YUGTO 5

1626 Words
"Ano !? Maraming mga ASWANG sa Lugar na ito pare?" Ulit pang tanong ng binata sa kaibigang si kaloy na di makapaniwala. "Oo pare, yun Ang narinig ko kina nanay. kukunti lang daw ang Hindi aswang na pamilya sa Lugar na ito. Ang mga bagong lipat dito tulad sa atin ay siguradong hindi daw aswang. Nagkaproblema nga sina tatay at nanay kung paano kami makaalis ehh, Wala nang pamasahe Ang buong pamilya namin eh.." Ani kaloy. "Kailangang kausapin ko ng lihim si daddy tungkol sa isyung narinig natin.." Ani Alexander. "Oo pare, ipaalam mo sa Daddy mo Ang narinig natin.." Sang- ayon ni kaloy. "Kailangan Pala nating mag- ingat sa Lugar na ito. Sna tita lolita, alam kaya nila ang nga isyung ito? Taga dito talaga Sila pare." Ani Alexander. "Baka alam nila, di lang nila sinabi para di kayo matakot ng daddy mo. Siya nga Pala pare, Wala kabang balak magpahula sa bagong dayong babaeng manghuhula? Nagtaka Kasi Ako kung bakit Hanggang ngayon ay di parin Ako nagkaka girlfriend gusto Kong magpapahula kung makakapag- asawa pa ba Ako nito at kung sino ang mapapangasawa ko,kung maganda ba. Excited talaga Ako pare ehh!" Sabi pa ni kaloy na parang Hindi mapapalagay. Natawa si Alexander. "Oh Sige, sa sabado nalang, dalawA tayong magpapahula, dahil bukas mamasyal pa kami ni wenona. Ipasyal daw niya Ako sa tila paraisong Lugar ng baryong ito.." Wika ni Alexander. "Yay!! Grabe ang swerte mo Naman pare sa girlfriend mo, bukod sa step sister mo lang ito ay mabait din, at mapagbigay Sa'yo. Higit sa lahat maganda pa!" Sabi ni kaloy at napatawa na rin ito. "Ssshhh, Ang ingay mo baka marinig tayo ng kambal." Saway ni Alexander. Hapon na nang mapasyal si kaloy kina Alexander kaya di nila namalayang patatakip- silim na pala dahil sa maganang pag- uusap at pagkakatuwaan ng magkaibigan. "Naku pareng Alexander! Papagabi na pala, patay Ako nito, natatakot pa naman akong umuwing mag- isa kapag ganitong Gabi na Lalo na sa mga naririnig naming balita ng aKing pamilya.." Ani kaloy at napakamot na Naman sa ulo nito. Nakita nilang dumating na ang Multicab na sasakyan ng Daddy ni Alexander at bumaba na sina wenona at Ang step mother ni Alexander. Galing Ang mga ito namimili ng mga gamit at namamalengke. Sina Alexander lamang at Ang kambal Ang naiwan sa bahay. Nasa loob lamang ng Bahay Ang magkambal na sina Ding at Ging habang nalilibang Ang mga ito sa mga bagong cellphone na binili ng Daddy ni alexander. At siya Naman ay nasa labas nakikipag usap Kay kaloy, napasarap din ang usapan nila kaya di nila namalayang papagabi na pala.. "Sandali lang pareng kaloy, magpapaalam lang Ako kay Daddy at ihahatid kita diyan sa unahan lang. Pagdating natin sa unahan ay kakaripas ka agad ng takbo pauwi sa bahay niyo. At Ako ay babalik din kaagad pauwi.." Sabi ni Alexander. "Oh Sige, salamat talaga pare .." Sagot Naman ni kaloy. Nagpaalam nga si Alexander sa ama at pumayag Naman ito. "Pero Xander, Gabi na. Hindi pweding-" Hindi na tuloy ang pagsasalita ni Wenona nang magsalita Ang Ina nitong si aling lolita. "Wenona! Hayaan mo nga si Alexander, parang Hindi lalaki yang step brother mo. Basta babalik ka kaagad ha iho? Baka Kasi, masalubong mo ang... ang mga adik dito. May mga adik Kasi sa baryong ito.."Wiika ni aling lolita Kay Alexander. "Ok po tita, salamat po sa pag- alala niyo ni Wenona.." Sabi Naman ni Alexander. "Bilisan mo anak, sabay tayong Kumain.." Saad Naman ng Daddy ni Alexander. "Okay po Dad.." "Sa susunod, pauuwiin mo ng maaga yang kaibigan mong si kaloy, kung bakit nagpapagabi Ang batang yan na duwag naman pala.." napapailing na wika ni Mang Lauro. Inihatid nga ni Alexander Ang kaibigan pero dahil sa mga ibinalita ng kaibigang si kaloy na halos mga ASWANG Ang nakatira sa paraisong baryo ng manara ay Hindi kumumpyansa si alexander. Palihim nitong dinala Ang baril ng Daddy Lauro nito. "Dito Ang daan pare papunta sa bahay namin Medyo may kalayuan pa." Wika pa ni kaloy. "Sige, basta yun na ang napagkasunduan natin, pagdating natin sa kalagitnaan ng daang ito ay Hindi na Ako tutuloy pa. Tatakbo ka nalang ng deretso sa bahay niyo at Ako ay babalik narin. Hindi din Kasi pweding ihahatid talaga kita sa Bahay niyo dahil Ako nalang din Ang mag-Isang uuwi, Wala pa kaya Akong experience tungkol sa Aswangan kaya syempre takot din Ako sa aswang. Kung adik lang ay di ko Sila aatrasan dahil di sila sasantuhin nitong dala kong baril! Pero kung aswang, ay ibang usapan na yan. Hindi pa nga Ako nakakita ng aswang sa buong Buhay ko ehh.." Mahabang Saad ni Alexander. "Pareho lang Tayo pare, hindi pa din Ako nakakita ng aswang . kaya takot din Ako kung Anong Mukha ng aswang sa totoong Buhay.." Sagot Naman ni kaloy. Gamit ang flashlight ng cellphone ni Alexander ay tinanglawan nila ang daang tinatahak nila. Nang sila ay malapit na sa kalagitnaan ng daang tinatahak ay may nadaanan silang Puno ng Santol. Nabigla si Alexander nang bigla nalang tumigil si kaloy na parang takot na takot! "Pareng Xander, tigil Muna tayo." Sabi pa nito. "Bakit pare?" Nagtatakang tanong Naman ni Alexander. "Alam Kong Wala pang alas syete ng gabi, pero may nakikita Ako pare, nakita mo ba Ang nakita ko? Baka iyan na Ang isa sa mga ASWANG sa Lugar na ito.." Nanginginig at mahinang wika ni kaloy Kay Alexander. "Ha?? Bakit Ano bang nakita mo?" Kinakabahan namang Tanong ni Alexander at kinapa agad ang dalang baril sa jacket upang ihanda. "Yan oh, nasa puno ng Santol. May babaeng nakasandal at nakatingin pa nga sa atin.." mahinang Sagot ni kaloy at pinanlalamigan ng mga kamay si kaloy dahil sa takot. Nagulat pa si Alexander nang Makita ang babaeng tinutukoy nitong nakasandal sa punong Santol! At dahil Hindi pinatay ni Alexander Ang flashlight at kitang-kita nilang matalim na naka titig sa kanila ang babae! Nadaplisan lang ito ng flashlight ng cellphone ni Alexander. "Tama ka pareng kaloy. may babae ngang nakasandal sa punong Santol at Ang sama ng titig niya sa atin. Anong ginagawa niya diyan, ehh gabi na? Parang masama yata Ang babaeng yan pare.." Mahinang sabi ni Alexander sa kaibigan. "Naku pare, baka aswang talaga yan.." Ani kaloy at muling napakapit Kay Alexander. "Hehehehe!!" Hagikhik ng babae na mas Lalong ikina alarma ng magkaibigan. "M- magandang Gabi Sa'yo manang.." Pilit at Nanginginig pang bati ni Alexander. Ngunit di ito sumagot. "Mag-magandang gabi po Manang.." Si kaloy Naman. At di parin ito sumagot. Nanatiling matalim itong nakatingin sa kanilang DalawA! "Ay baka bingi, pasensyahan na natin pare.." Sabi pa ni kaloy. "Ssshhh..Ano ba pareng kaloy tumahimik ka nga, Baka Magalit Si Manang sa sinasabi mo.." Saway Naman ni Alexander at sabay siko sa kaibigan. At ganoon nalang Ang gulat nila nang biglang nawala ang babaeng nakasandal sa Puno! "Pare, bigla siyang nawala! Aswang talaga Siya pare!!" Nanindig Ang mga balahibong wika ni kaloy. Alerto namang binunot ni Alexander Ang dalang baril sa bulsa ng kanyang jacket. At kapwa Sila muling nagulat nang biglang may lumitaw sa kanilang harapan na Isang malaking Ibon ng Gabi! At pumapagaspas Ang mga pakpak nito sa kanilang harapan at gamit ang flashlight ng cellphone ay natatanglawan nila ang naglalaway na Mukha ng babaeng may buhaghag na mga buhok at halos luluwa Ang mga matang nakatingin sa kanila! "Aswanggg.!" Halos magkasabay na sigaw nina Alexander at kaloy. Pagkasigaw nila ay kaagad silang sinunggaban ng Aswang na may malaking pakpak at nakakatakot Ang itsura! Si kaloy Ang unang Hinakos ng aswang! "Aahhhh!!" Sigaw ni kaloy. "Hehehehe!!!" Hagikhik ng aswang na babae at bumaon na Ang mga kuko nito sa leeg ni kaloy dahil sa pagsakal ng aswang Kay kaloy. Pinagpawisang kinalabit Naman agad ni Alexander Ang dalang baril! Binaril niya Ang aswang na Sumakal Kay kaloy! Isang Malakas at umalingawngaw na putok ng baril Ang narinig sa buong paligid! At bumagsak Ang aswang sa lupa dahil tinamaan ito sa dibdib ng pagbaril ni Alexander! Kaya nabitawan nito si kaloy. Muntik pang matamaan din si kaloy sa pagbaril ni Alexander sa aswang. "Salamat pare!! Salamat!! Akala ko makain na Ako ng aswang!!!" Namatay Ang aswang pero bago ito binawian ng Buhay ay nakarating pa ito sa Pamamahay nito. Nagkakagulo Ang mga pamilya ng aswang na babae. At doon nila naaalala Ang panghuhula ng Isang bagong dayong babaeng dalaga na nandito sa Lugar nila! Nagkakatotoo Ang hula ni Gandara na Ang babaeng iyon ay mamamatay sa ikalawang gabi dahil sa pangangaswang nito! Dahil doon ay naniniwala na Ang mga ASWANG sa baryo na si Gandara ay talagang Isang magaling na manghuhula! At sa pagkamatay ng kanilang Kasama ay nagalit Ang mga ito Kay Aexander. Kukuha lamang ng tyempo Ang mga ito. Wala pa Naman sanang balak Ang mga ASWANG na galawin si Alexander at Ang ama nito dahil naging bagong pamilya ito ng kalahi nilang mga ASWANG! "Alexander, kailangang susundin mo Ang sinabi ko sayo. Nakapatay ka ng Isang aswang na taga rito. Kaya kailangang Hindi ka magpapagabi at Hindi ka maglalakad nang mag- iisa dahil baka gagantihan ka ng mga pamilya sa aswang na iyong nabaril!" Sabi pa ni aling lolita. At pati si Lauro ay sobrang nag-alala sa anak. "Bakit tita lolita? Totoo bang Maraming aswang Ang Lugar na ito?" Tanong ni Alexander sa step mother. "Yes Alexander. M-maraming aswang dito! Kaya mag- iingat ka, kailangang hindi ka magpapagabi kung may lalakarin ka.." Nag- alalang sabad ni wenona. "Oo iho. May mga ASWANG dito sa aming baryo.." Sagot Naman ni aling lolita. "Kaya huwag magmamatigas ng ulo Alex. Natatakot Ako at nag-alala para Sa'yo!" Wika Naman ni Mang Lauro. "Sige, may lakad pa kami ng tita mo. para sa pag- aasikaso ng bago naming negosyo ngayon.." dagdag pa ni Lauro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD