bc

PARAISO NG MGA ASWANG (SPG)

book_age18+
115
FOLLOW
1.4K
READ
HE
small town
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Iba ang tingin ni Alexander sa lahat ng mga babae mula nang inabandona sila ng kanyang ina at sumama ito sa ibang lalaki. Kaya marami na siyang pinangakuan ng kanyang pagmamahal ngunit lahat ay napapako at pinaglaruan lamang niya ang mga babae. Para sa kanya ay pare-pareho lamang ang lahat ng babae-makakati. Hangga't nalipat sila ng tirahan ng kanyang ama sa isang maganda at tila paraisong lugar. Muling nag-asawa ng taga roon ang kanyang ama at meron itong isang morena at magandang anak. Sinusumpong na naman si Alexander sa kanyang pagka playboy at biniktima ang kanyang step sister na si Wenona..Ngunit ang di alam ng binata na halos lahat ay mga ASWANG ang nakatira sa Lugar na iyon ..May biglang dumating na isang babaeng naging dayo din sa paraisong lugar at agad nabalita na isa itong bantugang babaeng nanghuhula ng kapalaran..Gusto ni Alexander at ng kaibigan na magpahula sa sinasabing babaeng naging dayo..KayaNabigla na lamang si Alexander nang makita ang sinasabing babaeng nag propisiya ng mga pangyayaring darating sa buhay ng isang tao!SIYA si Gandara, isang dalagang nanghuhula ng kapalaran! at may kakaibang kagandahang taglay! alam na ni Gandara ang sekreto ng paraisong lugar na iyon ngunit kailangan niyang mamalagi roon para sa Isang mission..

chap-preview
Free preview
YUGTO 1
Nagmamadaling nagtago si Alexander nang makita niyang paparating si Grace. "Dad, nandito si Grace!! sabihin niyong wala po ako! " Nabahalang wika ni Alexander at nagtatago sa loob ng kuwarto nito at malakas na isinara iyon. Nagtatakang naiwan na lamang ang amang si Mang Lauro dahil sa reaksyon ng anak kung bakit natatakot itong paparating ang girlfriend nito. Pagdating ni Grace. "Tito Lauro, nasaan po ang anak niyo? ilang araw na niya akong iniiwasan pagkatapos malaman niyang buntis ako! kailangang panagutan niya ako!" Nakapamaywang na wika ni Grace. "Ano !?buntis ka??" Gulat na tanong ni Mang Lauro. "Oo! buntis po ako at siya ang ama! noong una ay hindi ako naniniwalang isa siyang playboy at manloloko dahil sa mga matatamis niyang salita! pero ngayon naniniwala na talaga ako na totoo pala ang mga sinasabi sa akin ng lahat!" Galit na wika ni Grace. "G-Grace, wala dito ang anak ko. hindi pa siya umuwi mula kanina.." pagsisinungaling ni Mang Lauro. "Kailangan ko siyang makakausap! alam ko pong lilipat na kayo ng tirahan sa isang araw! isa din iyan na hindi sinasabi ng manloloko niyong anak sa akin!!" Patuloy ni Grace. At si Alexander naman ay pinagpapawisan na nagtatago sa loob ng kuwarto nito. Nang nakaalis na si Grace ay lumabas kaagad si Alexander. "Ano na namang kalokohang ginagawa mo alex!!? dalawang buwan mo palang buhat na nakikilala si Grace at ngayon binuntis mo na siya!? bakit laging sakit ng ulo nalang ang ibinigay mo sa akin ha!?" Parang tumataas ang dugong singhal ng ama kay Alexander. "Daddy naman, hindi ko yan kasalanan no, basta isang babaeng easy to get at makakati yun talaga ang mangyari sa kanila, ang mabubuntis." Kampanteng sagot ni Alexander. "Ayusin mo yang ugali mo Alex, lilipat na na tayo sa isang araw ng tirahan at sa bago nating tirahan ay sana huwag mong dadalhin ang ugali mo roon! dapat magbago kana!" Galit na sermon ni Mang Lauro sa anak. "Ang tagal pa ng isang araw Dad, para matakasan ko na si Grace.." nakangising sagot ni Alexander. Inis na iniwan na lamang ni Mang Lauro ang anak. Noong bata pa kasi si Alexander ay iniwan siya ng kanyang ina at sumama ito sa ibang lalaki. Flashback sa nakaraan: "Mommy!! huwag niyo po akong iiwan!!" Umiiyak na pagsisigaw ni Alexander nang makitang dala-dala na nito ang malaking bag. Tumakbong napayakap ang walong taong gulang na si Alexander sa kanyang Ina at umiiyak ng malakas. "Mommy!! huwag ka pong aalis!! huwag mo kaming iiwan ni Daddy!!" Anang bata habang mahigpit na napayakap sa ina nito. "Ano ba!! Lint*k na batang to!! hoy lauro, kunin mo itong anak mo! ang kukulit!" Wika pa ni Sandra at pilit na hinuklas ni Sandra ang mga malilit na braso ng anak na nakapulupot sa kanya. Mas Lalong napaiyak si Alexander nang galit na hinuklas ng kanyang ina ang kanyang mga braso at itinulak siya patungo sa kanyang ama. Niyakap at hinawakan naman ni Lauro ang anak na pilit na nagpupumiglas upang makawala at muling hahabulin ang kanyang ina. "Mommy!!" "Anak, hayaan mo na ang mommy mo. Mas mahalaga pa sa kanya ang kabit niya kaysa sa atin. Nandito naman ang Daddy, hindi kita pababayaan anak.." Lumuluhang wika ni Lauro sa anak at pinatatahan ito. End flashback. Kaya lumalaki si Alexander na may kimkim na galit sa sariling ina at iba rin ang tingin nito sa mga babae habang ito ay lumalaki at nagkakaisip. Nasa bente siyete anyos na lang si Alexander at di na talaga sila binalikan pa ng kanyang ina. Kaya galit na galit siya sa kanyang ina kaya para sa kanya ay halos lahat ng babae ay katulad lamang sa kanyang rito. At balak ngayon ng mag-ama na sila'y lilipat ng lugar. May nabili kasi silang lupa sa lugar ng Don Salvador Benedicto. Ang Don Salvador ay may malawak na bulubundukin at isang napakagandang lugar. At may isang baryo sa lugar na ito na napapaligiran ng kabundukan at tila paraiso ang ganda ng tanawin ng baryo na ito. Muling may nakilala kasi na babae si Mang Lauro na naging ka relasyon nito at ang babae na ito ay taga doon nakatira sa tila paraisong baryo na ito- ito ay tinatawag na baryo Manara. Isang beses na nakapunta si Lauro sa nasabing Lugar at sobrang nagugustuhan ni Lauro doon dahil bukod sa napakaganda ng tanawin, tahimik at payapa ang lugar ay mababait pa ang mga taong nakatira doon. Kaya nagpasya si Mang Lauro na ibenta ang lupa at bahay nila at lilipat sa baryo Manara na nasasakupan ng lugar ng Don Salvador Benedicto. Lahat ginagawa ni Alexander upang di lamang siya makikita ni Grace kaya dumating nalang ang Araw ng kanilang paglipat ay talagang hindi ito nakakita sa kanya at tuloyan nang nilayasan si Grace. May kaya sina Alexander sa buhay. Di sila mayaman ngunit di rin naman sila mahirap. Habang bumabyahe na sila papuntang Don Salvador ay nakahinga ng maluwag ang binata. "Hay salamat, tapos na talaga ang problema ko kay Grace.." Ani Alexander. "Ako ang natatakot sa mga ginagawa mo Alex, hindi kaba nakokonsensya sa ginagawa mo kay Grace? ang dami mo nang niloloko na babae, mabuti nga at dalawang babae lang ang nabuntisan mo yung iba ay hindi. Makokonsensya ka naman, baka kakarmahin ka sa mga ginagawa mong 'yan.." Muling panenermon ni Mang Lauro sa anak. "Daddy, galit ako sa mga babaeng easy to get! ayusin mo na nila ang sarili nila huwag silang lumandi upang di ko sila mabibiktima, kasalanan nila yan ehh. Para lang silang asawa mo dati, malanding babae!" Sagot ni Alexander na ang tinutukoy nito ay ang sariling ina. Mula nang iniwan sila nito at sumama sa ibang lalaki ay hinding-hindi na sila binalikan nito. Natahimik si Lauro sa sagot ng anak. Bago sila nagpasyang mag-ama na lumipat sa kugar kung saan may nabiling lupa ay pinatatapos muna nilang ipagawa doon ang bagong bahay nila. Kaya excited na si Alexander sa bagong tirahan, bagong tahanan, bagong mga kapit-bahay at siyempre sa mga bagong chicks na makakasalamuha roon. Napangisi nalang ang binata at napansin iyon ng ama. "Alex.." "Bakit dad?" "Gusto kong huwag mong dalhin ang ugali mo roon sa bagong tirahan natin! huwag mo akong ipahiya roon anak, puro mababait ang mga tao roon. Maliwanag ba??" Ani Lauro. Natigilan ang binata at hindi sumagot ngunit lihim na napangiti. Nakarating nga sila sa lugar ng Don Salvador at ang baryo manara ay malayong malayo pa pala ito mula sa siyudad. Totoo ngang sobrang ganda ang lugar na ito at kung gaano ka ganda ang siyudad ay mas lalong maganda pa rito ang baryo manara. Namangha si Alexander sa ganda ng view ng baryo na bagong tirahan nila ng kanyang ama at medyo malaki din pala ang bahay na pinagawa ng Daddy Lauro niya sa lupang nabili nila roon. Sa ilang araw na pamamalagi ng mag- ama sa baryo manara ay wala silang masasabi dahil puro mababait nga talaga ang mga tao roon. Hindi Naman dikit-dikit ang mga bahay ng baryo manara kundi may ilang metros din ang distansya sa bawat mga bahay roon kaya tahimik at talagang mapayapa ang lugar ng baryo na ito. Sari-saring mga alagang hayop ang makikita sa malaking bakante roon. At may malaki at mahabang ilog na dumadaloy mula sa paanan ng mga bundok sa unahan. Isang araw ay ipinakilala ni Mang Lauro sa anak ang babaeng ipapalit nito sa inang nangabit. Nabigla pa ang binata nang makita ang babaeng gusto ng ama na mapapangasawa nito sa ikalawang pagkakataon. Medyo mataba itong babae at matangkad ngunit maganda naman at may kayumangging balat. "Lolita, ito ang aking nag-iisa at minamahal na anak na si Alexander. Anak, siya si tita lolita mo, ang sinasabi ko sa'yong magiging pangalawa mong ina.." Pakilala ni Lauro sa anak sa babaeng i-live- in nito. Si aling lolita ay residente sa baryo manara mula pagkabata hangga't sa tumanda ito. "M-magandang araw po tita Lolita.." Bati ni Alexander rito. Napangiti si aling lolita. "Magandang araw din sa'yo ayo iho.." Sagot naman nito. At makikita talaga sa hitsura nito ang kabaitang taglay kaya hindi na tumanggi pa si Alex na ito ang ipapalit ng ama sa kanyang walang kuwentang ina. "Alam ba ng anak mo Lauro na may mga anak ako? " Tanong ni lolita kay Lauro na napatingin kay Alexander. "Ahh, yes, alam naman ni Alexander mahal, na may mga anak ka." Sagot ni Lauro. "Isang babae at kambal na lalaki ang aking mga anak iho at matagal ng patay ang kanilang ama.." Wika ni aling Lolita kay Alexander . "Ahh, ganoon po ba? wala pong problema sa akin tita.." Sagot naman ng binata. Dinala ni aling lolita ang kanyang mga anak sa bahay ng mag-amang Alexander at Lauro dahil gusto na talaga ni Lauro na makipag live- in na kay Lolita. Nasorpresa pa si Alexander nang makita ang maganda at morenang dalagang anak ni aling lolita. At ang kambal na anak nitong lalaki. Nagtaka pa si Alexander kung bakit maputi ang kambal na lalaki at sina aling lolita at ang dalagang anak nitong nagngangalang Wenona ay morena. Pero nagpapasalamat nalang din si Alexander na kapwa mababait din ang mga anak ni aling lolita. Isang umaga ay nagpapahangin ang binata sa labas ng bakuran ng kanilang bahay, hangga't napadaan ang isang lalaking mukhang kaedad lamang niya. Nakita niyang mahirap lang siguro ito dahil sa mga suot nitong punit-punit na t-shirt. "Pare, bago lang ba kayong lipat dito?" Tanong pa nito sa kanya. "Ay oo, mag-iisang buwan pa lamang kami bakit po pare?" Ganting tanong naman niya. "Kami nga rin ehh, noong isang araw pa kami dito nabalitaan ko kasing bago din pala kayo sa lugar na ito kaya nilapitan kita at kinausap ." Sagot naman nito. "Ahh ganoon ba, bakit kayo napalipat dito? at taga saang lugar kayo galing?" Tanong ni Alexander. "Taga malayong Lugar kami pare eh, taga Mindanao kami. Lumayas lang ang buong pamilya namin roon dahil may ka atraso si tatay doon at gusto nilang patayin ang tatay ko kaya napadpad kami sa Lugar na ito.." Muling sagot nito. "Kung ganoon, pasyal ka lagi dito sa amin upang may bago naman akong kaibigan at kasama sa lugar na ito. Ako nga pala si Alexander, Alexander Medrano. ikaw?" Napangising tanong ng binata. " Tawagin mo lang akong Kaloy, Kaloy Demaguiba, bente- otso anyos na ako pero mukhang desi -siyete lang ." Sagot naman nitong natawa. Natawa naman si Alexander. "Samahan mo akong manilip.." Biro pa ni Alexander. Napalaki naman ang mga mata ni Kaloy. "Manilip ng ano pare?" Usisa pa nito. "Manilip ng kuwan..-" Patuloy na biro ng binata. "Ha?? manilip ng kuwan ng babae?" Hula pa nito. "Hoy, biro lang!!" Natatawang sabi ni Alexander at natatawa na rin si Kaloy. Pagsapit ng gabi. Unang gabi sa bahay nila sina aling Lolita. Kaya pala sinadya ng kanyang ama na apat ang ipagawang kuwarto ng bago nilang bahay roon, dahil isa sa kambal na lalaking anak ni aling lolita. Isa sa dalagang si Wenona, isa din sa kanyang ama at kay aling lolita at isa din sa kanya. Pagsapit ng alasdose ng gabi ay noon lang may narinig si Alexander na isang kalampag sa may bandang kusina nila. Hindi niya alam kung anong gamit ang nagbibigay ingay. Pero ang mga asong naririnig mula sa mga kapit-bahay sa unahan ay matagal na niyang napapansin na halos gabi-gabi ay umuungolat umaalulong ang mga ito at maiingay na tumatahol. Pero sabi ng kanyang ama ay ganoon lang talaga sa probinsya, maiingay talaga ang mga aso lalo na't nasa bundok sila nasasakupan. Muling may narinig ang binata na kalampag sa labas kaya bumangon siya at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kanyang kuwarto... Lumabas si Alexander at tinungo ang kusina kung saan nagmumula ang ingay. Nagulat pa ang binata nang makita ang pusang-itim na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Meow! meoww!." Parang galit pang tinig ng pusa habang matapang itong nakatingin sa kanya. "Tseepeh!! bakit ka nakapasok dito ha?" Pagtataboy niya sa pusang-itim

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook