YUGTO 27

1349 Words
Mas Lalo Silang kinabahan nang makitang suminghot- singhot Ang tiktik para aamoyin kung saan nakatago Ang hinahanap nito. "hekhekkhek.!! Nandito ka lang sa malapit nagtatago..Tik! ! Tik! ! Tik! ! Nandiyan na Ako..pupuntahan kita!" Sabi pa ng aswang na lalaki at humakbang patungo sa kweba kung saan Sila nagtatagong lahat. "Maghanda kayo! Nalalaman niyang may tao rito.." Mahina Ang boses na pagpapahanda ni Gandara. "Naku..nasundan niya talaga Ako.." Ang Sabi ni Anastasia. "Mamamatay Ang aswang na iyan kapag susubukan niya talagang pasukin Tayo dito.." Sabi ni Alexander. "Pahamak talaga itong si Anastasia.." paninisi pa ni kaloy. "Huwag mo na akong sisisihin kaloy.." Sagot din ni Anastasia na pinanlakihan ng mga mata si kaloy. Pigil- hininga Ang lahat nang makitang pumasok nga Ang tiktik na aswang sa loob ng kuwebang tinataguan nila! Kaya pagkapasok nito ay agad Silang nakita ng aswang na lalaki! Sabay namang pinagtulongan agad nilang tagain at saksakin Ang lalaking Aswang dahil din Sa pagsunggab kaagad nito sa kanila! kaya Isang saksak sa tiyan Ang tinamo nito Mula sa hinahawakang espada ni kaloy. At isa namang malakas na pagtaga sa Likud Ang naabot nito Mula din sa matalim na itak ni Mang Pedong! Subalit Ang aswang ay Hindi agad bumagsak. at Malakas pang naibalibag nito sina kaloy at Mang Pedong kaya natapon Ang mag- ama at napasuray Ang mga ito! binalingan Naman kaagad ng sugatang aswang sina Gandara kasabay ng malakas nitong paghablot sa buhok si Anastasia! "Ahhh!!" Tili ni Anastasia. Si anastasia talaga Ang pinag iinitan ng tiktik. Si Gandara Naman ay malakas na pinigilan Ang Isang braso ni Anastasia upang di ito madala sa paghila ng aswang sa buhok nito! "Bitawan mo si Anastasia!" Sigaw pa ni Gandara. Akmang susunggaban na ng tiktik at kagatin sa leeg si Anastasia ngunit Isang malakas na pagpokpok Ang ginawa ni Alexander sa ulo ng tiktik gamit Ang baril nito. Parang nahilo Ang aswang at nabitawan Ang buhok ni Anastasia kaya nang mabitawan nito si Anastasia ay sinundan kaagad iyon ni Alexander ng pagbaril sa aswang na lalaki! Mas Lalong lumuwa Ang mga mata ng aswang nang ito' y matamaan sa bala ng baril ni Alexander at bumagsak ito sa lupa! "Salamat Sayo Xander!!" Sabi ni Gandara. At si Anastasia Naman ay nanginginig Ang buong katawan. mabilis namang nakatayo sina Mang Pedong at kaloy Saka nilapitan Ang nakahandusay na aswang at muling pinagtataga nila ito sa mga bitbit na sandata. "Isang aswang pa nga lang ay parang natataranta na Tayo..tandaan natin, malaking posibilidad na mapapalaban tayo sa maraming aswang.. kaya kailangang hindi tayo mamawala sa mga sarili natin. dapat maging matapang tayong lahat, mapagdasal, may tiwala sa Sariling kakayahan at higit sa lahat maging matalino sa pakikipaglaban sa mga aswang!" Ang sabi pa ni Alexander. "Ang tapang Naman ng aswang na to..Hindi agad natin napatumba sa Isang atake natin Tay.."Wika Naman ni kaloy. "Sige na..magpahinga na Tayo..ngayong alas kuwatro ay magsisimula na Tayong umakyat sa ibabaw ng bundok na ito!" Wika ni Gandara. Nagrelax na Muna Ang lahat pagkatapos napapalaban sa Isang aswang. Nang sumapit na Ang alas kuwatro ng hapon ay naghanda na muli Ang lahat upang sisimulan nang aakyatin Ang ikalawang bundok kung saan nasa ibabaw nito. Ang hide out ng mga aswang. hindi pa nga Sila nakarating sa gitna ng bundok ay humihingal na Sila dahil mataas Ang bundok na ito, kumpara sa unang bundok na tinatahak at inaakyat nila. "Grabe, nakakapagod,." Sabi pa ni Anastasia. "Kahit napapagod nga Ako pero di ko ininda iyon ..dahil kaya naming magtiis ni tatay para lang mabawi sina nanay at Ang mga kapatid ko.." Sabi Naman ni kaloy. "Saglit Muna tayong magpahinga, kunting tiis nalang at darating na Tayo sa gitna ng bundok na ito. insaktong mga alas singko ay makarating na Tayo sa gitna. at gagawa agad tayo ng masisilongan natin upang may mapaglagyan Tayo sa ating mga dalang damit at mga pagkaing baon. pagsapit ng alas sais ng hapon ay ipagpapatuloy na naman natin Ang pag- akyat sa ibabaw upang unti- unti nating sisilipin Ang hide out ng mga aswang at kung Anong pweding Gawin natin upang malusob Ang hide out nila para lang mailigtas natin Ang mga nabihag.." Mahabang wika ni Gandara. Saglit nga silang huminto. "Sana Naman kapag matapos na Ang lahat at mailigtas natin Sila ay makakalayas at makakalayo na agad Tayong lahat sa Lugar na ito..may pag- ASA kaya at maging kumpleto pa kaya tayong lahat sa huli..??" Nalulungkot na naitanong ni Mang Pedong. "Huwag lang tayong mawalan ng pag- asa mang Pedong.." tugon Naman ni Alexander. "Tama ka Xander.." Sabi Naman ni Gandara. "Ang Dami ko nang galos sa mga paa,Ang hapdi pa.." dagdag pa ni Gandara. Muli na nilang itinuloy Ang pag- akyat ng bundok kaya dumating na nga Sila sa gitna. kumuha agad ng malapad na mga dahon ng halamang Damo sina kaloy, Alexander at mang Pedong at nagtaga Sila ng apat na kahoy at ginawang bahay- bahayan para lang may mapaglagyan sa mga bag nilang dala. at pwedi din Silang makakasilong roon kung sakaling umuulan . ALAS SAIS na ng hapon.nagpasya na silang lahat na ipagpapatuloy Ang pag- akyat nila sa ibabaw pero di Sila gagawa ng ingay o kaluskus at dahan- dahan lamang Silang aakyat patungo roon.. kapag malapit na Sila ay gagapang na lamang Sila upang di Sila mapapansin ng mga aswang. iniwan na nila Ang mga bag nila sa ginawa nilang bahay-bahayan na yari sa mga dahon ng mga mayayabong at malalaking halamang damo, kaya magaan na Ang pakiramdam nila at tanging mga kanya- kanyang sandata na Lang ang dala- dala nila. Nang Sila ay malapit na sa tuktok ng bundok ay napatigil agad Silang lahat. "Ssshhh.. kailangang magbubulongan nalang tayo kapag may gusto tayong Sabihin. Nandito na Tayo.. at magsisimula na tayong gumapang.." Mahinang salita ni Gandara at ingat na ingat ito sa bawat ikinilos ganoon din sina Anastasia, Alexander,kaloy at Mang Pedong. "Ano? Gagapang nalang ba tayo upang makasilip sa ibabaw.??" Paanas na tanong ni Alexander. "Oo pare.." bulong ding Sagot ni kaloy at senenyasan din Ang amang si Mang Pedong. Napatango Naman si Mang Pedong. "Jusko..Gandara..tingnan niyo Lumabas na Ang malalaki at mapupulang buwan .." Paanas na wika ni Anastasia na nakatingala sa silangang bahagi ng kalangitan. Napatingin din si Gandara at ganoon din Ang lahat.kitang kita nila Ang paglabas ng mapupula at bilog na buwan. "Kabilogan na talaga ng buwan..." Mahinang salita ni Alexander. Natigilan Silang lahat nang may maririnig Silang mga tinig na nagkakagulong umuungol sa ibabaw kung saan naroon Ang hide out ng mga aswang. "AwwWOOOOoooohhh....awwoooohhhhhhh...hek! hek! hek! hek! hek! hek!" "Awwwwoooooohhhhh!! Wak! Wak! Wak! Wak!" "Kekkekk!!! Kekkekk!!! Kekkekk!!" "Tik!! Tik!! Tik!!! Tik!!!Tik!!" Mga Huni ng mga masasamang nilalang na kapwa narinig nilang lahat nina Gandara na parang nagkakagulo at nagkakatuwaan Ang mga ito dahil sa paglabas ng mapupula at malalaking buwan sa kalangitan! Nagkatinginan Silang lahat at kinakabahan! Mga Huni ng mga aswang sa ibabaw ng hide out Ang naririnig nila! "Huwag tayong magpapadala sa takot..nandito na Tayo..Wala na itong atrasan.." Muling mahinang wika ni Gandara. "Unti- unti na Tayong gagapang para Makita at masisilip na natin Sila at Ang hide out nila.." mahina ding Saad ni Mang Pedong. Samantalang sina Mang Lauro at ang mga kasamahang bihag na sina aling bebang,Tala, pepoy at Ang mag- asawang Dario at aling Ester at Ang magkasintahang kapwa naka underwear lamang ay nanatiling nakakulong Sila sa malaking kuwarto ng hide out ng mga aswang. Nagtataka sina Mang Lauro kung bakit sobrang ingay ng mga aswang sa labas at napakapangit pakinggan Ang mga ungol ng mga aswang sa labas na parang nagkakagulo Ang mga ito at nagkakatuwaan. kaya naglakas- loob na sumilip ulit sina Mang Lauro at Mang Dario sa Isang maliit na butas.. Nanindig Ang mga balahibo Nina Mang Lauro nang Makita nilang lahat ng mga aswang ay nakatuwad paharap sa malaking bilog na buwan at patuloy na nag- uungol Ang mga ito. iba' t ibang Huni ng aswang Ang kanilang naririnig.! "Pareng Dario,malapit na Ang pagkatay sa atin ngayong alas dose ..Wala lang ba tayong gagawin upang tatakasan Ang nalalapit na mga kamatayan natin..??" Mahinang wika at Tanong ni Mang Lauro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD