"Tay, b-bakit po kayo tumigil? Sige na po tay, babalik na po tayo. hapon na po talaga.." Sabi ulit ni Tala sa amang napatigil sa paghakbang habang ito' y nakatalikod parin sa kanila at ni Hindi lumingon man lang.
"Ate, Anong nangyari Kay tatay??" Mahinang tanong ni pepoy kay Tala.
"Ewan ko nga rin ehh.." Sagot din ni Tala sa mahinang boses.
"Mga anak, lumapit kayong dalawa sa akin.." Utos ng tatay nila habang nakatalikod parin ito.
"Bakit po Tay?" Nagtatakang tanong ni Tala.
"Ate.." Sambit ni pepoy na hinawakan Ang ate sa braso at pinigilan upang di ito makakalapit sa ama nilang nauna sa kanila.
"Bakit pepoy?" Tanong naman ni Tala.
"Ngayon ko lang po naisipan ate, bakit Tinawag Tayo ni tatay Pedong mula sa di kalayuan ng ating Bahay?? Ehh.. nasa loob si tatay ng kuwarto at natutulog po ito!" Sabi ni Pepoy.
"Ano!? K-kung ganoon, Hindi Siya si tatay! Takbo pepoy!!" Gulat na hila ni Tala sa kapatid.
Ngunit Ang Kasama nilang nag-aanyong tatay Pedong nila ay mabilis itong kumilos at binalingan sina Tala at pepoy .
"Waaahhh!! Hindi kayo makakalayo!!" Biglang baling at wika ng Tatay nila sabay hablot sa kanilang dalawa!
"Ahhhh!!!" Sabay tili nina Tala at pepoy nang Makita ang Mukha ng tatay na sinamahan nila.
Nag-iba na Ang anyo nito. Nakangisi ito sa kanila at kitang kita Ang mga mapupula at matatalas na mga ngipin nito! At nakakatakot ding tingnan Ang mga matapang na mga matang nakatingin sa kanila!
"Bitawan mo kami!! Maawa po kayo!" Pagsisigaw ni Tala.
"Ate!! Aswang po Siya ate!!" Umiiyak ding sigaw ni pepoy at nagsisikap na makawala mula sa pagkakahawak sa kanila ng Aswang na lalaki.
Ganoon din si Tala, buong lakas niyang nilabanan Ang lakas ng lalaking Aswang na humablot sa kanila ni pepoy ngunit di Nila ito makakaya. Hinila at kinaladkad Sila nito at dinala sa liblib na daanan. Dahil nakita ng aswang na may mga taong paparating upang iligtas Ang dalagitang si Tala at Ang batang si pepoy.
Hapong- hapo sina Gandara, Alexander,kaloy at Mang Pedong sa pagmamadali at pagtatakbo upang maabutan at mailigtas Ang mga kapatid ni Kaloy! ngunit huli na Sila dahil tanging sigaw na lamang sa unahan ng mga kapatid ni kaloy Ang narinig nila.
Dinala ng Aswang sina Tala at pepoy sa maraming kakahoyan at mahihirapan na silang sundan Ang mga ito dahil sa malapad ng area ng kakahuyang ito at papagabi na rin ng mga sandaling iyon.
"Tala!!! Pepoy!" Umiiyak na Sigaw ni Mang Pedong at ganoon din si kaloy.
Laylay Ang mga balikat at lumuluhang umuwi sina Gandara, Mang Pedong at kaloy dahil hindi nila nailigtas Ang mga kapatid ni kaloy. Umuwi Silang Bigo at nalulungkot sa nangyari. Pagdating nila sa Bahay ay nagtataka Naman sila kung bakit napakatahimik ng buong Bahay!
"Aling bebang, Marla!? Saan ba kayo!?" Tawag ni Gandara sa mga naiiwan sa Bahay Nina kaloy.
"Nay! Saan po kayo nay!?" Tawag din ni kaloy.
At masama Ang kutob ni Gandara. Nahuhulaan niyang may masamang nangyari!
"Bebang! Sumagot kayo!" Tawag din ni Mang Pedong.
Di nagtagal ay lumabas si Marla Mula sa pagtatago. Umiiyak ito at takot na takot.
"Ate Gandara.." iyak ni Marla.
Nagulat Ang lahat kung bakit umiiyak si Marla at nanginginig sa takot.
"Gandara, baka Anong nangyari sa kanila.." sabad Naman ni Alexander.
"Nasaan si Manang bebang??" Tanong ni Gandara sa dalagitang si Marla.
"Iniwan niya po Ako dito kaya takot na takot po Ako. umalis po Siya at sumonod po sainyo. may biglang pumasok dito kanina! Isang matandang babae!!! Mabuti nga at di niya Ako nakikita dahil pumasok at sumiksik po Ako sa loob ng malaking karton. Tingin ko po ay aswang po Siya.. huhuhu.." Patuloy na umiiyak na sumbong ni Marla.
"Ano!?" Gulat na sambit ng lahat.
"Pero papagabi na.. nasaan kaya si Manang bebang!?" Ani gandara.
Nanlaki Ang mga mata ng lahat.
"Kaloy, baka nasaan Ang nanay mo! Baka nakuha din Siya ng mga aswang!" Gulat na Saad ni Mang Pedong.
"Hindi. Nay!!!" Sigaw din ni kaloy.
Parang naubusan ng lakas na pabagsak na napaupo si Mang Pedong sa upuang kawayan. At yakap- yakap Naman ni Gandara Ang dalagitang si Marla habang umiiyak at pinanlalamigan ang buong katawan dahil sa sobrang takot.
"Manong Pedong, Kaloy, at Gandara. Hindi po kayo Safety dito sa Bahay niyo, Grabe na Ang mga ASWANG. kahit hapon pa lang ay kumilos na Sila.. Ano pa kaya kapag gumabi na? kailangang sumama kayo sa akin. Doon Tayo sa Bahay ng Tito ni Anastasia, kahit Hindi malaki ang Bahay nila pero sementado ito at di Basta-bastang papasukin ng mga aswang ! " Saad ni Alexander.
"Pero Alexander, baka magagalit Ang Tito at tita ni Anastasia. Hindi nila kami Kilala at nakikituloy lang din kayo doon. Tapos dadalhin mo pa kami doon.." Sagot Naman ni Mang Pedong.
"Oo Alexander, Tama si Manong Pedong.." Sagot Naman ni Gandara.
"Pero nanganganib talaga kayo rito. At Hindi sigurado Ang kaligtagsan niyo dito.." Giit pa ni Alexander.
"Kilala Naman kayo ni Anastasia Hindi ba?" Dagdag pa ni Alexander.
"Dito nalang kami pare.." malungkot na tugon ni kaloy Kay Alexander.
"Sandali.." Ani Alexander at kinuha ang cellphone nito at tinawagan Ang daddy nito.
"Hello dad.?"
"Oh Alex, papagabi na! Kailangang umuwi kana!" Galit Ang boses ni Mang Lauro sa kabilang linya.
"Dad, natangay ng isang aswang Ang mga kapatid ni kaloy. At pati Ang nanay ni kaloy ay nawawala rin.." Sumbong pa ni Alexander sa ama.
"Ano!??" Gulat na sambit ni Mang Lauro sa kabilang linya.
"Yes dad, kaya gusto ko sanang kausapin Ang Tito ni Anastasia, si Tito Ronny. hindi kasi Sila safety sina Kaloy dito Dad. Kaya kung pwedi sanang dadalhin ko silang lahat diyan. nanganganib ang Buhay nila rito. Hindi Sila safety rito daddy, sabihin mong magbabayad lang Tayo sa pag stay nating lahat diyan dad! Please." Pagmamakaawa ni Alexander.
"Oh my God. okay, sige. sandali at ako na ang kumausap ." Tugon ng Daddy ni Alexander sa kabilang linya.
Maya- maya ay muling nagsalita si Mang Lauro sa kabilang linya.
"Alex..anak?? Sige na, habang may kunting liwanag pang natitira ay bilisan niyo nang lahat. bumakwit na kayong lahat rito! Walang problema si kumpareng Ronny, kaya Dalian na ninyo!" Saad ni Mang Lauro sa kabilang linya.
Parang walang ganang kumilos sina Mang Pedong at kaloy dahil sa pagkatangay nina Tala at pepoy ng Isang aswang at Ang pagkawala ni aling bebang. Habang naglakbay Silang lahat patungong Bahay ng Tito ni Anastasia ay Panay din Ang pagtawag nila sa pangalan ni aling bebang ngunit Wala na talaga ito.
Nagkaisa nga Silang lahat sa Bahay ng Tito ni Anastasia. Kapwa Naman Pala mababait Ang Tito at Ang Ang asawa ng Tito ni Anastasia na si Aling Marga. Tumulong si Gandara Kay Anastasia sa paghahanda ng kanilang hapunan dinala nalang din Nina Gandara Ang mga pinamili Nina kaloy at Mang Pedong kaninang Umaga sa palengke. Nag- uusap Ang mga ito habang Sila Naman ni Anastasia ay nagluluto.
"Kawawa Naman sina Tala at pepoy Gandara. Sana makakaalis na Tayong lahat dito. Sana maibalik nang Buhay si Sally, ang pinsan ko at ganoon din sina Tala at pepoy at si aling bebang. At sana makakausap mo na rin ang mga kapatid mo at madala mo sila. Upang makakaalis na tayo sa Lugar na to.." Sabi pa ni Anastasia.
"Sana nga .. Anastasia.. bukas, kailangang gumawa Tayo ng hakbang upang mailigtas Ang mga kapatid ni kaloy. Hindi pweding Wala tayong gagawin.." Tugon ni Gandara.
Pagkatapos nakapaghanda sina Gandara at Anastasia ay sabay na silang lahat Kumain ngunit nakita nilang walang GANA sina kaloy at Mang Pedong dahil sa nangyari kina Tala, pepoy at aling bebang.
"Naiintindihan namin Ang nararamdaman niyo pare. Ano nga Yung p-pangalan niyong mag- ama?" Tanong ni Mang Ronny Kay Mang pedong.
"Ako si Pedong at itong anak ko ay si kaloy.." Sagot Naman ni Mang Pedong.
"At itong napakagandang Dalagang Kasama niyo? Pamilya niyo rin ba Siya ?" Tanong ni Mang Ronny na nakatingin Kay Gandara.
Samantalang nakikinig lang Ang lahat.
"Ahhh.. baka Asawa ng anak niyang si kaloy Ronny.." Sabad Naman ni aling Marga.
Parang sumigla Naman si kaloy sa narinig na Asawa niya daw si Gandara. Si Alexander Ang sumagot.
"Hindi po Tito Ronny. taga ibang Lugar din si Gandara. at nakituloy lang din si Gandara kina Mang Pedong. At itong Kasama nilang dalagita ay Wala na rin itong pamilya dahil lahat nakuha na rin ng mga aswang.." Wika ni Alexander.
"Oh my- kawawa din pala ang batang to kung ganoon.." Manghang sabay na tugon ng mag- asawang Mang Ronny at aling Marga.
"Yes po. kawawa din po siya.." tugon din ni Gandara.
"Ang swerte Naman ni kaloy kung si Gandara Ang maging Asawa niya Tito at tita...." Natawang wika ni Anastasia.
"Ang bibig mo Anastasia, nakakasakit kana niyan.." Saway pa ni aling Marga.
"Hindi po. Okay lang po. nagbibiruan lang Naman kami ni Anastasia at sport lang po kami. ikaw naman Anastasia, ipapahiya mo Naman Ako sa Tito at tita mo. Mas masuwerte ka kaya kapag matupad na Ang libreng pinangarap mo.." Di rin napigilang Sagot ni kaloy kahit matamlay ito dahil sa nangyari.
"Bakit, Ano palang pangarap ng Magandang pamangkin ko kaloy..?" Di rin napigilang ngiting Tanong ni Mang Ronny.
"Si Tito Naman, sinabihan pa akong maganda, thank you Tito.." hagikhik na Sagot ni Anastasia.
"Ipapakulam daw po niya si pareng Alexander Mang Ronny para magkakagusto ito sa kanya .." Sagot Naman ni kaloy.
" kaloy, bibig mo.." saway din ni Mang Pedong.
Natawa si aling Marga sa kabila ng lungkot nito dahil sa nangyari sa anak na si Sally at pati na si Mang Ronny. Pangiti-ngiti nalang din sina Gandara at Alexander.
"Okay lang po Mang Pedong, sanay na Ako sa anak mong si kaloy, kahit gigil Ako ay pinigilan ko lang iyong feelings ko ." Irap pa ni Anastasia.
"Alam mo pareng Pedong, si Anastasia Ang magmamana sa mga Ari -Arian nila sa Cebu dahil namatay Ang Kapatid niyang lalaki kaya kung Ako pa sa anak mong si kaloy ay si Anastasia nalang Ang aasawahin niya.." Tatawa-tawang wika ni Mang Ronny.
"Si Tito Naman, bakit si kaloy Ang nakita mo para sa akin??" Nagsalpukan Ang kilay na sabi ni Anastasia.
"Okay lang Naman po kung si Anastasia Ang maging Asawa ko.." Seryosong tugon ni kaloy.
"Aayy!! Bigla tuloy akong kinilig Sa'yo kaloy.." Ani Anastasia at nginitian ng matamis si kaloy.
" Pero.. kailangan ko ng Isang tarpuline na may Mukha ng artista.. tulad ng magandang si Kim chiu'.." Dagdag ni kaloy.
"Ano namang gagawin mo sa tarpuline na may Mukha ng artista??.." Maang na tanong ni Mang Ronny.
Napapakamot sa ulo si Mang Pedong at napatingin sa anak na si kaloy.
"Hindi ko po kasi kayang halikan si Anastasia sa unang Gabi namin kaya dikitan ko nalang ng mukha ng artista Ang Mukha niya para Naman sa ganoon ay ganadong ganado-" Hindi natapos Ang sasabihin ni kaloy nang biglang hinablot ito ni Mang Pedong at tinakpan Ang bibig ni kaloy.
"Tumahimik ka kaloy.." Mariing saway ni mang Pedong.
"Hoy kaloy, nang- Iinis kaba, ha??" SITA ni Anastasia.
Magkasabay na muling natawa Ang Tito at tita ni Anastasia.
Di nalang napigilang napatawa din saglit sina Gandara at Alexander at si Mang Lauro ay simpleng napangiti lang ito.
"Sorry po. Joke lang yun Anastasia. gusto ko Kasing mabawasan man lang kunti Ang kalungkutan namin ng tatay ko dahil sa nangyari sa mga kapatid ko.." biglang sumeryosong Saad ni kaloy.
At nawaglit Naman bigla Ang mga ngiti ng lahat.
Alas Siyete na ng gabi katatapos lamang nilang lahat kumain. At maaga pa Ang Oras na iyon pero naka lock na Ang lahat ng buong Bahay ng Tito ni Anastasia pati na Ang mga bintana. Patuloy lamang Silang lahat na seryosong nag-uusap at nagbabalak Sila kung paano Nila mababawi Ang mga kinuha ng mga aswang na sina Tala, Pepoy, aling bebang,at si sally. Nagbabaka sakali Silang Buhay pa ang mga ito kaya dapat ay kikilos din Sila para sa kaligtasan ng mga tinangay ng mga aswang.