Lumalim na Ang Gabi kaya inantok na Ang lahat at nagpasyang matutulog.nang pagsapit ng alas dose impunto ng Gabi ay mahimbing nang natutulog Ang lahat.Sa labas ng bintana ay may Isang malamig na boses Ang tumawag sa pangalan ni Mang Lauro.
"Lauro.. Lauro... gumising ka.. Lauro..." Anang malamig na tinig sa likod ng bintana at ginising nito at paulit ulit na tinawag ang pangalan ni Mang Lauro.
Sina Gandara, Anastasia, Alexander, kaloy, Mang Pedong at Ang mag- aswang Ronny at Marga ay tulog na tulog Ang mga ito pati na Ang dalagitang si Marla.
"Lauro.. Lauro.. " patuloy na tawag ng Isang tinig sa likod ng bintana.
Nananaginip Naman si Mang Lauro na Tinawag daw Siya sa Isang boses ng babae. Di alam ni Lauro na Hindi na pala panaginip iyon kundi totoong may tumawag talaga sa kanya mula sa labas sa likod ng bintana!
Ayon sa mga matatanda noong unang panahon. Kapag daw natutulog Ang Isang tao at ito' y tatawagin o kakausapin ng Isang masamang nilalang at Oras daw pag ito ay sumasagot ay nagiging mapasailalim ng masamang nilalang Ang diwa nito. Magiging sunod- sunoran daw ang taong tulog sa Isang masamang tumatawag at kumausap rito ..
"Lauro.. gumising ka.. Lauro.. buksan mo itong bintana.." patuloy na pagtawag ng boses sa likod ng bintana.
"Oo... . gigising na Ako ." Mahinang Sagot ni Mang Lauro habang mahimbing Naman itong natutulog.
"Sige.. Lauro.. bumangon ka.. at buksan mo Ako kaagad.. dito sa bintana.." Utos ng tinig ng babae sa likod ng bintana.
"Oh.. si..ge..babangon na Ako at bubuksan kita.." Muling Sagot ni Mang Lauro at unti unting bumangon nga ito kahit nakapikit parin ito at natutulog.
"Hehehehe. bilisan mo.. Lauro..." Muling utos ng malamig na tinig sa labas ng bintana at napahagikhik pa ito.
"Nandiyan na..." Sagot pa ni Mang Lauro.
Binuksan Naman ni Mang Lauro Ang bintana habang natutulog at nakapikit Ang mga mata.
Pagkabukas ng bintana ay Kaagad na Sinunggaban si Mang Lauro sa Isang malaking babaeng nakalutang sa hangin! Malakas nitong hinablot si Mang Lauro kaya nakagising Naman Ang daddy ni Alexander.
"Ahhhh!! Aswang!!" Sigaw ni Mang Lauro.
Kasabay din sa paghablot ng aswang Kay Mang Lauro ay Nakagising ang lahat nang marinig Ang malakas na kalabog sa bintana at Ang pagsigaw ni Mang Lauro!
"Alexander!! Ang daddy mo!! Ang bintana ! Nabuksan ng aswang!!" Tarantang sigaw ni Gandara.
"Dad!!" Si Alexander ngunit Hindi Sila nakapaghanda.
Hinanap pa ni Alexander Ang baril sa bag.
Mabilis namang bumangon Ang mag- asawang Ronny at Marga pati na si Anastasia. Sina kaloy at Mang Pedong ay mabilis ding lumapit upang tulongan si Mang Lauro ngunit huli na silang lahat dahil buong lakas na hinablot ng malaking Aswang si Mang Lauro sa bintana at Hinakos. pagkatapos ay Mabilis na lumayo Ang aswang na dala dala si Mang Lauro na nakalutang lamang sa hangin !
"Daddy!!!" Malakas na pagsigaw ni Alexander sa may bintana.
"Hehehehe!!! WaK ! ! WaK! !" Anang tinig o Huni ng aswang palayo.
"Tulong!!!" Narinig pa nilang sigaw ng daddy ni Alexander na malayo na Ang boses nito.
Umiiyak na napasuntok si Alexander sa dingding dahil sa Galit.
" Gumawa talagang paraan Ang aswang kung paano niya makukuha Ang daddy mo Alexander!!" Gulat na wika niMang Ronny .
"Hindi na to pwedi, marami na silang kinuha!" Galit na Turan ni Mang Pedong.
