YUGTO 13

1460 Words
Sa pamamahay nina Mang Dario naman. Sa pagsapit ng alas onse ng Gabi ay nagising lahat Ang pamilya ni Mang Dario. Dahil isang malakas na pagbundol ng kanilang pintuan Ang kanilang naririnig at nagpapagising sa kanilang lahat! "Wakkk.. wakk.. wakk.. " Anang mahinang tinig ng Isang wakwak sa may pintuan. Wakwak pala ang bumundol ng malakas sa pintuan ng kanilang Bahay! "Dario, akala ko ba safety na tayo dahil sa mga asin at bawang na nilagay natin sa paligid ng Bahay natin!?" Tarantang wika ni aling Ester. Nagyakapan Ang dalawang dalagitang anak ng mga ito. "Akala ko rin ehh. Sandali, Kukunin ko Ang aKing itak!" Sabi ni Nang Dario. "Nay ..." Kapwang umiyak sina Dina at Marla. "Wakk..wakk..wakk!!" Muling tinig ng wakwak at sa pagkakataong iyon ay tulak- tulak na nito ng malakas ang pintuan! "Jusko ." Nanginginig na sambit ni Aling Ester. At Hindi lang iisang wakwak Ang umaatake sa kanila ngayon, kundi Marami silang naririnig na tinig. Ang isa ay nasa likud ng bahay nila at Ang Isang tinig Naman ay nasa Likud ng dingding ng kanilang kuwarto! "Dario! Hindi lang iisang wakwak Ang nandito, Marami Sila!" Nahintakutang wika ni aling Ester. Kapwa pa Sila napasigaw nang biglang bumukas Ang pintuan ng Bahay nila dahil sa muling pagtulak ng isa o dalawang wakwak sa labas! "Ahhh!!!!" Sabay tili nina aling ester at ng dalawang dalagita. Mabilis namang kumilos si Mang Dario at pinagtataga Ang isang aswang na babaeng pumapasok! Ngunit ang isang aswang ay dumeretso kina aling Ester! Napahiyaw ang isang aswang at Galit na galit ito nang matamaan sa itak ni Mang Dario. Kaya matapang pa ring sinunggaban nito si Mang Dario kahit may sugat na ito sa balikat! Nagsigawan sina aling Ester. Nang biglang hinablot si Dina ng Isang malaking babaeng aswang na Kasama sa aswang na nakalaban ni Mang Dario. "Tay!! Nay!!" Sigaw ni Dina. "Dina!!" Sigaw Naman ni aling Ester nang malakas na hinila at dinala ng Isang malaking babaeng aswang Ang Isang anak na si Dina! Samantalang si Mang Dario Naman ay nakikipaglaban parin sa Isang aswang gamit Ang matalim nitong itak! "Dario!! si Dina tinangay ng malaking babaeng aswang!!" Umiiyak na sigaw ni aling Ester. At pati na rin si Marla ay takot na takot at umiiyak na yumakap ng mahigpit sa inang si aling Ester. Nakita nila ang mabilis na paglabas ng aswang na nakalaban ni Mang Dario dahil sa maraming sugat na nitong natamo. Pero si Dina ay tuloyang natangay ng isang kasamahang aswang na umaatake sa kanila! "Dina anak ko!!" Halos mababaliw na sigaw ni Mang Dario. Magdamag na umiiyak na lamang Ang buong pamilya ni aling Ester, dahil hindi nila na babawi Ang anak na si Dina mula sa mga ASWANG na sumalakay sa kanila. "Kasalanan niyo po ito Tay, Hindi po kayo naniwala Kay ate Gandara !! Sana ay naagapan pa natin Kasama si ate Gandara Ang masamang pangitaing nakita niya! Paano na po ito, saan natin hahanapin si Dina? At Ang tanong kung Ano na kaya ang nangyari ngayon sa kanya!!" Malakas na pag- iyak ni Marla. "Tama Pala si Gandara Dario. Nagalit pa tayo sa kanya. Anong gagawin natin Dario!!!" Patuloy na pag- iiyak ni aling Ester at namumugto na Ang mga mata nito sa magdamag na pag-iyak. Tahimik lang si Mang Dario at tila blangko Ang hitsura nito. Kinaumagahan. Nagkakagulo Ang Isang pamayanan ng Baryo manara. Isang matandang lalaking nag lapa ng Isang katawan ng dalagitang dala-dala kagabi nina aling lolita galing sa pangangaswang. Kasama ni aling lolita kagabi ang Kapatid nitong babae. At may mga sugat pang natamo ang Kapatid dahil sa pag- akyat nila kagabi sa Bahay kung saan nakatira Ang magandang manghuhula. Natangay nila Ang dalagitang anak ng inaswang nilang Bahay kagabi. At sinipsip nila ang preskang dugo nito at kinain Ang mga lamang loob at pagkatapos ay dinala pa nila Ang katawan nito kaya heto ngayon, nilapa ito ng kanilang matandang ama at Marami namang Kapit Bahay Ang nagkakagulong nakaabang sa paglapa ni Lolo Waldo upang bibili ng karne ng tao Ang mga ito. "Mang waldo! Isang kilo lang sa akin.." Nakangising Sabi ng may edad nang lalaki. "Tatlong kilo Ang sa amin Manong dahil marami kami sa Bahay!" Wika Naman ng isang namang babae. "Aba' y bakit tatlo Sayo? Baka mauubusan na kami niyan dapat tig -iisang kilo lang dahil Ang dami pang nakaabang dito!" Reklamo pa ng isang babae. "Sa akin Lolo Waldo apat na kilo po Sabi ni nanay dahil birthday ko po ngayon!" Singit Naman ng Isang dalaga. "Hoy, hoy, kahit birthday mo pa iha, hindi po yan pwedi. Tig -iisang kilo lang talaga!" Galit na Sabi ulit ng Isang babae. "Oo nga, share -share lang tayong lahat sa blessing.!" Sabi Naman ng isa na pilit sumingit sa maraming mga nakaabang. "Kami ay magtitira din para sa amin..at Hindi namin lahat ito ibebenta. ilang kilos lang ito, nasa fourty kilos lang Ang dalagitang ito.." Nakangising wika ng matandang ama Nina aling lolita. "Tay, ilaan mo ang dalawang kilo sa amin at mag- aadobo Ako pag- uwi namin ni wenona.." Sabi Naman ni aling lolita. "Oh Sige anak . At pati na si Landa, Ang Kapatid mo. Naku, Hindi pweding mauubusan iyon dahil muntik na itong mamatay sa mga sugat na natamo nito kagabi.." Sabi pa ni Lolo Waldo. "Ang takaw Naman ng mga 'to,." Pagmamaktol pa ng ibang naroroon. "Makinig kayong lahat. Alam niyo naman sigurong May mga bagong tumira sa ating napakagandang paraisong Lugar. At dalawang gabi nalang Ang natitira, kabilogan na ng buwan. At iyon na Ang pagtitipon-tipon nating lahat dahil nakagawian na nating magparty- party sa tuwing bilog Ang buwan. Noong nakaraang kabilogan ng buwan ay mga hayop sa gubat lamang Ang ating napagsasalohang lahat dahil hindi tayo nakadala ng tao sa pangangaswang natin. paubos na Ang mga Hindi aswang na nakatira sa Lugar natin at ngayong may mga baguhang dumating at tumira sa ating Lugar ay kailangang makakadukot tayo ng mga tao upang ating kakatayin sa darating na kabilogan ng buwan. Kaya sana bumawi tayong lahat at dapat magsipag sa pangangaswang sa dalawang gabing natitira .." Mahabang anunsyo ni Lolo Waldo. "Okay po Mang waldo..!" Sagot ng mga may edad na ring mga ASWANG. "Okay po Manong waldo! Sige na at Bigyan mo na kami ng Tig -iisang kilo! Para makakapagluto na rin kami. i- pochero ko nalang Ang sa akin..sarap ng lasa ng pocherong Karne ng tao!" Wika pa ng Isang lalaki. "Oh Sige, antay lang saglit.." Sagot pa ni Lolo Waldo. Isang ulo at duguang Mukha ng dalagitang si Dina Ang inilagay ni Lolo Waldo sa malaking Bandehado sa ibabaw ng mesa. kung saan naglalapa Ang matandang aswang na ama ni aling lolita. Pag- uwi Nina aling lolita sa Bahay Nina Mang Lauro at Alexander ay Wala Ang mag- ama kaya Galit na galit si aling lolita habang bitbit nito ang dalawang kilong Karne ng tao. "Inay, wala Sila rito. Maaga silang umalis.." Sabi pa ni Wenona. "Nakaka bwes*t!! Ding! Ging! Saan ba kayo!?" Tawag ni aling lolita sa kambal na adopted. Lumabas Naman si Ding sa kuwarto at kabibihis lang ito Mula sa paliligo. "Nay, ate. Nandito na pala kayo? Naligo pa si Ging sa Banyo.." Sabi ni Ding. At napatingin ito sa dala ng Ina at Kapatid na si Wenona. "Nay?? Tao na Naman po ba yan?" Nakangiwing tanong ni Ding. Kailan man ay Hindi kumakain ng tao Ang kambal dahil nasusuka Ang mga ito. Hindi pa Kasi mga ASWANG Ang kambal dahil hinihintay pa ang debut ng mga ito bago nila ito sasalinan ng kanilang pagka aswang. "Alam mo na Ding na malalapit na Ang kabilogan ng buwan at Hindi na kayo inosente pa. Sa ngayon ay pandidirihan niyo pa ito pero darating Ang Araw na hahanap-hanapin niyo na ito ni Ging. Nasaan Ang mag- amang Lauro at Alexander? Bakit Wala na Sila rito? Maaga pa ito ahh.." Galit na tanong ni aling lolita. "Ahh oo nga Pala nay, maaga silang umalis. Nasa syudad Sila at mamamalengke, paubos na raw kasi Ang stock natin. Sumama na rin po si kuya Alexander dahil may importanteng bibilhin daw ito, Pakisabi nalang daw sainyo nay, hindi kana hinintay ni Tito Lauro baka daw matatagalan pa kayo." Sabi ni Ding. At biglang nawala ang Galit sa Mukha ni aling lolita. "Ganoon ba, oh Sige na wenona, adobohin mo muna ito habang Wala pa Ang mag- ama at alam Kong masasarapan Sila ngayon sa adobo mo.." Nakangising wika ni aling lolita. "Opo nay.." Sagot Naman ni wenona. "Naku nay, huwag mo silang pakakainin ng karne ng tao. Baka po mahahalata po nila kayo ni ate Wenona.." Nag- alalang Sabi ni Ding. "Bahala Sila Ding. kung makakahalata Sila ay mapipilitan akong kakatayin Sila pagdating ng kabilogan ng buwan.." Ani aling lolita at napahagikhik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD