"Gandara, Anong nababasa mo sa mga palad ni Dina ha??" Nag- alala namang Tanong ni aling Ester.
"Manang Ester, nakita ko po ang biglang pag- flash sa paningin ko nang tingnan ko si Dina, nakita Ko Ang duguang Mukha niya! Kaya tiningnan ko agad itong palad niya. Nakakakilabot Ang nababasa ko sa kanyang palad! Pero kailangang maghanap Tayo ng paraan upang labanan Ang masamang pangitain! Kailangang mananatili ka lang sa Bahay Dina at Hindi lalabas!" Namumutlang wika ni gandara.
"Bakit, Ano bang nababasa mo sa palad ni Dina Gandara?" Salubong ang kilay na tanong ni Mang Dario.
Lumapit ito nang marinig Ang pag-uusap nila pati na si Marla.
"Ano nga pong nabasa niyo ate gandara?" Pangungulit ni Dina.
Sa isipan ni Gandara ay Hindi dapat Malaman ng mga ito Ang kanyang nababasa baka magagalit Ang mga ito sa kanya Lalo na si Mang Dario.
"Basta, huwag kang lumabas Dina. Dito ka lang sa loob." Tanging Sagot ni Gandara. At sana madadala pa sa pagdadasal Ang kanyang masamang nababasa at Ang pangitaing biglang nag flashed sa Mukha ni Dina!
"Tinatakot mo Yata kami Gandara, ayaw mo pang sabihin. hay naku.." Parang nainis na wika ni Mang Dario.
"Pati po Ako Tay, natatakot nang mag isip kung Anong nababasa ni ate Gandara sa palad ko. Sabihin mo nalang Kasi ate Gandara. bakit mo ba ipagkakait na malalaman namin?" Pangungulit ni Dina.
"Sige na Gandara, Sabihin mo kung Ano.." Si aling Ester Naman.
"Sige, ihanda niyo ang sarili niyo at sana huwag kayong Magalit, dahil sa nabasa ko. Dina, kailangang magdasal tayo at Malalabanan natin Ang masamang kapalaran mo, ayon sa iyong palad ay isa ka sa mabibiktima ng mga ASWANG Sa Hindi pa darating Ang kabilogan ng buwan.." Pagtatapat ni Gandara sa nabasa.
"Ano!?" Halos sabay na sambit at gulat ng lahat.
"Hindi ko nagustohan iyang panghuhula mo gandara! Babawiin mo yan!" Galit na wika ni Mang Dario.
"Oo nga Gandara, Hindi Naman siguro lahat ng panghuhula mo ay nagkatotoo!" Inis ring Sabi ni aling Ester.
"Huwag mo Akong takutin ate Gandara!! Makonsensya ka Naman sa pananakot niyo po sa amin!" Umiiyak na Saad ni Dina.
"Hindi ko kayo tinatakot, kaya nga magtulongan Tayo at magdasal upang mapaglabanan natin Ang nakatakdang mangyari Sayo Dina!" Sagot Naman ni Gandara.
"Hoy Gandara, huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Pwedi ka naming paalisin ngayon din dito! Nakituloy ka lang dito tapos Yan pa ang igaganti mo?? Ang huhulaan ng Hindi maganda ang anak namin!?" Galit na galit si Mang Dario.
"Tay, huwag ka namang magsalita ng ganyan Kay ate Gandara.." Sabad Naman ni Marla.
"Hindi namin matatanggap ang hula-hula mong yan Gandara! Kahit sino ay Hindi magugustuhan Ang mga sinasabi mong yan!" Wika din ni aling Ester.
"Umalis ka nga rito! At bago ka aalis. Bigyan mo Muna kami ng Pera, aba' y Hindi ka pa nakakapagbigay nitong mga nakaraang Araw! " Sabi pa ni Mang Dario na biglang lumabas Ang tunay na kulay nito.
Nakadama ng kalungkutan si Gandara dahil pinaalis Siya at hiningian pa Siya ng pera ng mga ito. Kung tutuusin ay malaking halaga na Ang naibigay niya at sa kanya lahat ini-asa Ang mga gagastusin simula nang dumating at tumuloy Siya sa Bahay ng mga ito.
At Ang ikinalungkot pa niya ay imbis na tutulongan niya ang mga itong mapaglabanan Ang masamang nasa palad ni Dina ay Hindi na niya iyon magagawa. Dahil paaalisin na Siya ng pamilyang ito dahil sa Galit nito ngayon sa kanya.
"Heto po.." Ani gandara at ini- abot Ang Isang libo.
"Isang libo lang ang Ibibigay mo? Dagdagan mo Naman ito Gandara! Nakita kaya namin ang dami mong Pera sa bag, pasalamat ka pa nga at Hindi namin ninakaw yang Pera mo!" Sabi pa ni Mang Dario.
Tama nga talaga Ang unang pag phsyco niya kay Mang Dario. At Hindi Pala talaga Siya nagkamali. At sa pamilyang ito ay ang palad lang ni Marla at aling Ester Ang kanyang nasubukang basahin. Pero si Mang Dario at si Dina ay hindi. Kaya ngayon lang niya natitignan Ang palad ni Dina dahil sa masamang pangitaing nag flash kanina sa Mukha nito! Dinagdagan ni Gandara ng limang daan ang Ibinigay niya.
"Yan na Lang po talaga, At Hindi po pweding mauubusan Ako ng Pera dahil matatagalan pa Ako sa Lugar na ito. Hindi ko pa nakikita Ang Kapatid Kong kambal.." Nadisismayang wika niya Kay Mang Dario.
"Oh Sige! Umalis kana.." Galit pang pagtataboy ni Mang Dario.
"Tay, huwag niyo namang paalisin si ate Gandara. saan po ba Siya tutuloy?" Wika Naman ni Marla sa ama.
"Oo nga Dario, huwag mo nalang paalisin si Gandara.." Sang- ayon Naman ni aling Ester.
"Pasensya na po kayo Manang Ester, pero Hindi ko na ipipilit ang sarili ko rito. At aalis na Ako salamat nalang sa lahat.." Malungkot na Sabi pa ni Gandara at inimpake Ang mga damit at nilagay sa malaking bag niyang dala-dala.
Mabigat Ang mga hakbang ni Gandara paalis sa Bahay Nina Mang Dario at aling Ester.
"Dario, napaka bobo mo talaga. bakit kaba magpadala sa Galit mo? Kapag mauubos Ang perang iyan ay mahihirapan ka nang maghanap ng Pera dahil Hindi safe Ang Lugar na nililipatan natin! Solve sana ang pangangailangan natin dahil nandito si Gandara tapos pinapalayas mo pa!" Sermon ni aling Ester.
"Sandali, tawagin ko si Gandara! Hahabulin ko Siya, Hindi pa Siya nakakalayo! Pipigilan ko Siya!" Sabi Naman ni Mang Dario.
Hinabol nga ni Mang Dario si Gandara.
"Gandara! Pasensya kana, nadala lang Ako sa init ng ulo ko! Bumalik kana lang!" Sabi pa ni Mang Dario.
Ngunit Hindi Tanga si Gandara. At alam niya kung bakit pinipigilan Siya ni Mang Dario.
"Hindi na Manong. may naisipan na akong tutuloyan. Kaya Hindi na Ako babalik pa sa Bahay niyo.." Sagot ni Gandara at patuloy na humahakbang paalis.
Hapon na nang dumating si Gandara sa Bahay Nina kaloy At doon niya naisipang tutuloy sa Bahay Nina kaloy.
"Kawawa ka Naman Gandara. kaya dito ka sa Bahay, kahit mahirap lang kami pero pweding pwedi ka dito kahit kailan mo gusto.." Sabi ni aling bebang.
"Oo Inday Gandara. tanggap na tanggap ka namin rito sa Bahay.." Saad din ng ama ni kaloy.
"Salamat po sainyo,." Natutuwang wika ni Gandara.
At gulat na gulat pa si kaloy nang pag- uwi nito ay naroon na si Gandara nakituloy sa kanila.
Si Alexander Naman ay sekretong nakikipag- usap sa Daddy nito nang nagkaroon ito ng pagkakataon. Dinala nito sa bakuran nila ang kanyang ama at mahinang nakikipag-usap rito.
"Daddy, sanay maniwala ka sa akin. Hindi ka nakakagising kagabi kahit niyugyog kita ng todo. At Wala si tita lolita sa kuwarto niyo, pati si wenona. Kapwa Sila lumabas kagabi dad. At dinig na dinig ko ang pagaspas ng malaking pakpak sa Likud ng kusina at Ang tinig ng Isang wakwak at kwek kwek Dad. Nagkakagulo Ang mga aso kagabi.." Mahinang sumbong ni Alexander at sabay tanaw sa paligid baka marinig Sila ng Asawa ng kanyang daddy at ni wenona.
"Ano?? Nagsasabi kaba ng totoo Alex? Hindi mo ba Ako niloloko?" Tanong ni Lauro.
"Yes daddy, Hindi kita niloloko. totoo Ang mga sinasabi ko. At Ikaw nalang yata dad Ang Hindi nakakaalam sa lahat na baguhang nakatira sa Lugar na to.."
"Ha? Ano Ang Hindi ko nalalaman?" Nalukot Ang noong Tanong ni Mang Lauro.
"Daddy, ang Lugar ng baryong ito ay mga ASWANG raw Ang nakatira. At Ang Hindi po lamang aswang ay yung mga taong hindi taga rito Dad. Ayon sa mga nalalaman namin ni kaloy at ng pamilya ni kaloy ay marami ng mga nabibiktimang dayo sa Lugar na ito Daddy.." Mahinang Sagot ni Alexander.
Nanlaki ang mga mata ni Mang Lauro. At naalala niya ang mga nagsasabi sa kanyang halos mga ASWANG Ang nakatira lahat sa baryo manara ngunit di niya pinaniwalaan.
"Huwag mo nga akong biruin Alexander.." Sabi pa ni Mang Lauro.
Magsalita pa sanang muli Ang binata nang mapansin at Makita niyang nasa bintana Ang Asawa ng kanyang ama. Nakasilip ito sa kanila at kitang kita ni Alexander Ang matatalim na mga tinging ipinukol sa kanila ng kanyang step mother. Biglang pinagpapawisan ng malamig si Alexander nang magtama Ang kanilang paningin ng Asawa ng kanyang daddy sa may bintana!
"Alexander? Bakit??" Tanong ni Mang Lauro nang makitang biglang pinagpawisan sa noo Ang anak.
"Dad, Nasa bintana po Ang asawa niyo. Nakatingin sa atin.." Halos pabulong na Sagot ni Alexander.
"What???"
Biglang kinabahan din si Mang Lauro sa mga sinusumbong sa kanya ng kanyang anak.
Pagpasok nila sa loob ng Bahay.
"Tapos na Pala kayong mag- usap na mag- ama.." Hindi ngumingiting wika pa ni aling lolita at napatingin Kay Alexander.
"Y- yes mahal. k-Kumain na tayo para maagang makakapagpahinga.." Parang nauutal na Sagot ni Mang Lauro.
"Sige po Tito, dahil nakaluto na po Ako. At handa na Ang pagkain sa mesa. Kayo na lamang po ang hinihintay namin ni inay kung matatapos na po Ang pag-uusap niyo ni Xander.." Sagot Naman ni wenona.
"S- Sige, Kumain na po tayo." Kinakabahan pa ring wika ni Alexander.
"Lauro mahal, aalis muna kami ni wenona ngayon,dahil may importante kaming pupuntahan sa Bahay ng aking kapatid.." Sabi ni aling lolita.
"Ha?? Pero Hapon na ahh. At Maya- maya ay gabi na.." Nagtatakang tanong ni Mang Lauro.
"Oo nga t- tita.." Tila na nanginig pang sabad ni Alexander.
Nahuli pa ni Alexander Ang pagtitinginan ng kambal at ni wenona at ni aling lolita.
"Kaya nga bukas na kami makauwi Lauro at dito lang si Ging at ding. Dadalhin ko lang si Wenona. may biglaan daw Kasing importanteng pag-uusapan naming magpamilya.." Ang Sabi pa ni aling lolita.
Pero Ang totoo ay umiiwas lang si aling lolita dahil baka tuloyan lang silang mahahalata ni alexander. Alam ni lolita Ang mga pagdududa ni Alexander sa kanila. Paparating Kasi ang kabilogan ng buwan kaya hindi makontrol nina Aling lolita Ang mga sarili nila. Nang tingnan at pagmasdan ni aling lolita kanina sa bintana Ang anak ng asawang si Lauro ay alam niyang Sila ni Wenona Ang topic ng mga ito.
At bigla tuloy natatakam si aling lolita na kainin Ang mga lamang loob ni Alexander At sipsipin Ang preskang dugo ng binata. Kaya habang Hindi pa ni aling lolita nagawa iyon ay iiwas Muna Sila tuwing gabi sa Bahay ng mag- amang Xander at Mang Lauro. Hangga't lilipas Ang kabilogan ng buwan..
Umalis nga sina wenona at aling lolita. At sina ding at Ging Naman ay pumasok na rin ang mga ito sa kuwarto. Muling nag- uusap sina Alexander at Ang kanyang daddy nang Sila nalang sa Salas.
"Dad, kailangang alerto po tayo. Ayoko pong isa sa atin ay mapapahamak. Sana totoong may importanteng pag-uusapan Sila Dad. Oh baka, umiwas lang Sila para di natin Sila tuloyang mahalata." Patuloy ni Alexander.
"Kung ganoon, nanganganib pala tayo dito anak. Ano bang gagawin natin?" Nagugulohang wika ni Mang Lauro.
Nagpapasalamat si Alexander at naniniwala Ang kanyang ama sa kanyang mga sinasabi.
"Kailangang di muna tayo magpapahalata Alex na alam na nating Ang baryong ito ày Pugad pala NG MGA ASWAng.." Mahinang wika ni Mang Lauro. dahil baka marinig Sila ng kambal.
"Tama ka Dad. Sige pumasok na tayo sa ating mga kuwarto daddy. At kandaduhan mo ng mabuti Ang kuwarto mo daddy, dahil ganoon din sa akin.."
"Sige anak.."
Sumapit na Ang Gabi at Ang gabing ito ay mas Lalong naging aggressive Ang mga aswang dahil dalawang Gabi nalang Ang nalalabi at kabilogan na ng buwan. Kaya pursigidong maghanap Ang mga ASWANG ng kanilang mabibiktima dahil gutom na gutom na sila at kailangan din nilang mangdukot ng mga tao upang kakatayin ng mga ito sa pagsapit ng kabilogan ng buwan.
Dahil sa tuwing bilog Ang buwan ay Masayang nagtitipon- tipon Ang nga ASWANG habang pinagsasaluhan ng mga ito ang mga putaheng Karne ng tao. At kung walang tao ay hayop sa gubat Ang kanilang kinakatay At kinakain Ang preskang atay at sinipsip Ang mga preskang dugo.