"Alexander, pagsikat ng Araw ay gagawa agad Tayo ng hakbang kung paano mababawi mula sa mga aswang Ang kanilang mga kinuha!" Wika din ni Gandara.
"Bukas ng Gabi ay kabilogan na ng buwan.. Gandara at pareng Xander!" Sabad ni kaloy.
Hindi pa sumikat Ang Araw ay bumangon na silang lahat dahil Hindi Sila gaanong nakakatulog kagabi dahil sa nangyayaring pagkatangay na Naman ng Isa sa kanila at Ang Daddy pa ni Alexander.
"Xander, uminom ka Muna ng kape.." Ani Gandara na lumapit sa binata at ini- abot Ang Isang tasang kape.
Nasa kusina lahat sina Anastasia, kaloy, Mang Pedong at Ang Tito at tita ni Anastasia pati na Ang dalagitang si Marla sabay nagkakape Ang mga ito. at si Alexander Naman ay malungkot na nag- iisa sa Salas kaya hinatiran ito ng Isang tasang kape roon ni Gandara. Napaangat Naman ng tingin si Alexander Kay Gandara sabay tinanggap nito ang kape.
"Salamat ha.. hindi ko alam kung Anong gagawin ko ngayon Gandara.. ayokong mawala si Daddy.. kami nalang dalawa, maliit pa lang Ako ay iniwan na kami ng Magaling Kong Ina.." Wika ni Alexander.
"Pareho Pala Tayo, maliit pa din Akong iniwan kami ng tatay ko. sumama Kasi ito sa ibang babae, namatay nga Ang nanay ko dahil hindi matanggap Ang ginawa ni tatay. kaya napilitang ipa adopt ng Lola ko Ang kambal kong kapatid dahil Hindi kaya ni Lola na apat kaming aalagaan niya. At Ang Isang kapatid ko Naman ay namatay sa sakit kaya nag-iisa nalang Ako sa Buhay, Mula nang pumanaw na rin si Lola corazon. Kaya nga nandito Ako sa Lugar na to kahit na alam Kong maaaring ikakapahamak ko Ang pagpupunta rito dahil nasa Lugar na ito Ang bumili sa kambal kong kapatid. Ibeninta Kasi ito sa tao kung saan ipina adopt ng Lola ko Ang mga ito. At huli na nang malamang mga ASWANG Pala Ang nakabili ng kambal. kaya sinubukan ni Lolang huhulaan Ang tungkol sa Kambal at gumamit siya ng ibang taktika sa panghuhula.. kaya nalaman naming Buhay Ang kambal at Hindi ito kinain ng mga aswang dahil mahal nila ang kambal Kong kapatid. Ang pamilyang aswang na naka sagip sa kambal kong kapatid ay gusto nila Ang mga lalaki. wala Kasing lalaking mga anak Ang mga ito.. kaya na swertihan na mahal ng mga aswang Ang kambal. pero Sabi ni Lola kailangang mabawi ko Sila Xander dahil darating Ang Araw na sasalinan nila ng pagka aswang Ang kambal kong kapatid. at nanganganib din Sila .. Oras na Malaman ng mga aswang na Hinanap ko Ang kambal ay magkaka interes Ang mga itong paslangin na lamang Ang mga Kapatid ko.." Mahabang salaysay ni Gandara sa nangyari sa Buhay ng kanyang pamilya at Ang tungkol sa kambal niyang mga kapatid.
"Tutulongan kitang makakausap Ang kambal mababait Sila Gandara. Kawawa ka rin Naman pala. Hindi lang Pala Ako ang nakakaranas ng pang- iiwan. iniwan Ako ng aKing Ina.. galit Ako sa kanya, sumama Siya sa ibang lalaki. kaya iyan din Ang dahilan na ayokong magseseryoso ng Isang relasyon dahil tingin ko sa mga babae ay tulad ng aKing malanding Ina. pero nagkamali Pala Ako at Ang babaw lang ng dahilan ko kung bakit niloloko ko Ang mga babae. Nahihiya tuloy akong ligawan Ang babaeng biglang dumating sa Buhay ko at nagpapatibok ng puso ko. alam ko Kasi na Hindi niya Ako paniwalaan.." Saad pa ni Alexander.
Hindi agad nakasagot si Gandara dahil alam niyang Siya Ang tinutukoy ni alexander. Iniba na lamang niya ang usapan.
"Siya nga Pala, nilapitan at binigyan kita ng kape para pagkatapos ay may pag- uusapan tayong lahat Kasama sina kaloy.. alam Kong ikinalulungkot mong masyado Ang pagkuha ng mga aswang sa Daddy mo.." Ani Gandara sa binata.
Saglit na tinitigan ni Alexander si Gandara. at ngumiti ito ng kunti sa kanya.
"You're right, Hindi ko matanggap na tuloyang mawala si Daddy kaya kailangang pagpa planohan natin itong lahat ngayon.." tugon Naman ni Alexander.
Sa Poder ng mga ASWAng.
Sa Isang malaking kuwartong pinaglagyan ng mga bihag ng mga aswang ay nagulat pa si Mang Lauro nang Makita roon Ang mga kapatid ni kaloy at Ang Ina ng mga itong si aling bebang at Meron pang isang mag-asawa na sina Mang Dario at aling Ester.
"Sir Lauro?? Diba kayo po Ang ama ni Alexander?" Nagulat na tanong ni aling bebang na Ina ni kaloy.
"Opo nay, siya po Ang daddy ni kuya Alexander Ang kaibigan ni kuya kaloy! Nakuha din po Pala Siya ng mga aswang.." Wika ni Tala at si pepoy naman ay nakasiksik ito sa inang si aling bebang dahil takot na takot Ang Bata.
"Yes, Ako ang Daddy ni Alexander. mabuti Naman at Hindi pa kayo nakain ng mga aswang.." Gulat na wika ni Mang Lauro.
"Jusko, Marami na Tayong bihag rito.. Ano na kayang susunod na mangyayari sa atin dito? Ang anak nating si marla, nasaan na kaya ngayon Ang anak natin Dario.." Nagsimula na namang iyak din na Sabi ni aling Ester.
"Dapat magkaisa Tayo upang makatakas rito.." wika din ni Mang Dario.
"Teka, anak niyo si Marla??" Nabiglang Tanong ni aling bebang.
"Oo, bakit?? Anak namin si Marla. kaya Hindi dapat na mabiktima kami ng mga aswang dahil kawawa Ang anak naming si Marla.." Ani aling Ester.
"Nasa Bahay namin ang anak niyo, kayo pala Ang narinig naming inakyat ng mga aswang. kayo ba sina Ester at Dario? Ang dating tinutuloyan ni gandara?kinupkop namin Si marla. at nasa pangangalaga Siya ngayon ng magandang dalagang manghuhula na walang iba kundi si Gandara. Sa amin Kasi tumuloy si Gandara.." Sagot ni aling bebang Kay aling Ester.
"Oo kami si Ester at Dario Ang mga magulang ni Marla.." Sagot ni aling Ester.
Kahit papaano' y natuwa Ang mag- asawang Dario at aling Ester na nasa Kay Gandara Pala ang kanilang anak na si Marla.
"Ano bang mga nangyayaring ito sa atin. Ni kahit katiting ay Hindi ko iniisip na mabihag Ako ng mga aswang sa Lugar na ito. Siya nga Pala, nagkakaisa kaming lahat sa Bahay ng Isang nakilala kong taga Cebu at bago lang ding nakatira sa Lugar na ito. Nandoon sina Gandara, Alexander, kaloy, pareng Pedong at Ang anak niyong si Marla sa Bahay ng Tito ni Anastasia. Dahil safety roon sa mga aswang. Pero Hindi ko akalaing lahat gagawin ng aswang upang makuha Ako sa loob ng Bahay .." Sabad Naman ni Mang Lauro.
"Lahat gagawin nila Ang diskarte para lang makatangay ng mga taong kakatayin nila ngayong Gabi ." Namumutlang wika ni aling Ester.
"Ano?? kakatayin nila tayong lahat ngayong Gabi?" Gulat muli at namutlang tugon ni Mang Lauro.
"Oo .sir, dahil dinig namin ay kabilogan ng buwan ngayon.. kaya lahat ng mga aswang ay magtitipon tipon ngayon dito sa kanilang hide out ..para magpa party Sila. at narinig namin na ngayong alas dose ng Gabi ay magsisimula na Ang lahat upang kakatayin tayong mga Bihag." Sagot ni Mang Dario Kay Mang Lauro.
Biglang nag- iiyakan Naman Ang mga kapatid ni kaloy.