YUGTO 4

1984 Words
"Parang nagalit Sila Sayo Gandara.." Sabi Naman ni Mang Dario na Asawa ni aling Ester. Lumapit Naman ang dalawang dalagita at nakikinig sa usapan. "Tama po kayo Manang ester at Manong Dario. Talagang nagalit sila nang nabasa ko Ang isang palad ng Kasama nila na sa ikalawang gabi po ay mamamatay po ito.." Sumbong ni Gandara. "Ano?? Ay talagang Magalit sila Gandara.." Sabi Naman ni Mang Dario. "Pero totoo po ang nabasa ko po. At Siya nga Pala, ang mga titig po nila sa akin bago Sila umalis ay may mga kahulugan." Kinakabahang wika ni Gandara. "Ha?? Bakit, Anong kahulugan ng mga titig nila?" Halos sabay pang tanong ng mag-asawang Dario at Ester. "Manong Dario, Manang Ester, Nakikita ko po sa kanilang mga mata kanina na babalikan po nila Tayo ngayong Gabi.." Ani Gandara. At kapwa nanlaki ang mga mata ng mag-asawa at Ang dalawang dalagitang anak. Sa pamamahay Nina Alexander. Habang Silang lahat ay kasabay na naghahapunan ay napansin ni Mang Lauro Ang pagpapalitan ng lihim na mga ngiti Nina Wenona at ng anak na si Alexander. "Kumusta iha wenona, nagustuhan mo lang ba dito sa bahay?" Tanong pa ni Lauro sa dalagang anak ni aling lolita na pangalawang Asawa. Natigil Naman agad Ang mga ngiti ni wenona ng palihim Kay Alexander. "Ahhmm, okay lang naman Tito. Nagustuhan ko talaga dito.." Seryoso pang sagot ni Wenona. "Kayo Ging, okay lang ba din kayo ni ding dito?' Tanong Naman ni Lauro sa mga guwapong magkambal. "O- okay lang naman kami dito Tito " Sagot Naman ng magkambal. "Narinig mo mahal? Okay lang talaga ang mga anak mo dito. Dahil Hindi na kami maghihirap pa dahil dumating ka sa buhay namin.." Sabad pa ni aling lolita. Ang malaki at may katabaang babae. Natuwa Naman si Mang Lauro sa narinig. "Salamat kung ganoon. At Ikaw anak, kamusta ka? Naging busy Kasi kami ng tita lolita mo nitong mga nakalipas na Araw. Dahil sa bagong pinagkaabalahang negosyo sa syudad at sa proper ng baryo. Sana wala kanang ginagawang kalokohan.." Deretsong wika ng Daddy ni Alexander. "Daddy Naman. Ano namang kalokohan Ang gagawin ko dito?" Sabi pa ni Alexander. "Alam mo na Ang ibig Kong Sabihin Alexander.." Agad na Sagot ni Mang Lauro. Saglit na nakatinginan sina Alexander at Wenona. kanina Kasi ay Hindi nila napigilan ni wenona Ang mga sarili nila. Dahil din sa laki ng pagkakagusto ni wenona Kay Alexander ay nagpaubaya ito kaya may nangyari sa kanila ng dalaga sa loob ng kuwartong inookupa nito. Medyo namula pa si wenona. Sino ba Kasi ang Hindi madadala agad sa binata, bukod sa Moreno din ito ay macho gwapito din ito at may katamtamang height din. Idagdag pa na Ang lakas nitong dumiskarte. Sumapit Ang Gabi. Hindi na mapapalagay ang pamilya ni Ester pati na din si Gandara dahil babalikan Sila ngayon ng mga ASWANG na nagpapahula kanina Kay Gandara. "Anong Oras na??" Tanong pa ni Mang Dario. "Tay, alas otso na po.." Sagot ng dalagitang si Dina. "Gandara, wala naman eh. Sabi mo babalik Yung mga ASWANG ngayon,bmatutulog na Ako .." Sabi ni Mang Dario at tumuloy na sa munting kuwarto nila ni aling Ester. "Pasensya kana Kay Dario Gandara.." Wika ni aling Ester. "Okay lang po Manang Ester.." Sagot ni Gandara. "Pero naniniwala kami Sayo ate Gandara dahil nahuhulaan niyo po ang pinagdaanan ng buhay namin.." Sabi Naman ni Marla. "Oo nga..ate gandara.." Sagot Naman ni Dina. "Salamat Marla at Dina.." Ani Gandara sa mga dalagita. "Sana huwag kang magalit Gandara. Matagal ko na itong gustong itanong Sa'yo.." Ani aling Ester. "Bakit po? Ano pong itanong niyo sa akin Manang Ester?" "Diba alam mo nang pugad pala ng mga ASWANG Ang Lugar na ito? Bakit ka nag-iisang nagpunta rito? Ano ba talagang mission mo rito?" Tanong ni aling Ester na ikinatigil ni Gandara. "Wala na po aKong pamilya. Maliit palang po ako ay iniwan na kami ng aKing tatay dahil sumama ito sa ibang babae at iniwan Ang aking inay. Nang umalis si tatay ay hindi kinaya ni inay at namatay ito sa kalungkutan.." Simulang panalaysay ni Gandara at pinahid wng kunting luhang kumawala sa mga mata. "Naku sorry Gandara, naalala mo tuloy dahil sa mga pag-uusisa ko.." Sabi naman ni aling Ester. "At nang mamatay Ang inay namin ay naiwan kaming apat na magkapatid. Ako yung panganay, Sii Lola nalang Ang nag-aalaga sa amin. Nahirapan si Lola dahil qng bunso Kong kapatid na kambal ay Isang taon palang Sila, kaya napilitang ipa adopt ni Lola ang kambal Kong kapatid sa kanyang kakilala. At Ang Isa Kong kapatid na babae ay nagkasakit ito at namatay. Kaya Ako nalang Ang natitira at naisipan ni lolang kunin Ang kambal Kong kapatid na pina adopt niya kaya lang laking dismaya namin nang Malaman naming ebininta ng kakilala ni Lola Ang kambal. At Sabi nito ay ang nakabili ng kambal Kong kapatid taga rito daw sa baryong ito. Nandito po sa paraisong baryong ito Ang aKing kapatid na kambal, sila po ay mga lalaki.." Mahabang salaysay ni Gandara. Halatang nagulat sina aling Ester sa sinasabi ni gandara. "Ano!? Pero baka kinain na ng mga ASWANG ang Kapatid mong kambal gandara! Jus MiO, kawawa Naman Ang kambal mong kapatid.." Ani aling Ester. "Hindi po, damang-dama ni Lola corazon noong buhay pa siya na buhay ang kambal Kong kapatid. At ngayong naisalin na sa akin ang Kakayahan ng Lola ko ay damang dama ko ring Buhay ang mga kapatid Kong magkambal. Wala na si Lola at nag- iisa nalang Ako ngayon sa Buhay. Hindi ko alam kung nasaan ang tatay ko pero alam Kong buhay din ang tatay ko pero Hindi ko na pinangarap na Makita pa ang aKing ama. Ang tanging pag- asa ko nalang ngayon ay Makita at mabawi Ang kambal Kong kapatid. Iyon ang aking mission dito. Nasa kamay ng mga ASWANG Ang aKing mga kapatid. Ayun sa aKing nahuhulaan ay mahal ng pamilyang aswang Ang aking kambal na kapatid dahil Ang pamilya raw'ng ito ay di biniyayaan ng anak na lalaki Mula sa mga kapatid at mga pinsan ay wala silang lalaking anak kaya mahal nila ang Kapatid Kong kambal at di Nila ito biniktima.." Muling dagdag ni Gandara. "Kawawa ka naman pala ate Gandara. Sana Makita mo ang mga kapatid mo para di kana mag iisa sa buhay.." Wika pa ni Marla. At biglang natigil Ang kanilang pag-uusap nang biglang tumahol Ang aso nina aling Ester at sumunod Ang nakakapanindig na balahibong alulong ng aso. kasabay ng Isang kaluskos ng dingding Ang narinig nila! Yari lang kasi sa dahon ng niyog Ang dingding ng bahay nina Aling Ester. "Naku po! Nay, ate Gandara.." Sabay na wika Nina Marla at Dina. "Ssshhh. Manang Ester, nandito na Sila. Kararating lang nila. Uminit ang aKing kuwentas.." Mahinang wika ni Gandara. "Jusko, Sandali at pupuntahan ko si Dario.." Mahinang Sagot ni aling Donna. At napayakap Kay Gandara Ang mga dalagita nang patuloy na nag- iingay Ang kaluskos ng dingding ng Bahay. "Wakkk! Wakkk! Wakkk!" Biglang narinig nilang Galit at matapang na tinig ng wakwak sa labas ng dingding! "Dina, Marla! Nasaan ang mga itak niyong inihanda!?" Nanginig na tanong ni Gandara. "Nandito na po sa amin ate heto po oh. Kaya lang takot parin kami!" Sagot naman ni Dina. Alerto namang lumabas ng kanilang kuwarto sina Mang Dario at aling Ester. May hawak- hawak na ring matatalim na itak si Mang Dario. Kapwa namilog ang kanilang mga mata nang may kaluskos din sa bobongan ng Bahay! "Tikk! Tikk! Tikk!" Anang tinig Naman ng TikTik sa ibabaw. "Hindi. totoo nga palang sinasabi mo Gandara!" Gulat na wika ni Mang Dario habang tumingala sa ibabaw ng bobongan. "Marla, akin na ang itak mo.." Ani Gandara. "At Sa'yo din Dina anak. Ibigay mo din sa akin ang itak mo. para matulongan ko ang tatay niyo at si Gandara.." Sabi Naman ni aling Ester. Mas Lalong nagalit Ang tinig ng wakwak dahil narinig nito ang mga paghahanda nila. Nakita nilang unti-unting binutas ng wakwak Ang dingding ng bahay na gawa sa dahon ng niyog at sinabayan ng galit na tinig nito. "Wakk! Wakk! Wakk!" "Nay, Tay! Tingnan niyo po! unti-unti binutas Ang dingding natin!" Nasisindak na wika Nina Marla at Dina. "Tikk! Tikk! Tikk! Hehehehe!!" Muling tinig din ng tiktik sa Ibabaw at humahagihik pa ito. Unti- unti ding binutas ng tiktik Ang bobongan ng bahay Nina Aling Ester. Ilang sandali lang ay Isang mabalahibong kamay ang lumabas mula sa butas ng dingding at malakas na sinira at pinaghahablot ng mabalahibong kamay ng aswang Ang mga dingding ng bahay kaya lumaki ng lumaki Ang butas nito! "Mga kampon ng dilim!! Umalis kayo dito! Wala kaming kasalanan sainyo!" Matapang na sigaw ni Gandara. "Gandara, bantayan niyo sa ibabaw ng bobong ni Ester, baka makapasok ang tiktik at tatalon dito sa loob! Ako nama'y lalapit at babantayan ko ang pagpasok ng wakwak na nagbutas ng dingding! " Matapang ding wika ni Mang Dario at inangat at hinanda na nito ang matalim na itak. "Sige po!" Sagot naman ni Gandara. Lumaki na Ang butas ng dingding at Ang bobongan Naman ay unti unti na ring lumaki ang pagbutas na ginawa ng tiktik. Kapwa nakatingala sina aling Ester at Gandara sa ibabaw at si Mang Dario naman ay lumapit at nakaabang sa wakwak sa pagpasok nito sa malaking butas. Napasigaw Ang lahat nang biglang pumasok sa malaking butas ng dingding Ang Isang babaeng nanlilisik ang mga mata at nagsitayuan Ang mga buhok! May Mahaba at mabalahibong kamay na may matutulis at Mahabang kuko! "Aswang!!" Gulat na sigaw din ni Mang Dario at agad siyang sinunggaban ng aswang kaya mabilis namang tinaga ni Mang Dario Ang aswang sa hinahawakan nitong matalim na itak! "Aaaaggghh!!" Hiyaw ng aswang na babae. Natamaan ito sa braso ng matalim na itak ni Mang Dario kaya mabilis na lumabas Ang aswang muli sa malaking butas ng dingding. Ang tiktik Naman sa bobongan ay tumalon ito Mula sa ibabaw nang nabutas na ring bobongan kaya nagkagulo din sina Gandara at aling Ester at Ang dalawang dalagita. Isang lalaki ito at nakasuot ng puting damit na may di kaaya- ayang mukha! mahaba at matatalim din ang mga kuko nito. At lumabas Ang mahabang dila nito na handang tumuklaw sa Ano Mang Oras! Matapang ito at nanlilisik din ang mga matang nakatingin sa kanila. Sa Isang kisap-mata ay biglang humaba pa Lalo Ang dila nitong naglalaway puntirya Kay Marla! Mabilis namang kumilos si Gandara at tinaga Ang Mahabang dila ng aswang na tiktik! At si aling ester naman ay na shocked at di ito makakilos nang tagain ni gandara Ang Mahabang dila ng tiktik! "Aaaaggghh!!" Hiyaw ng tiktik ngunit matapang parin ito at di tumakbo. Kahit may sugat na Ang dila nito ay Galit itong bumaling Kay Gandara at susunggaban na sana Si Gandara nito nang biglang tinaga din ito ni Mang Dario. Kaya muli itong napahiyaw at tila hangin lamang na biglang lumabas sa malaking butas ng dingding! "Ester at mga anak ! Okay lang ba kayo!?" Nanlalambot ang tuhod na tanong ni Mang Dario. "Gandara! Okay ka lang ba? Di ba kayo na paano!?" Tanong ni Mang Dario. "O-opo Manong Dario.." Sagot ni Gandara. At napayakap sina aling Ester at Ang dalawang dalagitang anak nila kay Mang Dario dahil sa takot ng mga ito. Kinabukasan. Napasyal muli si kaloy kina Alexander. "Pare, may balita Ako Sayo!" Humihingal na wika ni kaloy nasa labas Sila ng Bahay sa bakuran. "Ano 'yan pareng kaloy?" Takang tanong ni Alexander. "Usap- usapan ngayon ni nanay at tatay na may Isang bagong dayong babae daw na nanghuhula ng kapalaran! At inaswang raw Ang mga ito kagabi dahil mga ASWANG daw ang nagpapahula rito kahapon pare. At nagalit Ang mga ito sa babaeng manghuhula, kaya binalikan Sila kagabi ng mga ASWANG!" Natatakot na sumbong ni kaloy. "What!? Inaswang Sila?" "Oo pare, alam mo ba? Maraming aswang daw sa Lugar na ito pare." Muling wika ni kaloy at ibinulong iyon kay Alexander.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD