Alexander. Di nagtagal ay napahinto ng kilos si Gandara na parang nakiramdam ito. "Bakit Gandara .?" Halos Tanong ng lahat. "Jusko,naramdaman Kong unti unting umiinit Ang aking kuwentas.." wika ni Gandara. "Nakss,paano Tayo nito makakapagpahinga?" Reklamo pa ni kaloy. "Sssshhhhhh..may paparating.." Ani Gandara "Naku,baka yun Ang aswang na lalaking nakikita ko kanina..baka sinundan niya talaga Ang mga yapak ko.." takot na wika ni Anastasia. "Tama ka Anastasia..Siya nga.." mahinang Sagot ni Gandara. Hinanda Naman agad Nina kaloy,Mang Pedong at Alexander Ang mga sandatang dala nila. "Babae..huwag kanang magtago..alam Kong nasa paligid ka lang ..hekhekhek!!.." Hagikhik muli at Sigaw pa ng lalaking Aswang. Isa- Isang sinilip nila ito mula sa loob na kuwebang kinalalagyan nila.nagulat pa Sila nang Makita ang pagbabagong anyo ng aswang na lalaki.humaba Ang mga tainga nito at pati Mukha. Lumabas Ang mga malalaki at matatalas na mga ngipin pati na Ang mga kuko nito!! Ito Ang uri ng aswang na may kakayahang magpalit ng anyo kahit Wala pa Ang Oras ng Gabi. Nanatili lamang silang lahat na Hindi umimik dahil sa aswang na tiktik na nasa labas na ng kubong tinutuloyan nila. "Makikita lang kita,sisipsipin ko Ang dugo mo,uhaw na uhaw na Ako..at tiyak Kong mabubusog Ako sa mga dugo at lamang loob mo ngayon! Hindi kita dadalhin sa mga kasamahan Kong aswang upang idagdag na panghanda ,kundi kakainin talaga kita ngayon! Huwag mo na akong pahirapan ..magpakita ka.!! Tik !! tik !! tik !!" Ang Sabi pa ng lalaking Aswang na biglang naging tiktik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD