YUGTO 28

1149 Words
"Paano pa Tayo makakatakas sa mga aswang.." mahinang iyak ng batang si Pepoy. Umiiyak na magkayakap sina aling bebang,Tala at si pepoy dahil sa nalalapit na nilang kamatayan. at Ang magkasintahan namang naka underwear lamang ay umiiyak din Ang mga itong magkayakap habang kapwa nanginginig at nasisindak sa takot. "Mommy iligtas niyo po kami.." umiiyak na wika ng dalagang naka underwear. "Sorry.. kasalanan ko Ang lahat ng ito.." Sabi Naman ng nobyong nito. "Dario, ayoko pang mamatay. Ano ba Ang gagawin natin upang makatakas Tayo.." umiiyak ding Tanong ni aling Ester. "Mahihirapan nga Tayo dahil nakakandado itong pinto ng kinalalagyan natin.. at may mga ASWANG na nakabantay sa labas ng pinto kaya nawalan na Ako ng pag- asa Ester na makakatakas pa Tayo rito.." wika pa ni Mang Dario. "Huwag kang mawalan ng pag- asa. kung maaari pagsapit ngayon ng alas dose ng Gabi ay may gagawin Tayo, pag ilabas na nila Tayong lahat dito para kakatayin na ay sisikapin nating maka eskapo sa kanila.." Mahinang Sabi Naman ni Mang Lauro. "Ano?? Ehh,sa Dami nila, makaka eskapo kaya Tayo?? Alam niyo bang may darating pang mga bisitang aswang nila ngayong mga alas otso ng Gabi?? Sa Dami nila ay mahihirapan tayong lumaban dahil Wala Tayong mga sandata..at iilan lang Tayo.." Ang tugon Naman ni Mang Dario. Patuloy na nagkakagulong umuungol ang mga aswang sa labas habang isa- Isang nakatuwad paharap sa mapupula at malalaking buwan! At sina Gandara Naman ay nakarating na talaga Sila sa ibabaw at nakatago sa makakapal na mga Damo habang sumisilip Sila! Kapwa nanlaki ang kanilang nga mata sa nakikita nila! Napakaraming mga ASWANG sa labas ng malaking hide out ng mga ito at Patuloy na umuungol ang mga aswang na ito habang lahat ay nakatuwad!! " Maryusep..sobrang nanindig Ang mga balahibo ko sa nakikita Gandara.." mahinang bulong ni Anastasia Kay Gandara. "Oo nga , Anastasia, Ang Dami nila at lahat nakatuwad Sila paharap sa malaking buwang kalalabas lang..." Mahinang Sagot na bulong din ni Gandara Kay Anastasia. At ganoon din sina Alexander at kaloy at Mang Pedong, nagbubulongan din Ang mga ito sa mga nakikita. Nakita nila na malawak at kapatagan Ang ibabaw ng bundok na inakyat nila kung Saan nakatirik Ang maganda at malaking hide out ng mga aswang! Patuloy lamang Silang nagmamasid at sumisilip.lahat ginawa nila Ang pag- iingat upang di Sila makabuo ng kahit kunting kaluskos lamang para di Sila marinig ng mga aswang! Di nagtagal ay tumayo na Ang lahat na mga nakatuwad na aswang at nag- uusap Ang mga ito. "Walong bihag na Ang kakatayin natin mamayang alas dose ng Gabi..dahil nadagdagan ito kanina, pero Bata Ang Isa sa kanila at Ang isa ay dalagita na sa tantiya ko ay nasa 35 kilos lang Ang dalagitang ito ..kaya kukulangin parin Ang ating ihahanda..dahil sa Dami na bisitang darating ngayong alas otso o alas Nuebe ng Gabi..at Ang ating kasiyahang party na ito ay matatapos ito Hanggang bukas pa ng Gabi at talagang kukulangin Ang Walong kakatayin natin mamaya..kaya dapat habang alas sais palang ng Gabi ay isa- isa Muna kayong mangaswang! Baka sakaling madagdagan Ang ating ihahanda! Kaya Sige na,mag alisan na kayo at maghahanap ng pang dagdag kakatayin natin mamayang alas dose!" Sigaw ng matandang si Lolo Waldo. "Mang waldo, paano kung Wala kaming taong madadala?? Pwedi bang mga hayop na lamang?? Yung nakaraang kabilogan ng buwan ay mga hayop Ang lahat na naihanda natin!" Sagot ng babaeng aswang. "Tama, kung walang taong madadala ay mga hayop nalang Ang idagdag na kakatayin natin!" Sang- ayon ng Isang aswang na lalaki. "Hindi pwedi! Dahil kung tao ay dapat tao lang talaga lahat at Hindi Pweding hahaluan ng Karne ng hayop! Noong nakaraang kabilogan ng buwan ay Wala tayong mga bisita niyon.. pero ngayon ay Marami tayong darating na mga bisita Kaya magtiyaga kayong lahat! Special Ang Karne ng tao kaya dapat ay Hindi ito mahahaluan ng Karne ng hayop! Para mapabelib din natin Ang ating special na bisitang aswang! Kaibigan Siya ng aKing anak at ngayon ko pa Siya makikita! Isang donya Ang aswang na ito at Wala na itong Asawa dahil namatay sa pangangaswang nito. hahaha!! At dapat mapabelib natin Siya dahil may hangarin Akong mapapangasawa Ang kaibigan ng aKing anak na si Landa!!" Sigaw pa ni Lolo Waldo . "Mang waldo,huwag kanang mangarap na makapag- Asawa,matanda kana! Makuntento ka nalang na isa ka nalang tagalapa o taga chap chap ng tao!" Sigaw pa ng Isang lalaking tiktik at humahagihik pa ito. Nagalit si Mang waldo. "Bwes*t..!!! Umalis na kayo! Para bago mag -alas dose ay makabalik na kayong lahat! Magsiliparan na Ang may pakpak na aswang! At Ang mga ASWANG naman na lumulutang lang sa hangin ay magsipag- alis na rin! At Ang mga manananggal na uri, alis na rin kayong lahat!" Utos ni Lolo Waldo. At nag sipag- alisan na Ang mga ASWANG sina lolita at Landa Naman ay nagpapahuli. "Sige Tay, aalis na din kami ni Landa at si wenona ay dito lang Siya at tutulong na lamang sa pagbabantay ng mga Bihag.." Sabi pa ni Aling lolita. "Dapat maiiwan na rin ang ibang aswang dito Tay! Baka darating Ang mga bisita at walang mag- we- welcome sa kanila.." Ani Landa. "Oo alam ko kaya may sampong nagpapaiwan dito at dose kaming maiiwan rito ngayon Kasama si wenona at ako.." Ani Lolo Waldo. "Oh Sige Tay..kapag darating Ang kaibigan ko..papahingain lang Muna ninyo Siya Tay.." Sabi ni Landa. "Oh Sige.." "Hali kana Landa, aalis na Tayo.."wika pa ni aling lolita sa kapatid. Bigla ring nag- iba ang anyo si Lolo waldo.humaba Ang mga kamay nito at naging mabalahibo iyon, Lumaki at humaba din Ang ilong nito at pumayat Ang katawan! Biglang kumapal Ang mga kilay at namumula ang mga matatapang na mga mata nito at idagdag pa ang Lalong pagkulobot ng Mukha nito! Lahat ng iyon ay nakikita nina Gandara at lahat ng pag- uusap ng mga aswang ay narinig nila.kapwa Sila sumiksik ng dahan dahan sa mga makakapal na damohan at Hindi kumikilos. pigil- hininga sina Gandara nang dumaan sa kanilang tabi Ang Maraming aswang! Pati sina kaloy,Mang Pedong at Alexander ay pigil- hininga at Hindi rin kumikilos. nakita nilang nakalutang Ang ibang mga aswang at Ang iba ay lumilipad pa ibabaw Nakahinga ng maluwag sina kaloy nang napadaan na Ang mga ASWANG at Hindi Sila napapansin sa kinatataguan. "Salamat.. pare, dumaan na Sila.. grabe, sobrang kinabahan Ako.." Mahinang Saad ni kaloy. Ngunit nakita ni kaloy Ang Mukha ni Alexander na nagulat na tila inaaninag Ang nasa kanyang tabi! .ininguso ni Alexander Ang bibig sa tabi ni kaloy.unti- unti namang tiningnan ni kaloy Ang senenyas at ininguso ng kaibigan kaya laking gulantang niya nang makitang Isang matandang sumiksik din sa kanyang tabi at nakangising tumingin ito Kay kaloy! "Ahh!!" Gulat na sambit ni kaloy at Mabilis na Sinunggaban agad Siya ng aswang na babae kaya mabilis ding sinaksak ito ni kaloy sa dalang espada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD