YUGTO 11

1152 Words
"Kaw talaga. Hindi mo yata ako Bigyan ng pagkakataong makikipag-usap Kay Gandara. Puro nalang Ikaw Ang pa Bida diyan.." Mahinang bulong pa ni Alexander Kay kaloy na mas Lalong ikinangisi ni kaloy. "Miss Gandara!!? Ikaw ba yan!?" Gulat na tanong ni Anastasia na bigla nalang dumating at lumapit sa kanila. Napadaan ito at natanaw nito sa malayo si Gandara kaya mabilis itong lumapit sa Bakuran Nina kaloy sa ilalim ng punong Langka. "Oh, Ikaw Pala Anastasia. Diba Ikaw Yung Kasama Nina kaloy at sir Alexander na nagpapahula sa akin.?" Tanong pa ni Gandara. "'yes Ako nga miss Gandara, wow!! Nandito ka Pala!" Bulalas pa nito. "Naniniwala na talaga Ako na kapag may de Buenas,Meron ding dimalas.. " Sabi pa ni kaloy at napatingin sa Mukha ni Anastasia. "Aba syempre, Ganoon talaga ang Buhay noh. kaya dapat nga makaalis na tayong lahat sa Lugar na to. dahil Wala pang na biktima Ang mga ASWANG isa saatin!" Nakangiwing Sagot ni Anastasia. "Huwag kang mag- alala Anastasia, hindi ka mabibiktima ng mga ASWANG . Dahil natitiyak Kong Sila pa ang matatakot Sayo ,awss haha.." wika ni Kaloy. "Naku, naku, aling bebang! itong anak mong mukhang kuwago Ang bilis makapamintas sa Mukha ko!" Nagsalubong na Naman ang makapal na mga kilay ni Anastasia. Pangiti-ngiti lang si Gandara at pati na si Alexander at Ang Ina at Kapatid ni kaloy. "Pero ate Anastasia, ikaw yung gusto ko para Kay kuya kaloy.." Malapad ang ngising wika ni Tala. Nagkatawanan Naman ang lahat. "Hoy, hoy Tala! si-zipperan ko yang bibig mo tandaan mo! Gusto mo bang magkaroon ng pamangking mukhang tiyanak!?" Umuusok ang ilong ni kaloy na napaluwa Ang malaki at bilog na mga mata nito. "Ay sumosobra ka Naman kaloy kahit ipain ka pa sa mga ASWANG ay Hindi ka pupulutin ng mga ito. Dahil kung naging baboy ka lang Hindi kana pweding gawing chicharon dahil sa TIGAS na ng Mukha mo! Tsee!!" Galit na galit na sagot ni Anastasia. "Chicharon ka diyan! Ang babaeng ito kung makapagsalita ay parang Gandang Ganda sa sarili. Pero alam mo ba? Minsan, naniniwala na ako sa Isang theory ng Isang scientist na Ang tao ay nagmula sa onggoy. Lalo na pag makikita kita Anastasia! para Kasing nanay ka ng mga onggoy at nakatakas lang sa gubat!." Sagot Naman ni kaloy. "Hoy baliw! Huwag mo Akong unahan ha!? Siraulo ka talaga ahh!" Nakapamaywang nang wika ni Anastasia. "Teka lang, bakit ba kayo nagbabangayan diyan?? Wala pa nga kayong kusina eh, nag- aaway na kayo?" Wika at Saway Naman ni Gandara. "Oh gumawa kana pareng Kaloy para may kusina na kayo ni Anastasia.." Natawang Sabi ni Alexander. At natatawa na rin sina aling bebang. "Ingudngod ko pa sa kusina Ang Mukha ng kaloy na yan ehh!" Di talaga padadaig na wika ni Anastasia. "Bakit pa Ako gagawa ng kusina? Ehh mukhang saingan na Ang pagmumukha ni Anastasia!!" Wika din ni kaloy. At napuno ng tawanan roon. "Tumahimik na nga kayo kaloy. Pasensya kana Anastasia, Sige na Kumain na kayo Gandara at sir Alexander. at ikaw din Anastasia, may naluto na akong barbecue.." Sabi pa ni aling bebang. At susunod na niluto nito ay ang tinolang manok- bisaya. Tanghali na nang makauwi si Alexander at napakasaya niya ng Araw na iyon! Para bang kumpleto ito dahil nakasama nila kanina si gandara. "Oh, Gandara. Hindi ko alam kung paano magsisimula upang mamahalin mo.." Bulong pa ni Alexander sa sarili. At parang iyon ang unang pagkakataong nakadama Siya ng ganoong feelings para sa Isang babae. Isang special na babae para sa kanya si Gandara. Pagdating niya at pagpasok sa Bahay nila ay Isang Galit na mukha ni wenona Ang kanyang nasalubong. "Bakit ngayon ka lang Xander??" Matalim Ang mga tinging Tanong nito. "Tumawag Naman Ako Kay Daddy. At ipinaalam ko na tumulong Ako sa paghahanap sa kapatid ni kaloy kagabi at sinabi ko ding doon na Ako mag almusal kina kaloy. kAya natatagalan Ako sa pag- uwi.." kalmadong Sagot ni Alexander. "Pasensya kana Xander, kanina pa Kasi Ako naghihintay Sayo ehh. umalis nalang sina Tito Lauro at inay. dinadali nila sina Ding at Ging kaya may pagkakataon na Naman Tayong DalawA ngayon mahal ko.." Sabi pa ni Wenona at napayakap ng mahigpit Kay Alexander at ito Ang unang humalik sa binata. Nakadama ng paninindig ng balahibo Ang binata nang isiping aswang Ang kanyang girlfriend at naalala niya ang nangyari kagabi. Di pa nga niya nakakausap Ang kanyang daddy tungkol dito. Napapansin Naman ni wenona na parang malamig si Alexander at di ito tumutugon sa halik nito. "Alexander.. mahal?? Bakit? May problema kaba? Parang Hindi mo yata gusto ngayon ang paghahalik ko Sayo?diba gustong gusto mo ang bagay na ito?" Nang- aakit pang wika ni Wenona. Parang pinagpawisang pasimpleng umiwas Ang binata Kay wenona. Hindi niya masisikmurang aswang Ang babaeng kanyang naging girlfriend at ang problema nito ngayon ay pati Ang daddy niya ay Hindi alam na nakikipag relasyon siya sa Kanyang step sister . "Huwag mong sabihing pinagsasawaan mo na Ako Alexander?? Huwag mo Akong sasaktan Xander dahil Ako Yung tipo ng babaeng Hindi tumatanggap ng kabiguan sa pag- Ibig. Sinira mo na Ako at kailangan mo Akong paninindigan. naiintindihan mo ba Ako ha Xander?" Galit na wika ni wenona. "Ha?? Ah no, wenona, W- Wala akong sinasabing pinagsasawaan kita.." Kinakabahan namang Sagot ni Alexander dito. "Oh, thank you Xander..hinding hindi na kita pakakawalan pa. At Hindi ko hahayaang may umagaw Sayo Mula sa akin. Magkamatayan na kung magkamatayan, akin kalang Xander at Ako ay iyong iyo din.." Parang obsessed na wika pa ni wenona. Nagulat pa ang binata nang biglang niyapos ulit Siya ng yakap ni wenona at humihingal na pinaghahalikan Siya. "Jusko, tulongan mo po Ako. Kung karma man ito ay patawarin niyo po Ako panginoon at iahon niyo po Ako sa sitwasyong ito!" Sigaw ng isipan ni Alexander. habang napipilitang ginantihan ng yakap Ang kanyang aswang na girlfriend. Samantalang Si Gandara ay tumutulong sa pagluluto kay aling Ester. At papalapit Naman sa mga ito Ang Isang dalagitang anak ni aling ester na si Dina. Nang tingnan ni Gandara Ang dalagita ay nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita! Biglang nag flashed sa paningin ni gandara Ang duguang Mukha ni Dina! "Jusko Dina! Halika nga, ikaw lang yata Ang tatay mo dito Ang Hindi ko natingnan Ang palad at nahuhulaan!" Gulat na wika ni Gandara. "Ha? Bakit po ate Gandara?" "Bakit gandara? Parang nakakita ka ng multo sa mukha ni Dina!" Sabad Naman ni aling Ester. Hinila ni Gandara Ang braso ni Dina at kinuha ang palad nito at tiningnan. "Jusko po! Huwag kang lumabas ng Bahay ngayon Dina! Dumito ka lang!" Gulat na wika ni Gandara. "Bakit nga ate?" Takot namang tanong ni Dina. Ayun sa palad nito ay Isang masamang pangyayari Ang dadaan sa Buhay nito sa kamay ng mga ASWANG Lalo na ngayong papalapit na Ang kabilogan ng buwan! Nababasa ni gandara na isa ito sa mabibiktima ng mga ASWANG!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD