YUGTO 6

1927 Words
Umalis nga Ang Daddy ni Alexander at Ang step mother dahil sa bagong negosyo ng mga ito. Naiwan Naman sina Wenona, Alexander at Ang kambal sa Bahay. "Ding, Ging.. pasyal muna kayo kina tita dahil namimiss kayo ni Tita Landa.." Wika ni Wenona sa magkambal para makapagsolo Sila sa Bahay ni Alexander. Mahal na mahal Kasi ang kambal sa buong pamilya ni aling lolita dahil ito lang ang dalawang lalaking pamangkin ng mga kapatid ni aling lolita dahil pare mga babae Ang nga anak ng mga ito. "Tinatamad po kami ate ehh, At Saka nag -enjoy lang kami sa mga bago naming cellphone.." Sagot ni Ding Kay wenona. "Ahhmm.. Ding, Ging, magmeryenda kayo doon. Heto, bibigyan ko kayo ng pera.." Sabi Naman ni Alexander at iniabot Ang 300 pesos sa magkambal. "Ay okay po kuya Xander!! " Masiglang Sagot ni Ging at tinanggap Ang Pera. "Halika na Ding!" Hila naman ni Ging. "Sandali nga, bakit ba kuya Xander at ate Wenona?? Nagdududa na po ako sainyo.." Parang galit na sabi ni Ding. "Hoy Loko, tumahimik ka nga at itikom niyo ang bibig niyong dalawa!" Galit namang wika ni Wenona. Walang nagawa Ang magkambal at umalis nalang upang magmeryenda sa baryo proper. Pagkatalikod ng kambal ay agad na siniil ng mga halik ni Alexander Ang dalaga. Buong puso namang tinugon iyon ni wenona dahil mahal na mahal ni wenona Ang binata kaya nga ipinagkaloob niya agad ang kanyang p********e Kay Alexander. "Xander, may itatanong lang Ako Sa'yo.." Humihingal pang wika ni Wenona pagkatapos nilang maghalikan. "Yes, ano iyan wenona mahal ko?" Tanong Naman ni Alexander. "Mamamahalin mo parin ba Ako halimbawa kung may malalaman ka tungkol sa aKing pagkatao?" Tanong ni wenona. "Ha?? Bakit, may tinatago kapa ba sa akin?" Tanong Naman ni Alexander. "Ahh, w-wala naman, halimbawa lang naman ang sa akin. Kung mamahalin mo pa rin ba Ako kahit sino pa Ako.." "Ahh.. ganoon ba. syempre, Love na love kita ehh ." Sabi pa ni Alexander pero ang totoo ay isa lang si Wenona na biktima sa kanyang pagka playboy. "Oh thank you Xander, i love you so much." Ani Wenona at napayakap ng mahigpit sa binata. Samantalang Si Gandara ay dumami Ang mga costumer nitong taga baryo upang magpapahula. May mga hindi naman aswang pero kadalasan ay mga ASWANG talaga ang nagpupunta Kay Gandara upang magpapahula. Mula Kasing naging totoo Ang hula ni Gandara sa isang babaeng aswang na ito ay mamamatay sa ikalawang gabi ay naniwala na ang ibang mga ASWANG sa baryo. Pero syempre, natatakam din ang mga ito kung paano bibiktimahin si Gandara at Ang pamilyang tinutuloyan nito. Naramdaman din kasi ng mga ito na may pangontra sa kanila si Gandara. Parang makukuryente Ang mga ito kapag mahahawakan o mga dadaiti lamang sa balat nila ang kuwentas na suot ng dalagang manghuhula. Pasilip- silip pa si kaloy sa likod ng mga halamang nasa bakuran ng Isang Bahay kung saan tumutuloy Ang babaeng manghuhula ng kapalaran. Nakita Naman ni kaloy na may mga tao sa labas ng nasabing Bahay ng mag-asawang ester at Mang Dario.kaya bumalik si kaloy sa unahan kung saan naroon si Alexander. "Pareng Alex, may mga taong nagpapahula. Kaya maghintay muna tayo at magtago dito. Baka Ang iilan sa kanila ay mga ASWANG at makikilala ka ng mga ito na siyang nakabaril sa babaeng nangaswang sa atin. Naku, lagot tayo.." Sabi pa ni kaloy sa Kay Alexander. "Ganoon ba. Sige, hintayin muna natin Ang pag- alis ng mga tao. Baka mga ASWANG iyan at talagang delikado Ako. Hindi naman Ako nagbigay ng kumpyansa at may dala dalang baril Ako ngayon.." Sagot Naman ni Alexander. "Excited na talaga Akong Malaman pare kung Anong kapalaran ko at kung makakapag-asawa pa ba Ako nito. Sa edad Kong ito ay Hindi pa talaga Ako nakaranas ng girlfriend ehh ." Nakangising wika ni kaloy. "Malalaman mo na ngayon pare na maging matandang binata ka pala ." Natatawang biro ni Alexander. "Ay huwag Namang ganyan pare, parang di mo naman Ako kaibigan. Kung Ikaw ay nagsasayang ng mga chicks ay Ako Naman ay Hindi ganoon. Faithful itong magmahal pare at napakaswerte ng babaeng magiging Asawa ko." Sabi pa ni Kaloy. "Ehh kung si Anastasia nalang kaya pare.." "Ha? Sinong Anastasiang pinagsasabi mo?" "Nakalimutan mo ba, yung dalagang napadaan at napakaganda pag nakatalikod pero mukhang segbin pala kapag nakaharap, yun si Anastasia!" Natatawa namang Sabi ni Alexander. "Ayy huwag ganyan pare, kahit ganito lang itong Mukha ko ayaw ko talaga sa Anastasyang iyon!" Sagot Naman ni Kaloy at napahalakhak pa ito. "Hoy !! Kailan man ay di rin kita magugustohan kaloy!! Ang kapal ng Mukha mo!" Biglang sabad ng Isang tinig ng babaeng nasa likuran na pala nila. Kapwa Nagulat Ang magkaibigang Alexander at kaloy at napasigaw pa si kaloy nang malingunan nila ang dalagang may makakapal at nagsasalpukang mga kilay! Mukhang aswang ito at parang gusto silang susunggaban nito sa mga Oras na iyon dahil sa Galit nito! "P-pasensya kana Anastasia! H- huwag, huwag mo kaming aswangin!" Takot na wika ni kaloy at sumiksik Kay Alexander. "Ano kaba kaloy, bakit kaba sumiksik sa akin..?" reklamo Naman ni Alexander. Mas Lalong nagalit si Anastasia sa narinig na pinagkamalan siyang aswang ni kaloy. "Hoy! Hindi Ako aswang baliw! Baka nga Ikaw itong aswang ehh!! Kakasaasar kana ah, grrrrrr!!" Ani Anastasia na halos lumuwa nang mga mata sa sobrang Galit nito. Para namang nahimasmasan si kaloy sa takot. "S-sigurado kaba? Hindi ka pala aswang??" "Takot nga Ako sa aswang, tapos ngayon, pagkamalan mo pa Akong aswang? segbin pa ang tingin niyo sa akin!? Alam niyo bang muntik na nga akong mabiktima sa aswang! pareho kayong mga siraulo !" Hindi na paaawat na dagdag na wika ni Anastasia. "Sorry Anastasia,vsorry talaga, joke- joke lng kaya namin yun diba Pareng Kaloy?? " Seryoso nang hinging tawad ni Alexander. "Oo Anastasia, kaya pasensya kana.." wika Naman ni kaloy. Para namang nawala agad ang Galit ng babae. "Oh Sige, dahil humingi kayo ng sorry sa akin Lalo kana pogi, okay lang.." Biglang napangiti naman ng matamis si Anastasia at nagpapacute ito Kay Alexander. "Ay mukhang bakekang Ang babaeng ito ." Mahina pang wika ni kaloy. "Anong Sabi mo!?" Muling nagsalpukan Ang mga kilay ni Anastasia na nakatingin Kay kaloy. "Wala, Wala Anastasia! " Napapangising Sagot ni kaloy. "Saan ka Pala Anastasia, Bakit nandito ka rin?" Tanong ni Alexander. "Gusto kong magpapahula kung Anong kapalaran ko, may babaeng dayo Kasing nanghuhula daw ng kapalaran. Nandiyan daw nakituloy sa Bahay na yan.." Nakapamaywang na wika ni Anastasia. "Ay magpapahula ka rin pala? Ganoon din kami Anastasia, kaya lang may mga tao pa, kaya dito muna kami, hihintayin naming makaalis na Ang mga tao bago kami tutuloy.." Sabi ni kaloy. "Ganoon din Ako, natatakot ako sa mga taga rito,puro- puro aswang Sila. Parang gusto ko na ngang uuwi sa amin pagkatapos Kong magpahula, hindi Ako taga rito, bumisita lang Ako dito sa aking tita at Tito dahil kalilipat lang nila sa Lugar na to. Huli na nang malaman nilang marami palang aswang sa Lugar na to. At balak din nilang aalis rito sa susunod na Linggo. Lagi Silang nakahanda kapag Oras ng gabi baka biglang aatake sa bahay nila ang mga aswang.." Mahabang Saad ni Anastasia. "Hindi rin kami taga rito Anastasia, sana makumbinsi ko si daddy na aalis agad kami sa Lugar na ito." Sagot Naman ni Alexander. "Ang naririnig Ko mula sa ibang dayo rito ay kapag papalapit na raw Ang kabilogan ng buwan ay magtitipon- tipon Ang mga ASWANG at magpupulong Ang mga ito kung paano Sila makakabiktima ng tao, upang kakatayin tuwing kabilogan ng buwan.."Sabi ni Anastasia. "Ano!?" Sabay gulat na sambit ni Alexander at kaloy. "Oo, alam niyo bang maraming dayo na Ang kinakatay daw sa Lugar na ito? Kapag aabot daw ng Isang buwan Ang dumadayo dito o mahigit sa Isang buwan ay gagawa na Ang mga aswang ng hakbang kung paano ka talaga nila mabiktima. pero kapag bagong dating ka rito ay pasasanayin kapa nila at kunwari ay Ang bait bait nila, yun pala ay natatakam na pala Sila ng lihim sa'yo. Pero depinde din sa Isang aswang kung makasalubong ka nilang nag-iisa ay bibiktimahin ka talaga nila.." Muling Sabi ni Anastasia. "Ay kinikilabutan naman Ako sa mga sinasabi mo Anastasia. Pare, diba taga rito talaga ang bagong napapangasawa ng daddy mo? Naku! Baka mga ASWANG Ang nasa Bahay niyo pare!" Namumutlang wika ni kaloy. "Ano!? Pero hindi Naman siguro Sila mga ASWANG.." depensa Naman ni alexander. Ayaw niyang mag- isip Siya ng Hindi maganda sa bagong Asawa ng kanyang daddy at kina wenona. "Anong Sabi mo kaloy? Taga rito talaga ang bagong napapangasawa ng Daddy niya.?" Nagulat pang tanong ni Anastasia. "Oo bakit Anastasia??" Tanong ni Alexander na tuloyan nang kinabahan. "Lagot kang Bata ka, malaking posibilidad na mga ASWANG Sila pogi.." Nanlaki ang mga matang wika ni Anastasia na tiningnan si Alexander. "Teka, huwag mo nga akong takutin! Wala sa Mukha nilang mga ASWANG Sila.." parang nainis na Sagot ni Alexander Kay Anastasia. "Ano kaba Naman pare, wala yan sa Mukha Tingnan mo nga si Anastasia, Akala natin aswang, Yun pala ay Mukha lang pala niya ang mukhang As-" Hindi natuloy ni Kaloy Ang sinabi nang bigla siyang sampalin ni Anastasia sa Mukha. "Aray ko! Bakit kaba nananampal!?" Galit pang tanong ni kaloy. "Tanungin mo ang sarili mo! nakakabuwis*t ka!" Singhal Naman ni Anastasia. Samantalang Si Gandara ay nakahinga ng maluwag nang umalis na Ang mga nagpapahula sa kanyang mga ASWANG. "Ano Gandara? Anong na obserbahan mo sa kanila?" Tanong ni Mang Dario at nakasunod na lumapit na rin kaagad si aling Ester. "Oo nga Gandara." si aling Ester na halatang kinakabahan na Naman. "May masama silang balak sa akin, nabasa ko sa kanilang nga tingin kanina. At Saka manang Ester at Manong Dario.. huwag niyong pa labasing mag- isa sina Marla at Dina dahil may masamang balak ang mga ASWANG sa DalawA niyong anak.." Pagpapahanda pa ni Gandara sa mga magulang nina Marla at Dina. "Ano!?" Sabay gulat na bulalas ng mag-asawa. "Oo manang ester at Manong Dario.." Ani Gandara. Natigil Ang pag- uusap nila nang may biglang bagong mga dumating. "Tao po! Tao po! Magandang tanghali po!" Tawag pa ng isa sa tatlong mga bagong dumating na nasa labas ng Bahay. Mabilis namang sinilip ni aling Ester Ang mga bagong dumating pagkatapos ay nilabas niya Ang mga ito.naramdaman Naman ni gandara na Hindi mga ASWANG Ang mga bagong dumating. "Magandang tanghali din sainyo. may kailangan ba kayo?" Tanong ni aling Ester kahit nasa isipan na nito na posibleng magpapahula Ang mga ito kay gandara. Kinabahan si aling Ester dahil Ang dalawang Kasama sa isang guwapong lalaki ay parang mukhang mga ASWANG Ang mga ito. "Magpapahula po sana kami.." Sabi pa ni kaloy. "Oo Ali, magpapahula kami sa isang babaeng manghuhula na bagong dayo sa Lugar na ito.." Sabi Naman ni Anastasia. "Kung pwedi po, At tatlo lang Naman kami.." napangiting wika din ni Alexander. "Ahh..oh Sige, medyo pagod pa Siya dahil sa Dami ng hinulaan niya kanina pero alam Kong Hindi Siya tatanggi. Tatlo lang Naman kayo.sandali at tatawagin ko Siya sa loob..maupo Muna kayo diyan.." Sagot Naman ni aling Ester at ininguso Ang upuang yari sa kawayan. "Sige po salamat.." Sagot ni Alexander. Muling pumasok si aling Ester sa loob ng Bahay. "Ano gandara, aswang ba Sila? Ang dalawang Kasama ng guwapong lalaki ay nasisiguro Kong aswang Ang Dalawa dahil sa mga Mukha nila. nahuhulaan ko.." Sabi pa ni aling Ester. "Hindi Manang, walang aswang sa kanilang tatlo.." Sagot Naman ni gandara. "Ay sorry..Akala ko aswang Ang Dalawa.." Medyo natawang wika ni aling Ester.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD